"Mam Sheryll!" buong galak na salubong ng isang mahinang boses sa kanya. Naroon ang panlalaki ng kanyang mata nang mapagkilanlan ang naturang tono na iyon, kaya naman kahit papaano ay nakadama siya ng pagkapanatag. "Manang Belle?" subok na lingon niya sa kinaroroonan nito. Naroon na kasi ang bahagyang pagkaka-aninag niya sa mga nasa paligid kahit malabo pa rin ang kanyang paningin. "Kamusta na po kayo," ngiting tugon ng matandang babae sa kanya kahit uugod-ugod na sa paglapit. Napangiti na si Sheryll nang madama ang kulubot at mainit nitong mga palad sa kanya. "Manang Belle will be the one to take care of you," singit ni Raymond sa kanila. Nakailang ulit pang pikit si Sheryll para subukang itong maaninag, pero mga hugis lamang ang nakikita niya kahit nakatayo na ito sa kanyang hara

