Nagmulat ng mata si Sheryll na tila nagyeyelo ang haplos ng hangin sa buong lugar, nandoon ang tila kawalan sa kanyang paligid habang papabangon. Napatigil lamang siya nang mabatid ang kulay sa lugar at ang ilang mga gamit na nakalagay roon. Agaran niyang iniangat ang mga kamay upang balingan ang bawat isang daliri at ganoon na lang ang paglapad ng kanyang ngiti nang bahagya niya ng maaninag ang linaw noon. Pinaikot niya ang tingin sa loob upang mas mapagmasdan ang kinalalagyan, nahinto siya muli nang mapansin ang isang munting picture frame na nakapatong sa lamesa na nasa tabi ng higaan. Pakapa niya itong kinuha dahil medyo wala pa sa balanse ang kanyang kilos. Sinubukan niyang bahagyang ipikit ang mga mata upang pilitin palinawin ang tingin, ngunit tanging hugis pa lang ang nakikita

