Chapter 19

1543 Words
“Cindy, do you really think that I will back off with the evidences you have? I don’t think you are in your clear mind to even come to my office! I won’t get in jail with those trash. ’Yong mga politiko ngang may hearing sa senado, nakakatakas, ako pa ba? E, ikaw lang naman ang kalaban ko.” Pinigil ni Cindy na sumagot nang pabalang kay Mr. Chavez at sa halip ay mas pinili niyang magsalita nang malumanay. Kahit na galit na siya sa kaharap, she still decided to act like what she promised to God earlier during the devotion with Julius, to make him feel that even if he has wronged her family, he still has a chance to change, to make up for the wrong decisions he made. We all have sinned and fall short of God’s glory and yet, we are all welcomed in His kingdom. Huminga nang malalim si Cindy bago sumagot kay Mr. Chavez na ngayon ay bahagyang tinanggal ang pagkaka-tie ng necktie nitong itim na para bang nahihirapang huminga. Binuksan din nito nang bahagya ang light blue na long sleeves polo. “Mr. Chavez, like what I said earlier, I am here showing you the evidences that I have because I am hoping that . . . that . . . you will realize what you’ve done to my family. There’s still a chance for you to change, Mr. Chavez. Ihingi n’yo lang po ng tawad sa Diyos ang lahat.” Hindi malaman ni Cindy kung bakit kahit siya ay parang naluluha sa mga sinasabi niya. Totoo naman kasing kahit na gaano kalaking kasalanan ang ginawa natin sa mga mata ng tao, buo pa rin tayong tatanggapin ng Diyos. Umiling-iling si Mr. Chavez, nagsindi ng sigarilyo, at sinadyang bugahan si Cindy ng usok nito. Nagpatay malisya naman si Cindy kahit na ang totoo ay gusto na niyang maubo sa amoy nito. Meron kasi siyang sinusitis at isa sa mga trigger para umatake ang sinusitis niya ay ang usok ng sigarilyo, sasakyan, at siga. Paniguradong maya-maya ay magkakaroon na siya ng sipon at mahihirapang huminga sa pagtulog. “You sound like you know everything, young lady. Do not say things if you don’t have an idea in the first place.” Hinampas ni Mr. Chavez ng sariling kamao ang table nito kaya naman hindi na napigilan ni Cindy ang maiyak sa sitwasyong pinasukan niya. Dapat ay hindi na lang niya kinausap ang lalaki. Sana sa korte na lang sila nagkita gaya ng suggestion ni Attorney Jared. Siguro ay magiging iba ang actuation ni Mr. Chavez. Baka maging mas mabait ito. “Mr. Chavez naman, pinagkatiwalaan po kayo ni Papa, pero bakit ganito po ang ginawa n’yo sa kanya? Niloko n’yo po ang papa ko.At . . . at baka . . . baka kayo pa nga po ang naging dahilan kung bakit inatake si Papa. I have a feeling that . . . that you are the reason behind my dad’s heart attack. Baka na-discover niya ang mga ginagawa n’yo.” Tumayo si Mr. Chavez at tinitigan si Cindy nang mata sa mata. Pakiramdam ni Cindy ay isa siyang tupa sa harap ng isang leon, pero ayaw naman niyang ipakitang natatakot siya. Tumingin din siya sa mata ng lalaki na ngayon ay nanlilisik na sa galit. Pigil ang kanyang hininga. “You don’t know what you are talking about. Your father is ruthless. Your father is an asshole!” Nagulat si Cindy sa mga sumunod na nangyari. Hindi na natapos pa ni Mr. Chavez ang mga sasabihin nito dahil dahan-dahang bumagsak ang kausap at hawak nito ang dibdib. Dali-daling napatayo si Cindy sa pagkakaupo at pumunta kay Mr. Chavez. She immediately checked on his airway, breathing, and circulation gaya ng turo sa kanila noong member siya ng Red Cross Youth. She tried doing everything that she can and dialled the intercom to ask for help. How could this happen? Bakit ngayon pa inatake sa puso si Mr. Chavez? Bakit?   ***   “Magandang hapon po,Ma’am. I am . . . I am Cindy.” Cindy extended her hands to the woman who just arrived. Sa palagay niya ay ito ang asawa ni Mr. Chavez. She looks like someone in her mid sixties. Maganda ang mukha ng babae at alam mong may pinag-aralan ding masasabi. She could really be the wife of Mr. Chavez. Siya mismo ang nag-check ng 201 file sa HR department para kontakin ang kahit na sinong pamilya ni Mr. Chavez at sabihing nasa ospital ngayon ang lalaki at inatake sa puso. “I’m . . . I’m s-sorr—” Cindy was not able to apologize to the woman dahil bigla na lang niyang naramdaman ang kamay nitong dumapo sa pisngi niya. Una ay sa kaliwa niyang pisngi, pagkatapos ay sinampal din siya nito sa kanan. Inamin kasi ni Cindy sa telepono na siya ang kausap ni Mr. Chavez bago inatake ang lalaki. “Kapag may nangyaring masama sa asawa ko, habambuhay kang ’di patutulugin ng konsensya mo. Habambuhay kang gigising na . . . na . . .” Mas lalong nadurog ang puso ni Cindy nang umiyak ang asawa ni Mr. Chavez. Nilapitan nito ang babae at kusang napayakap sa kausap. Kahit na sinampal siya nito ayhindi niya magagawang magtanim ng sama ng loob dito. “Ang tagal namin siyang hinanap only to find out that he is here in Manila. Iniwan niya kami ng mga anak namin para magtrabaho pero ganito . . . ganito ko siya makikita . . .”wika ng babae habang umiiyak.“Napakarami niyang pangarap sa amin pero sinira mo ’yon. Alam mo ba ’yon? You ruined everything.” “Ma’am, I’m so sorry. I’m so sorry.Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po gustong atakihin si Mr. Chavez sa puso. Gusto ko lang naman pong ituwid kung anong mali pero . . .” Kahit si Cindy ay napaiyak na rin. Hindi niya alam kung anong gagawin para i-comfort ang babae. Hindi niya alam kung paano niya sasabihing ang asawa nito ay isang magnanakaw, na kumukuha ang asawa niya ng pera mula sa kompanya para sa pansariling pangangailangan nito. Noon ay nagtataka siya kung bakit ito nagawa ni Mr. Chavez, pero ngayon ay alam na niya ang dahilan. Marahil ay para sa pamilya nito. But the end does not justify the means. Kahit na gaano pa kabuti ang layunin mo, kung mali naman ang pamamaraan, para mo lang niloko ang sarili mo. “Lumayo ka sa akin. Lumayo ka!” Tinulak si Cindy ng babae na siyang naging dahilan para bumagsak si Cindy. “Hindi kita mapapatawad kapag namatay ang asawa ko! Hinding-hindi!Umalis ka na rito!” “Ma’am, please hear me out. I never meant this to happen. Please po . . .” pagmamakaawa niya. Alam niyang mas malaki ang kasalanan ni Mr. Chavez sa pamilya niya, pero natatakot din siya sa maaaring mangyari sa lalaki. Kinaladkad siya ng babae palabas sa kwarto ni Mr. Chavez at pinagsaraduhan siya ng pinto. Naiwan si Cindy na umiiyak at pinagtitinginan ng mga tao. Pinahid niya ang mga luha at inayos ang buhok. Hindi siya pwedeng makita ng kapatid na si Anton na ganito ang ayos dahil baka sumugod din ang kapatid at magkaroon ng mas malaking gulo. Knowing his brother, he won’t let anyone look down on her. He would fight for her kahit na mas bata ito sa kanya. She dialled Julius’ number. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya ma-contact ang lalaki kahit na nag-send na siya ng napakaraming text messages. Lupaypay siyang lumakad pababa ng ground floor ng ospital, pero nahagip ng mga mata niya ang isang babaeng nakasuot ng office attire at kasama ang asawang si Julius palabas ng area kung saan naroon ang mga babaeng nagdadalang tao at ’yong mga nagpe-pregnancy test. Hindi niya napigilang maawa sa sarili nang marinig niya ang pag-uusap ng babae at ni Julius. “I told you. Home pregnancy tests do not lie. I’ve shown you three results, Julius, and you didn’t believe me. Ngayon, naniniwala ka na?” Siniksik ng babae ang sarili kay Julius and her husband didn’t even resist. Lord, bakit ngayon pa? Bakit nagkasabay-sabay naman, Lord? Cindy cried silently in pain at dali-daling naglakad palabas ng ospital kahit na hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kailangan niya lang huminga. Kailangan niya ng hangin. Kanina lang ay masaya sila ni Julius. Pagkatapos ay inatake sa puso si Mr. Chavez, at ngayon, she discovered that her husband has another woman. And that lady is the same lady that she saw in Julius’ office na kahalikan nito at walang pakialam kung nandoon siya sa harap nila. Pinatakbo niya ang kotse nang ubod ng bilis. She wanted to scream. She wanted to curse but she didn’t. She know there will be a better day. There will be a better day kahit na masakit, kahit na dinudurog na ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD