LONDON’S POV Malaki ang ngiti ko habang bumaba ako ng sasakyan ko. Maaga akong umuwi ngayon dahil kanina pa tumatawag si Mommy, hindi naman niya sinasabi. Sabi lang niya ay umuwi na raw ako. Mabuti na lang at wala na akong trabaho kaya kahit maaga akong umuwi ay walang problema. Hindi kasi totoo iyong sinasabi nilang kapag anak ka ng may-ari, wala kang trabaho. Mas maraming load works, idagdag pa ang pressure dahil kailangan mong patunayan na you are good in what you are doing. Na hindi ko nakuha ang posisyon ko dahil sa anak ako ng may-ari kundi dahil deserve ko iyon. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao pero gusto ko pa ring patunayan ang sarili ko. Though alam ko naman na tiwala sa akin ang parents ko pero alam ko rin na may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao. N

