BELLA’S POV Napapansin ko ay madalas nang gagawin rito si Sharon sa bahay namin mula nang huli kaming magkausap. Araw-araw na niyang iniiwan si Jared at minsan ay naabutan ko siyang kinakausap niya ang mga anak ko. Gaya na lang ngayon. Kadarating ko lang ng bahay at naabutan ko sila sa sala. Kagagaling ko lang sa pinapatayo kung shop, nagsisimula nang i-renovate ang lugar kaya nagiging mas busy ako. “Sure ka bang nasa ibang bansa ang Papa mo?” rinig kong tanong niya kay Ben kaya agad akong tumikhim upang iparamdam ang presensya ko kaya napalingon sila sa akin. “Mama!” sabay na sigaw ng mga anak ko sa pangalan ko. Patakbong lumapit si Gray sa akin habang nakataas ang dalawang kamay niya para magpabuhat habang si Ben naman ay malaki ang ngiti sa akin pero nanatili siya sa kinauupuan niya

