Concerns

2220 Words

Hinang-hina si Raymond nang magmulat ng mata, maingat ang kanyang pagkilos dahil sa matinding sakit sa halos buo niyang katawan. Halata ang matinding pagtataka niya nang mabatid ang mga kurtina sa paligid at ang mga aparatong nakakabit sa kanya, idagdag pa ang isang babaeng nakaputi na nasa kanyang tabi at may hawak na clipboard. "Sir, gising na po pala kayo," bati sa kanya ng babaeng nakaputi nang mapansin na pinapalinga na ni Raymond ang tingin sa lugar. "Where am I?" subok na bangon niya. Subalit napangiwi na lang siya sabay tigil nang madama ang sunod-sunod na kirot sa buo niyang katawan at ang kakaibang panghihina ng ilang parte niya. Agad siyang pinabalik sa paghiga ng doctor na naroon. "You don't need to worry sir, nandito po kayo sa hospital." malumanay na sabi ng doctor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD