Chapter 16

1853 Words
Julius can’t help but smile while looking at Cindy’s hand clasped with his. It has been a week since that night at the hospital when he allowed God to get into his heart. Noong una, aaminin ni Julius na medyo awkward dahil si Conrad pa mismo ang nag-lead ng prayer ng pagsuko sa Diyos sa kanya at sa kaibigang si Jherick, pero habang nakakausap na niya si Conrad ay nakita niya na hindi threat ang lalaki sa relasyon nila ni Cindy. Sa katunayan, dahil din kay Conrad kaya natutong magpatawad ang asawa. At malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na kahit na ang isang karibal noon sa paningin niyang si Conrad ay naging daan din para magkaroon ng liwanag ang madilim niyang buhay. Talagang walang imposible sa Diyos. Masakit, mahirap, hindi man agad napatawad ni Julius ang sarili sa mga maling nagawa niya, the continuous movement of the Holy Spirit has led him to surrendering his life to the Lord. Gabi noon, mag-isa siya at doon niya pinagbuksan ang pinto ng kanyang puso. “Kuya Julius, alam kong maraming ugat ang kamay ko kasi nga mahilig akong magbasa ng kamay pagkatapos magsulat at mag-type ng marami pero kung nandidiri kang hawakan ’yong kamay ko, e’di bitiwan mo na,” biglang sabi ni Cindy. Pilit na kumawala si Cindy sa pagkakahawak kay Julius pero mas lalo lang hinigpitan ng lalaki ang hawak niya. “Wala naman akong pakialam sa mga ugat na ’yan, hon, ’di lang din ako makapaniwalang magkahawak ang mga kamay natin ngayon.” “Ang corny mo,Kuya, ha.” Inirapan ni Cindy si Julius na siya namang nagpaikot sa mga mata ng lalaki. Gustong-gustong asarin ni Cindy ang asawa dahil mas lalong gumagwapo si Julius sa paningin ni Cindy kapag naiinis ito. “Bakit ba kuya na naman ang tawag mo sa ’kin? Akala ko ba okay sa ’yo na we call each other hon?” “I agreed to it pero sabi ko kapag tayong dalawa lang, e nasa airport kaya tayo ngayon.” “Hindi naman nila tayo naririnig, ah. Malayo ’yong ibang tao sa lugar natin.” Cindy and Julius are at the airport to welcome Hannah, ang Thai Filipina na supposed to be ay pakakasalan ni Jherick. Thanks sa f*******: dahil napapayag nilang dalawa na umuwi ito ng Pilipinas para magkaroon ng closure ang babae at ang kaibigan. Alam nilang pareho na maaaring magkaayos sina Jherick at Hannah gaya ng nangyari sa kanilang dalawa. Julius remembered how Cindy embraced him and comforted him while whispering ‘I love you too’ nang nagtapat siya ng pag-ibig sa babae after niyang maikwento ang lahat-lahat ng tungkol sa nakaraan niya. Isang bagay na lang ang dapat niyang sabihin at magiging malaya na talaga siya. Isang bagay na lang pero hindi niya alam kung paano niya iyon ipagtatapat kay Cindy.Alam niyang kahit na naging mahirap kay Cindy ang lahat noong una at nagkaroon pa sila nang di pagkikibuan, sa biyaya ng Panginoon, natanggap na ni Cindy na dati siyang confused sa s****l preference niya at nagkaroon na rin siya ng iba’t ibang relasyon sa babae at sa lalaki. Hindi iyon pinansin ng asawa pero paano kapag nalaman ni Cindy na may iba pa siyang tinatago? At hindi niya iyon masabi sabi dahil alam niyang malalagay sa piligro ang asawa. What does he need to do? Trust in the Lord,bulong ng isip ni Julius.   ***   Kinabahan si Julius nang magising ng madaling araw at maramdamang wala sa tabi niya si Cindy. It’s just two in the morning and he doesn’t know what he’d do kung may mangyayaring masama sa babae. Masaya pa sila kagabi. Wala namang intimate talagang nangyari pero lying next to Cindy is just a dream turned to reality, and he could vividly recall what happened last night. Straight from Davao where he attended a business conference and met some investors ay dumiretsyo siya sa Tagaytay Highlands kung saan may business function din si Cindy. Mahigit isang linggo silang hindi nagkita at miss na miss niya ang asawa. Matapos kasi nilang magkaayos at maayos ang kaibigang sina Jherick at Hannah ay naging sunod-sunod ang mga commitment nila at talagang mahirap ang magkaroon ng time para sa isa’t isa, especially that Cindy opted to stay in their own house so she could take care of her papa while Julius stayed in his own house dahil mas malapit ’yon sa company niya. Dali-daling bumaba si Julius sa lobby ng hotel kung saan sila nag-check in ni Cindy peroni anino ng babae ay wala. He asked the receptionists and the guards pero wala ring masabing matino ang mga ito. He dialled Cindy’s number several times and tried to locate her through GPS pero bigo siya. Hindi kaya Beatriz contacted Cindy and told her everything? Mas lalong bumilis ang t***k sa puso ni Julius dahil nga kahit na nagkaayos na sila ng asawa ay patuloy pa rin silang nagkikita ni Beatriz. Hindi iyon maiiwasan dahil nagtatrabaho sa kanya si Beatriz. In fact, kasama niya ang babae sa Davao. Wala mang nangyari sa kanila pero hindi pa rin niya nakausap nang maayos ang babae para tuluyan nang tuldukan ang kung anong arrangement ang meron sila dahil sa tuwing hahanap siya ng tyempo para kausapin ito ay humahanap naman ang babae ng dahilan para umiwas. Marahil ay alam nito ang nasa puso at isip ni Julius. Gusto na talagang mainis sa sarili ni Julius. What if out of nowhere ay naisipan ni Beatriz na kontakin si Cindy at sabihin sa kanya ang lahat-lahat? Bago pa lang silang nagkakaayos ni Cindy at hindi niya matatanggap na mauuwi lang sa lahat ang mga nangyari sa kanila. He dialled Beatriz’ number pero out of coverage area rin ang babae. “Sir! Sir! Saglit lang ho!”humihingal na sabi ng isang bellboy na nasa likod pala niya. “I’m sorry. Hindi kita narinig agad. Bakit?” “Sorry po, Sir, kung medyo nakinig ako kanina habang nag-uusap kayo ng mga receptionist namin. Ako po ’yong nag-assist kanina sa inyong dalawa ng misis n’yo sa kwarto n’yo. Ano po kasi, nakita ko po siya sa garden nitong hotel,”pagpapaliwanag ng bellboy na sa tantiya ni Julius ay nasa edad bente lang. “Maraming salamat!”Binigyan pa niya ng tip ang bellboy na hindi niya ginagawa noon sa kahit na sino. Mula nang hinayaan niyang kumilos si Hesus sa puso niya ay dama niyang may nangyayaring kakaiba sa buhay niya.   ***   “Hon, nandito ka lang pala. You made me worried.” Halos takbuhin ni Julius ang lugar kung saan nakaupo si Cindy. Nakatalikod man ang babae sa kanya, alam niyang si Cindy ’yon. He tried so hard to sound okay kahit na deep within ay halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang lumuhod sa harap ni Cindy at magmakaawang ’wag siyang iwan. Gusto niyang yakapin ang babae at sabihing siya lang naman talaga ang mahal niya. “Hon, sorry. ’Di kasi ako mapakali, e.” Humarap si Cindy kay Julius habang pinapahid ang luha sa mga mata. Kinabahan bigla si Julius. “Hon, did . . . did . . .” “Sorry talaga, hon, ha. Ganito kasi talaga ako kapag nagbabasa ng stories online, e. Apektado sa scenes kaya dito na lang ako nagbasa.” Nawala ang kabang nararamdaman ni Julius at napalitan ng pagtataka. “You read online stories? That’s one of your past times?” “Well, past time kong magbasa ng online stories.” Inabot ni Cindy ang cellphone at pinakita ang binabasa. Lumapit naman si Julius at tinabihan ang asawa sa upuan at sinandal ang ulo sa braso ng babae. “So that’s what made you cry? That’s all? Nothing else?” “Yup. Ayoko namang magising ka kaya bumaba ako ng room natin.” “Hon, ’wag ka nang umiyak, nandito naman ako, e. ’Di kita iiwan.” Hinawakan ni Julius ang kamay ni Cindy at nilagay ’yon sa tapat ng puso niya. “Pangako ’yan.” “Alam ko naman ’yon. Nadala lang talaga ako sa mga eksena dito. ’Yong guy kasi, mahal na mahal niya ’yong babae pero sinaktan pa rin niya nang gano’n na lang.” Naumid ang dila ni Julius at hindi nakapagsalita sa sinabi ni Cindy. Julius is seeing himself in the character. Julius loves Cindy so much pero siya rin ang magiging dahilan para masaktan ang babae kung sakali. “Hon, paano . . .paano kung maging katulad ako ng bida? What if . . . I’d be the one to cause you pain?”mahinang tanong ni Julius. “Ilang beses mo na kaya akong iniwan at sinaktan,”natatawang sabi ni Cindy sabay harap kay Julius. “Alam ko.And I’m sorry, hon.” Garalgal na ang boses ni Julius. Cindy is right. He has caused his wife so much pain. “Hala, ’wag mong sabihing iiyak ka? Joke lang ’yon, hon,” natatawang sabi ni Cindy, pero maya-maya lang ay napalitan ng pag-aalala angtono ng boses nito.“’Oy, bakit parang paiyak ka na? Hala, hon . . .” Julius pulled Cindy in a kiss, mababaw na halik hanggang sa naging malalim that made Cindy placed her hands around Julius’ neck. Later on, both were gasping for air pero muli nilang pinagsaluhan ang matamis na halik. Julius has not felt this so much emotion before. Nang maramdaman ni Julius na mas gusto na ng katawan niyang maging mas malalim pa sa halik ang gusto niya ay huminga siya ng tatlong beses bago inilayo ang katawan kay Cindy. “Sorry, hon. The night is just so perfect. Mahal kita.” “Mahal din kita. Gusto mo bang . . . ano . . . ahm . . . sa . . .” Ginulo ni Julius ang buhok ni Cindy at niyakap ang babae. “Bakit ka ba nauutal, hon? Ano ba ’yong sasabihin mo?” “Ano kasi . . .parang . . . hay! Ang hirap namang i-explain! Feeling ko kasi ano,ahm . . . parang naramdaman ko kasi ’yong ano mo, e.” “Don’t worry about my needs, hon. Hintayin muna natin ’yong result ng HIV test ko tapos kapag negative, we will have our first official honeymoon at ’di kita titigilan.” “HIV test? Anong ibig mong sabihin, Kuya Julius?” gulat na tanong ni Cindy. Napaawang ng bibig si Julius at bigla siyang nanlamig. Hindi niya inaasahang lalabas yon sa bibig niya. He was trying to keep that secret from Cindy. He is just too worried that because of his past experiences, he might have gotten the same thing that his friend had. He tried to keep it from Cindy pero di niya namalayang lalabas iyon sa mismong bibig niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD