Chapter 32

1103 Words
"Uminom ka na po ng gamot niyo 'tay," sabi ko sabay abot ko sa kaniya ng tubig. Ito na ang naging routine ko araw-araw. Gigising nang maaga para sa trabaho, at habang nasa trabaho ay isinisingit ko ang pagbabantay kay itay, pagdadala sa kaniya ng pagkain at pag-aasikaso sa simpleng paraan. Alas otso ng umaga nagsisimula trabaho ko at breaktime na mag-12 hanggang alas otso ng gabi. Babalik na naman ako sa alas otso ng gabi hanggang alas onse. 'Yan ang available na oras ang nakuha ko vilang virtual assistant, gustohin ko nga na sa gabi na lamang hanggang alas otso ng umaga para maasikaso ko si itay buong araw, kaso hindi ko na binanggit kay Dane dahil siya na 'tong nag-adjust para lang mabigyan ako ng trabaho. Wala namang may nawalan ng trabaho, 'yong taong pinalitan ko ay siya na naging sekretarya ni Dane.  "Kumain ka na, anak?" tanong ni itay kaya tumango ako sa kaniya. "Tapos na po, magpahinga ka na po 'tay dahil mamaya ay ipapasyal kita sa labas." Ngumiti naman si itay. "Aba 'e dapat lang, tinuturing mo naman ako na may sakit. Malakas pa kaya ako," aniya sabay taas ng kaniyang braso. Napangiti na lamang ako sa kakulitan niya. Kahit na ilang beses niyang sinabi na malakas siya at wala siyang dinadamdam, hinding-hindi na magbabago sa isip ko na mas kailangan niya ako palagi. Pinahiga ko na siya at iniwan para asikasohin mg pinggan. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay hindi ko maiwasan isipin ang nangyari sa akin sa Manila. Napagtanto ko na isang blessing pala 'yong pagtulak sa akin ni Dane. Siguro kung hindi ako nasaktan sa kaniya at hindi nangyari 'yon ay hindi ko malalaman na ganito na pala ang sitwasyon ni itay. Pero dahil nga nangyari 'yon ay napilitan akong umuwi. Kundi ay nandito ako sa tabi ni itay at naalagaan ko pa siya. Totoo nga 'yong everything happens for a reason. Sa huli mo na lang malalaman kung ano purpose kung bakit 'yan nangyari. Pero 'yong nangyari sa akin ay hindi magandang pangyayari.  Pinapanalangin ko na lang ngayon ay 'yong gumaling si itay.. kahit na impossible na ngayon. knock knock Napatingin ako sa sala nang may kumatok. Dali-dali ko naman hinugasan ang masabong kamay ko saka tumakbo papunta sa pinto. Binuksan ko ito at nagulat nang makita si Dane na may dalang bulaklak at tsokolate, ngumiti ito sa akin kaya hindi ko mapigilan na mapangiti rin. "Ano 'yan?" natatawa kong tanong nang abotin niya sa akin ang mga dala niya. "Flowers and chocolates," casual lang nitong sabi pero ang lakas ng dating. "Alam ko, pero bakit? Sa akin ba 'yan?" kinikilig kong sambit. Shuta, kung sa akin aba e first time ko makatanggap nito. "Hindi, para kay tito." Nawala ngiti ko sa labi. Buset. "Just kidding, these are for you." I pouted. Natatawa naman itong nakatitig sa akin. "So marunong ka na magjoke ngayon? At tumawa?" bato ko sa kaniya kaya biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. Kinuha ko na ang bulaklak at chocolates baka magbago pa kasi isip niya. Mahirap na, ngayon na lang ako makakatanggap magiging bato pa. "I wanted to do this to you when I said that I am courting you, but I couldn't because of what happened. We can always set aside this, okay? Your dad matters above all." Aw, napakaunderstanding naman pala. Saka, kahit wala 'to mas madami pa nga siyang nagawa na sobrang mahalaga. Tulad ng pagbayad ng bills, pagprovide ng maintenance ni itay, pagpasok sa akin sa trabaho ulit, at paggrocery. Hindi ko nga alam kung 'yan ba manligaw ang mga mayayaman o sadyang siya lang talaga ang gumagawa no'n? Kung hindi man kami sa huli, alam kong sobrang swerte ng kaniyang mapapangasawa. Sana nga siya pa rin. Sana magtagal ito. "Pasok ka," pag-aya ko sa kaniya saka mas binuksan nang malapad ang pinto. Pinaupo ko siya saka hinandaan ng meryende. Kakatapos lang ng lunch pero ayaw niya maglunch kaya meryende na lang. "Wala kang trabaho?" tanong ko sa kaniya saka umupo sa harap niya. Nasa sala kami ngayon. "Why are you asking me that? I am your boss." Tumaas kilay ko. "Wow, so kapag boss walang trabaho?" "Yep, kayo ang nagta-trabaho para sa amin." "Wow! yabang!" sabi ko na lang at natawa kaming dalawa.  "Why? How is that yabang? That is why we hire people so that they can work for us, not us for them." "Oo na, oo na! Lugi ako sa'yo, matalino ka 'e, hindi ako mananalo sa arguments mo." Amp. In-english ba naman ako kaagad. He slightly shrugged his head. "Matalino ka rin naman. Pinili mo ako 'e." Nalaglag panga ko dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwang tumingin sa kaniya. "Wow ha! Asan mo kinukuha ang lakas ng loob mo ngayon? Ha?" He chuckled. "From you." "Aba at bakit naman sa akin, ano na naman kinalaman ko diyan?" "Sa'yo ako kumukuha ng lakas ng loob." "Andami mong baon today ha!" Sinuntok ko siya sa kaniyang braso. Pero sa pangalawang pagsuntok ko sana ay pinigilan niya ang kamay ko saka hinila papunta sa kaniya. Nanlalaki mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil sa gulat. Sobrang lapit ng pagitan namin dalawa. Naaamoy ko na nga ang mabangong baho nito pati na rin ang hangin na lumalabas sa ilong niya ay ramdam ko na rin. Sobrang lapit, kulang na lang ng isa pang konting tulak, magkalapit na ang aming bibig. "Ang ganda mo." Kumislap ang mga mata nito. Sobrang lakas na rin ng t***k ng puso ko, lalo na't tinignan niya ang labi ko. Hindi ko alam pero kusang pumikit ang aking mga mata nang dahan-dahan niyang inilapit ang ulo niya sa akin. "Keisha." Awtomatiko ko siyang tinulak nang may tumawag sa pangalan ko, at kaagad na lumayo saka tumayo at humarap sa tumawag sa akin. Nanlaki mga mata ko nang makita si Rako sa pinto seryosong nakatingin sa amin. Ewan ko kung galit ba ito o inis, pero nakakatakot. Parang gusto niyang saktan si Dane nang tinignan niya ito. "R-Rako, nandito ka pala," sabi ko at lalapitan siya sana nang biglang lumabas si itay. Nakakunot noo siyang tumingin sa akin, at nang napatingin siya kay Rako ay nawala ang pagkakunot at napalitan ng masayang mukha. Biglang lumiwanag ito. "Oh, nandito pala ang boyfriend mo, anak. Rako, ang paborito kong manugang!" WHAAAT?! Gulat kaming nagkatinginan ni Rako, mas lalo akong kinabahan nang tinignan ko si Dane. Nakakuno't noo at parang hindi maguhit ang mukhang pinapakita niya ngayon, lalo na nang tinignan niya si Rako, mas uminit ang tensyon. Napatingin na lamang ako kay itay na masayang tumakbo para batiin si Rako. Napalunok na lamang ako. Jusko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD