Kakaiba ang gaan ng pakiramdam ng ulo ni Raymond ng mga sandaling iyon, pero pamilyar na iyon sa kanya dahil na rin sa tagal niyang dinaranas ang naturang pagkalutang kapag nakakainom ng gamot. Dahan-dahan ang pagmulat niya ng mga mata upang pakiramdaman at siyasatin ang paligid at nakadama lamang siya ng ginhawa nang medyo maaninag ang malabo pero pamilyar na anyo na nasa kanyang tabi. "Swe...ety." Angat niya na lamang ng kamay sa pag-abot sa pisngi nito. "Gi...gising na po pala kayo," malumanay na lang nitong sagot. Tila natameme na lamang siya nang maulinigan ang mahinhin at malambing nitong boses; naging agaran ang kanyang pagmumulat upang pilit na palinawin ang paningin. Mabilis ang naging pamamasa ng mga mata ni Raymond nang masilayan ang dalaga at doon niya na tuluyan mapa

