Chapter 29

1119 Words
"Kain kana." I've been staring at the outside for almost an hour now. Namamaga na rin mga mata ko sa kakaiyak. I just couldn't take the idea that I almost lost my father. Nakita ko na lamang siya na nakahiga sa damohan nang walang malay. I cried so hard earlier, kasi wala akong kaalam alam na may pinagdadaanan na pala siya. Kaya pala atat na atat makita akong may pamilya dahil rito. We found out that he has a dementia. Hindi pa makikita ngayon, pero unti-unti na siyang sinasakop nito lalo na't wala naman siyang gamot na iniinom. Kung alam ko lang sana, kung pinaalam niya lang sana, maagapan pa. Pero wala, ni hindi niya man lang nabanggit sa akin 'to. Hindi ko naman nakitaan dahil wala naman siyang symptoms nang pagkalimot. Para sa akin, healthy pangangatawan niya dahil malakas siya. Nakikita kong malakas pa siya. Nagta-trabaho pa nga 'e, tapos ngayon, ito ang maririnig ko sa doctor sa bayan. Nakakawalang gana.  "Hey, kain na." Napatingin ako sa isang balot na pagkain, pagkatapos ay napatingin kay Dane. Laking pasasalamat ko na nandito si Dane, kasama ko sa oras na kailangan namin dahlhin si tatay. Kung wala siya siguro ay hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't malayo-layo ang farm at hindi ko makayang maakay si itay.  Binuksan niya ang styro na may pagkain na laman na binili niya sa labas, saka ibinagay sa akin. Binuksan niiya rin kaagad ang tubig at saka nagsalita. "Here, take this first. Baka ma dehydrate ka." Kinuha ko na lang mula sa kamay niya at ininom. Nauuhaw na rin kasi ako. Okay naman si itay ngayon sabi ng doctor. Nawalan siya ng malay dahil sa gutom at init, pero nang dahil dito- napag-alaman ko na rin na may sakit siya. Kaya hindi ko talaga matanggap dahil ang lala na ng condition niya. Madami pang gastosin lalo na sa maintenance niya, at hindi ko alam kung saan ko kukunin ang lahat ng iyon.  "Keisha!" Napatingin kami ni Dane nang sabay sa gilid nang may sumigaw sa pangalan ko. "Rako.." tanging nabanggit ko na lang saka ako tumayo. Hindi ko pa siya binati ay kaagad niya akong niyakap nang napakahigpit. "How are you? How's tito?" nag-alala niyang tanong saka kumawala sa yakap. "H-he's fine," my voice broke. "Fine? Then bakit ganyan ang mata mo? Why? What happened to him?" Hindi ako makapagsalita. Para bang may sumasagabal sa lalamunan ko at hindi ko kaya ibuka ang aking bibig. Nanunuyo.  "Pre, I think she should rest first," pagsulpot ni Dane sa likoran. Napatingin naman sa kaniya si Rako, naiinis ito pero hindi ko nakitaan ng galit o anuman sa mukha ni Dane habang tinitignan siya. At nang tumingin siya sa akin ay nakitaan ko siya ng lungkot. "Ayaw ko umuwi." Saka tumingin balik si Rako at umiling. "Kailangan mo ng pahinga," sabi nito. "Walang magbabantay kay itay. Ayaw ko umuwi." Pagmamatigas ko pa rin. Nagkatinginan silang dalawa at nagsalita. "Hatid ko na siya sa bahay nila," sabi ni Rako. "No, ako na ang maghahatid," sabat naman ni Dane.  This time, ako naman ang huminga nang malalim. Huwag nilang sabihin na mag-aaway pa rin sila dito? Nakakainis naman kung gano'n. Hindi naman ako uuwi kaya walang may magahhatid sa akin.  Magsasalita pa sana ako ulit nang inunahan ako ni Dane. "Bring her home safely." Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tumango naman siya sa akin at napangiti nang maikli.  "You take care, okay? Eat and take a nap. Ako na bahala rito." "You sure?" hindi ko makapaniwalang tanong.  "Yep." saka tumingin kay Rako. "Ingatan mo siya," sabi niya nang seryoso at may pagbabanta. "I will." Saka kinuha ni Rako ang kamay ko kaya napatingin siya rito. "Let's go?"  Napatingin ako kay Rako at tumango. Umiwas ng tingin si Dane saka binigyan kami ng daan. Nagsimula nang maglakad si Rako, at dahil nga nakahawak siya sa kamay ko ay napasunod na lamang ako. "I-ingat ka, maraming salamat," pahabol na sabi ko kay Dane at tuluyan na kaming lumabas. Tahimik lang kami nakauwi sa bahay. Gabi na at hindi pa rin gising si itay. Nag-aalala ako dahil wala siyang kain. Actually, kanina pa kami naghihintay na magising siya kahit naman sinabi ng doctor na bukas pa siya magigising dahil sa condisyon niya. Mahina na pala ang katawan nito, hindi ko man lang napansin. Napapaisip tuloy ako kung gaano ako ka walang kwentang anak dahil napababayaan ko na si itay.  Ngayon na nandito na ako sa bahay, parang gusto ko na bumalik doon ulit para bantayan siya. Pero kanina pa ako in-advise-an ng doctor na magpahinga raw ako dahil baka ako na raw susunod sa kaniya kapag hindi. Natakot naman ako ng konti dahil baka magkalapit ang hospital bed naming dalawa. Hindi naman pwede na dalawa kami nakahiga. Kanina pa ako pinapauwi ni Dane, at tama siya. Sa oras na ganito, dapat magpalakas ako dahil kailangan ako ng itay ko. Hindi pwede na mahina siya, tas maging mahina na rin ako.  Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising para maalagaan si itay. Gusto ko na sa unang pagdilat niya ay ako kaagad makikita niya. Hindi nga ako nagkamali dahil wala pa sa isang oras na pagdating ko ay nagising siya.  Kaagad ko naman siya niyakap at napaiyak ako. "Oh, natulog lang ako nang napakahimbing, iiyak iyak ka diyan." "Tay naman!" reklamo ko saka humagolhol ako. "Nakakainis ka! Bakit naman hindi mo sinabi sa akin?" Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko na 'yon nasabi, kundi mas lalo ko na lang hinigpitan ang yakap ko. Kinwento niya sa akin na simula pa lamang nagkalamatay si nanay ay may dinadamdam na siya. Nakakalimot nga siya at pansin 'yon ni nanay, kaya ang ginawa niya ay mayroon siyang maliit na notebook at ballpen sa bag niya na nakasabit sa pader namin sa bahay. Sinusulat niya para naman may mababalikan siya kapag may nakakalimutan siya. Hindi niya lang din sinabi dahil una, ayaw niya akong mag-alala, pangalawa, ayaw niya ng gastos at pangatlo- namimiss niya na rin si nanay. Mas lalo akong napaiyak dahil ang dating sa akin ay, handa na ba talaga siya? Kasi kung oo, pwes ako hindi. Hindi pa ako handa. "Kaya sana huwag ka sa akin magalit at mag-alala anak. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw, ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka, maging okay. Kaya huwag masyadong dibdibin ang sakit ko ah? Huwag kang bumili ng gamot, gastos lang 'yon. Huwag mo akong problemahin." "Hindi 'tay. Kahit magkano pa ;yan, hahanapan ko iyan ng paraan para lang matustosan ang maintenance mo." Ngumiti siya sa akin at niyakap ako nang napahigpit. "Mahal na mahal kita anak. Kung ano man ang mangyari, palaging pagkakatandaan na mahal kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD