Chapter 21

1263 Words
I still can't believe that I am talking with the one I trusted the most. Kasi sa totoo lang, nakalimutan ko na talaga siya. Hindi naman totally na nakalimot, but it never appeared in my mind the idea of him anymore. Sobrang bata pa kasi namin noon at bata pa kami ay kinuha na siya para makapag-aral. Hindi ko nga alam kung ano ire-react ko ngayon lalo na't hindi kami close. Para kasing total stranger siya sa akin, sobrang laking pinagkaiba, ni hindi ko na nga siya natandaan kung hindi niya pinapaalala sa akin ang mga memories namin dalawa. Pero ang saya niya kausap, ramdam ko rin na kilalang kilala niya ako. Wala naman akong ibang ginawa kundi tumawa at magtanong kung totoo ba 'yong nangyari na gano'ng bagay kapag may kinukwento siya sa akin. 'Yong iba ay naalala ko kaya masasabi ko talaga na bff ko siya noon, pero 'yong iba naman ay hindi na. Pero kahit gano'n, masaya ako kasi komportable ako sa kaniya. 'Yon lang, awkward pa rin kasi jusko! Ang liit ng mundo. Siya pala ang bestfriend ko! At sobrang gwapo na niya, parang ang layo ng vibe namin. Isang hamak na probinsyana lang talaga ako. "Oh, buko salad. Pinaghanda ko talaga 'yan dahil paborito mo 'yan noong mga bata pa tayo," sabi niyang nakangiti sabay abot sa akin. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat. "Naalala mo pa? Grabe naman sobrang dami mong memories sa akin." "Oo naman, ikaw lang naman 'tong nakalimot. Pero okay lang, sus sino ba naman ako?" aniya at lumungkot ang mukha. "Sadboi yarn?" Natatawa kong tanong at sabay kaming tumawang dalawa. Ang gwapo namang sadboi nito kung gano'n. Umupo na siya sa tabi ko at kumain kami. Andami ko na ngang nakain, ayaw ko na sana kaso nakakahiya naman tumanggi lalo na't paborito ko naman talaga ito. Pero busog na ako ah, sana man lang hindi ko tatae rito kasi ang layo ng bahay namin. "Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala, grabe anliit ng mundo," sabi ko habang inaalala na may interaction na kami. "Yeah," he simply said. Tumingin ako sa kaniya at pinandilitan ko siya ng mga mata. "At ikaw, alam mo pala bakit hindi ka nagpakilala sa akin?" tanong ko dahil sa kwentohan namin kanina, sinabi niya sa akin na alam niya. Pero dahil masyado niya akong namiss at gustong iconvince na siya nga 'yong bff ko, mas kinwento niya ang mga memories naming dalawa. Natawa ito bago sumagot. "Because I was waiting for you to recognize me. Sadly, you didn't," aniya na may halong lungkot na boses. Bigla tuloy akong naguilty. "Eh sorry about that. Bata pa talaga kasi tayo no'n 'e, sa totoo lang kung hindi sinabi ni tatay at pinakita mga litrato ay hindi ko talaga matandaan. Saka, hindi naman kita totally na nalimot 'no, parang natambakan ka lang ng new memories ko." Pagkasabi ko ay natawa ito kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Nothing. At least 'yong new memories mo ay isa na akong chef?" Napangiti naman ako.  True. Gwapong chef pa. Hindi na ako umangal pa at iniba ko naman ang usapan. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko dahil ayoko ng tahimik, ang awkward! Besides, kanina pa naman siya kwento nang kwento kaya ako naman. Pero in fairness, dahil sa inakto niyang may pagkamakulit, childish, parang nawala 'yong image niya sa akin na isa siyang pormal na chef. Ang nakikita ko ngayon ay malayo sa dati. Dati, nahihiya at mukhang pormal niya pero ngayon ay parang bff vibe ko na siya. Ganito pala siya sa mga kaclose niya. "Ayaw mo bang nandito ako?"  Kumunot naman noo ko dahil sa tanong niya. "Hindi, ibig kong sabihin, dito kana titira for good?" "Bakit, ayaw mo ba?"  Psh. I rolled my eyes dahil sa kakulitan niya. Humalukipkip ito at nagsalita. "Ikaw pa rin talaga ang bff ko. Masyadong masungit, ayaw ng paulit-ulit. Oh, rhyme 'yan ah." Napangiti ako dahil parang biglang may nagflashback sa utak ko. Sakto-sakto sa noong mga bata pa kami na sobrang kulit niya at napipikon ako kaya tinatarayan ko siya. "Hmmp." "Seryoso, ahm I still don't know. Maybe for months? Or for good... I don't know what the future holds." Napangiwi naman ako. "Ngi, dapat alam mo 'yan." Tinignan ko siya at ininom niya ang sabaw ng salad. Grabe, ang gwapo pa rin, parang commercial na pag inom. Hindi pa rin ako makapaniwala na kinakausap, kasabay sa pagtawa, at parang close ko 'tong lalaking 'to. Masyadong gwapo para sa akin. "Yeah, I know. But I am always open for oppurtunities depends on the situation," sabi niya at tumingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil nahihiya ako mag eye contact. "Gano'n ba," sabi ko na lang kahit wala akong naiintindihan. Sakto naman na dumating si tatay kaya tumayo ako. "Anak, halika. Ipakilala kita sa ninang mo," natutuwa niyang sabi kaya napatingin ako kay Drake-- no Rako.  Tumango naman ito kaya lumapit na ako kay tatay. Lumabas .'yong isang ginang na hindi pamilyar sa akin. Maganda siya, halata sa kutis niya na mayaman siya. Naka choneil na bag, gutsi na shoes at branded na pink top at pants. She looked like the barbie type of tita, ang cute lang.  "Ninang Rowena mo, kakarating niya lang rito dahil gusto niyang makilala ka niya."  Napatingin ako sa kaniya at ngumiti siya sa akin nang pinakamalapad.  Kaagad naman ako nagmano to show some respect. Tinanggap niya ito at ngumiti nang pinakamalapad. Grabe ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. "Ahm, Kiesha po." Inilahad ko akin kamay at tinignan niya lamang ito. Akala ko ay hindi niya papansin pero kinuha niya ito at hinawakan pa ng dalawang kamay niya. "You are so pretty, ija. You reminds me so much of your mom," may kung anong lungkot ang nasa boses nito. Napatango naman ako. "Ay sorry ha, kung nabanggit ko mama mo. Nami-miss ko lang siya. Ako 'yong bestfriend niya nong highschool." Tumango naman ulit ako dahil wala naman akong sasabihin. Nag-usap lang kami kung gaano si nanay ka matulongin sa kapwa. Napag-alaman ko rin na wala siyang boyfriend, pero mayroong mga anak. She is a furmom. She has 21 cats in her house. She also talked about what happened to them noong highschool. Sobrang bait niya, walang halong biro kaya bago kami umuwi ay nabigyan niya pa ako ng pera. "Maraming salamat sa pagpunta! Masaya kami dahil naglaan talaga kayo ng oras para samahan kaming ipagdiriwang ang pagdating ng anak kong gwapo na si Rako," sabi ni Chong Oman. Nagsiba-bye na ang lahat saka inihatid kami ni Rako sa sakayan. "Masaya ako ngayon dahil nakilala mo na ako. So since nandito na ako, can I visit you in your house?" Ha? Bakit? I was about to answer pero naunahhan na niya ako. "Chong," tawag niya sa tatay ko. Napalingon naman si tatay at nagsalita. "Oh?" "Ahm," he paused at umubo. Tumingin ulit siya sa akin nang nakangiti. Pagkatapos ay bumaling ulit kay tatay saka nagsalita. "Gusto ko lang sana magpaalam kung pwede ako makadalaw sa inyo?"  Nanlaki mga mata ko dahil sa tanong niya. Gagi, tinanong niya itay ko. "Sa amin? Aba oo naman! Bakit naman hindi? Welcome na welcome ka doon." Lumawak ang ngiti nito sa labi. "Maraming salamat po, Chong!" sabi niya. Ngumiti naman si tatay saka nagtanong na siyang nagpalaglag sa panga ko. "Bakit, gusto mo ba makita ang anak ko? Single 'yan, baka naghahanap ka ng jowa," aniya na pabulong at pareho silang natawang dalawa. Pero mas lalo akong nagimbal sa sagot ni Rako. "Pwede naman, baka malay natin asawa ko na 'yan bukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD