Chapter 14

1081 Words
Hindi mapigilang maiyak ni Julius habang pinagmamasdan ang kaibigan sa banig ng karamdaman. Mahigit limang buwan na’ng nakalilipas mula nang maipangako niya sa sariling siya mismo ang mag-aalaga kay Jherick, college friend niya, na tulad niya ay nagkaroon ng relasyon sa mga babae at sa kapwa nito lalaki. Si Jherick ang tumawag noon sa kanya at humihingi ng tulong that he had to leave Cindy in the middle of her presentation. Ayaw mang iwan noon ni Julius ang asawa pero wala siyang magawa dahil importante rin sa buhay niya si Jherick. They never had intimate relationship pero si Jherick ang naging madalas niyang makausap sa mga pagkakataong hindi niya maintindihan ang sarili. Nakita niya itong umiyak at masaktan sa mga bigong relasyon at sa mga pagkakataong na-bu-bully sila pareho dahil sa kanilang sekswalidad, sila ang naging lakas ng bawat isa. Hanggang sa lubusang lumantad na ang kaibigan at piniling mamuhay sa Thailand kung saan mas tanggap ang mga lalaking nag-a-out sa public. “Julius, tulungan mo ’ko.” May impit ang boses ng lalaking tumawag kay Julius. “Jherick? Ikaw ba talaga ’yan? Kailan ka pa umuwi sa Pilipinas?” takang tanong ni Julius. “May isang taon na pero para lang magtago at hintaying kunin na ako ni kamatayan.” Naguluhan si Julius sa mga sagot ng kaibigan kaya lumabas siya ng bahay at iniwan sandali sina Cindy. “Ano? Hindi kita maintindihan. Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Labag man noon sa kalooban ni Julius na hindi na tapusin ang practice ng presentation ni Cindy ay hindi naman niya mapigilang mag-alala kay Jherick. Dama niya sa boses nitong kailangan nito ng taong makikinig sa kanya at uunawa sa kanya. Dama niya ang bigat ng kalooban ng kaibigan. Hindi nito hahanapin ang number niya para lang tumawag at humingi ng tulong. Alam din naman niyang kayang-kaya ni Cindy ang presentation. Magaling na babae ang asawa. Sigurado siya rito. Noong una niyang sinubaybayan si Cindy noong college student palang ito, nakita niya kung paano magsunog ng kilay ang babae to the point na dumadayo pa ito sa National Library kasama si Pinky para mag-aral. Pinky told him that it was because Cindy is decided to finish college dahil ilang beses na itong hindi pumasa sa subjects niya. Tama naman ang naging desisyon niyang mas piliin si Jherick. Hindi siya nagkamali. When they met in a coffee shop, Jherick looked very weak. Walang buhay ang mga ngiti nito at pilit lang na tumatawa sa jokes ni Julius. Malamlam ang mga mata ng kaibigan at payat na payat. Julius later found out that his friend is positive with AIDS. Malapit na sanang ikasal ang kaibigan sa babaeng nakilala nito sa Thailand kung saan siya nagtatrabaho. Tanggap nito ang sekswalidad ng nobyo. Wala itong pakialam dahil lalaki pa rin si Jherick sa paningin niya. Okay na sana ang happy ever after nila pero nalaman ni Jherick na meron siyang AIDS at malala na rin ang lagay niya. He got this from having multiple s****l partners. Huli na nang malaman ni Jherick na hindi pala sapat ang gumamit ng protection lalo na at iba’t ibang tao ang nakaka-partner niya. Naging napakahina ni Jherick physically and emotionally at nang magkaroon siya ng lakas ng loob na aminin ang katotohan sa nobya, iniwan siya ng babae at mas piniling talikuran siya. Nandidiri siya sa lalaki. Galit siya sa nobyo dahil malaki ang posibilidad na magkaroon din siya ng AIDS dahil maraming beses na ring may nangyari sa kanila bago sila maikasal. At ngayon nga, habang pinagmamasdan ni Julius si Jherick ay hindi rin mapigilan ng lalaki na matakot na maaaring positive rin siya. Naalala niya noon ang sinabi sa kanya ni Cindy na she will only do ‘it’ to the person that she loves. What if dumating ang araw na mahalin siya ni Cindy at handa na ang babaeng isuko ang lahat sa kanya pero hindi pala pwede dahil sisirain niya lang ang buhay ng asawang natutunan na pala niyang mahalin? Hindi niya na maitanggi pa ang nararamdaman dahil nahihirapan na rin siyang hindi makita ang babae nang malapitan. Five months of running after Cindy discreetly pains him so much. Gusto niyang maging lakas ng babae sa mga pagkakataong kailangan nito ng masasandalan pero paano niya ’yon gagawin kung kahit siya ay mahina? “Hello? Anton? Bakit, wala na bang funds ’yong privilege card ng ate mo?” Naputol ang pag-aalala ni Julius nang tumawag si Anton. Ironically, habang pilit siyang nagtatago sa paningin ni Cindy ay buong tapang naman niyang hiningi ang tulong ng kapatid nitong si Anton para subaybayan ang kapatid.  Alam niyang mas mapoprotektahan niya si Cindy sa pamamagitan ni Anton. Himala rin na naging open si Anton at supportive sa mga plano niya. Naging transparent siya sa kapatid ni Cindy at sinabi ang lahat lahat maging ang sitwasyon ng kaibigang si Jherick. Tinanggap siya nito nang walang panghuhusga. “Kuya Julius, ’wag ka munang lalabas ng kwarto ni Kuya Jherick, nasa lobby na raw ng ospital si Ate.” “Oh. Gano’n ba? Salamat. Paalis na nga sana ako at bibili ng makakain.” “’Wag na lang muna, Kuya. I’ll text you.” “Salamat, bro.” “Wala ’yon, bayaw.” Napangiti bigla si Julius sa sinabi ng kausap. “At nga pala, Kuya, kailan mo ba ipapakilala si Kuya Conrad sa kaibigan mo?” “Ano kasi, e . . .” “Kuya, this is the best thing that you can do to Kuya Jherick.” “O-okay. Pag-iisipan ko ’yan.” “Kuya Conrad and I have been praying for you and Kuya Jherick. At gaya ng sabi ni Kuya Conrad, Jesus does not judge our past.” Pinatay ni Julius ang cellphone at hinawakan ang kamay ng kaibigang si Jherick at napaluha. “Diyos ko! Hanggang kailan ako magtatago? Talaga bang kaya Mo kaming hanguin mula sa dilim?” nasabi na lang bigla ni Julius. Napatigil si Julius sa pag-iyak nang marinig niya ang beeping sound na galing sa aparatong nasa tabi ng kama ni Jherick. “Hindi. No Jherick!!! Don’t die yet. No!!!” Tumakbo si Julius na umiiyak palabas ng ospital para tumawag ng doktor nang hindi niya sinasadyang mabangga ang isang babaeng may pamilyar na pabango. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita ni Julius ang pagtataka sa nakabangga. “Kuya Julius?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD