"Ray?" puno ng paglalambing na sambit na lang niya habang dahan-dahan na lumalapit dito. Matapos ang halos isang buong araw na pagkakahimbing dahil sa mga gamot ay nagising na rin ito, pero tila wala na sa sarili ang lalake. Nanginginig, hindi mapakali, kung saan-saan tumitingin at nagsasalita na ng mag-isa si Raymond nang madatnan niya sa kuwarto. Bahagya itong tumingin sa kanya pero mabilis rin na nag-iwas ng tingin sabay sabunot sa sarili bago magsalitang muli. "Ray, ayos ka lang ba?" Maingat na lapit ni Sheryll ng mukha para mas makilatis ang kalagayan nito. Muli lang nag-iwas ng tingin sa Raymond sa kanya bago pabulong na nagsalita. "It's my fault, all my fault, my fault," paulit-ulit nitong sambit. Parang unti-unti na naman na dinurog ang puso ni Sheryll nang mabatid na halos

