Kagaya ng sinabi ng dalaga. Dinala niya ito sa hotel.
Nasa kwarto na sila matapos itong alalayan papasok sa loob.
"I have to go. "
"No, I need to talk to you, " matigas na utos ng dalaga na akala mo tauhan pa rin siya.
Nagtiim ang kanyang bagang.
"You don't need to."
"Mr. Villareal, balak mo ba talagang ipakulong ang tauhan ko?"
"Ofcourse. "
"It's okay pero ipaliwanag mo ang detalye. Paano mo nalamang siya nga ang gumawa?"
"Long story. "
"Then make it short. "
Napabuntong-hininga ang binata.
Hindi na siya nagtaka na malaman nito ang tungkol kay Galvez dahil dinala ito ng tauhan niya sa presinto at inimbestigahan doon.
"Sabihin mo nga, bakit ba sobra ang concern mo sa lalaking 'yon? Ano bang meron sa inyong dalawa?"
"Wala kaming relasyon!"
derektang tugon ng dalaga.
"Kung wala, ano bang pakialam mo? Nagkasala siya kaya batas na ang bahala sa kanya."
"Hindi mo naiintindihan, dahil sa nangyari, ma e-eskandalo na naman ang kumpanya. Madudumihan na naman ang pangalan namin. Mapapahiya na naman kami! "
Tumalim ang titig niya dito.
"Hindi ko alam, napaka self-centered mo pala, " malamig niyang turan.
"What?"
"Anong gusto mong gawin ko papakawalan ang taong muntik ng pumatay sa akin gano'n ba?"
Mas lalo siyang nasasaktan sa takbo ng kanilang usapan.
Umiling ang dalaga. "Hindi gano'n, ang gusto ko magpaliwanag ka para malaman ko kung ano ang totoong nangyari."
"Para ano pa?"
"Para alam ko kung ano ang sasabihin kung sakaling may medya na dumating. "
"Hindi mo na dapat alalahanin ang ganyang bagay. "
"Bakit hindi? Tauhan ko siya! "
"That's my point, tauhan mo lang hindi asawa. "
"Ano ba! Bakit ba hindi mo na lang sabihin ang totoo?"
"Wala ka ng kinalaman pa. Kung nahihirapan kang magdesisyon, tanggalin mo siya sa kumpanya."
"Hindi 'yon gano' n kadali. "
Tiningnan niya ang dalaga ng may pagdududa.
"Ms. Lopez, your staff is a criminal so how come you can't fire him immediately?"
"Ofcourse I can do that, it's just that I don't know the truth."
"I told you, that bastard tried to kill me!"
"Then tell me why?"
"That is not your concern. "
"I want to know. "
Tumalim ang titig niya kay Ellah.
"You just want to know the truth so you can have a good damn explanation to that f*****g reporters! The hell I care!" sigaw na niya.
Natahimik ang dalaga.
Tumalikod siya at humakbang palabas.
Ayaw na niyang may malaman pa ito tungkol sa buhay niya dahil wala na silang koneksyon sa isat-isa.
Wala na ang pangako nilang magdadamayan at magtutulungan.
"Gian please. "
Napakislot siya nang maramdaman ang malamig nitong kamay na humahawak sa kanyang pulso.
Dahil sa hawak nito ay mas lalo siyang nasaktan.
Tinitigan niya ang kamay na 'yon.
Agad naman siyang binitiwan.
"Rest well, " aniya at akmang bubuksan ang pintuan.
"Please" nagsusumamo ang tinig ng dalaga habang hinila ang damit niya sa likuran.
Nagtalo ang kanyang kalooban kung dapat pa ba itong pagbigyan.
Huminga siya ng malalim.
Sa huli, sumandal siya sa pintuan.
Ito pa rin ang nanalo kahit nasasaktan siya.
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Bakit ka niya pinagtangkaan? May kinalaman ba 'yon sa kumpanya? Sa amin? Sa akin?"
"It has nothing to do with you. "
"Then tell me the reason why?"
" I can't tell you the truth, it's part of my job not yours. "
"I know, but still, he is my responsibility. Kaya sabihin mo bakit sa dinami-daming tao sa mundo na balak niyang patayin bakit ikaw pa?"
Tinignan niya ang dalaga.
"Ano ba talaga ang intensyon mo? Linawin mo nga? Nakakapagduda ka na."
Nakita niyang napalunok ang dalaga.
"What do you mean?"
"Kanino ka ba concern? Sa tauhan mo o sa akin?"
Umilap ang mga mata nito.
"Ofcourse sa tauhan ko. "
Tila tinadyakan siya sa dibdib sa narinig.
"Wow! Concern ka sa isang kriminal? Bakit? Ano bang meron sa inyo?"
Napatayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa kama.
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo pero nakakapikon ka na! Sinabi ng wala kaming relasyon! Paulit-ulit kong sasabihin sa'yo na kaya ako concern dahil apektado ang kumpanya."
"Sasabihin ko, personal ang kaso, nagkataon lang na empleyado niyo siya. Walang kinalaman ang kumpanya ninyo. Kaya walang dahilan para malaman mo ang rason niya kung bakit binalak niya akong patayin. Pero kung gusto mo, ang tauhan mo ang tanungin mo. Baka sakaling magtapat siya sa'yo." Mahabang litanya ni Gian habang nakatingin sa dalaga.
Tumingin si Ellah sa ibang dereksyon, habang napapailing.
"K-kung gano'n wala talaga akong mapapala sa'yo. Pagkatapos ng mga nangyaring pagpapagod ko nagkasugat pa ay wala lang pala? Maraming salamat sa'yo!"
Tumayo ang dalaga at naglakad palabas bit-bit ang bag.
Naalarma ang binata at mabilis itong hinawakan sa braso.
"Saan ka pupunta?"
"Wala ka ng kinalaman pa, " sabay hiklas sa kanyang pagkakahawak.
Humarang siya sa pinto.
"Umalis ka, " mahinahong wika ng dalaga.
"No. "
"Get lost Villareal!" sigaw nito sa kanya at pilit siyang tinutulak.
"Please, " hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
Daig pa niya ang baliw ngayon sa pinagagawa dahil kahit nasasaktan na ay mas gugustuhin pa niyang manatili ang dalaga.
Tinitigan siya ni Ellah.
"Kung ayaw mong masampal ngayon, umalis ka sa dadaanan ko!"
Sa halip na umalis ay humakbang siya paikot kaya bumaligtad ang kanilang posisyon. Ito na ngayon ang nakasandig sa pintuan.
"Ano ba! Bitiwan mo ako!"
Nagpumiglas si Ellah.
Pero hindi siya nakinig. Hinigpitan pa niya ang paghawak sa balikat ng dalaga.
"Wala kang karapatang gawin sa akin ang mga ganyang bagay. Sino ka ba? Dati lang kitang gwardya na ngayon ay pinagtangkaang patayin ng tauhan ko." Malamig nitong wika.
Ipinikit niya ang mga mata. Napakasakit ng mga sinasabi nito sa kanya.
"Alam ko ang iniisip mo, alam ko rin na natatakot ka. Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon, poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. "
"Wala ka ng karapatang gawin 'yon, hindi na kita tauhan at hindi na kita binabayaran. Wala ng dahilan pa para gawin mo ang ganyang bagay. "
Tumiim ang tingin niya sa babae.
Bahagya siyang lumayo.
"Tandaan mo may karapatan akong magreklamo sa kumpanya ninyo dahil tauhan niyo ang kriminal."
"Pero sinabi mong personal ang bagay na 'yon at walang kinalaman ang kumpanya. Wala kang karapatang magsampa ng reklamo dahil wala kaming kinalaman."
Gustong-gusto niya itong yakapin, pero binitiwan niya sabay layo.
Masyadong matigas ang dalaga na maging siya ay nagagawa nitong bato.
Manhid at walang pakiramdam!
Binigyan niya ito ng isang malamig na tingin.
"Makakaalis ka na, at sana lang hindi na tayo magkikita pa, " walang emosyon niyang saad.
Binigyan siya nito ng mainit at nagliliyab na tingin.
"Salamat sa'yo. Iyon din ang hiling ko!"
Sarkastikong sagot ng dalaga bago siya iniwan.
---
Kahit paika-ika ang paglalakad, pinilit niyang umalis sa lugar na 'yon.
Napakasakit magsalita ni Gian, parang bigla na niyang hindi kilala.
Nagpagod lang siya pero walang napala.
Wala pa itong tiwala sa kanya.
Sabagay bakit nga ba siya pagkakatiwalaan samantalang wala na silang koneksyon.
"Alam ko ang iniisip mo, alam ko rin na natatakot ka. Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon, poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. "
Ipinikit niya ang mga mata.
Alam naman niyang hindi na nito matutupad ang mga sinabi.
Noon oo, hindi na ngayon!
Nang makarating siya sa opisina.
Agad siyang pinuntahan ng marketing manager sa kanyang private office.
Lalo lang siyang naiinis dahil alam niya ang pakay nito.
"Have a sit Mr. Javier. "
"Thank you, itatanong ko lang Ms. kung ano ang development tungkol sa kasamahan ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nakakalabas. "
Huminga siya ng malalim at ipinatong ang dalawang kamay sa mesa.
"Mr. Javier, attempted murder ang kaso niya.
Sa tingin mo ba gano'n lang ka simply?
Isa pa, personal ang kaso niya. Wala tayong kinalaman, ang pinakamagandang gawin ay tanggalin si Mr. Galvez. "
Napatayo ang lalaki at dumilim ang anyo.
"Hindi 'yan pwede! Masisira tayo sa medya kapag nagkataon. "
Tumayo din siya.
"Saan ka ba talaga mas concern Mr. Javier? Sa kumpanya o kay Mr. Galvez?"
Napanganga ito saglit.
"Sa kumpanya siyempre!"
"Kung gano' n, matatanggap mong mawawala sa atin si Mr. Galvez. Kung si Mr. Galvez ang kinakampihan mo, pwede ka na ring mag resign ngayon din. "
"Ang yabang mo talaga! Maghintay ka sa mga medya!"
Sigaw ng lalaki bago nangangalaiting umalis.
Muling napaupo ang dalaga.
Marahil tama nga si Gian. Wala silang ibang paraan kundi alisin ang sagabal at nakaharang!
Pag-uwi niya ay sinalubong siya ni don Jaime.
"Totoo bang si Galvez ang may pakana ng muntik ng pagkamatay ni Villareal?"
Ibinaba niya ang dalang shoulder bag sa sofa at umupo.
"Opo lolo. "
"Tinanggal mo ba siya dahil doon?"
"Opo lolo. "
Umalsa ang boses ng don.
"Kahit kailan talaga, hindi pa rin tayo tinatantanan ng Villareal na 'yan! Tinanggal na kasi natin kaya gumagawa na ng gulo!
Ang akala ko noon tatahimik na ang buhay natin dahil wala na ang lalaking 'yon pero hindi na tayo tinigilan ng hayop na 'yan!"
Naiiling ang dalaga habang nakatingin sa kanyang lolo.
Hindi siya makapaniwala sa naririnig.
Wala yata itong alam sa tunay na nangyari o wala itong pakialam?
Dismayadong hinarap niya ang agwelo.
"Ang tinutukoy niyo po na gumagawa ng gulo ay siyang biktima rito. Paano niyo nasasabi ang ganyang bagay lolo?"
"Wala na tayong kinalaman pa sa kanya. Ang problema ipinakulong niya ang tauhan natin kaya tayo nadamay!"
"Hindi na po natin tauhan si Galvez. "
"Pero hindi ibig sabihin na mawawala ang gulo ng gano'n lang kadali."
"Lolo, sinasabi niyo bang hindi na dapat ipakulong ang dati nating tauhan?"
"Ang sinasabi ko nagdulot ng gulo ang Villareal na 'yan! At ngayon ma e-eskandalo na naman tayo nang dahil sa kanya!"
"Si Galvez ang may kasalanan. Kung ako ang nasa katayuan ni Gian gano'n din ang gagawin ko!" Hindi na siya nakapagtimpi at sinigawan ang don.
"Ano? Ikaw na nga ang masasabak sa eskandalo ganyan pa pala ang gagawin mo? Anong bang pumasok sa kokote mo at nagkaganyan ka!"
Tumayo siya at binitbit ang bag.
"Pasensiya na po, pero kailangan ko ng magpahinga. Natitiyak kong may hindi magandang mangyayari bukas lalo na at tuluyan ng naipakulong ang dati nating tauhan. "
"At anong gagawin mo kung dudumugin ka ng medya? Hihingi ng tulong sa Villareal na 'yon? Siya na nga ang nagdulot ng gulo sa kanya ka pa hihingi ng saklolo? Gano' n ba? Ipapahiya mo ba ang kumpanya! "
Tiningnan niya si don Jaime.
"Lolo, hindi niyo po ba ako magagawang tulungan? "
Umiwas ito ng tingin.
" Wala akong magagawa pagdating sa bagay na 'yan.
Iyan ang resulta sa mga paglilihim mo! Huli na para mapigilan pa natin. Titingnan ko kung kaya ko pang pigilan ang paglabas ng mga artikulo laban sa kumpanya at sa iyo. "
"Patawarin niyo po ako. "
Hindi umimik ang don, yumuko lang siya bilang paalam at tinungo ang silid.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago umupo sa kama.
Napapailing siya kapag naiisip ang sinasabi ni don Jaime.
Kakaiba ang utak ng kanyang lolo.
Lumalabas na ang suspek pa ang kinakampihan.
Naiinis na humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata.
Kinabukasan.
Maaga pa lang tinungo na niya ang opisina sigurado siyang may kakaibang mangyayari ngayon kaya inagahan niya ang pag-alis.
Malapit na siya sa opisina nang may mapansin.
"Ano 'yan?" tanong niya sa bodyguard.
"Ms. sa tingin ko po mga reporters 'yan."
"s**t!"
Alam na niyang mangyayari ito!
"Ms. tutuloy po ba tayo?"
"Oo, kailangan kong magtrabaho."
"Lilinisin lang ho namin ang daraanan ninyo. "
"Sige. "
Bumaba ang tatlo, may naiwan sa kanyang isa.
Nagkagulo ang mga taga medya.
Sa halip na magbigay daan para sa kanya ay iba ang ginawa ng mga ito.
"Oh Holy s**t!"
"Ms. ila- lock ko po ang pinto."
Saglit lang nasa labas na ng kotse ang mga ito. Pinalibutan ang kanilang sasakyan.
Pilit namang hinihila ng mga gwardya ang mga taga medya.
Kinalma niya ang sarili at nanatiling walang imik.
Buti na lang tinted ang salamin kaya hindi siya nakikita ng mga ito.
Hindi pwedeng hintayin niya ang mga ito na lumayo.
Nasasayang ang bawat oras niya sa loob.
At habang nagtatagal siya, lalo niyang naiisip na talo siya sa kung sino man ang may pakana nito.
Nang ma kontrol na ng mga gwardya ng kumpanya ang mga mamamahayag ay nag pasya siyang bumaba.
"Kailangan ko ng lumabas. "
"Sandali lang po Ms."
Kinausap ng lalaki ang kasamahan sa labas. Pagkatapos ay binalingan siya nito.
" Ms. hintayin niyo po ang go signal ko, " wika nito at bumaba.
"Sige. "
Huminga ng malalim ang dalaga.
Umatake agad ang mga naghihintay ng balita nang makababa ang gwardya niya.
"Huwag po kayong magtulakan, layo lang po tayo ng kunti, padaanin po natin si Ms. Ellah, " wika ng kanyang gwardya.
Nang makita niyang lumayo ang mga ito ng bahagya ay binuksan ng gwardya ang pinto.
"Ms. pwede na po kayong bumaba. "
Bumuga siya ng hangin pagkatapos ay bumaba na.
Inalalayan siya ng kanyang gwardya.
Abante lahat ng taga medya!
Nagkislapan ang mga kamera.
Inulan siya ng tanong.
"Ms. Lopez, totoo bang pinagtangkaan ng inyong empleyado ang dati ninyong gwardya?"
"Ms. Lopez alam niyo ba kung ano ang dahilan?"
"Ms. Lopez, anong masasabi ninyo tungkol sa issue? "
"Ms. Lopez…"
"Ms. Lopez…"
Marami pang mga tanong na hindi na niya maiintindihan dahil magkasabay ang mga ito.
At nasisilaw siya sa mga kislap ng mga kamera.
Nasa likuran siya ng head security.
"Distansya po kunti, sige na po pakiusap, " wika nito habang sinubukan nitong umabante ng hakbang.
'Ugh! Paano ba ito?'
Nakita nilang umikot sa kanyang likuran ang iba pang mga taga medya.
Maagap naman na pumagitna ang mga gwardya ng kumpanya at mga gwardya niya para harangan ang mga ito. Kaya hindi tuluyang nakalapit ang mga taga medya.
Magulo at maingay ang lahat!
"Sandaling katahimikan lang po!"
Natahimik ang lahat sa lakas ng pagkakasigaw ng isang tinig ng isang lalake na kilala niya.