Chapter 30

1058 Words
"'Tay, huwag makulit, uminom ka ng gamot mo." Tinignan ko nang blangko si itay dahil tatlong beses ko na siya pinapainom ay hindi pa rin umiinom.  Dalawang araw na simula nang nakauwi kami. Kung sa physical na anyo niya ay wala naman nagbago, siya pa rin ang dating malakas na tatay na kilala ko. Kaso, nang nalaman ko tungkol sa sakit niya ay hindi na maalis sa utak ko na mas kailangan ko talaga siyang pagtuonan ng pansin. Medyo nahihirapan lang ako kapag pinapainom siya ng gamot dahil ayaw niya talaga. "Hindi mo naman kailangan 'yan, malakas ako." Ito, ito talaga ang palagi niyang sinasabi. Totoo naman na malakas siya, pero kahit na, kailangan niya pa rin magpagaling. "'Tay naman, ang sabi nga ng Doctor, kailangan niyo 'to pang maintenance niyo po. Please, uminom ka nga po ulit," pangungulit ko sa kaniya. Ginamit ko na naman ulit ang paawang effect na mukha ko saka paglalambing na boses. Napahinga na lamang siya nang malalim saka kinuha ang baso at gamot sa kamay ko.  "Kung hindi lang kita mahal 'e." Napangiti naman ako sa sinabi niuya. Dali-dali ko naman siya nilapitan saka niyakap. "Mahal na mahal din po kita 'tay, kaya sana makinig ka sa akin, okay?" sabi ko nang nakangiti. Natapos na siya sa pag-inom ay kinuha ko naman ito at tumayo na. "Paano ba kasi 'yan, saan ka naman kukuha ng panggastos mo sa akin? Dapat talaga nagta-trabaho ako ngayon 'e." Sinubukan niya tumayo pero kaagad ko naman pinigilan ito. "Tay naman. Sabi nang huwag mong alalahanin niyan. Hindi ba ilang beses ko na rin sinabi sa iyo na ako na po bahala? Magtiwala ka po sa akin. Ang gusto ko lang din ay magpahinga ka." Bumuntong hininga naman ito ulit. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. "Pasensya kana anak ha, kung pabigat tatay mo---" "SSHHHH!!" I interupted. "Kailanman, hinding-hindi ka magiging pabigat po. Okay po 'tay? Magpagaling ka kung ayaw mo multohin ka ni nanay, for sure magagalit 'yon dahil sobrang kulit mo po. Sige ka," pagtakot ko sa kaniya at natawa na lamang ito nang mahina. "Magagalit nga." Humiga na siya sa kama niya at hinintay ko na siya matulog bago ako umalis sa kwarto. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Rako na kakapasok lang ng bahay nang may dalang mga prutas. Sobrang dami, nasa dalawang malalaking plastics.  "Oh, have you eaten your lunch na? Si tito?" kaagad na bungad niya sa akin.  Parang hindi na rin iba si Rako dito sa bahay. Parang bahay niya na nga ito dahil sa araw na araw niyang pagpunta. And speaking of araw-araw, mukhang gano'n din ang isa. "Good afternoon, Keish," bati niya at napahinto sa pinto. "Pasok ka, Dane." Tango ko sa kaniya. Yep, it's Dane. Simula nang nasa hospital pa lamang ay hindi na siya nawala sa tabi ko, hanggang dito sa bahay. Gusto ko nga tanongin kung bakit nandito siya araw-araw 'e may trabaho naman 'yon, kaso walang oras dahil masyado pa akong maraming iniisip. Baka mamaya ay maitanong ko na. "Kesh, kumain na si tito?" Napatingin ako sa harap ko at nakita si Rako na nakatingin sa akin. Kaagad naman ako tumango. "Oo, nakainom na nga ng gamot. Ikaw?" balik na tanong ko. "Kayo ba?" dagdag ko pa sabay tingi na rin kay Dane na kakapasok lang sa bahay. Nagulat ako nang may dala siyang dalawang box ng grocery. Inilapag niya ito sa sahig malapit sa misa namin. Akala ko ay 'yon lang ngunit hindi pa pala, may kinuha ulit siya at magkatulad sa kanina. Dalawang box ulit.  "Oy, ano 'yan?" alerta kong tanong dahil sobrang dami kahit na lima ito. Oo, may kinuha rin siyang isa for the last one. "Groceries," usual niyang sagot at humarap sa akin. "I know you will need it."  Nalaglag panga ko dahil sa narinig ko.  Wait, what? "For me?" pag-uulit ko. "Not just for you, but also for your dad. Huwag kang matakaw," natatawa nitong sabi. Napataas naman kilay ko hindi dahil sinabihan niya akong magnanakaw kundi dahil nagjoke siya. "Wow, joker yarn?" sabi ko rin at natawa kaming dalawa. "Ehem." Automatiko kaming napatingin sa likoran at nakita ko si Rako na awkward nakatingin sa amin. Nginitian ko siya at kinuha ang plastic na dala niya. "Maraming salamat dito ah?" saad ko saka tumingin din ako kay Dane. "And sa groceries mo." "No problem," sabay nilang sagot kaya biglang natahimik na naman ang paligid bigla. "Ay, by the way. Ligo muna ako. Pakibantay na lang kay itay."  Tumango naman silang dalawa, habang ako ay awkward na napa-exit. Jusko. Araw-araw na lamang ba kami ganito? Hindi ko naman masabi sa kanila na hindi nila kailangan puntahan ako, I mean nasabi ko na- ilang beses pa nga. Pero 'yong ipagtulokan sila na hindi na pwede pumunta ay hindi ko masabi. Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero shuta bakit dumating 'tong dalawang kumag? Mukhang mag-aaway pa lagi 'e. Kinuha ko na ang mga damit na susuotin ko saka ako dumiretso sa cr namin sa labas. Nasa labas kasi cr namin. Naligo na ako at nagbihis na. Kaya nang pumasok ako kay aksidenteng narinig ko ang usapan nilang dalawa. "What's your plan?" "Plan what?" walang ganang sabat ni Dane. "Sa kaniya. Let's get honest, dude. Do you like her?" Napatakip ako sa bibig dahil sa tanong nni Rako. "And what's with that?" "Answer me." "Oo." He paused. "At nililigawan ko siya." Nagsiunahan naman sa pagtibok ang puso ko sa sagot ni Dane. "And you can't do anything about that but accept it. Ikaw ba? Do you like her?" Huminga ako nang malalim habang hinihintay na naman ang sagot ni Rako. Nang biglang-- "Aw! Aw! Aw!" taranta kong sigaw saka umalis sa kinatatayoan ko. Piste! jiatay! Nakagat na nga ako ng mga langgam dito noong nakaraang linggo, tapos ngayon naman ay naulit. "Hey, you okay?" dinig kong tawag nila sa akin. Pero hindi ako makatingin sa kanila dahil busy ako kakalapag sa paa ko at kakakuha ng mga langgam. Jusko! Grabe 'yong sakit. "Aw!" naluluha kong sabi. Napatingin na lang ako sa dalawa nang biglang may bumuhos ng alcohol sa paa ko. "So that it won't itch anymore." Ang cute naman ni Dane. And he was right, humapdi lang pero unti-unti na rin nawala. "Salamat," sabi ko at saka napansin si Rako na may hawak ding alcohol sa kamay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD