Chapter 5

2298 Words
I received a wake call from someone else and I took my phone while I am lying on my brother’s bed. Aandap-andap pa akong sagutin iyon habang nakapikit pa ang mga mata ko. “H-Hello,” mahina kong tugon. Hindi ko na nilakasan dahil alam kong katabi ko sa kama ang kapatid ko. He offered me his bed but since it was a king size bed, I suggested that we sleep together. Sanay naman akong matulog na katabi siya lalo na at galing kami sa matinding pagtatalo. Iyon na lang din ang pambawi namin sa isa't isa kaya sanayan na lang din. Ayaw din naman niyang matulog ako sa sofa at walang malisya ang lahat. We are siblings and it doesn't matter after all. Napuna ko pa nga na nakadantay ang isang paa niya sa paa ko kaya marahan ko rin binawi ang paa ko. Kaya ayaw kitang katabi dahil makulit ka rin matulog. Ihulog kaya kita, Kuya Wigo? “Hello?” tugon ng lalaki sa kabilang linya. Pinakiramdaman ko muna ang boses ng lalaki sa kabilang linya ngunit nabusesan ko rin. “I-Irvin?” “Yeah, it's me. Sorry to disturb you, but I want to know that I am here in the Philippines with my daughter Princess. If you want to visit her, I will send you my address.” “Yeah, sure. I'll be there later. Just send me the address," I raspy replied. Noon lang ako nagmulat ng mata saka ko tiningnan ang caller na naka-end button na. Si Irvin nga. Muli kong inilapag ang cell phone sa side table at inot-inot na bumangon. “Hmm...” Sumulyap ako sa kapatid kong mahimbing pa rin ang tulog niya. Sumulyap din ako sa wall clock na mag-alas-sais na rin ng umaga. I took my robe in my brother's closet since I have my things left there. Hindi na ako nag-uuwi dahil minsan natutulog ako roon. Nagtungo agad ako sa banyo upang maligo. After I took my bath, I went to his dressing room. Isinuot ko na ang panloob ko bago ko tanggalin ang white robe na nagtatakip sa kahubdan ko. While I am staring sa kabuuan ko sa malaking salamin, noon ko lang napuna na biniyayaan pala ako ng malulusog na dibdib, magandang curve na katawan, may kurting abs at magandang shape ng puwit. Na-emphasize pa iyon nang magsuot ako ng kulay itim na two piece. Minsan nga panty-brief pa ang sinusuot ko pero mas feel ko ang maging babae ngayon. Ngayon lang. Kinuha ko na ang polo shirt ko at pantalon sa closet nang mapuna ko ang bulto ng lalaki sa likuran ko. “Huh?!” Nagulat ako sabay lumingon sa kinaroroonan ng lalaking naroon. "Kuya Wigo?!” Kumunot ang noo ko nang makilala ang kapatid ko. Iniharang ko agad ang damit na kinuha ko sa katawan ko upang hindi iyon makita ng kapatid kong bigla-bigla na lang pumasok. “H-Hindi ka man lang kumatok?” inis kong tanong. “You didn't lock the door,” he said. Isang sulyap lang ang ginawa niya saka binuksan ang kabilang closet upang kumuha ng damit. Seryoso rin siya na tila sanay na ang makitaan ako kahit na magkapatid kami. “Magbihis ka na and don't mind my presence. Parang hindi ka sanay sa presensiya ko.” “Hindi kasi tayo talo, brother.” Tumalikod ako upang isuot ang denim pants. “Sabagay. Bakit pa ako magtatago kung sanay ka naman makakita ng magagandang katawan?” “Maliban sa katawan mo,” asar niya. What? Hey, hindi mo ba alam na pang-Miss Universe itong katawan ko? Gagong kapatid ito, ah. “Excuse me, assets ko ang mayroon ako.” Isinira ko ang zipper ng pants ko. “Pwede ka ng humarap,” utos niya kahit na wala pa siyang suot na polo shirt. Bahagyang nagitla ang kapatid ko nang makitang topless at tila hindi nito inaasahan na kaya kong gawin ang bagay na iyon. Gusto ko lang naman ipagmayabang sa unyango kong kapatid na may ibubuga ako kahit ganito ako kumilos at umasta. Ngayon naman, mariin lamang ang tingin niya sa akin at tila tagos-tagusan. “I don't need to show my body to everyone just to please them.” Isinuot ko na ang polo shirt na hawak ko sa harapan niya. “By the way, magkikita kami ni Irvin. Nandito sila sa Pilipinas at kasama si Princess. Dadalawin ko lang ang bata.” “Ang bata ba ang dadalawin mo o ang tatay? I'll go with you,” wika nitong hindi man lang nakangiti. Sinimulan niyang hubarin ang suot na jogger pants hanggang sa tanging brief na lang niya ang natira. Umiwas ako. Taragis ka, Kuya Wigo. Nagkunwari akong isara ang closet at ayusin ang robe ko sa hanger. “Hindi na kailangan. Saglit lang naman kaming magkikita ni Irvin. At anong klaseng tanong naman iyan kung ang tatay ba ang gusto kong makita? Gusto mong mapatay ako ni Camille?” Dapat hindi na ako umiiwas sa ganoong bagay dahil sanay naman akong makakita ng hubo't hubad na katawan pero hindi ang isang katulad ng kapatid ko. “Just wait for me and I'll go with you. Kilala natin si Irvin at ayokong may gagawin siyang hindi maganda sa iyo. I want your safety, Kinne. Hindi natin pwedeng balewalain ang nangyari noong mga nakaraang buwan. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ako.” “Fine.” Humarap ako sa kaniya. “Sumama ka na kahit saan man ako pumunta. Even in the restroom, sumama ka na rin,” asar ko. “Don't dare me, Kinne Zurich. Baka pagsisisihan mo ang sinabi mong iyan. Madali akong kausap,” tugon niyang may malalim na tingin sa akin. “Wala ka na talagang matinong iniisip, Kuya Wigo. Kapatid mo ako at hindi ako kabilang sa mga babae mo. Huh! I am different than anyone else,” paliwanag ko. “I know. That's why I'm⸻” Naitigilan siya. “That's why you're what?" dugtong ko. “Nevermind.” Isang malalim na tingin na lang ang ibinigay niya sa akin saka siya tumalikod upang lumabas ng dressing room. Sinundan ko na lang ng tingin ang kapatid ko saka ako napapailing. Hindi lang naman ito ang ang unang beses na nangyari ang ganitong eksena sa pagitan naming dalawa. Maraming beses na rin at pang-aasar lang niya ang nakukuha ko. Hindi raw maganda ang katawan ko. Don't you know na marami rin akong pinaiyak noong college days ko? Hindi nga lang makaporma dahil mukha pa akong mga lalaki sa mga iyon. Damn this life! Reklamo ng isipan ko. Makalipas ang isang oras, nagbihis nga ang kapatid ko para sumama sa akin. Magkarugtong na yata ang bituka naming dalawa dahil panay lang ang sunod nito sa kung saan ako pumunta mula noong bumalik ako rito sa Pilipinas. Nagmukha pa tuloy akong may chaperon. Walong buwan na ang nakakalipas nang ibigay ko kay Irvin ang pangangalaga sa batang si Princess at kahit wala na sa akin ang custody ng bata, I missed her. Lalo na ngayon na malaki na ang bata dahil nagse-send naman ng larawan si Irvin sa akin. “Hi,” bati ko kay Irvin nang naroon na kami sa bahay niya sa Alabang. “Hi,” tugon niya. “Nice to see you again, Kinne and your brother.” Sumulyap siya kay Wigo at ngumiti. “Nasa loob si Princess kasama ang taga-alaga niya. Let’s go inside,” yaya niya. Sumunod naman kami sa loob ng malaking bahay niya hanggang sa nakita ko si Princess sa garden side. Nakakapaglakad na siya habang naglalaro kasama ng tagabantay niya at ako naman na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. “Princess...” sambit ko. Agad na lumapit na ako sa bata. Ang bata naman na wala pa rin kamuwang-muwang sa mundo, hindi naman nangingilala sa akin. Lumapit pa nga ang bata na akala ay tinatawag ko ito para makipaglaro. Kinarga ko siya dahil natutuwa akong maayos naman ang kalagayan niya. “Kilala ka pa rin ni Princess,” sambit ni Irvin sa akin. “I never replace her name since the day you gave her to me. Bagay naman sa kaniya ang pangalan kaya hindi ko na pinalitan,” paliwanag ni Irvin. “She's in a good hands,” wika ko. Nakikita naman talaga kung paano ito alagaan ni Irvin. “I hope she's really in a good hands,” sabat naman ni Wigo na tila may ibig sabihin. “Pwede ko siyang kargahin?” Ibinigay ko si Princess sa kaniya kaya lang ay nanatili ang mga tingin niya sa akin. My forehead wrinkled why he needs to stare at me everytime. Pambihira! “Kilala ka rin pala ng anak ko,” sambit ni Irvin. “Why don't you have your own family, Wigo? Mukhang bagay sa iyo,” ngiting asar ni Irvin na kilala naman na ang kapatid niya. “I am trying to have one,” he said and then took his gaze in me again. “Kaya lang malabo pa sa ngayon. Hindi pa pumapayag ang magiging nanay ng anak ko.” “You should have one. Bilis-bilisan mo na rin,” tugon ni Irvin sabay sumulyap sa akin. "Ikaw Kinne, instead na mag-ampon ka, bakit hindi na lang sariling anak mo?” “Uhm." Napakamot ako sa gilid ng noo ko. “Undecided pa iyong tatay. Baka sa next life na kami magkikita o kaya naman naka-tsupon pa iyong itinadhana sa akin,” biro ko. “Malabo iyang sinasabi mo, Irvin.” Ngumiti lang si Irvin sa aming dalawa ng kapatid ko. Doon na rin kami nag-almusal at nagtagal pa ng ilang oras bago kami umuwi ng Forbes kung saan nakatira ang kapatid ko. Ang bahay ko naman ay nasa San Lorenzo at isang resthouse sa Tagaytay na gusto ko na rin puntahan. “Kinne?” “Hmm?” Sinulyapan ko si Kuya Wigo habang nagmamaneho. “Is it true na gusto mo rin magkaroon ng lahi mo?” Natawa ako. “I’m serious,” muling wika niya. Ibinaling ko ang tingin sa nadadaanan namin. “Yes,” seryosong tugon ko. “Pinag-iisipan pa namin ni Camille kung sino ang magiging sperm donor.” Bigla siyang napapreno kaya naman gulat na gulat akong biglang napahawak. “What the⸻” “Are you out of your mind?!” sigaw niya sa akin. “Are you trying to have your child with her?!” “Of course! Masama ba ang magpalahi sa iba? Matinong babae si Camille at naghahanap na kami ng donor matagal na dahil gusto na rin niya. Anong klaseng pagtatanong iyan, kuya?” “You know the rules, Kinne! How many times I would tell you about that damn rules of our family? You would never have your own relationship to others except me! Gusto mo na naman ba na pag-awayan ito?” Mababakas na ang galit sa mukha niya sa akin. “s**t that rules!” May pinindot ako para buksan ang automatic lock ng kotse saka ako mabilis na bumaba. Hindi ko alam na sinundan pala ako ng kapatid ko at iniwan ang kotse sa gitna ng kalsada. Isa na lang ang nasa isip ko ngayon, ang iwanan siya at lumayo muna. Kaya lang....kaya lang... “Erin!” sigaw niya. Napahinto ako sa paglalakad dahil alam kong ang pagtawag niya ng huling pangalan ko, ultimatum na niya iyon. Marahan akong sumulyap sa kapatid ko habang pinipigilan ko ang luha kong nais na rin dumaloy sa pisngi ko. “O-Okay!” Humugot muna ito nang malalim na hininga habang naroon pa rin ang galit niya. “Hindi ako pumapayag sa plano niyo ng babaeng iyon. Kinne, as much as possible, you need to think your every move or else, we will lose everything. Alam mo ang bagay na iyan. Now, if you don't want to see our mother in pain, think about it in million times. Come here.” Hinawakan niya ang kamay ko sa unti-unting pagbaba ng tensiyon niya. And the moment he held my hands, he grabbed it to embrace me. Mahigpit na lang niya akong niyakap saka ko pinakawalan ang mga luha ko. Masakit! Sobrang sakit na animo'y pinipiga ang puso ko sa kalayaang hindi ko rin pala makukuha. Kailangan ko na ba talaga isuko ang lahat kapalit ng kasunduan na hindi ko kailanman ginusto? “I'm sorry,” paghingi niya ng paumanhin nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. “Just promise to me you won't leave me with this family feud.” Muli akong naglihis ng tingin sabay pinahiran ang luha ko. “This is s**t!” nginig kong wika. “What do you want me to do? Kung kailangan kitang pilitin, gagawin ko. Mamili ka, ang pamilya natin o si Camille?” “Kuya...” Pinisil ko ang daanan ng luha ko upang pigilan pa ang sunod-sunod kong emosyon. “That's one of the reasons why I don't have a serious relationship in my entire life, Kinne. I didn't want to hurt someone when I already knew our father's will for both of us. Dahil ayokong masaktan lang ako kapag iiwan ko na ang babaeng iyon.” Tumatango-tango ako ngunit hindi na rin sumagot sa kaniya. “Sir, sa inyo ang kotseng iyon?” Sabay kaming sumulyap ng kapatid ko sa kakarating lang na traffic enforcer. Nagka-cause na pala ng traffic ang kotse ng kapatid ko sa gitna ng kalsada. “Ay, patay! Ibang lahi pala ang mga ito.” Napakamot ng ulo itong traffic enforcer. “Sir, Ma'am, your car— it's traffic!” Sabay turo sa sasakyan na hindi na tinapos ang english nito dahil nahirapan. “Uhm, sorry, Sir. My...my wife is sick and she's pregnant!” Sabay kinarga ako ng kapatid ko. “What the⸻” Nagulat na lang ako sa ginawa ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD