"Why are you here?"
I gulped as they asked it in chorus. Potek.
Nagkatinginan ang dalawa, at bakas sa mukha nila ang galit at pagkairita. Hindi ko alam kung bakit ganyan sila makareact na tila langgam ay aatras sa pagkuha ng asukal dahil sa masamang tingin nila. Walang koneksyon ang langgam, naramdaman ko lang na umakyat sa mga paa ko kaya kaagad ako umalis sa kinatatayoan ko at lumipat sa kabilang pwesto-- malayo sa dalawa. Kaya ngayon kaharap ko na sila.
"Aw aw aw!" sabi ko na lang kaya sabay na rin sila napatingin sa akin, magsasalita pa sana ako nang bigla silang nagulat at dali-dali humanap ng magagamit pampunas sa paa ko. Si Dane ay ginamit 'yong panyo-- habang si Rako naman ay hinubad ang puting tshirt saka pinagpagpag sa paa ko.
Nanlalaki mga mata kong hindi makagalaw sa kinatatayoan dahil dalawa sila mismo ay nasa mga paa ko- nakaluhod, 'e naka skirt ako.
Shuta.
"Are you fine?"
"Okay ka lang?"
Nag-aalala nilang tanong at sabay pa rin napatayo.
"Ano ba? Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Rako.
"What? No way. I should be the one who should ask that, why are you here? Sinusundan mo ba si Keisha? Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa kaniya?" Kaagad naman na tanong ni Dane.
"'E ano ba naman paki mo sa---"
"Hello!" Kaagad na pagsulpot ko bago pa sila magkainitan. Napatingin silang dalawa sa akin na nakakunot noo.
Awkward akong napangiti kasi hindi ako sanay sa ganitong tensyon. Jusko! Mababaliw na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Dane kaya napatingin ako sa kaniya. Kita sa mga mata nito ang lungkot at sabik-- habang nakaramdam naman ako ng tampo dahil sa sinabi niya sa akin. Sabi ko nga, hindi ako galit. Kailanman, hindi ko magagawang magalit sa kaniya dahil hindi niya naman ako pinaasa, ako 'yong kusang umasa. Pero malaki ang tampo ko. Sobrang laki kasi nasaktan din ako sa sinabi niya. Hindi niya naman kailangan maging gano'n, pero ano pa nga ba magagawa ko? 'E alam naman ng lahat kung gaano kasama ugali nito.
Tumalikod na ako sa kanila bago pa man ako magsalita. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Ayaw ko rin makipag-usap sa kaniya.
"Keisha..." rinig kong pagtawag niya kaya bago pa man ako pumasok sa bahay ay napahinto ako.
"Can we talk?" dagdag nito sa kadilanang lumakas ang t***k ng puso ko.
"Please, just for a second... I just wanna explain some things."
"Bro, mukhang ayaw ka niyang kausapin," dinig kong salita ni Rako.
"She didn't say it."
"Pero obvious naman, kung kakausapin ka niya, kanina pa siya nakaharap sa'yo. Pwede ka nang umalis."
"It's okay," I cut Rako off.
Napahinga ako nang malalim bago humarap sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya pero mas mabuti na rin na pakinggan na lang 'no? Hindi naman sa pagiging marupok, gusto ko lang talaga pakinggan side niya. Hindi naman ako aasa pang magustohan niya ako. Sa ilang araw na pamamalabi ko rito, nakapag-isip-isip din ako. Na baka nga, ayaw niya sa akin. Na baka nga, pang boss ko lang siya at hindi talaga kami ka level. Tanggap ko naman, tanggap ko na hanggang doon lang kami. Kaya ngayon, papakingan ko lamang ang side niya nang makaalis na siya.
Humarap ako sa kanila at napatingin ako kay Rako. Ngumiti ako nang kaunti.
"Iwan mo muna kami," sabi ko at dahan-dahan naman itong napatango sa akin. Pero nang linongin niya si Dane ay tumalas ang kaniyang mga mata. Pagkatapos no'n ay umalis na siya, bumalik sa loob ng bahay.
"Keisha.." kaagad na sabi nito.
"Doon tayo sa kubo," sabat ko at nauna na akong maglakad.
Tahimik lang siyang sumunod sa akin. 'Yong kubo ay hindi man lang kalayoan sa bahay namin, pero sakto lang para magkaroon kami ng privacy sa isa't-isa.
Hindi pa ako nakatingin sa kaniya ay nagsalita na ako.
"Bakit ka nandito?" tanong ko at sinubukan na harapin siya. Saktong nagtama ang aming mga mata kaya kaagad ako umiwas ng tingin dahil ang awkward nga.
"Bakit siya nandito?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Kaya napatingin ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin sa kawalan. Sinundan ko naman ang tingin nito at nakita ko si Rako sa labas ng bahay na may kausap sa telepono. Binaling ko ulit ang tingin ko sa kaniya at nagkatinginan kaming dalawa.
"'Yan lang ba ang pinunta mo? 'Yong tanongin ako kung bakit siya nandito?" sabi ko kasi parang wala siyang plano sabihin ang gusto niyang sabihin sa akin.
Umiling na lamang ito at napalunok.
Parang hirap na hirap siya magsalita, pero ramdam ko ang pagpilit nito sa sarili.
"Just wanted to apologize..." mahinang sabi niya.
Nagulat naman ako dahil ito ang lumabas sa bibig niya. Knowing him, he doesn't know how to apologize. Mataas ang pride nito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay 'yong matapakan ang ego niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto niyang magsorry sa akin?
Anong nakain nito?
O baka nabingi lamang ako.
"T-teka.. ikaw? Magsosorry?" Pag-ulit ko kasi hindi na siya nagsalita pa.
"Yeah.. just realized my mistakes. I should've not done that to you. You don't deserve those."
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
What? Shuta. Seryoso ba siya?
Napalunok ako kasi di ko keri ang revelations.
"O..oh okay. Is that your reason why you are here?" I asked.
"Yeah," maikling sabi nito.
Ramdam ko naman ang sinsiridad kaya napatango na lamang ako.
"Okay lang," sabi ko sa kaniya. "Hindi mo naman kailangan," dagdag ko pa kaya napatingin ito sa akin.
"Kasalanan ko naman kasi, masyado akong makulit."
Totoo naman kasi, kung sana pagkasabi niya pa lang na ayaw niya akong makita, umalis na sana ako. Baka masyado siyang badtrip sa mga oras na 'yon, pero pinili ko pa rin kulitin siya dahil sa matigas na ulo ko. Kaya ayon, mas lalo niya akong pinagtaboyan dahil nga nakakairita na ako.
"It's not your fault."
I looked at him.
"Hindi mo deserve na sigawan."
Nanggilid mga luha ko hindi dahil naawa ako sa sarili ko kundi masaya at na-appreciate ko siya lalo. Shuta. Mas lalo akong nai-inlab sa kaniya dahil sa pinakita niyang pagkukumbaba. Bale, decline ko na lang 'yong part na sinigawan iya ako. Kung ano kadami ng red flag niya, tinalo naman nito ng nag-iisang green flag niya. Hehe.
Ah, no! Focus ka nga, Keisha. HUWAG MARUPOK.
"I don't know how will I make up to you."
"Hindi, okay lang talaga," tugon ko sa kaniya.
"Promise, okay lang, pinapatawad na kita."
Sabi ko nga, hindi ako galit. Nagtatampo lang. 'E humingi naman ng tawad, sino ba naman ako para hindi siya patawarin 'di ba?
Kung ang Diyos nga nagpapatawad, pwes hindi ako ang Diyos.
Charot.
Mabait ako.
"I know you are confused right now, but that's not actually the reasons why I came here."
Dahil sa sinabi niya, mas lalong kumunot noo ko.
"To be honest.."
"Ano?"
"I like you."