“Oh, ayan, kahit sa Philippine Daily Inquirer, ’yong mukha mo nakakalat. Ikaw na! Ikaw na ang sikat!” Natatawang binato ni Janet ang dyaryo kay Cindy na agad namang nasalo ng babae. Janet is her high school friend na matagal nang nakabase sa Cebu pero lumuwas ng Maynila para magsimula ng sariling negosyo. Aksidente silang nagkabanggaan noong araw na natuklasan niya ang sikreto ni Julius sa ospital. Pareho silang umiiyak noon, broken hearted at mabigat ang problema. At dahil nga sa matagal na rin naman silang magkaibigan at magkapalagayan ng loob, napagkasunduan nilang tumira na lang muna si Cindy sa kaibigan habang pareho silang nagpapalamig ng kanilang mga puso. Kinuha ni Cindy ang dyaryo at tumambad sa kanyang mga mata ang isang half page advertisement na may mukha nila ni Julius na ma

