“Your sister is not answering, Anton. Where could she be?”worried na tanong ni Julius sa kapatid ni Cindy. Alas-dose na ng madaling araw pero hindi pa rin nila ma-contact ang asawa at wala siyang ibang alam na sisihin kung hindi ang sarili niya. Nahilamos ni Julius ang mga kamay sa sariling mukha at muling di-nial ang number ng babae pero bigo siya.
“Kuya, don’t worry too much. My sister is a strong woman. Kaya niyang i-handle ’yan. ’Di pa naman twenty-four hours na nawawala si Ate. I trust that she is in a good condition now.” Pilit na kinalma ni Anton ang boses kahit na deep inside him ay kinakabahan din siya. He doesn’t know a place where her sister could be.
“This is all my fault, Anton. I didn’t see her calling and late ko nang nabasa ang text niya,” sisi ni Julius sa sarili.
“Nasaan ka ba kasi kanina,Kuya?”
Natigilan si Julius sa tanong ni Anton. Naalala niya ang call logs niya. ’Yong mga oras na tumatawag sa kanya at nagte-text si Cindy ay ’yon ang oras na kausap niya sa opisina si Beatriz. They have agreed to be in good terms with each other at kalimutan na ang kanilang past agreement at tuldukan na ang kung ano mang namamagitan sa kanila. Hindi nila mahal ang isa’t isa, tawag lang ng laman ang nararamdaman nila.
Paalis na sana si Beatriz nang bigla itong masuka at mahilo. Agad naman siyang inalalayan ni Julius and out of nowhere ay humagulgol ang babae and confessed that she is pregnant with Julius’ child. She is sure about it because she had three pregnancy tests and she also did one in a hospital.
“Kuya Julius? Are you still with me? You are spacing out,” huli ni Anton sa atensyon niya.
“Ah, ano kasi, may problema lang sa office.” Napabuntong-hininga si Julius at muling naalala ang mga nangyari sa kanila ni Beatriz. May doubt siya na siya ang ama ng bata pero malaki rin ang posibilidad na siya nga. The last time they shared the night together was less than two months ago at kung siya talaga ang ama, hindi niya pwedeng pabayaan na lang ang bata. Kaya sumama siya kay Beatriz sa ospital para magpa-pregnancy test uli. Afterall, biktima lang din si Beatriz, at kung may dapat sisihin ay siya ’yon dahil siya ang lalaki at hindi niya nagawang tumanggi. Hindi niya dapat ginawang laro ang s*x. Hindi niya dapat ginawang pampalipas oras lang ang lahat.
And then it hit him. Is it possible that Cindy might have seen them in the hospital?
“Kuya, what if ipa-blatter na lang natin na nawawala si Ate? Matapang nga si Ate gaya ng sabi ko kanina pero paano kung . . .”
Hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Anton at nagtanong na lang siya.
“Anton, where does your ate go kapag nalulungkot siya? Kapag nasasaktan siya?” Naisip ni Julius na napakalaki niya talagang tanga at totoo ang kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag. Kung sana ay sinabi na niya noon pa kay Cindy ang lahat, hindi nito mami-misinterpet ang mga bagay-bagay kung sakaling nakita nga sila nito sa ospital. Mas naiinis siya sa sarili niya dahil sa halip na mapasaya niya ngayon si Cindy dahil sa nangyari kay Mr. Chavez ay dagdag pabigat pa sa kalooban ng babae ang presensya niya. How could he be an asshole?
“What do you mean,Kuya? The greatest challenge we faced aside from my dad being in the hospital e’yong namatay ang mama namin—Ah!Naalala ko na parang nagpunta siya noon sa playground sa subdivision namin.”
“Please pray for me and your sister, Anton. I need your prayers.” Pigil ang luha ni Julius nang iwan niya si Anton at tumakbo papunta sa sasakyan niya. He is guilty. He is guilty
***
Julius waited for Cindy until four in the morning but there were no traces of her. Hindi nagpunta si Cindy sa playground kaya kahit na wala siyang tulog ay nagpunta siya sa club house ng subdivision to check on the CCTVs, pero hindi nagawi si Cindy sa lugar nila. He also went back to the hospital. Mabuti na lamang at kilala niya ang isa sa mga opisyal nito at pinayagan siyang makita ang CCTV. Nakita niya kung paano pinaiyak ng asawa ni Mr. Chavez ang kabiyak. He has also confirmed with his two eyes that Cindy has seen him and Beatriz. Gusto niyang sapakin ang sarili niya nang makita niyang nagmamadaling umalis palabas ng ospital ang asawa at umiiyak. How could he be so cruel to her?
Please answer the phone. Please.
“Hello?” sagot ng kabilang linya.
“Conrad?”
“Kuya Julius,kumusta? Napatawag ka?”
Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kausap.
“How’s Cindy? Sorry, medyo hindi na ako nakakadalaw para sa devotion natin. Medyo hectic ang schedule, e.Mabuti na lang may application sa phones for devotion kaya kahit na laging nasa out of town ang meetings ay kinakaya. Anong balita?” pangangamusta ng kaibigan.
“I was . . . I was . . .” Hindi na napigilan ni Julius ang pag-iyak. Wala na siyang ibang alam na pupuntahan ni Cindy. Conrad was his last hope and Cindy is not with Conrad. She could not be with Pinky because Pinky is out of the country.
“Kuya Julius? Anong problema?”
“Conrad . . . I-I lost her. I lost her . . .”