Pagkatapos ng gabing 'yon ay mas lalo pang kami napapalapit ni Dane, tinuloy niya talaga ang panliligaw niya hindi lang sa akin kundi kay itay na rin. Habang si Rako naman ay hindi na nagpapatalo, kung gaano ka effort si Dane ay tinutumbasan niya kaagad ito. Actually sila talagang dalawang ayaw magpatalo. Halos si Rako na nga ang nagluluto sa bahay, tapos si Dane naman nag-iigib ng tubig at sumasama sa akin sa palengke. Tapos kung kay itay naman ay nagsisiunahan naman sila magsilbi. Wala rin araw na hindi sila nagbabangayan, kung tutuusin nga ay nakakabanas ang away nilang dalawa. "Anak, nasaan na boyfriend mo?" Napatingin ako kay itay na kumakain sa misa. Lunch na ngayon at kaming dalawa lang ni itay sa araw na ito. Masyadong busy ang kompanya nila Dane ngayon dahil andaming investors

