Cindy was kinda expecting that Julius will drop by early morning sa bahay nila pero hindi ’yong sobrang aga na ayaw niya pang bumangon pero kinailangan dahil naka-fifteen missed calls na ang kanyang asawa at ilang beses na ring nag-ingay ang doorbell.
Alas-kwatro pa lang ng umaga ay narinig na niyang nagdo-doorbell ang asawa at nagulat siya nang buksan niya ang gate ng bahay nila at makita si Julius na naka-running shorts with matching Nike shoes. May dala rin itong foldable bike at kumpleto rin ang biking gears.
“Hindi mo ba natanggap ang text ko, hon? I said I’ll drop by today so we can exercise in the village park at mag-bike na rin para pagpawisan ka at gumanda ang daloy ng dugo mo, para kapag kinausap mo si Mr. Chavez mamaya ay okay ka. Like what I said, God wants our bodies healthy, too, right? Gaya ng kwento ni Conrad about Daniel.”
Hindi na napigilan pa ni Cindy ang tumawa nang malakas sa mahabang paalala ni Julius, and to think na siya na ang nakakaalala ng mga sinasabi ni Conrad ay nakapagpapagaan talaga ng loob niya. Totoo ngang walang matigas na puso kapag si Lord na ang kumilos. Alam kasi ni Cindy na in a way ay nagseselos si Julius sa closeness nila ni Conrad pero ngayon ay mukhang naging inspirasyon na rin ng asawa si Conrad at ang pinakamaganda sa lahat ay naimpluwensyahan na ng kaibigan si Julius.
“Hon, I am not kidding here, alright? You know Daniel? He and his friends chose to eat vegetables and drink water instead of pure meat and they became healthier. Hindi makapaniwala ang hari ng Babylonia noon pero dahil sa clean living at faith ni Daniel, sa dinami-rami ng nangyari sa kanila, mismong ang hari pa ang nag-utos na igalang ang Diyos nina Daniel.”
Parehong umupo muna sa sofa ang mag-asawa at patuloy na nagkwento si Julius.
“And guess what? Daniel held a high position dahil sumunod siya sa gusto ng Diyos. In the first place, kung sa una pa lang, he chose to not follow God at piniling kumain ng hindi healthy na pagkain, sa palagay mo ba our God will bless him?”
“Well,hon, I think pwede pa rin naman.” Lumakad papuntang kusina si Cindy at sinundan naman siya ni Julius. Kumuha si Cindy ng vegetable salad at fresh milk at inabot ’yon kay Julius.
“Although, siguro delayed din ’yong blessings sa kanya. I mean, minsan kasi matigas ang ulo natin, e. We want to run after our own desires,’di ba? And we listen to what we want, and not on what God wants pero si God, sobrang laki ng puso, e. Nagkamali man tayo, tanggap pa din Niya tayong mga anak niya. Gaya ng kwento ng mga tao na ni-lead ni Moses noon. Short distance lang ang Israel sa Egypt pero ilang taon silang nagpaikot-ikot,’di ba?”
Lumapit si Julius sa asawa at nagulat pa si Cindy na pinunasan ng daliri nito ang labi niya.
“Napaka-clumsy mo pa rin minsan,’no, hon? Gatas na lang iinumin, e.”
“Hala. Nagsalita ang malinis kumain, ikaw din kaya.” Lumapit din si Cindy sa asawa at pinahid ang gatas sa labi nito. Aalisin na sana niya ang kamay niya nang madali itong kinuha ni Julius and showered her hand with light kisses.
“What I’m saying, hon is, you start your day right. Finish your milk and salad so we can do devotion tapos mag-e-exercise tayo. Biking and a little running lang naman para healthy ka.”
“Hon naman, e. Antok pa ako.” Parang batang naglambing si Cindy at umupo sa lap ni Julius at sumiksik sa lalaki.“We can really do devotion because I’m doing thatwith Anton, nagtatawagan kami minsan.Ako ang nasa ospital, minsan siya. Pero ’yong mag-exercise, hon naman, e. Ayokong mapagod.”
“But you need to exercise, hon.’Di ka ba naaawa sa akin? Ang bigat mo kaya. Paano kapag kinasal na tayo sa simbahan, paano kita bubuhatin?”
“Ewan.” Tatayo na sana si Cindy pero pinigilan siya ni Julius at sinandal ng lalaki ang ulo nito sa likod niya.
“Oh. I thought mabigat na ako? Doon na ko uli sa chair ko para matapos na akong mag-breakfast.”
“’Wag na. Mas gusto ko ’yong kahit na mabigat ka, naaamoy ko sa malapitan ’yong amoy ng natuyo mong pawis,”natatawang sabi niya at kunwaring inamoy ang babae.
“Nagtitipid kasi ako ng kuryente kaya patay ang aircon sa room. Alam mo na, malaki din ang bills ni Papa sa ospital.”
“Hon, dito na lang ako matutulog gusto mo? Para ako na ang magbabayad ng kuryente. Kahit na sa salas ako, ikaw sa kwarto.”
“Ayoko nga. Baka ano, e . . . ahm . . .”
Tinayo ni Julius si Cindy mula sa pagkakaupo sa kanya at hinarap ang babae.
“Hon, like what I told you, you are worth the wait. Kaya ’wag kang matakot na may mangyayari sa atin kapag nandito ako. I can handle myself well. Baka ikaw ang hindi,” Julius whispered to Cindy that made her shiver.
“Lumayo ka nga. Nakakaasar ka naman, e!”
“Oh, saan ka pupunta?”
“Mag-aayos na po ako para makapag-devotion na at makapag-exercise na! Ang kulit mo, e.”
Naiwang mag-isa si Julius na nakangiti. Ang minsang pagka-isip bata ni Cindyang bumubuo at mas nagpapaliwanag sa araw niya.
Naalala niya tuloy noong minsang dumaan siya sa school nina Pinky from his stressful training at nakita niya noon si Cindy na mag-isang nakaupo sa isa sa mga bench. Sa bawat math problem na nasasagutan ng babae ay kumakain ito ng chocnut at saka kakausapin ang sariling mag-isa at sasabihan ng good job ang sarili.
“May crush ka sa kanya,Kuya,’no?” Nasa likod na pala ni Julius ang kapatid na si Pinky. Hindi niya namalayan ang pagdating ng babae dahil abala siya sa pagmamasid kay Cindy.
“Nah. I was just trying to study how do we get to her. You know, proceed with our plans.”
“I don’t know, Kuya, if that is even a good one. She is a nice person and I don’t want to hurt her. Bakit ’di na lang natin kalimutan ang maghiganti? You know, patawarin natin siya. Wala naman siyang ginawang masama sa atin.”
“No. I will make her suffer. Kapag nakasal na kami, magdudusa siyang anak siya ng taong naging dahilan ng paghihirap ni Papa.”
“Oh, bakit nakakunot ang noo mo, hon? Is there something bothering you? Ready na ako.” Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Cindy. Maayos na nga ang asawa. Naka-ponytail na ang mahaba nitong buhok at mukhang nakapaghilamos na rin.
May kinuhang maliit na plastic si Julius sa bagpack na dala bago ’yon inabot kay Cindy at nagulat naman si Cindy sa laman ng plastic.
“Wow! Chocnut! Sinabi sa ’yo ni Anton,’no? Ang daldal talaga ng kapatid ko.”
“Nope.”
Dahan-dahang lumapit si Julius kay Cindy at niyakap ang asawa.
“I guess, noon pa man ay crush na kita. Noon pa man, ginugulo mo na ang isip ko.”
“Huh?”
“Chocnut every time you answer a math problem, lollipop sa convenience store, biting your nails when you feel pressured, hanging out sa playground.”
Nagulat si Cindy sa mga sinabi ng asawa. “Hala, alam mo ang lahat ng ’yon?”
“I thought I was running after you because I wanted to know what your weaknesses are para madali kitang mapaghigantihan, pero ’di ko alam na ikaw pala ang magiging weakness ko.”
Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Julius sa mukha ng asawa na ngayon ay nakapikit na at nag-aabang sa labi ng lalaki. Nang dumampi ang labi ni Julius sa labi ni Cindy ay hindi na nila napigilan pa ang kanilang emosyon. Bumaba ang halik ni Julius papunta sa leeg ng babae at ang kamay naman ni Cindy ay pumasok na sa T-shirt ng lalaki.
“We can stop, hon. Just tell me to stop,” bulong ni Julius.
“Hmm . . .”
Kusang huminto si Julius at binitawan ang mga katagang hindi niya inakalang sasabihin niya sa babaeng gusto lang niyang paghigantihan.
“Cindy, mahal kita . . . I love you.”
Napahinto rin naman si Cindy at medyo nagulat sa sinabi ng asawa. Agad siyang nakabawi at nginitian ang asawa.
“Mahal din kita, Kuya Julius. I love you, too.”