Isang ngiti ang namutawi kay Sheryll pakagising, nandoon ang gaan ng kanyang pakiramdam dahil sa lambot ng hinihigaan, idagdag pa ang lamig ng kapaligiran at kakaibang bango ng silid. Iyon din ang naging dahilan nang biglaan niyang pag-igtad sa kama, dulo’t na rin ng biglaan paglukob ng kaba. Pinilit niyang pakinggan ang kapaligiran. Mas tahimik at payapa na ang buong lugar, pansin niya rin na mas malaki na ang kanyang kinahihigaan kaya naman lalo lang siyang nabalot ng pangamba. "Nurse, nurse!" buong lakas na sigaw na lang ni Sheryll na nanginginig sa pagkapa sa kanyang paligid. Hindi niya na kasi mapigilan ang nerbyos ng mag sandaling iyon dahil sa na rin sa biglaan na lamang pagbabago ng kanyang kapaligiran. Ilang sandali lamang ay ilang mga yapak ang umalingawngaw sa loob ng sil

