Chapter 15

1038 Words
Walang nagawa si Cindy nang maramdaman niya ang sariling mga paa na sumunod kay Julius. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa asawa pero ang alam niya lang ay wala siyang karapatang mag-inarte ngayon o sumbatan ang lalaki kung bakit matagal itong hindi nagparamdam dahil ang totoo, miss na miss na niya si Julius. Gustong-gusto na niyang makausap muli ito pero hindi sa ganitong sitwasyon o pagkakataon. Obvious na devastated ang lalaki at kung sino man ang pasyenteng inaalagaan nito sa ospital ay paniguradong importanteng tao ’yon para magkaganito ang asawa. Alam niyang mali ang magselos sa taong nasa ospita,l pero kung ganito mag-alala si Julius, naisip niyang sana ay naospital na lang din siya. Medyo malakas na nga yata ang tama niya sa asawa. Sa tagal nilang hindi nagkita ay puro si Julius na lang ang pumapasok sa isip niya, that she would drown herself to work to forget about him. “Kuya Julius . . .” Nilingon siya ni Julius pero tanging mga matang maluha-luha lamang ang nakausap niya na parang nagsasabing ‘please, Cindy, not now’ bago ito nagpatuloy sa pagtakbo para humanap ng doktor. At nang makakita ng doktor ay agad-agad na hinila ni Julius ang kamay nito papunta sa Room 304. Gaya kanina ay mabilis ang mga paa ni Cindy sa pagsunod, medyo nadulas pa nga siya pero wala siyang pakialam. Hindi niya alintana kung para siyang nagmumukhang sira sa paghahabol kay Julius. She wanted to be the one to comfort him, to make him feel that everything will be alright if he will put his trust to the Lord. “Doc, please, please do everything to save him. Please!” Inabutan ni Cindy na umiiyak si Julius at sinasabunutan nito ang sariling buhok samantalang ang doktor at ang mga nurse ay hindi magkandaugaga sa pagtingin sa pasyente. Cindy uttered a short prayer of healing sa taong nasa loob ng kwarto. Naramdaman niya ring pumatak ang sariling mga luha dahil alam niyang nasasaktan ang asawa at masakit na wala siyang magawa para maibsan ang nararamdaman nito. “We will have to do a major operation for him and we need to do blood transfusion,”kalmadong sabi ng doktor. “Do everything,Doc. Please. Save him from dying.” “Hindi kami ang makapagliligtas sa pasyente kung ’di ang inyong pananampalataya.” “Doc . . .” nanghihinang banggit ni Julius. “And we will be needing AB negative for his blood transfusion.” “Doc, we do not have the same blood type, what do I need to do?” Wala nang pag-asa sa boses ni Julius. Oo nga at bukas pa ang mga blood bank pero ang alam niya, first come first served ang service sa mga ganito at hindi niya alam kung ma-i-pa-priorize sila ng blood bank. “I can donate, Kuya Julius. Pareho kami ng blood type.” Naestatwa si Julius sa boses ni Cindy. Alam niyang kanina ay nakita na niya ang babae pero dahil sa sobrang emosyon niya, he thought she was just a figment of his imagination. Nagkamali siya. Right before his eyes is Cindy. His Cindy na iniwan niya pero nasa harap niya ngayon at handang gawin ang lahat ng bagay para sa kanya. “Cindy.” He ran towards the girl he has longed to embrace and in an instant, both of them felt each other’s warmth, both listening to the music of their hearts.   ***   Nagising si Cindy na nakahiga sa hospital bed at nasa tabi niya sina Julius at Anton. Wala siyang ibang matandaan kung hindi ang karayom na dapat ay itutusok sa kanya bago siya hinimatay. Hindi niya tuloy alam kung naging successful ba ang blood transfusion o hindi. “How was the transfusion?” Cindy tried to stand from her bed pero mabilis siyang napigilan ni Julius at hinawakan ang kamay niya bago inilagay ’yon sa labi ng lalaki at dinampian ng halik. “Why didn’t you tell me that you have anemia, Cindy?” seryosong tanong ni Julius. “Huh? Bakit, bawal ba ’yon?” Hindi talaga alam ni Cindy na bawal palang mag-donate ng dugo ang may anemia. “Ate, mabuti na lang at nahimatay ka dahil takot ka sa dugo. Hindi kasi nila agad nakita sa testna anemic ka,” pagpapaliwanag naman ni Anton. “At bakit kayo magkasama, aber?” pag-iiba niya sa usapan. “Dahil asawa mo si Kuya Julius?” “’Oy, Anton, umayos ka ha,” saway ni Cindy sa kapatid saka binalingan ang asawa. “Teka lang, Kuya Julius, how’s your friend kung hindi pala natuloy ang blood transfusion?” “William and Aaron helped me sort things out. Everything is under control now. Stable na ang lagay niya. Thank you,hon.” Nagulat si Cindy nang bigla siyang hinalikan ni Julius sa pisngi. Ang kapatid naman niyang si Anton ay mas lalo siyang inalaska bago nagpaalam at iniwan silang dalawa para magkasarilinan. Marami siyang gustong itanong kay Julius pero mas pinili niyang manahimik muna at damhin lang ang presensya ng asawa. “Ang dami kong dapat ikwento sa ’yo, hon, pero pwede bang bukas na lang? Pwede bang ganito na lang muna tayo?” tanong ni Julius. Automatikong umusod si Cindy sa higaan niya para magkaroon ng space si Julius at tabihan siya nito. Ginawang unan ni Cindy ang bisig ni Julius habang si Julius naman ay patuloy lang sa paghagod sa buhok ng asawa. Hindi man ganoon kalambot ang hospital bed ay hindi alintana ng dalawa. Ang mahalaga ay magkasama sila ngayon. “Naniniwala na akong hindi ako pinababayaan ng Diyos,hon. Dahil sa pagdating mo sa buhay ko.” Nagulat si Cindy sa sinabi ng lalaki. “Kuya Julius . . .” “Alam ko na ngayong mahal talaga ako ng Diyos dahil nandito ka sa tabi ko.” Naramdaman ni Cindy na may mga luhang unti-unting pumatak sa mga mata ni Julius bago siniksik ang mukha sa leeg niya. “Hon, sana bigyan mo ’ko ng pagkakataong ipakita kung ganito kita kamahal.” “Kuya Julius . . .” “And please, please don’t call me Kuya Julius anymore.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD