Chapter 20

1823 Words
Tatlong araw na simula nang nakauwi ako sa probinsya. Wala akong ibang ginawa kundi matulog, tulongan si itay sa palay niya at kumakain lang nang kumain. Manonood ng TV kung nasa mood pero kadalasan, nagmumukmuk lang ako sa kwarto. Hindi ko alam, bigla na lang akong, bigla na lang akong tinamad sa lahat ng bagay. "Anak?" Napabangon ako bigla nang marinig ko ang tawag ni itay. Bumaba ako sa kama saka sinuot ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto. "Po? 'Tay?" Agad kong bati saka nagmano sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka ginulo buhok ko. Mas lalong lumapad ngiti nito nang makita niya ang mga nakahanda sa misa. "Hinintay mo talaga ako 'no?" Dumiretso siya sa mesa saka umupo at nilapag ang kaniyang cap. "Siyempre naman po 'tay, hindi ako kakain kung hindi man lang tayo sasabay." Umupo na ako sa harap niya saka binigyan siya ng kutsara na nasa misa lang naman. Kinuha ko na rin ang mga takip na pinggan sa kanin at ulam namin. Maaga kasi nagpaalam sa akin si itay kanina dahil gusto niyang taposin nang maaga ang pagha-harvest niya sa farm para makapag-bonding naman daw kami. Three days na kasi simula nang umuwi ako dito at hindi pa kami masyadong nakapag-bonding dahil na rin sa trabaho niya at sa pagiging tamad ko at the same time. Ewan ko ba. Pero ngayon, babawi na talaga ako. Hindi na ako magmumukmok! Grr. "Nga pala, bumili ako ng ticket sa bayan." Tumaas ang kilay ko sa narinig ko kay itay. Ticket? "Anong meron 'tay?" Hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy lamang ang kaniyang pagkain nang nakangiti. “Tay, ano nga meron?” Pangungulit ko kaya tumingin siya sa akin bago sumubo. “Pupuntahan natin si Chong Oman mo sa bayan, anak! Kakauwi lang ng panganay niya galing Manila. ‘Yong inaanak ko na kaaway mo dati noong mga bata pa kayo?” Natatawang sabi nito saka sinubo na ang kanin. Napakunot noo ko sa sinabi niya. Wala akong maalala na ganito. “Huwag mong sabihin na hindi mo naalala si Rako?” Tumayo siya at parang may kinuha sa cabinet. Isang photo album? Lumapit siya muli sa akin at hinalukay ang album. Nang makita na niya ang kaniyang hinahanap ay kaagad niya itong ibinahagi sa akin. “Oh, ayan! Umiiyak ka kasi inagawan ka ng laroan.” Napatakip ako sa bibig nang makita ang panget kong mukha. Nakatingin ako sa camera habang ang kamay ko ay nakaturo sa likoran ko kung nasaan si Rako. Oo, naalala ko mga panahong ‘to. “Kamusta na kaya siya ‘tay?” Napatanong ko nang kinuha ko ang litrato namin sa album. Pagkatapos kasi ng mga araw na ito ay hindi ko na siya kailan pang nakita. “Bigla siyang nawala, ‘no? Wala na akong balita sa kaniya pagkatapos nito.” Dagdag ko pa. Itinabi ni itay ang album. “Eh kasi anak, lumipat sila ng bayan dahil sa trabaho no Chong Oman mo na security guard. Kaya hindi na rin sila nakapagmasyal balik dito kasi busy si Chong Oman mo, wala siyang kasama. At ayon din sa kwento ni Chong mo noong pumunta ako sa bayan, may nag offer sa kaniyang scholarships sa labas kaya pagtungtong niya ng kolehiyo ay lumipad na siya roon.” Napatango ako. Kaya pala nawala siya nang parang bula. “Saka alam mo ba na isa ‘yon sa pinakamagaling na chef? Kaya ito! Ngayong araw ang ibinigay ni Chong mo upang dumalo tayo sa gandeng handaan nila dahil ang mismong anak nila ang magluluto para sa atin. Sobrang galing ‘di ba? Kaya maghanda ka na diyan dahil makikita mo na ang kababata mo.” Tumayo na si itay at iniligpit ang mga pinangkainan namin. Kaagad naman akong natungo sa kwarta saka naligo at nagbihis. Kinuha ko ang pinakamaganda kong dress na ngunit simple lang tignan. Syempre, ayoko naman magmukhang basahan doon sa bayan. Lalo na makikita ko si Rako, nako! Ayokong ibully niya ulit ako! Lokong ‘yon, hindi nakapagpaalam sa akin. “Anak! Kanina ka pa riyan, gagabihin tayo nito!” Rinig kong sigaw ni itay. Tinignan ko ulit mukha ko sa salamin at napangiti. Ang ganda ganda ko talaga! Nakasuot lang ako ng beige dress saka naglagay ng clip sa buhok at konting make up para mas magmukhang presentable naman mukha ko. Pinaresan ko rin ito ng white flat doll shoes. Simple lang naman pero hindi nakakaumay tignan. Ayoko sa magarbo ‘no! Bukod sa wala ako no’n, mukhang hindi rin magbabagay sa mukha ko. “Anak, kinain ka na ba diyan ng salamin?” “Ito na po!” Natatawa kong sigaw at tumakbo palabas ng kwarto. Nakita ko si itay na nakajaporms kaya mas lalong lumapad mga ngiti ko. “Naks tay! Ang gwapo ah! Saan mo ‘yan nakuha? Mukhang mamahalin ah.” Mangha kong sabi. Naka shorts at tshirt siya na bago saka pati na rin ang tsinelas ay bago rin. Grabe! Mas lalong gumwapo si itay! “Padala ni Rako, binigay ni Chong mo noong nagpunta ako sa bayan. Wala ka rito e kaya hindi mo nakita,” ani nito. “Saka meron ka rin daw sabi ni Chong mo pero si Rako ang magbibigay sa’yo,” dagdag niya pa sabay kindat. “Pa!” Sita ko dahil mukhang gusto niya pa kaming iship ni Rako. Jusko! Lumuwas na kami ng bayan at hapon na nang narating kami sa bahay nila Chong. Nasa labas pa lamang kami ng gate pero hindi ko na maiwasan mamangha dahil sa laki ng bahay nila. “Bahay na nila Chong ‘to pa?!” Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango ito. “Oo, at ito ang ani ng paghihirap ng kaniyang anak sa ibang bansa,” proud niyang sabi. Ngunit nawala mga ngiti ko nang makita siya kung gaano kasaya. Masaya ako sa kung ano meron ngayon sila Chong, ngunit mas sasaya sana ako kung pati sina itay ay nabigyan ko rin ng ganito. “Oh, bakit biglang lumungkot mga mata mo?” Nag-aalala niyang tanong. Napailing ako. “Wala po—“ “Nako anak, kahit hindi mo sabihin, alam ko ‘yang dinadala mo. Nalulungkot ka ba dahil wala tayo ng ganito?” “Hindi po! Hindi ‘tay.” Kaagad na sabat ko. Bumuntong hininga ito kaya ganoon na rin ako. “Masaya ako para sa kanila lalo na kay Rako dahil nabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Pero nalungkot lang ako dahil ako hindi ko nagawa sa inyo. Dalawang taon lang naman tanda niya sa akin, pero bakit siya, mas marami nang nagawa sa buhay?” Tinapik ni itay likoran ko at hinawakan ang aking mga kamay. “Alam mo anak, wala naman ‘yan sa kung sino ang nauna o nahuli. Hindi paligsahan ang buhay. Wala kang may hinahabol na oras at wala kang may hinahabol na panahon. May sari-sarili tayong timeline, anak. Kung siya ay nagagawa niya ito at ikaw ay hindi pa, ‘e normal lang naman iyon. Kasi iba-iba tayong lahat. Mayroong para sa kaniya, at mayroon para sa atin.” Tinignan ko siya na naluluha. “At ikaw, matuto ka munang pumalakpak sa kung ano meron ang iba dahil hinintay rin nila ang araw na ‘yon na dumating. Tulad nila, darating din ang sa iyo at papalakpak din ang iba habang hinihintay ang para sa kanila.” Ngumiti ito sa akin at pinahiran ang luha ko. “Saka, kayong mga anak— hindi niyo obligasyon na bigyan kami ng magandang buhay. Obligasyon namin ‘yon na mga magulang dahil iniluwal namin kayo sa mundong ito. Kaya huwag kang mag-alala na ha? Ako dapat ang mahiya—” “Tay! Hindi. Sobrang kontento ako sa mga binigay niyo ni inay. Hindi kayo nagkulang, okay? Sobrang enough na kayo sa akin.” Pagputol ko sa salita nito. “Tama na ngang dramang ‘to!” Natatawa na naiiyak kong sabi bago pa kami mag-iyakan. Pagkain pinunta namin dito hindi patay. Nakakahiya naman na pumasok kaming mugto ang mga mata. “Oh, kumapare!” Rinig kong sigaw mula sa loob. Nakita ko si Chong na malapad ang ngiti papunta sa amin. “Bukas naman ang gate, bakit hindi pa kayo pumasok?” Salubong niya saka nagmano kaagad ako. “Hindi, kakarating lang din namin,” sagot ni itay. Tinignan naman ako ni Chong kaya bumati na ako. “Magandang hapon po Chong.” “Magandang hapon din ija! Ito na ba si Keisha?” Tanong nito kay itay habang tinuturo ako. Tumango naman kaagad si itay. “Nako! Sobrang gandang bata! Bagay na bagay sa anak kong si Rako!” Nanlaki mga mata ko. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig ko. Ito namang si itay ay tudo supporta rin at nakitawa pa. “O siya! Tayo ay pumasok na baka lumamig ang pagkain. Andaming hinanda ng inaanak mo.” Pumasok kami sa bahay nila. Kung kanina ay manghang-mangha ako, ngayon naman ay sobrang nagandahan ako. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako nakaapak sa ganitong klaseng bahay bukod sa condong ibinigay ni Dane. Aysh! Bakit ko ba naaalala ang mokong ‘yon! Sinalubong kami nila Chang Esme at pinatuloy sa loob. Konti lamang ang mga bisita at puro mga kumpare at kamag-anak nila. Tinawag kami mula sa kusina kung saan naroon ang mga handaan. Masaya silang nagku-kwentohan ni itay at ang mga kumpare nito habang ako naman ay na out of place bigla. Kasama ko ba naman ay puro mga matatanda, malamang sa malamang hindi ako makarelate sa kanila. “Nako, ija! Naroon si Rako sa likod, nagbiyak ng buko pandagdag sa special desert niya raw. Tawagin mo at sumabay na tayong kumain dito. Kayo ba naman hinihintay no’n, lalo na ikaw!” Ani ni Chong na may konting kutya pa. Wala naman akong ibang choice kundi sumunod sa sinabi niya. Pinuntahan ko ang likod kusina nila at nakita ang lalaking nakahubad na nakatalikod, nagtataga ng lubi. Holy shet! Wala bang damit ‘to? Tanging nakapantalon lamang siya. Kita pa lang sa likod kung gaano na siya ka matipuno at gwapo. Jusko. Close pa rin ba kami nito? Baka maging awkward lang pag nagkausap kami. Umatras na ako at babalik na sana sa loob nang may nasipa akong bato sa kadahilanang nakagawa ito ng tunog at napaharap siya. Nanlaki mga mata ko nang tumayo siya at bumungad sa akin sng six pack abs niya. Holy shet na malagkit talaga! “Keisha?” Dahan-dahang napatingin ako sa mukha at halos lumuwa mga mata ko nang makita kung sino ito. “Drake?! Anong ginagawa mo rito?!” Gulat kong tanong. “Oh, nagkita na pala kayo ni Rako.” Napatingin ako sa kay Chang sa likuran. “Rako?!” Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong at ibinaling ulit ang atensyon ko kay Drake. Ngumiti ito nang nakakaloko. “Looks how destiny works. I’m Rako, your one and only childhood frienemy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD