"Botong-boto ako diyan kay Rako, anak. Huwag kang matakot kung gusto mo rin siya ah? Hindi ko kayo hahadlangan," aniya na may mga ngiti sa labi.
Hindi ko siya pinansin kasi simula kanina 'yan lamang ang bukambibig niya. Nakesyo ang guwapo raw, mabait pa tapos magalang. Halos lahat ata ng gusto niya sa lalaki para sa akin ay na kay Rako.
"Dalaga ka naman anak, hindi naman magagalit nanay mo. At isa pa tumatanda na ako oh, kailangan ko ng apo."
"'Tay naman!" Pag-angal ko na dahil mukhang iba na yata ang gusto niyang mangyari. Jusko naman! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay tatay. Masyado siyang nadadala sa mga tukso nila chong. Kasi ba naman kanina, wala rin oras na hindi kami tinutukso. Ang awkward nga 'e, mas lalo na ako dahil all those times na kwentohan namin, kilala niya pala ako. Kaya pala palagi niya akong iniimbetahan at pinaglulutoan 'e sadyang gusto niya talaga akong makasama. Ang tanga ko naman sa part na hindi ko alam na kilala ko siya.
Nakarating na kami sa bahay at good mood si itay. Napapangiti na lang ako kasi masaya akong makita siya masaya. Pero hindi rin ibig sabihin no’n na magbo-boyfriend ako ‘no! Mabuti sana si Dane, pwede pa. Charot.
Napaupo na lamang ako sa kama nang maalala si Dane.
Nabuntong hininga ako.
Kamusta na kaya siya?
Namimimiss niya rin ba ako?
Pero napailing na lang ako dahil alam kong impossible. Pinagtutulokan niya ako na parang hindi man lang kilala. Ayaw niya sa akin. He hates me. Gusto ko siya, pero wala na akong magagawa no’n kung hindi niya ako gusto.
Kinaumagahan ay nagulat na lamang ako na makita si Rako sa labas ng bahay na may dalang pagkain. Sobrang maaga pa, nagkakape pa lamang kami kaya pinakape na rin siya namin.
“May girlfriend ka na ba ijo?” Napahinto ako sa paglagay ng asukal sa gatas ko nang magtanong si Tatay. Napakagat na lamang ako sa labi dahil sa kahihiyan. Jusko naman! Hindi niya talaga titigilan si Drak- Rako.
“Chong naman! Wala nga po,” natatawang sagot ni Rako.
Pinagpatuloy ko na ang pagtimpla saka nagpunta na sa kanila.
“Alam mo single ‘yang si Keisha.”
“Tay,” kaagad na tawan ko sa kaniya upang maputol ang mga dapat niya pang sabihin.
Napatingin siya sa akin na may mga ngiti sa labi. Jusko naman talaga! Masaya siya sa pinaggawa niya. Masyadong naninibago lamang ako kasi parang siya pa mismo tumutulak sa akin na magboyfriend ‘e halos ayaw niya nga ako makipagbarkada sa mga lalaki rito ‘e. Napapaisip tuloy ako. Masyado na ba akong matanda na kailangan. Ko na mag boyfriend?
Pero hindi pa ako handa. Hindi pa nga ako naka recover sa pagiging broken hearted kay Dane ‘e, maghahanap pa kaya muli. Ayaw ko. ‘Yon pa nga lang may pagtingin ako sa kaniya, masakit pa. Paanopa kaya kapagnag invesg ako ng time at feelings sa issng tao, edi sayang!
“Keisha.” Napabaling ang atensyon ko kay tatay. Saka ako napatingin kay Rako dahil dalasa na sila nakatitig sa pagmumukha ko.
Kaagad naman ako umiwas ng tingin saka kinuha ang gatas ko.
“Ano... ahm ano, hindi ka pa po ba male-late sa pinagtrabahoan mo ‘tay?” Biglang napaisip na siya.
“May trabaho ako ngayon?”
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Nakalimutan niya? ‘E never nakalimot ‘to.
“Opo, saka nabanggit mo po kahapon parang may kakauaapin kayo sa kampo.”
Nagulat ako nang biglaan siyang napatayo. “Oo nga! Naalala ko. Bakit ko naman makakalimotan ’yan?” Natatawa nitong sagot saka nagpaalam na sa amjn. Kaya ang ending, kaming dalawa na lamang ni Rako ang naiwan. Tahimik lamang, hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko kaya inubos ko na lamang ang gatas ko saka inilapag sa may lababo.
“Kamusta ka?” Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likoran ko.
Jusko naman! Nakakagulat ‘tong si Dra— Rako.
“Okay naman, ikaw ba? Pasensya kana kay itay ha, hindi ko rin alam kung bakit sa gano’n, first time niya ako sinusuportahan sa lovelife,” natatawa kong sabi para naman hindi awkward.
Sumandal siya sa lababo at napatingin sa kawalan.
“It’s okay. Don’t be sorry. Actually, I totally understand why he was like that.” Napatingin ako sa kaniya, at gano’n siya sa akin.
“He’s old now. Baka gusto na niya ng apo.”
Ramdam ko ang pagkainit ng pisnge ko sa sinabi niya saka ako umiwas ng tingin at iniwan siya.
“Hindi ko naman siya mabibigyan ng apo dahil wala akong balak mag-asawa ngayon. Ni-wala nga akong trabaho ‘e, pinaalis—“
Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi niya alam kung bakit ako umuwi rito.
“Pinaalis?” Balik na tanong niya at lumapit sa akin.
Umiling ako.
“Wala, nevermind.” Sabi ko saka kinuha ang mga kalat sa sala. Maglilinis at maglalaba pa ako, sobrang dami ko pang gawin, kaya sana umalis na lamang siya.
Don’t get me wrong, masaya ako na nandito siya knowing that we were so close before. Pero iba lang siguro ang mood ko ngayon, naalala ko ba naman kasi mga pinagsasabi ni Dane sa akin na sobrang ayaw ko marinig.
“Ano ginawa niya sa’yo?” Ngayon, ramdam ko na may halong galit dahil sa pagiging seryoso ng kaniyang mukha at boses.
Kinuha ko ang walis at niwalisan ang sala namin. Habang siya nama ay kumuha ng dust pan saka ibinigay sa akin. Natatawa na lamang ako dahil ang seryoso niya pero nakuha niya pa rin tumulong sa akin.
“Wala, wala ka na do’n okay?” Sabi ko sa kaniya.
“Anong wala? Baka may ginawa siya sa’yo, hindi pwede ‘yan. I will never tolerate it. Now tell me, is he the reason why you came back here?”
Alam kong hindi niya ako titigilan kaya napasang-ayon na lamang ako.
“Oo. Ayaw niya sa akin. Okay na? No follow up question please.”
Inunahan ko na siya bago pa man siya magtanong.
“Saka, please I don’t wanna talk about him anymore. Nagpakalayo-layo na nga ako, kaya nagmamakaawa ako. Huwag na natin siya pag-usapan, okay?” Pagsabi ko ng totoo.
Totoo naman kasi. Ayaw ko na nga maalala kung paano niya ako pinagtabuyan. Ang sakit sa dibdib. Para akong hindi makahinga dahil sa sakit.
“Sorry... but please know that you can rant at me, okay?” Tumango ako sa kaniya.
“I won’t force you to share this time, but if you are already ready to open up about it, know that I’m all ears. I would love to hear your rants, maybe in that way I can help somehow.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
It feels so good to have someone who’s ready to listen all of my dramas in life. Ang sarap sa pakiramdam.
Dahil nga tapos na ako magwalis ay kinuha ko na at lumabas. Nang nakalabas ako ay nanlalaking mga mata kong napahinto ako. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga.
Oh my gash, anong ginagawa niya rito?
Likod pa lang ay alam ko na kung sino ito.
Kaya nang unti-unti itong humarap ay halos hindi na ako makahinga sa kaba.
“Keisha..” aniya.
“D-Dane—“
“Keish,” naputol pagsasalita ko nang biglang sumulpot si Rako sa likoran ko.
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Dane at gano’n din si Rako.
Kaya ngayon, kaming tatlo na ang gulat na gulat makita ang isa’t isa.
Oh my gosh!