Cindy could not help but smile waking up to the sumptuous smell of the Japanese food placed on her bed side table at alam niyang ang Kuya Julius lang niya ang may gawa n’on. Pero nagtataka siya kung paanong nakagawa agad ng breakfast si Julius gayong alas-sais pa lang ng umaga. Does that mean he woke up early to go to the market just to buy theingredients? Nakakakilig lang isiping mas nagising ng mas maaga si Julius para mag-effort, and he didn’t just do it once. The last time she remembered, she had a fiesta of Japanese food at Julius’ place.
Tumayo si Cindy at inayos na ang unan at kumot niya bago kumuha ng isang pirasong maki at sinubo ’yon. Mamaya na muna siya kakain ng marami. Gusto niyang magpasalamat ng personal kay Julius, kaya naman pagkatali sa buhok ay tumakbo na siya sa sala na dinatnan niyang malinis.
Nakatiklop nang maayos ang kumot na ginamit ni Julius pati na rin ang unan nito. Napansin din niya ang isang papel na iniwan sa ibabaw ng glass table. Nagpalinga-linga siya pero hindi naman niya ito nakita.
Cindy, break a leg on your presentation. NEVER EVER FAIL ME. I still want the position YOUR FATHER OWES me. - Julius
Wala sa sariling nilamukos ni Cindy ang papel at hindi napigilang maiyak sa nabasa.
She opened her viber and dialled Pinky’s number. Alam niyang malaki ang time difference ng Pilipinas at Dubai kung nasaan nandoon ang kaibigan para i-try ang swerte roon pero wala siyang pakialam! Naiinis siya. Gustong sumabog ng dibdib niya at kailangan niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob.
How can she do her best in the presentation when she knows that Julius is still a man of steel and not her superman?! Para saan ang pa-sweet moves niya kung sa huli ay posisyon pa rin pala sa company nila ang gusto nito! Ang lahat ba ay pagpapanggap lang talaga?
***
She was almost done checking her reflection at the mirror when she heard someone rang the bell at para siyang sirang nagmamadaling bumaba. Alam niyang imposibleng bumalik si Julius pero nagbabakasali pa rin siya. Wala na namang ibang taong bibisita sa kanya nang ganito kaaga.
Kumuha muna siya ng matigas na bagay na tinago niya sa likod niya before she cautiously opened the door. Iba na ang handa. Nasa bulsa rin ng kanyang corporate skirt ang spray net para kung sakaling masamang tao ang nasa likod ng pintong bubuksan niya ay maipagtatanggol niya ang sarili niya.
“Good morning, Cindy. I’m Attorney Jared Winchester and I’m here to drive you to work,” ang sabi ng taong nasa labas.
“How can I help you?” Cindy uttered a short prayer at the back of her mind. She needed protection. Hindi niya personal na kilala ang taong kausap niya.
“Won’t you open the door for me first so I can explain?”
Binuksan nang kaunti ni Cindy ang pinto, sapat lang para masilip niya ang taong nasa labas. Nakita niya ang isang gwapong lalaki, mukha naman itong mapagkakatiwalaan base sa itsura, pero hindi pa rin niya binuksan nang tuluyan ang pinto. Kahit na gwapo ang nakaharap ay kailangan niya pa ring mag-ingat. Si Julius nga, gwapo naman, pero nagawa pa ring saktan ang puso niya, ito pa kayang lalaking ito na ngayon niya lang nakilala?
“I’m sorry but I don’t talk to strangers, Attorney,” Cindy politely explained at aktong isasara na ang pinto pero napigilan siya ng abogado.
“Julius asked me to take care of you while he’s gone.”