SIMULA
Starnberg, Germany.
“Dito ka lang, Xanthe ha? Tatawagan ko lang ang daddy mo.”
Natigil sa paglinga sa paligid ng Munich Airport si Xanthe nang magsalita ang Tita Sonia niya. Sa kapal ng jacket na suot niya ay ramdam na ramdam niya pa rin ang ginaw sa bansang Germany kung saan nakatira ang totoong tatay niya. Puting-puti ang paligid dahil sa snow at talaga namang sobrang lamig.
Isang buwan na ang nakalipas simula noong lapitan siya ni Tita Sonia at nagpakilala na matalik na kaibigan ng kanyang ina.
Ang alam ni Xanthe ay isang sikat at beterana na aktres ang kanyang ina pero sa kasamaang palad ay bigla na lamang itong nasawi dahil sa depresyon isang buwan matapos siya nitong ipanganak.
Pinagpasapasahan siya ng mga kapatid ng kanyang ina hanggang sa naubos ang naiwang yaman ng ina at wala ng gustong kumalinga sa kanya. Hanggang sa napunta siya sa isang matanda at malayong kamag-anak ng kanyang ina pero dahil sa katandaan ay namatay ito noong sampung taong gulang pa lang si Xanthe. Bago namatay ang matanda ay ipinagkatiwala siya nito sa anak nitong byuda pero tatlo ang anak at lahat ay puro panganay. Disisyete anyos na siya ngayon at noong isang buwan lang siya tuluyang nakaalis sa poder nito dahil binenta siya nito sa Tita Sonia niya.
Pilit na ngumiti siya at niyakap ang sarili bago ipinagpatuloy ang paglinga sa paligid ng airport. Hindi akalain ni Xanthe na may darating pang swerte sa buhay niya dahil itinuturing na niyang malas siya simula noong isinilang pa lang siya.
Dahil sa kanya ay namatay ang kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng mga tiyahin niya ay aksidenteng nabuntis ang kanyang ina ng isang German at wala itong balak na panagutan ang kanyang ina. Kung hindi raw nagpumilit ang kanyang ina na ipagpatuloy ang pagbubuntis nito ay hindi raw sana masisira ang career nito na naging dahilan kung bakit ito na-depress at namatay.
Kaya naman laking tuwa niya nang dumating sa buhay niya ang Tita Sonia niya dahil inalis siya nito sa poder ng Tita Elvie niya na walang ginawa kung hindi ang alilain siya.
Ang Tita Sonia niya ang tumulong sa kanya na pasukin ang mundo ng showbusiness. Tinulungan siya nito na mag audition sa kung saan-saan at ipinasok bilang model ng damit at kung anu-ano pa. Noong isang linggo lang ay nakahanap ito ng paraan para makakuha ng raket para sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit sila nandito sa bansang Germany ngayon. Sa dami ng nag audition ay isa siya sa mga maswerteng napili para maging model ng isang sikat na sikat na brand ng damit dito Germany. At hindi lang iyon ang balak nila sa pagpunta sa bansang ito. Nangako rin ang Tita Sonia niya na ipapakilala siya nito sa kanyang totoong ama!
Syempre ay wala nang mahihiling pa si Xanthe sa biglaang swerte na dumating sa buhay niya. Excited na excited siya kaya naman kahit na sobrang tagal ang byahe sa eroplano para makarating sila sa Germany ay hindi man lang niya nagawang matulog dahil sa sobra-sobrang excitement.
“Xanthe! Halika na! Nandito na ang sasakyan na susundo sa atin papunta sa hotel!”
Muling natigil si Xanthe sa paglinga sa paligid nang bumalik ang Tita Sonia niya. Ngiting-ngiti ito kaya hindi na niya napigilan pang mag usisa. Gano’n na gano’n ang ekspresyon sa mukha nito sa tuwing matatanggap siya sa kung saang gig sa Pilipinas.
Gusto sana siya nitong pag-aralin pero siya na mismo ang tumanggi dahil ayaw niya na maging pabigat dito dahil sa takot na ibalik siya nito sa Tita Elvie niya.
“Kamusta po, Tita Sonia? Nakausap n’yo po ba si Daddy?” Ngiting-ngiti at excited na usisa niya nang nasa sasakyan na sila.
“Ha? Ah! Oo naman, Xanthe! Sinabi ko na sa kanya na nandito na tayo sa Germany at nangako siyang pupuntahan ka niya sa hotel kung saan tayo tutuloy para makita at makilala,” nakangiting sagot nito. Parang tumalon ang puso niya sa sobra-sobrang excitement na nararamdaman. Wala tuloy siyang ginawa kung hindi ang magpasalamat sa Diyos dahil sa mga blessings na dumarating sa buhay niya.
Inabot din ng halos isang oras ang naging byahe nila papunta sa hotel kung saan sila pansamantalang tutuloy bago ang photoshoot. Pagdating doon ay agad na nagbilin ang Tita Sonia niya tungkol sa gagawing photoshoot mamayang gabi.
“Kung ano ang iuutos sayo ng mga tao doon ay iyon lang ang gagawin mo ha, Xanthe? Baka mamaya ay mag inarte ka pa doon ha? Malaking break ito para sa gusto mong simulan na career sa showbiz!”
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. Kahit siguro pagsuotin siya ng sandals na may sobrang taas na takong ay hinding-hindi siya magrereklamo!
“‘Wag po kayong mag-alala, Tita Sonia. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Gagalingan ko po ang pag momodel!” Ngiting-ngiti at kampante na bulalas niya. Tumango lang ito at saka nginitian siya.
Pagkatapos nilang kumain ay binigyan siya nito ng limang oras para magpahinga at matulog. Ang sabi ng Tita Sonia niya ay kailangan niya raw na mag beauty rest para fresh na fresh ang beauty niya mamayang gabi.
“Siya nga pala, Xanthe. May lalakarin pala ako mamaya. Naghahanap pa kasi ako ng ibang gig mo dito sa Germany dahil sayang naman ang pagpunta natin dito kung hindi masusulit!”
Kakatapos niya lang na mag shower dahil pinaligo na muna siya nito bago matulog para daw mamaya ay hindi na niya kailangan pang maligo dahil mas lalamig pa ang klima sa gabi.
“Talaga po, Tita Sonia? Ibig pong sabihin ay hindi lang tayo aabutin ng isang linggo dito sa Germany kundi matatagalan pa?” Excited na tanong niya. Sunod-sunod na tumango ito.
“Oo, Xanthe! Baka abutin ka pa ng isang buwan dito kung magugustuhan ka ng magiging kliyente mo!” Nakangiting sagot nito. Kumunot ang noo niya at biglang nalito sa mga sinasabi nito. Gusto sana niyang mag usisa pa tungkol sa kliyente na sinasabi nito pero lumapit na ito sa kanya at inabot ang isang baso na may laman na kulay green na juice.
“Inumin mo para mas lalong sumarap ang tulog mo,” nakangiting sambit nito kaya walang pagdadalawang isip na ininom niya ang juice at ilang sandali lang ay dinalaw na nga siya ng antok at tuluyang nakatulog.
Nagising si Xanthe sa isang malakas na alarm sa buong kwarto. Nang mapatingin siya sa oras ay nakita niyang saktong limang oras nga ang naging tulog niya. Tinatamad pa sana siyang bumangon pero nahihiya siya sa Tita Sonia niya dahil baka mamaya ay handa na ito para sa lakad nila pagkatapos siya ay hindi pa.
Pagbangon niya ay nakita niya agad ang isang note sa side table. Mukhang galing iyon sa Tita Sonia niya kaya agad niyang binasa ang nakasulat.
To Xanthe,
‘Wag mo na akong hintayin at magbihis ka na agad pagkagising dahil may susundo sayo dyan na taga agency. May lalakarin lang ako. Susunod ako sayo doon.
PS.
‘Wag mong kalimutan ang mga bilin ko. Sundin mo ang lahat ng ipapagawa nila sayo. Goodluck, anak kong maganda!
Napangiti si Xanthe matapos mabasa ang note galing sa Tita Sonia niya. Sa halip na sabayan siya nitong magpahinga ay mas pinili pa rin nito na asikasuhin ang susunod na gig niya. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat niya sa Tita Sonia niya kaya wala siyang gagawin na hindi nito magugustuhan.
Mabilis na nag half bath at nagbihis si Xanthe. May binili na kulay pula na bodycon dress ang Tita Sonia niya bago sila lumipad papuntang Germany kaya iyon ang napagdesisyunan niyang suotin papunta sa venue kung saan gaganapin ang photoshoot.
Naisukat na niya ang dress na ‘yon pero pakiramdam niya ay mas naging maganda pa ang fit nito sa katawan niya ngayon.
Halos kakatapos lang ni Xanthe na magbihis nang sa wakas ay tumunog ang doorbell kaya kinuha na niya ang makapal na jacket at saka naglakad palapit sa pinto. Bawal daw ang kahit na anong gadgets sa venue dahil ayaw daw ng mga staff na may lumabas na spoilers tungkol sa mga damit na imomodel nila.
“Ready ka na, ‘neng?”
Medyo nagulat pa si Xanthe nang isang bakla ang sumundo sa kanya. Pero nang nagpakilala ito na makeup artist na kinuha ng Tita Sonia niya ay hindi na siya nag usisa pa at sumama na lang basta dito. Pansin na pansin niya na panay ang tingin nito sa katawan niya habang naglalakad sila palabas ng hotel.
“Bakit po? May problema po ba sa suot ko?” Hindi na niya napigil na usisa.
“Wala naman, ‘neng! Ang ganda-ganda mo kasi at sobrang ganda pa ng katawan mo! Ilang taon ka na ba?” sunod-sunod na usisa nito.
“Ah! 17 na po ako,” sagot niya at saka tipid na ngumiti. Nagsalubong ang mga kilay nito at saka hinawakan ang braso niya.
“18 ka, ‘neng…” pagtatama nito.
“Po? Pero 17 pa lang po ako–”
“18 ka na! Ano ba naman ‘yang handler mo? Hindi ka man lang ba tinuruan bago ka sumabak sa pup play?! Kaloka ha!?”
Pup play? Ano ba ‘yon? Iyon ba ang tawag sa concept ng imomodel namin?
Halata na ang iritasyon sa mukha nito nang nakalapit sila sa sasakyan nito. “Sakay na, bilis! Bawal ang babagal bagal dito!”
Dahil mukhang inip na inip na ito ay hindi na niya ito binigyan pa ang ibang dahilan para magalit. “Sorry po. Nakalimutan ko lang po na 18 na ako,” agad na pagsakay niya sa gustong mangyari nito. Wala naman kasing nabanggit ang Tita Sonia niya na kailangan niya pang baguhin ang edad niya kapag nagpunta sila dito sa Germany.
“Ganyan nga! Kapag sinabi kong 18 ka na ay 18 ka na. Kahit sinong magtanong sayo ay 18 ka, maliwanag?!” masungit na bilin nito kaya sunod-sunod na tumango lang siya.
“Oo. Nandito na kami sa pup space. Kakarating lang. Oo, sige, sige. Mamaya na lang!”
Habang naglalakad sila papasok sa isang malaking building ay nakikipag usap sa phone ang baklang kasama niya.
“Hindi ka pa pala isasalang ngayong gabi. Pero siguraduhin mong manonood ka ng mabuti para hindi ka magkamali sa gagawin mo bukas, maliwanag?” muling bilin nito nang nasa harapan na sila ng isang itim na pinto.
Binuksan nito iyon pero kumunot ang noo ni Xanthe nang makita ang loob ng kwarto. Madilim at tanging ang ilaw lang na nagmumula sa projector ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto.
“Ano pang hinihintay mo, ‘neng? Pasok na!” utos ng kasama niya at saka tinulak pa siya papasok sa loob. “Manood kang mabuti at kabisaduhin ang mga makikita mo!” muling bilin pa nito bago sinarado ang pinto.
Nang sumara ang pinto ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob pero ayaw na nitong mabuksan kaya agad siyang nakaramdam ng kakaibang kaba.
“Tulong! Palabasin n’yo ako dito! Tulong!” sunod-sunod na kinalampag ni Xanthe ang pinto pero agad na natigilan siya nang may humawak sa braso niya mula sa likuran.
Sa amoy pa lang ng pabango na gamit nito ay alam na niyang lalaki kaya mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya.
Hinarap ni Xanthe ang lalaki pero hindi niya makita ang mukha nito. Nagmistula itong isang aso sa paningin niya dahil sa hood na suot nito!
Mas lalo pa siyang nawindang nang tuluyang mapatingin sa kabuuan ng lalaki. Bukod sa hood na parang ulo ng aso ay wala na itong suot na kahit na ano!
Agad na napatili siya nang maaninag sa dilim ang nakatayo at mukhang matigas na ari ng lalaki!
“Are you going to be my companion puppy for tonight?” tanong ng lalaki. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito nang hilahin na siya ng lalaki para umupo sa isa sa mga benches sa loob ng kwarto!
Ang projector sa harapan nila ay biglang namatay at nang sumindi ay may kakaibang palabas na siyang napanood mula doon!
Anong klaseng lugar ba ito? Bakit may babaeng hubo’t hubad na nakakulong sa loob ng isang malaking kulungan ng aso at may kagat-kagat na tila buto?!
Muling kumabog nang malakas ang dibdib ni Xanthe nang mapagtanto na tila yata hindi pagmomodel ang gagawin niya sa bansang Germany kundi isang malaswang gawain na labag sa loob niya!