I was disappointed as I watch Chamick's retreating form. Sabagay, what do I expect? Yayakapin niya ako at pasasalamatan sa pakikipagbreak ko sa kanya? Pero gusto ko lang naman sanang magkausap kami. Probaby to fix things between us especially now na okay na kami nina Jai at ng 7 Demons. Isa pa, naaawa ako sa kanya. Tuwing nakikita ko siya, hindi maipagkakaila ang lungkot sa kanyang mukha, ang galit sa kanyang mga mata. Alam kong para sa akin at kay Jai yun. Kaya minsan, di ko maiwasang makaramdam ng guilt. I may not have taken him by force pero iba pa rin yung nakikita mong galit sayo yung taong pinaasa mo sa wala at ginamit mo lang para sa sarili mong kapakanan. Damn! Kaya ayokong bumalik sa dating Zeke eh. Ayoko na sanang maging Zeke na mabait, mapagpakumbaba, maintindihin. Pero wala eh.

