Nagpaalam muna ako para magpalengke dahil ubos na ang mga gulay namin. Madaming gulay sa bukid, pero wala akong oras umakyat para kumuha doon. Saka isa pa ay may kailangan din ako bilhin sa baryo tulad ng mga sabon, sabon panlaba, downy at kung ano-ano pang mga kagamitan na essential. Nang lumabas na ako at hinanap ko ang tsinelas ko ay biglang lumabas si Dane. "Sama na ako," aniya nang nakangiti. Napatingin naman ako kaagad sa likoran niya at nakita si Rako na kakalabas lang ng kwarto. "Ako na sasama sa kaniya," sabi nito na medyo palakas. Nakita ko kung paano umigting panga ni Dane bago siya hinarap. "No, ako na," matigas na sabi niya kay Rako. Shuta. Ito na naman sila, nagbabangayan na naman dalawa. How can I stop them? "Ako na nga. Besides, you don't know the streets here. Baka

