"Sa...sa tingin mo ayos lang kaya sila?" Hindi pa rin mapakali si Sheryll ng mga sandaling iyon. Hindi na siya matigil sa kung anong pangamba lalo pa at mag-iilang oras na ang nakakalipas ng pagtawag at pagpapaalam nila ay wala pa rin dumadating na balita sa kanila. "Sila lang po ang kilala ko na pakikinggan ni dado, takot din po kasi ang mga tauhan namin sa kanya and I can't risk calling the police," ngiting sagot ni Martin. Pinilit niya na lang huminga ng malalim upang pabagalin iyon, "Oo nga," iyon naman kasi ang katotohanan kahit noon pa man. Paroo't parito ang paglalakad ni Sheryll habang panaka-naka ang pagsilip sa bintana. Napapatingin na lang sa kanya ang dalawang kasama dahil sa hindi mapakaling pagkilos. Napatingin na lang silang lahat kay Martin nang madinig ang pagtunog n

