Magtatatlong minuto na kaming nakakatunganga rito sa mga kambing nang wala man lang pag-uusap.
Nakita ko na lamang si Dane kanina sa labas ng bahay na naghihintay sa akin. Pagkatapos no’n ay inimbitahan niya akong mag-usap ng pribado, na kaming dalawa lang.
Pinagbigyan ko naman siya. Naligo lang ako nang mabilisan saka nagpunta kami malayo-layo sa bahay namin.
Pero ito nga, kahit isang salita man lang ay wala akong narinig sa kaniya. Hindi naman ako makapagsalita dahil baka maging irita siya sa akin. Pero sa totoo lang, nagugulohan ako. Andaming tanong ang nasa isip ko ngayon. Like, bakit kaya siya nandito? Na naman? Nakahingi naman siya ng sorry sa akin, ah? Wala naman siya siguro ibang rason para puntahan pa ako ulit, not unless may kasalanan ako sa kaniya. Or sa sahod? Ang alam ko ay nabigyan niya na ako.
Bukod pa doon ay wala na akong maisip pang ibang rason.
Naramdaman kong napahinga siya nang malalim. Nanatili lang ako nakatingin sa unahan at hinintay sa signal niyang magsalita. Parang nahihirapan pa siya at kumukuha siya ng bwelo, pero kanina pa siya naganyan ‘e. Kaurat.
“How are you?”
He finally spoke.
Jusko!
Kalahating oras, ‘yan lamang ang kaniyang nasabi?!
“Okay lang,” sabi ko na lang. “Ikaw ba?”
Dagdag ko pa.
“Fine, also.”
Pagkatapos ay tahimik ulit.
Ano ba ‘yan!
“Bakit ka nga pala nandito? At bakit tayo mag-uusap? May nagawa ba ako? May utang? Masyado bang importante ‘to?” Kinumpleto ko na ‘yong tanong since nakapagsalita naman kami.
He coughed a little. “Wala kang nagawa but to be honest, yes, importante ‘to.”
Tahimik lang ako nakikinig sa kaniya.
“This is my first time doing this, Keish. So bear with me if I am having a hard time adjusting myself.”
Kumunot noo ko.
“Adjusting? For what?”
“For this.”
Umiling ako. “Hindi kita maintindihan.”
“Mas lalong hindi ko naiintindihan sarili ko,” sabat niya na siyang nagpakunot lalo ng noo ko.
“Ano ba gusto mong pag-usapan? Seryoso, legit no lies, hindi kita maintindihan, promise. Pinky swear.”
Itinaas ko pa ang kamay ko pagkatapos ay ‘yong pinky finger ko. Napatingin siya akin, akala ko ay matatawa siya pero seryoso lamang nakatitig sa akin.
Napalunok ako at ngumiti nang peke, saka iniwas ang tingin dahil baka may muta ako. Nakakahiya naman makipagtitigan kapag may muta ang ‘yong mga mata. De joke lang.
“I know. Wait,” huminga na naman siya nang napakalalim.
Pagkatapos ay tumingin sa akin nang diretsahan.
“I can’t get you out of my mind.”
Halos mabingi ako sa narinig ko.
What?
“What do you mean?” I asked.
“Keisha, I know this will confuse you but, you’ve been in my mind for the past month. I think...”
“You think?” Atat kong tanong.
“I think I’ve developed my feelings to you.” Awtomatik kong napahawak sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Sobrang lakas na rin ng t***k ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang pamumula ko.
Shit.
Ano raw?!
Tinignan ko siya at sobrang seryoso nito. Naghihintay akong tumawa siya at sabihing joke lang ang lahat pero hindi, nananatiling seryoso ang kaniyang mukha.
“Are you joking, right?” Natatawa kong tanong. “Sir Dane naman! Pinapatawad na kita, hindi mo naman ‘yan kailangan sabihin!” Kabado kong sabi na natatawa pa rin.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Anong develop ang feelings? Saka sa kaniya pa talaga galing ha? E siya nga ‘tong makatulak sa akin papalayo. At hindi niya ako maloloko dahil alam ko naman sa sarili ko na walang may magkakagusto sa akin.
“No. I’m serious.”
Umiwas siya ng tingin at napatingin sa unahan.
“Last week I came here to ask for forgiveness, but that was not the only reason why I came here.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I came here to confess also. But I was not brave enough to do it.”
“T-teka, teka lang! Hoy! Naririnig mo ba pinagsasabi mo?!” Saway ko sa kaniya. I think na ooverload na utak ko. Hindi ko ma process. Tama ba ang mga naririnig ko? Teka, kung panaginip man lang ito, huwag muna sana ako magising! Charot!
“Listen.”
Napatikom ako ng bibig dahil sobrang makapangyarihan ang kaniyang isang salita.
“This is the first time I will do this to woman. So please, I hope you will take this seriously because I’m literally serious. I will not waste my time for anything else, but this one- I can’t let this pass.” He paused.
“I know it’s so confusing to you, so here it is. The moment you left the company, I know something’s not right. I used to have you with me all the time but when you left, pakiramdam ko may kulang.” Tumingin siya sa akin kaya napatingin na rin ako.
“Keisha... hinahanap-hanap kita.” Mapangungusap ang mga matang nakatingin sa akin.
My heart skipped a beat also when he took my hand. Pakiramdam ko ay anytime from now, mawawalan ako ng malay dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga. Parang pakiramdam ko ay gusto ko ng hangin— mula sa mga labi niya. Charot. Pero argh!!
Bakit ako napapangiti?
“You cannot just tell me that I’m tripping over you, because no. Pinag-isipan kong mabuti ‘to. What pushed to do and clear this feelings of mind to you was that asshole.” Biglang naging suplado ang kaniyang tono. Matalim ang mga mata nito na makikita mong may tensyon sa kaniyang iniisip.
“Asshole?” Tanong ko kahit naman obvious na si Rako ‘yon. Alam ko dahil ganitong-ganito ang mukha niya kapag nakikita niya si Rako.
At ‘yon na nga tumango ito.
“I can’t let that asshole have you, Keisha. You are mine.”
Kumunot noo ko. Gustohin ko man sana kiligin pero hindi pa naman kami?
“Hindi mo naman ako pagmamay-ari, Sir.”
“But I will be yours, and you will be mine. I assure you.”
“How can you assure that? Do you think I have feelings for you?” Tanong ko kahit mayroon naman. Mukhang confident kasi siyang mapapasa kaniya ako.
“I don’t think,” he replied. “But I will do my best to fall for me. I will court you, Keish. I will do anything just so you could trust me.”
“What if I don’t?”
“Don’t want?”
I took a deep breathe. Last test for him.
“What if I don’t want you to court me?” I completed the question.
“Is that necessary?” Ha?
“I don’t care if you will allow me to court you or not, what I care the most is to gain your trust and for you to develop feelings on me.”
Napatikom ako ng bibig.
Shit.
I didn’t see that coming.
I was not expecting that.
Bakas naman sa boses niya ang pagiging seryoso.
Nagulat na lamang ako nang pinisil niya ang aking mga kamay.
“I am courting you now. It is not a question nor demand, but it is my way to have you. I want you to be mine. Mine only.”