“Dr. Casunuran, I am very grateful for the support you’ve shown earlier,” sincere na sabi ni Cindy kay Dr. Arlyn Casunuran, na tanging member ng board na naka-appreciate sa presentation ng dalaga. Ang natitirang anim ay bumoto para maging presidente si Mr. Chavez. Pero malaking bagay pa rin yon kay Cindy dahil ang isang doctorate holder ay napahanga niya.
“Just call me Tita Arlyn, Cindy. You did well, hija. Kaya ’wag kang mawalan ng pag-asa. ’Di mo man nakuha ang position, you still have twelve months to do something about it. And I know by then, mas magkakaroon ka na ng magandang plans para sa kompanya,” nakangiting sabi ni Dr. Casunuran sabay tapik sa balikat niya.
“Salamat po, Tita Arlyn.” Pilit na pinigil ni Cindy ang mga luhang gusto nang lumabas samga mata at ngumiti. Wala na namang magagawa ang mga luha niya. Kung magmumukmok siya, hindi pa rin naman maibabalik ang mga boto ng board members. At least, hindi naman pangit ang posisyong naibigay sa kanya. She is now assigned to head the marketing team of the company at ipinangako niya sa sarili niyang gagawin ang lahat para kapag nagkaroon uli ng botohan, siya na ang bibigyan ng amor ng mga board member.
Isa pa, the presidential post given to Mr. Chavez is not permanent. Nag-agree kasi ang lahat kanina sa board room na kapag gumaling ang papa ni Cindy at pwede na uli itong mag-manage ay ibabalik siya agad sa posisyong iniwan.
“I have to go then. Be the best, Cindy. Hindi ko na kayo aabalahin ng boyfriend mo. Nakakatuwa nga at napaka-supportive niya para samahan ka kanina.”
“Po?” Lumingon si Cindy sa direksyon ni Dr. Casunuran at nakita niyang nakatingin ang doktora sa papalapit na si Attorney Jared. Napakagwapong mga mata nitong mapupungay at ng labi nitong natural ang pagka-pula, pero hindi niya malaman kung bakit hindi siya kinikilig dito. Gwapo ang abogado.Sexy pa nga sa suot na damit na nagpakita ng maganda nitong katawan. Kaakit-akit ang binata, oo, pero mas magiging masaya siguro siya kung si Julius ang kasama niya kanina habang nagpe-present siya sa board. Hay! Bakit ba si Julius pa rin ang naiisip niya?
“Don’t look at me like that, Cindy. My client might replace me any time kapag ganyan ka.” Hindi namalayan ni Cindy na nasa harapan na pala niya ang abogado at nakaalis na rin si Doctor Casunuran. Pilyo itong ngumiti sa kanya na para bang nagsasabing ‘relax lang, gwapo lang talaga ako.’
“Nasaan ba kasi ang client mo, Attorney?” malumanay ang boses niya. Gusto sanang magtaray ni Cindy pero mas umangat pa rin ang pag-aalala niya kay Julius. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit bigla na lang siyang pinaubaya ng lalaki sa abogado nito.
“Well, I’m sorry but I don’t divulge with the personal issues of my clients but rest assured that I know he feels the same way that you do.”
“I don’t know what you are trying to say, Attorney.”
“You guys should really talk to each other. Both of you are pretty obvious. Well, I have to go, Cindy. Just ring me if you need help with anything. You have my card,” pagpapaalam ng abogado.
Tumango lamang si Cindy at hindi na nakasagot pa.
***
Sumenyas si Cindy sa waiter ng Japanese restaurant na malapit sa kanilang opisina para hingin naang kanyang bill. Oo nga at tanggap na niya sa sariling hindi siya ang nabotong president, pero may bahagi pa rin ang puso niya ang malungkot kaya naisipan niyangdumaan muna ng Japanese restaurant at kumain nang marami.
She eats by herself and reads the Reflection Guide na ibinigay ni Conrad sa kanya. Natawa nga siya kanina dahil saktong sakto ang bible verse na nabasa niya: Whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.Hindi nga lang niya natandaan ang eksaktong verse pero parang pinaalala sa kanya ng Diyos na i-enjoy pa rin niya ang pagkain kahit na nabigo siya kanina. At ang Japanese food ay hindi lang niya comfort food, kung hindi reminder sa kanya na, God has given her taste buds to enjoy His creation. Na kahit may mga problema siya, may mga simpleng bagay na nagpapaalalang kasama niya ang Diyos.
“Ma’am, our cashier said that you are already paid.”
“Huh?” Nagulat si Cindy sa tinuran ng waiter. Wala itong dalang bill. Sa halip, inabot nito sa kanya ang isang privilege card ng restaurant. She read the guidelines on the use of the card at sinabi roon na it’s a prepaid card na pwedeng i-load para hindi na kailangang magdala ng cash kapag kumakain sa kanila.
“Ma’am, ang laki po ng load ng card n’yo. Pwede n’yo pong kausapin ’yong cashier kung gusto n’yo pong malaman kung magkano pero ang alam ko po, pwede uli kayong kumain ng hindi na nagbabayad ng cash bukas, sa susunod na bukas, at kahit na sa susunod na buwan,” nakangiting sabi ng waiter sabay pagyuko ng ulo nito sa kanya gaya ng mga local Japanese.
Inilibot ni Cindy ang mga mata sa restaurant para i-check kung meron ba siyang kakilalang maaaring nagbigay sa kanya ng card, pero wala.Hindi pa rin kasi siya makapaniwala. Paanong nalaman ng taong nagbayad ng privilege card niya na mahilig siya sa Japanese food? Paano rin nalaman ng taong ito na itong Japanese restaurant na ito siya madalas kumain?
It could only be Julius. Kumuha siya ng pilas ng papel mula sa kanyang planner at nagsimulang magsulat para sa asawa. Kung si Julius ang nagbayad ng privilege card niya, then for sure, babalik ’yon sa Japanese restaurant at itatanong kung anong nangyari sa card niya.
She handed the note to the cashier and left the restaurant smiling as she recalls what she wrote on the paper. Japanese characters ’yun na ang ibig sabihin ay, I miss you so bad.