"Will she be able to see again?" hindi mapigilan ni Raymond ang pagtapik ng mga daliri sa kanyang kinauupuan. Bagot man ay naroon naman ang malapad niyang ngiti habang pinagmamasdan si Sheryll mula sa malaking salamin na humaharang sa kabilang kuwarto, kita niya ang pagnanais nitong makalakad muli dahil sa walang patid nitong pag-eensayo kasama ng mga kinuha niyang taga-alaga nito. "According to her results yes," masayang paalam ng doctor pakasarado sa hawak nitong clipboard. "That's good. That's very good," tango niya na lamang dito bago ibaling ulit ang tingin kay Sheryll na nakikipagtawanan na sa mga babaeng bantay nito. Naroon na muli ang gaan at kakaibang galak sa kanyang pakiramdam, kahit ang kakaibang kawalan at kalungkutan sa kanyang dibdib ay tila naglaho na lang bigla nang mu

