Mag-iisang linggo na simula nang pumunta si Dane rito para humingi ng patawad, pero kahit ilang araw na ang nagdaan ay hindi na siya bumalik dito ulit. Siguro nga tama si Rako na na konsensya lang talaga 'yon at wala talaga siyang pakialam sa akin. Hindi naman alam ni Rako ang nararamdam ko para kay Dane kahit na ilang beses niya na akong sinubukan na magpaamin. mas mabuti nang wala siyang alam 'no, baka tuksoin niya pa ako lalo.
"Tulala ka naman diyan!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Rako. Shuta niya.
"Ang sabi ko sa'yo, huwag kana manggulat!" naiinis kong sigaw saka sinubukan na hampasin siya kaso biglang lumayo.
Sa isang linggo na nandito si Rako ay mas lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Not romantically, but as bestfriend. Sobrang layo ng pinakita niya sa akin bilang isang magaling at proffesional na chef. Pero naiinis pa rin ako sa part na kilala niya na pala ako sa tuwing kinakausap ko siya at hindi man lang siya nagpakilala.
"'E bakit ba kasi anlalim ng iniisip mo? Siguro iniisip mo ako 'no!"
"Oy hindi ah! Ano ka sinuswerte? Ampanget mo kaya."
Pagkasabi ko no'n ay napahawak siya sa kaniyang dibdib at umaktong na parang nasasaktan.
"Baliw!" natatawa kong sabi saka hinampas ulit siya, this time ay nataaman ko siya kaya ang ending binasa niya ako ng hose. Hindi ko pa nababanggit ay kasuluyan nasa farm kami at tinutulongan ko siyang matuyo ang palay. At ito na namang si mokong na nandito palagi nasa amin na kulang na lang ay iuwi na niya mga gamit niya sa bahay para naman hindi sayang pamasahe niya.
Since nsa putikan kami ay hindi ko mapigilan maghiganti. Nabasa na ako 'e, no choice kundi panindigan kaya dinampot ko saka ibinato sa kaniya. Akala ko ay mandidiri siya saka ihinto ang trip niya sa akin, pero mas lalo pa itong tumawa nang napakalakas saka nagdampot ng putik at sobrang sayang ibinato sa akin.
Napaawang mga labi ko dahil sa hindi ko inaasahan. At dahil hindi nga ako nagpapatalo ay kumuha ulit ako saka ibinato sa kaniya. Kaya ang ending, nagsilaro na kami sa putik na para bang mga maliliit ba butik. Sobrang saya na nakalimutan kong may iniisip ako.
Napahinto na lamang kami nang may biglang sumulpot na halos kaedaran kona may hawak hawak na papel.
"Hello, magandang hapon po. Ikaw po ba si Keisha?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Rako dahil hindi ko siya kilala. In-rxamine ko ang buong pagkatao este porma iya. Mahabang palda ang suot na tanging mga tsinelas na lanv ang natira. Naka long sleeve naman ito at may tali sa buhok. Maganda siya, aaminin kk 'yon pero mukhang sobra pa sita yata sa pagiging conserbatibo kong babae.
"Oo, ako nga po. Bakit po?" Magalang kong tanong dahil baka aswang 'to, edi hindi niya ako mausog.
"Good Afternoon also madam. We would like to invite you to be oud brand ambassadors. To be honest, we were just watching you earlier and saw potential in you. We couldn't afford to lose you so I came here to ask if you are willing to work with us. Don't worry because you will be paid."
Tumango lang ako dahil first timeko na may ganito. Napatingin ako kay Rako nang bigla siyang umubo.
"May I know whT company is that?" seryoso niyang tanong na matatakot ka talang magsinungaling.
"Skin CLEANSING. It is a beauty company, sir. We will have photoshoots, billboards and other since this is already a 4 year-old business that the people number one trusted!"
Kinuha kk ito at hindi ko kilala pero buti na lanang ay nakasabi si Rako.
"Oh, this is the one that my mom and sisted love to use."
"Effective?" tanong ko kaaagad. Hindi naman halatang guzto ko magpaputi, kaso ang problema naman ay bakit gusto niya ako makatrabaho e hindi naman ganito kaganda kutiz ko.
"Yep, effective." Dahil sa simpleng sagot niya ay 'yon na lamang ang kanihng sinasabi.
"Teka lang.." itinaas ko pa ang kamay ko para makuha ang atensyon nila. I succeeded wala rinn, d la nama. sila close.
"Ano po g gagawin ko?" tanong ko at napaseryoso ng mukha nito.
"Ikaw po 'yong after."
Halos mabilaukan ako dahil sa sagot niya.
Aba gaga nito, ano akala noya one try ka sa storuhan.
Hindi na napigjlan ni Davd na tumawa nang napakalakas. Nakakagigil lang, siya lang talaga ang nag enjoy.
"Di biro lang po madam, hindi ka bayad."
In-explain niy sa akin kaso ni iza ang walng may sama ay gano'n talaga ang buhay.
"Bakit ayaw mong tanggapin?" tanong ni Rako nang umalis na ang babae kanina.
Umiling na lanang ako, at masaya na ang mga bata ngayon ay naghahabolan sa ilog.
"Gusto ko sana magpahinga muna. Saka, wala naman kasama si itay rito sa paghaharvest, dito na lang ako."
"Sure? Exposure na 'yan. Alam ko na alam no sa sarili mo na gusto mo talaga ang pagiging modela. Huwag kang mahiya sa akin, supportado nama. kita jan."
Napahinto ako saka napatingin sa kaniya.
Nakangiti siyang nagfist bump sa akin at saka nagbato ulit ng putik.
"Go na! Malay natin ma discover ka! Edi artizta kana! saka huwag kang choosy okay? Pera na 'yan. Trabaho 'yan. Hindi ba gusto mo trabaho? Ayan sa'yo na mismo ang lumapit kaya kunin mo na!"
Natatawa na lamang ako kung paano niya ako pinupush. Wala akong confident sa sarili ko pero siya 'tong grabeng makapagpalalakas ng self-confidence ko.
Napatingin na lamang ako sa kamay ko kung saan hawak ko ang information na iniwan nila, saka unti unting tumulo ang ulan kaya napatayo kami at napatakbo papuntang balik sa bahay namin.
Medyo malayo layo pa kaya sobrang basa na namin. Hanggang sa pinili na lang namin na magtampisaw saka maligo sa ulan. Para kaming mga bata na first time maligo dahil sa sobrang ingay ng mga tawa namin. Sobrang saya rin dahil kahit ang mga pato ay sumasabay sa trip namin. Tumatakbo lang kamo papunta sa bahay at nang tumila na ay kaagad kami pumasok sa bakuran.
"Ang mahuli, mabaho ang tae!" sabi ni Rako, at dahil nga may naiwan pang pagiging bata sa loob-looban ko ay nakipag-unahan ako sa kaniya.
Nagtatawanan lamang kami nang unti-unting nawala ang ngiti sa akin mga labi at napalitan naman ng sobrang kaba sa puso ko.
Shit.
Anong ginagawa niya rito?