The strawberry scent of Zeke filled my nose as I embraced his sleeping body. Nakakamiss ang gumising na ganito. Yakap siya. Damang-dama ko ang init ng katawan niya. Amoy na amoy ko ang bango niya. Naririnig ko ang malalim niyang paghinga pati na rin ang bawat t***k ng puso niya. Kung pwede lamang na ganito na lang kami sa bawat umagang paggising ko at sa bawat gabing pagtulog ko. Kung pwede lamang na hindi na tumakbo ang oras. Sino ang hindi hihiling nun kung nasa iyong mga braso ang katawan ng iyong pinakamamahal? Ito na ang isa sa mga masasayang sandali na naranasan ko mula nang umuwi ako dito sa Pilipinas. Ang maipagmalaki ko sa lahat kung gaano ko siya kamahal, ang makantahan ko siya, ang mahagkan at mayakap siya. Tila nga ginamot na ng mga yun ang mga masasakit at nakakahiyang narana

