Chapter 31

1673 Words
Kumain na kaming tatlo nang walang may nagsalita. Natapos na saka lang bumoses si Rako at gusto pang lumabas muna para makapag-igib na rin ng tubig. Kaya naiwan kaming dalawa ni Dane at siya na nagligpit ng pinagkainan, kinuha ko naman ito sa kaniya dahil nakakahiya naman kung hanggang dito pa rin ay siya mag-aasikaso. "Ako na, umupo ka na lang," sabi ko saka kinuha mula sa mga kamay niya. Hindi na siya nagsalita pa dahil alam niya naman na mapilit ako. Tinulongan niya lamang akong illigpit ang mga pinagkainan sa misa. Sa katunayan, sobrang dami ko nang utang sa kaniya dahil siya nagbayad ng hospital bill ni itay at sa maintenance ngayong buwan. Pinoproblema ko na lang ngayon ay kung saan kami kukuha sa mga susunod na buwan. Okay naman ang farm, kaso wala pang ani ngayon. Hindi ko naman magawang ibenta ang lupa dahil ayaw rin ni itay. Though, wala rin naman akong plano pero kung wala na talagang choice ay wala talaga kaming magagawa. Sa ngayon ay gusto ko muna humanap ng trabaho na malapit lang dito sa amin. "Ayaw mo ba bumalik sa Manila?" Napahinto ako sa pagbabanlaw ng mga pinggan. "Alam mo naman ang sitwasyon ni itay," sagot ko saka kinuha ang sabon at sponge para sabonin ang mga plato. "I told you, you can bring him there. Besides, you have your own condo unit, may bahay pa rin kayo." Napahinga ako nang malalim. Noong nakaraan ay sinabi niya rin sa akin na bumalik ako dahil nabanggit ko na maghahanap ako ng trabaho para mabayaran siya, ang kaso ay hindi ko naman magawa na tanggapin ang alok niyang bumalik ulit hindi dahil na-awkwardan ako, kundi dahil ayaw talaga mismo ni itay. Naalala ko, sinubukan ko na rin sabihin kay itay na do'n na lang muna kami mamamalagi sa Manila since doon ang trabaho ko, kaso ang sagot niya ay hindi dahil ito na lamang ang natitirang alaala ng kaniyang mga magulang at ni ina. Kilala ko si itay, ayaw niyang pinipilit siya. "Ilang beses ko na rin sinabi na hindi naman sasama sa akin si itay." Hindi na siya sumagot. "But I only want the best for the both of you. I will convince him," determinado niyang sagot. Umiling ako. Ako nga hindi ko mapapayag si itay, siya pa? "No, you can't do that," I said straightly. "Yes, I can." Narinig ko ang pag-ugong ni itay kaya dali-dali ko hinugasan ang aking kamay saka pinahid sa damit ko at tumakbo papuntang kwarto niya. Nakaupo siya at nakakunot noo. "Oh, tay. Bakit naman po kayo bumangon?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Imbes ay tumayo siya saka hinanap ang kaniyang tsinelas. "Nakakainis ka namang bata ka oh, bakit hindi mo ako ginising? Alam mo naman na may trabaho ako sa bukid." Napatingin kami ni Dane sa isa't isa at ibinalik ang atensyon sa kaniya nang nasa harap na namin siya. "Oh, nandito pala si Dane. May bisita ka anak. Kumain na kayo?" nakangiti niyang tanong na para bang wala siyang may nakalimutan. "Magandang araw po, tito. Opo, kumain na po," sagot ni Dane saka nag bless sa kaniya. "Mabuti naman," at tumango ito at ngumiti. ""Tay, magpahinga muna kayo," pagsulpot ko sa usapan nila at inalalayan siya ngunit umiwas lamang ito at humarap sa akin. "Okay ako, anak. Ilang beses ko na ba sinabi na okay lang ako? Kailangan ko magtrabaho dahil kung hindi, ano na lang kakainin natin?" Bumuntong hininga ako kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. ""Tay naman," halos maiiyak ko nang sabi. "Ahm, excuse me po. Pero siguro tama po si Keisha, tito. Kailangan niyo po ng pahinga ngayon, magpalakas ka po. Saka, huwag ka mag-alala. May trabaho na po si Keisha." Gulat akong napatingin sa kaniya. Ha? Wala pa akong trabaho. "Talaga? Saan? Safe ba 'yan?" napatingin sa akin si itay, kaya napatingin na rin ako kay Dane. Shuta. hindi ko pa naman kaya magsinungaling. Anong gagawin ko? Pasikreto itong kumindat sa akin kaya napalunok ako nang tinawag ulit ako ni itay. "Anak, totoo ba?" "A-ahm, opo." "Anong trabaho?" "Oh, gising na po pala kayo chong." Napatingin kami sa likoran at nakita ko si Rako na nakangiti. "Rako!" ani ni itay saka nilagpasan ako para makipagkamayan sa kaniya. Nag bless naman si Rako sa kaniya at nagkumustahan sila. Napahinga na lamang ako nang maluwag dahil iniligtas ako ni Rako. Jusko! Muntikan na 'yon ah, hindi ko pa naman alam kung ano isasagot ko. Bumaling atensyon ko kay Dane na kasalukuyan nakatingin sa dalawa, kaya siniko ko siya dahil sa inis. "Aw!" aniya sabay hawak sa tagiliran niya. "Ano ba pinagsasabi mo kay itay? Alam mo naman na wala akong trabaho, masama ang magsinungaling." Pinandilitan ko siya ng mga mata ko. "Ayaw mo pa no'n? Para naman magpahinga siya. Hindi ba 'yan ang pinoproblema niya? Imbes na magpasalamat ka sa akin 'e." Aba, loko 'to! Papasalamatan ko pa talagang nagsinungaling kami? "Kahit na! Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang at napatingin sa dalawa. Nakita ko si Rako na nakatingin sa amin at biglaang umiwas ng tingin. Nakaupo na pala si itay sa sala at patungo na rin si Rako sa kusina para magtimpla ng kape. Nang maalala ko na kailangan ko pala templahan si itay ay iniwan ko si Dane saka sumunod kay Rako. Nakita ko si Rako na naghuhugas ng plato kaya tinawag ko siya. "Rako." Napatingin siya sa akin. "Ako na diyan," dagdag ko saka tumabi sa kaniya. Tumabi naman ito at tinapos ko na ang paghuhugas. "Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya nang napansin ko na ang tahimik niya. "Yeah, why did you ask?" I shrugged. "Wala lang. Nakakapanibago lang na ang tahimik mo ngayon." "Ah, same as you." Kumunot noo ko. "Ha?" Natawa ito nang mahina. "Parang nagbago ka," aniya habang nakatingin lamang sa kawalan. "Anong ibig mong sabihin?" "Ikaw, personality mo. Hindi ba maingay ka rin dati? Biglang umiba ka ngayon." Ah. Napangiti na lamang ako nang mapakla. "Andami na rin kasi nagbago," sagot ko habang inaalala ang mga nangyayari sa akin. Kung noon, at sa mga nakaraang buwan ay kaya ko pang maging masaya at makulit, ngayon ay hindi na. Una ay namatay si Inay, pangalawa ay dahil masyado akong nasaktan kay Dane, at pangatlo- ito, nalaman kong may sakit si itay. Mahirap talaga maging masaya kung ganito lagi ang bumabalik sa akin. Kahit naman siguro kung sinong tao na nakaranas nang ganitong kalala ay magbabago rin. Pain changes people, ika nga. Kusang sarili ko ang nawalan ng gana sa lahat. Laking pasasalamat ko sa dalawa dahil sa unang linggo na mayroong pagbabago sa buhay namin ni itay ay naging magaan sa akin. Tulad na lamang sa gawaing bahay, sa pagkain at pagtutulong sa akin sa lahat. Unti-unti ko na rin nakikitaan si Itay ng symptoms niya lalo na't nakakalimut na talaga siya. Kahit na umiinom siya ng gamot, hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala sa kaniya. Sa loob naman ng isang linggo ay hindi ko naman siya nakitaan ng pagkalala, ang sabi nga ng doctor ay huwag lang kaligtaan ang kaniyang gamot para kahit papaano ay gagaling siya. Kahit naman sinabi niya na malala na ang case ni tatay, kita ko kung gaano niya pinapatibay ang loob ko. "Anak, patimpla nga ng kape." Napabuntong hininga ako nang marinig ko ulit iyon. Sa loob ng isang araw, pangatlong beses na niya itong inutos sa akin. "Tay, nakainom na po kayo." "Ha? Gano'n ba?" natatawa niyang tanong at tumango na lamang ako. "Pasensya kana anak, matanda na talaga ang itay mo." "Okay lang po," sabi ko sa kaniya at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi niya at nakitingin na rin sa labas. Umuulan ngayon, at alas tres pa lamang ng hapon. Wala ang dalawa rito dahil may inaasikaso, habang ako naman ay wala ng trabaho, natapos ko na at mamayang gabi pa ulit. Yep, may trabaho na ako. Nagsimula ako kinuabukasan ng sinabi ni Dane kay itay na may trabaho ako. Siya rin naghanap ng pwede kong trabahoin para may panggastos kami. 'Yong trabaho ko ay virtual assistant ng kanilang kompanya. Isa ako sa mga nagsasagot ng tawag at chat sa kanilang social media accounts, lalo na kapag may mga investors na nag-iinquire. Hindi naman mahirap sa akin dahil may guide at scripted na ang mga isasagot ko. Babasahin ko na lang at ioorganize saka ipasa sa head namin, na siya naman ang magpapasa sa secretary para malaman ang final wave. Naisip ko rin kung gaano ako kapabaya sa pagigng sekretarya ko kay Dane, spoonfeed na nga- parang wala pa akong nagawa. "Namimiss ko na ang mama mo," biglang sabi ni itay. "Ako rin po 'tay," sabat ko. “Gusto ko na siyang makita, anak.” May kung anong kirot sa puso ko nang marinig ko ‘yon mula kay itay. Alam ko kasi kung gaano na siya nahihiya sa akin ngayon. Alam ko dahil ilang beses na niyang sinabi sa akin na huwag ko na siyang intindihin dahil masyado na siyang pabigat. Ilang beses ko na rin siya sinabihan na hindi, na hindi siya pabigat at gustong-gusto ko siyang alagaan. Kaso nakikita ko na langna naiiyak siya sa sulok tuwing madaling araw. Ang sakit sa dibdib. Kung sana pwede lang ipasa ‘yong nararamdaman niya ay kukunin ko na lang para hindi na siya mahihirapan pa. “Tay, huwag ka naman magsalita ng ganyan,” naiiyak ko nang sabi. Napansin niya ang nangingilid kong luha kaya naman ay tumawa siya at niyakap ako. “Ikaw naman, hindi ka mabiro! Mas gustohin pa kaya kitang makasama ngayon!” Aniya saka pilit na tumawa. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Sobrang higpit na ayaw ko na talagang pakawalan. “Mahal na mahal kita ‘tay,” sabi ko at nag-yakapan kaming dalawa. Napatingin na lamang ako sa langit nang tumulo ang aking mga luha. Alam kong masaya ka na diyan ‘nay. Huwag kangmag-alala dahil gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko ‘nay para lang mapagaling si tatay. Mahal na mahal ko kayong dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD