Chapter 24

1050 Words
"W-what?" I asked to assure if I am hearing it right. He was about to speak again when tatay shouted my name. Napatingin kami sa likoran ko at nakita ko ang nakangiti kong itay na may dalang-dala na manok. "Ihawin natin!" sigaw nito. Bigla naman ako napangiti nang makita kung gaano kasigla at kasaya si itay. As she should. Deserve niya naman maging masaya. Hindi ata alam ni itay na kasama ko si Dane dahil kung alam niya ay hindi naman siya magdidisturbo sa pag-uusap namin kahit hindi siya disturbo. "Sandali lang po 'tay!" sigaw ko pabalik. Kumaway naman siya kaya napakaway na rin ako. Pumasok siya sa loob ng bahay at bago pa pumasok si Rako ay napatingin siya sa amin. Nang tuluyan na silang makapasok dalawa ay saka ko naman binaling ang atensyon ko kay Dane. Ngumiti ako nang maliit dahil na-interupt ang aming pag-uusap. Nakakahiya. "S-sorry, hindi niya alam--" "It's fine," he immediately cut it off. "I understand, let's go and help you dad?" dagdag pa nito at tumayo na. "Wait, teka teka. Ano nga pala 'yong sinabi mo kanina?" tanong ko ulit dahil baka hindi ako makatulog dalawang linggo nito. Umiling ito sa akin at bahagyang napangiti. "Nothing, nevermind," aniya. Lumabas siya sa kubo kaya wala na rin akong magawa kundi lumabas. Shuta. Nabibingi na nga yata ako. Bakit kasi gan'on ang pandinig ko? "I miss being here," aniya saka humawak pa sa mga nagsitaasan na damo sa paligid. Nakangiti ang mga labi nito, at dahil nga hindi ako nakapaghandang huminto, nabunggo ako sa likoran niya nang siya ay huminto. "Aww!" Reklamo ko saka kaagad na hinawakan ang noo ko. Napatingin siya harap sa akin at imbes na maawa o tanongin man lang ako kumg kamusta ako, iba ang lumabas sa mga labi nito. "Is that jerk courting you?” “What?” Gulat kong tanong dahil diretsahan niya talagang itinanong sa akin ito. Bumuntong hininga ito at pilit na nagsalita ulit. “Ang sabi ko kung nanliligaw ba ‘yang gagong ‘yan sa’yo?” May kung anong galit sa boses nito kaya natatawa akong umiling. “Pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami niyan, at saka may pangalan siya. Drake o Rako. You choose.” Umiwas siya ng tingin saka nagpumulsa. “So he has a nickname from you. How did you both became that close?” Naiirita niyang tanong at hindi ko naman mapigilan mapangiti dahil amg kyot niya. Nagseselos ba ‘to? Ang assuming ko naman kung iiispin ko na ang sir ko, ang gwapo at mayaman, ay magseselos pa. Maganda yarn? Dahil mga malapit-lapit lang naman ang bahay ay nakarating na kami sa gate saka pumasok. Hindi na ako nakasagot dahil lumabas si itay kasama si Rako na bitbit ‘yong 45 days na manok habang si Rako naman ay labador. Mag-iihaw sila. “Oh, tapos na kayo mag-usap?” Tanong ni itay kay Dane. “Opo ‘tay, tulongan ko na po kayo,” sabi niya at agaran na kinuha ang manok rito. So alam ni tatay? Mukhang masaya pa silang nagka-interact-an, pero kung nagkatinginin lamang sina Dane at Rako, alam mo talagang may tensyon sa pagitan nila. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit nagkasabay pa ang mga ‘to. Pinanuod ko lamang sila gumalaw. Si Dane ay umupo habang hawak-hawak ang manok, habang si Rako naman ay inilagay ang palanggana saka kinuha ang malaking itak para panggilit ng leeg. Para silang magtropa dahil sobrang kulit ng manok at pinaghihirapan sila. “Kung sino ang makapag-ihaw niyan ay siya ang papayagan kong manligaw sa aking anak!” Nanlaki mga mata ko sa sinabi ni itay. Hala jusko! Dahil nga sa sinabi niya ay nagsi-agawan lamang sila hanggang sa naluto na nga ito. “Kayong dalawa, sabay pa kayong pumunta rito.” Tahimik akong nagsasandok ng kanin habang silang tatlo naman ay nakaupo na sa misa. Isa lang ang nanalo kanina sa agawan nila- sino ba naman kasi ang chef dito? Kundi si Rako lamang. “Masaya akong nandito kayo dahil sign lang ‘yan na kayo ay may respeto sa akin.” Umupo na ako at kaagad naman akong binigyan ng pinggan ni Rako. Nagpasalamat ako sa kaniya at ngumiti siya sa akin. Habang si Dane naman ay tahimik lang nagmamasid sa ginagawa namin. “Gusto ko... seryoso kayo sa kaniya. Gusto ko na sana kung bibigyan kayo mg chance ng apo ko ah huwag na huwag ninyo sasayangin dahil nag-iisang Keisha lang ‘yan sa mundo, walang ibang katulad. Hindi na kayo lugi.” Napahinto ito sa pagsasalita dahil umubo ito. Kaagad ko naman kinuha ang baso na may lamang tubig at ibinigay sa kaniya. Ininom niya ito pero mabilisan lamang dahil itinaas niya ang kaniyang mga kamay. “Okay lang ako, okay lang ako,” sabi niya. Pero hindi pa rin ako convinced dahil unang-una, ang daldal niya. Tapos kung makapagsalita naman ay parang last day na niya ngayon. Omg! Don’t tell me... Nang natapos kami kumain ay kaagad ko ipinahpaalam sa kanila na iwan kaming dalawa ni tatay. Binigyan naman nila kami ng oras at naiwan kaming dalawa sa misa. Hindi pa ako nakapagsalita ay inunahan na niya ako. “Anak, okay lang ako. Huwag kang mag-alala.” Hindi ko alam pero biglang nanggilid ang mga luha ko sa sinabi niya. “‘Tay... bakit naman ganyan sinabi mo kaagad?” “Kasi alam kong nag-aalala ka.” At hindi ko na napigilan ang luha ko. “‘Tay naman ‘e. Bakit ganyan naiisip niyo? Wala pa man ako nababanggit ah?” Naiiyak ko na tanong dahil alam ko na ang ibig sabihin nito. Hindi naman siya mag-iisip ng ganyan kung wala siyang dinadamdam diba? “Anak kita, hindi ka pa nagsasalita ay alam ko na na ang ibig mong sabihin. Sinasabi ko nga sa’yo, huwag kang mag alala sa akin. Malakas nag itay mo. At ikaw lang ang inaalala ko.” Tinapik niya ang mga balikat ko at napangiti. “Pasensya kana anak kung bakit parang sa tingin mo ay minamadali kita. No pressure ‘yan, okay? Pero alam mo naman, tumatanda na ang iyong itay. Gusto ko man lang sana makakita ng apo bago ako mamatay.” “Tay naman!” Tumingin ito ng seryoso sa akin. “Bigyan mo ako ng apo, please.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD