Chapter 17

1830 Words
“Ate, isa pang tawag mo talaga, naku! Okay nga lang kami dito ni Papa. Ang kulit mo naman, e. Ayaw mo pa kasing amining ’di ka makatulog kakaisip sa magiging movie date n’yo ni Kuya Julius,” mapang-asar na sabi ni Anton kay Cindy na makailang beses na nga namang tumawag para kumustahin ang ama at ang kapatid niya. Cindy and Julius agreed to take things slow and start everything from the start. Liligawan daw muna ni Julius si Cindy at ipapadama rito kung gaano ka-importante ang babae. After that incident at Tagaytay Highlands ay feeling dalagang Pilipina ang babae. Julius is very caring and sweet at talagang extra effort sa mga bagay-bagay. May isang pagkakataon noon na dumaan si Julius ng madaling araw kina Cindy para lang magpaalam sa babae na a-attend siya ng isang business gathering sa Hongkong at baka hindi sila magkita ng isang araw. Julius also finds time to take care of Cindy’s dad sa ospital kapag Linggo, at higit sa lahat ay nakakasama na ni Cindy si Julius na magsimba. Ayaw mang aminin sa sarili ni Cindy, she is enjoying the special treatment she is getting from Julius at ngayon nga ay kabado siya dahil they agreed to watch a movie. At base sa mga nababasa at napapanood niyang romance novel and movie, after ng movie dateay nauuwi sa something intimate ang eksena. Minsan ay naiisip niya rin ang mga ganoong bagay lalo at kasal naman sila which makes it really legal for them to do it at mahal naman nila ang isa’t isa. Lumabas na rin ang HIV test ni Julius at negative ang resulta niyon. Pero siguro, Julius knows that she is not ready yet kaya iniiwasan din ng lalaki ang maging intimate sila nang sobra. “Grabe ka sa akin, Anton. I just want to really check on you, saka ano ngayon kung excited ako? E, asawa ko na naman siya, ah. Dapat talaga may kilig factor,” natatawa niyang sagot sa kapatid. Umupo si Cindy at sinuklay ang buhok gamit ang sariling mga kamay. She applied lipstick on her lips at naglagay na rin ng eyeshadows. Minsan lang siyang mag-make up kaya hindi siya ganoon kagaling. “Are you still there,Ate?” sabi ni Anton mula sa kabilang linya. “Wait lang. Ayaw magpantay ng eyeshadow.” “Hala, nagpapaganda ka pa talaga,Ate? Don’t worry. ’Di naman siguro mauuntog si Kuya Julius at magigising. O kaya kung gusto mo, bilhan mo siya ng helmet para safe,” pang-aasar ng kapatid niya. “Ewan ko sa ’yo. Sa halip na i-cheer mo ’ko, ganyan ka.  Bye na nga. I-kiss mo ’ko kay Papa. At matulog ka nang maaga, ha. Baka mapuyat ka na naman kaka-COC mo.” “Hala,Ate. ’Wag kang mag-alala. ’Yong eyebags ko, asset ko ’to. Maraming girls ang na-i-inlove sa akin dahil dito.” “Sira.” “Sige na,Ate. Bye na. Basta, pag-uwi mo mamaya, kahit na gaano ka kasaya sa magiging movie date n’yo ni Kuya Julius, don’t ever forget to pray before you sleep at mag-reflect ka na din.” “Opo, Pastor Anton.” “Hala,’di ako. Si Kuya Conrad ’yon,’no. Not me.” Parehong nagtawanan ang magkapatid at nagpaalaman na sa isa’t isa. This is one of the things why Cindy feels that God is indeed in control kahit na nasa ospital pa rin ang papa niya. Maganda ang samahan nilang magkapatid. Meron man silang hindi pinagkakasunduan, mas madalas pa rin naman silang magkasundo. Isa pa, it is also Anton who is with her in her journey of knowingJesus more. Cindy put down the phone and checked on her reflection. Ano kayang magiging reaction ni Julius kapag nakita niya ako? Napatingin siya sa kanyang wristwatch and realized na mahigit sampung minutong late na si Julius. Usually, kapag nale-late ang lalaki ay nagte-text ito o tumatawag, pero ngayon ay wala siyang natangggap na kahit anong communication galing dito. She dialled Julius’ number para i-check kung nasaan na ang lalaki pero out of coverage area ang phone nito.She tried once more and more and more hanggang sa marinig ni Cindy ang tunog ng doorbell. Dali-dali siyang bumaba at excited na binuksan ang pinto only to find out that it’s not Julius who came but rather a familiar face na hindi niya inakalang makikita pa niya. “How are you, Cindy?” “Attorney Jared?”   ***   “I guess you have not fully trusted my client who happens to be your husband, Cindy.” Attorney Jared broke their silence. Kanina pa kasi hindi nagsasalita si Cindy. Sumakay lang siya sa kotse ng lalaki nang sabihin nitong siya ang driver niya papunta sa lugar kung nasaan si Julius. Kung saang lugar iyon ay hindi niya alam, basta lang siya sumakay. “What do you mean, Attorney? I am here inside your car. I didn’t ask anything and just followed you voluntarily,”walang ganang sagot ni Cindy. Ni hindi man lang nito tiningnan ang abogado at sa halip ay patuloy lang na naglaro ng Candy Crush sa phone niya. “Well, your actions say so. Obviously, you don’t trust me. That alone says that you don’t trust Julius either who entrusted you to me.” “You can’t blame me,Attorney. The last time you brought me to my office e matagal na ’di nagpakita si Julius. Honestly and not to offend you, my husband has not talked to me anything about you. So, how could I trust you?” “I know I am not in the position to say this, but being married means trusting your partner no matter what. If you have doubts, then talk to your partner right away. Gaya ngayon, you could have called Julius that you are in doubt pero hindi. Mas pinili mong manahimik at sarilinin lang ang lahat. That won’t work.” Natigilan si Cindy sa mga sinabi ng lalaki. May point nga naman ang abogado. She has doubts about all of these but she chose to keep it to herself. Tama rin ang lalaki na may mga pagkakataon pa ring may pag-aalinlangan siya sa pag-ibig ni Julius sa kanya. What if one day, magising na lang ang lalaki at sabihing mas gusto pala nitong makatuluyan ang kapwa lalaki? Okaya naman ay may iba siyang gusto? O kaya ay nagkukunwari lang siyang mahal nito dahil nga sa gusto nitong makuha uli ang kompanyang inagaw ng papa niya? “See? Hindi ka nakapagsalita. Look at it this way, Cindy. I know I am not married yet and I am not in the position to give you an advice but I really see that my client loves you to the point that his risking his life for you and your family.” Nagulat si Cindy sa mga sinabi ni Attorney Jared at mas lalong hindi nakapagsalita. Is Julius really willing to risk his life for her? Pero bakit? May tao bang may balak na masama sa buhay niya at ng kanyang pamilya?   ***   Attorney Jared parked their car in front of a Japanese Restaurant in Alabang. Bago lang ang restaurant at ambiance pa lang ay alam mo ng exclusive ito. May private rooms ang restaurant na katulad sa mga napapanood ni Cindy sa series. Binuksan ni Attorney ang isa sa mga pinto at doon ay nakita niya ang asawang si Julius na kausap ang isa sa mga member ng board na si Dr. Arlyn Casunuran. As far as she remembers, siya lang ang bumoto sa kanya noon sa kanyang presentation at ang nanatiling supportive sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay nilapitan na siya agad ni Julius at kinabig siya bago niya naramdaman ang labi nito sa tungki ng kanyang ilong. Pansamantala niyang nalimutan ang what if’s niya at niyakap ang asawa. “Sorry, hon, for the change of plan. We got pretty solid evidence against Mr. Chavez.” Julius pulled a chair for Cindy at umupo sa tabi ng babae. “Kumusta, Cindy?” nakangiting bati ng ginang. “Okay naman po, Tita Arlyn. Hindi ko po alam na magkakilala kayo ng asawa ko.” Inirapan ni Cindy si Julius para ipadama sa lalaking medyo naiinis siya rito. They were supposed to have a movie date pero heto sila ngayon at mukhang may seryosong business meeting. “Hon, Tita Arlyn has the evidences that Mr. Chavez is redirecting your company’s fund to his personal account. Matagal din naming pinag-aralan nina Attorney Jared ang lahat at ngayon nga ay may evidences na tayo. Read these.” Inabot ni Julius ang isang brown envelope atinilabas ang iba’t ibang dokumento. Cindy scanned through the documents at hindi siya makapaniwala sa mga nabasa. How could Mr. Chavez be this cunning? How could he scheme things to his advantage? “We can actually file a case against him. We are just waiting for your go signal,” Attorney Jared said while handling additional documents to Cindy. “Tama si Attorney, hon. Sorry if I didn’t tell you right away. Gusto ko kasing kapag sinabi ko na sa ’yo ’yong ginagawa naming investigation, may proofs na. Tell us what you want me to do.”Tumusok si Julius ng sushi at sinubo ’yon kay Cindy samantalang si Cindy naman ay kumuha ng vegetable tempura at sinubo yun kay Julius.   "Ehem. We are still here, guys. Just to remind you." Natatawang sabi ni Jared.   "I guess we have to leave them, attorney." Nakangiti naman si Dr. Arlyn at inayos na ang bag bago tuluyang tumayo na para magpaalam.   Attorney Jared did the same thing. Pareho namang hinatid ng mag-asawa ang dalawa sa pinto bago sila bumalik sa mesa at nagkaumpugan pa pag-upo.   "Nagtatampo ka pa ba sa akin, hon? Attorney Jared texted me earlier." Hinawakan ni Julius ang kamay ni Cindy at pinugpog ng halik.   "Please don't get mad at me, hon. Please?"   "Eh kasi naman, eh. Bakit ‘di mo sinasabi sa akin para ‘di ako nagugulat. Akala ko iiwan mo na naman ako." Inalis ni Cindy ang pagkakahawak ni Julius sa kamay niya at nagsimula nang kumain.   "Tingnan mo ‘yan, mas mahalaga pa sa ‘yo ang pagkain kesa sa akin."   "Sayang ang init ng ramen eh."   Julius smiled while watching his wife eat. He cannot afford to lose Cindy. Unti-unti na niyang na-so-solve ang mga problemang nakapagitan sa kanila sa tulong ng Panginoon. Back then, he never involved God with his decisions but when he accepted Him in his life, nag-iba na ang sitwasyon. Hindi pa rin ganoon kadali pero mas naunawaan na niya ang lahat at mas naging klaro ang mga bagay bagay. Isa na lang ang hindi niya pa maharap harap and that is telling Cindy about Beatriz.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD