Episode 28 The Information

2334 Words
Si Ellah na mismo ang tumawag. Ipinikit niya ang mga mata dahil mukhang wala itong balak sagutin! "Now you know!" bungad ni Gian sa kabilang linya. Napigil niya ang paghinga nang marinig ang tinig ng nasa kabilang linya gano'n pa man pinanatili niyang maging kalmado. "Why?" "I don't need to explain my self to you. Just stay out of my way!" "No! You're accusing my employee! I am responsible for his account. " "Really?" sarkastiko nitong tanong. Nagpigil siya ng sarili. "Then you should be the one to put in jail." "What! How dare you!" "You don't know anything woman!" Marahas siyang napabuga ng hangin. Talo siya kung makikipag-away siya ngayon. Nasa mga kamay nito ang kanyang empleyado. "Mr. Villareal, can we talk about this, maybe in a formal way. Can we?" "No! I am busy. " Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. "s**t!" Nanggigigil na muli niya itong tinawagan. "s**t! Sagutin mo!" Desperada na siya dahil kung hindi mai-eskandalo na naman ang kumpanya. Kung hindi sana si Gian ang may gawa nito wala na siyang pakialam. Subalit ang dating gwardya niya ang may gawa na noon ay siya naman ang biktima ng pagdukot nito. "Why you keep on calling me? I am not your employee!" "Ofcourse! Kung ginagawa mo 'to para magpapansin tigilan mo na dahil nakakaawa ka!" "Ano? Papansin? Huh! Ibang klase ka, wala kang alam kaya manahimik ka!" "Mananahimik ako kung makikipagkita ka ngayon na. " "Look who's talking? Sino ngayon ang papansin sa atin?" "Ano ba!" "Hindi mo ako tauhan kaya wala kang karapatang utusan ako. " "Oh, come on, bakit natatakot ka bang makikipagkita dahil baka babalik ang pag-ibig mo sa akin?" Narinig niya ang marahas nitong paghinga. "Hindi mangyayari 'yon, " madiin nitong tugon. "Prove it!" hamon niya rito. "Fine I'll give you what you want!" "Then show me what you've got!" Ano man ang dahilan ng kanyang dating gwardya ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga mailigtas niya ang tauhan at nang hindi madadamay ang kumpanya. Nagkita sila sa isang coffeeshop nang araw na 'yon. Kahit ilang araw na silang hindi nagkikita, hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito kahit na medyo humumpak ang pisngi. Mas tumindi pa nga yata na naging dahilan ng pagkabog ng kanyang dibdib. Nakita siya nito kaya nag-abot ang kanilang tingin. Bigla siyang natauhan, nang mapansin niyang bigla itong ngumisi. Hindi siya nagkakamali, hindi ito ngumiti. Naglakad siya palapit. "You're still late as usual, " pormal na muli ang mukha nito. Hinila niya ang upuan sa harapan nito at umupo. "I'll ask you straight, why did you do that to my employee?" "You're so hot, " sabay tingin sa kanya. Lihim siyang napangiti, talagang hindi pa rin nito mapigilan ang sarili para hangaan siya. Sinasabi ko na nga ba! "I know that, so let's go back to the..." Natawa ang binata. Napakurap siya. Shit! Lalo tuloy gumuwapo sa paningin niya. "You're so hot that you didn't even care to order anything. " Naipikit ng dalaga ang mata. "Waiter!" halos sigaw na niya. Akalain ba niyang iba pala ang tinutukoy nito. "Yes madam? " "Give me some orange juice, " sa kaharap siya nakatingin. "Yes madam, how about you sir?" "Coffee please, " sa kanya din ito nakatingin. "Alright sir, madam. " Ngayon silang dalawa na lang uli. Nagsukatan sila ng tingin, na para bang ang unang kukurap ay talo. "Can I ask you now Mr. Villareal?" "You're already asking Ms. Lopez" Kinalma niya ang sarili dahil kunti na lang makakasapak na siya ng aroganteng pilosopo! "Ano ba ang kasalanan ni Mr. Galvez sa'yo?" "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" "Ano ba!" tumaas ang boses niya. "If you keep on doing that, iisipin ng lahat may lover's quarrel dito. " Muli niyang kinalma ang sarili. Mapapatay na niya ito! Kumuyom ang kanyang isang kamay sa ilalim ng mesa. "Bakit mo siya ipinakulong ano ang kasalanan niya?" "Hindi mo na dapat malaman pa. " "Mr. Villareal!" banta niya. "Yes Ms. Lopez?" naglalaro ang ngiti nito sa mga labi. "Naka drugs ka ba?" deretso niyang tanong ng may kalakasan. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Anong sinabi mo?" "Ang sabi ko naka…" "Oh shut up!" mahina pero madiing wika ng binata. "Fine, if you take this seriously. " Inilapit ng binata ang mukha nito sa mukha niya. "Start asking. " "W-what are you doing?" bahagya siyang lumayo. 's**t! Nauutal yata ako?' "Listening what else. " "But it feels awkward you know. " "Why? Do you have some feelings for me?" "No" "Then there's nothing to worry, we can keep on staring each other's eyes until you drop this conversation. " "Seriously?" "Ofcourse I'm serious. " Dumating ang waiter. "Sir, madam here's your…oh, sorry to.." "It's okay, " sabay pa nilang wika at sabay din na lumayo sa isat-isa. Walang imik na inilapag ng waiter ang kanilang order. "Sir, madam, please tell me if you want something. " "No thanks, " sabay na naman nilang lahad. Bigla siyang natawa. Nagtagis ang mga bagang ng binata. "Ms. Lopez, are you on drugs?" "What the heck!" sigaw niya. Na ikinalingon ng karamihan. Sinipsip niya ang inumin at maging ito man ay humigop ng kape. Nagkunwari sila na parang walang nangyayari. "So, bakit mo nga siya ipinahuli ano ang kasalanan niya?" "Bakit ba interesado kang malaman?" "Empleyado ko nga siya, ilang beses ko bang sasabihin?" "It looks like you have an affection to…" "Come on! Don't make things harder, sabihin mo na. " Huminga ng malalim ang binata. "Ang kaso niya, attempted murder. " "Mr. Villareal you can't be serious of your accusation!" "I am not accusing I have an evidence!" "Really then who is that unlucky guy?" "He's lucky because he is still alive. " "Then who is he?" "Me" malamig nitong tugon. "A-ano!" nabaghan siya sa narinig. Natabig niya ang baso sa pagkabigla kaya bumuhos ang lamang juice sa mesa. Awtomatikong lumayo ang binata. "You're still the same, clumsy and stupid. " "What!" "Another thing, you're deaf. " "Damn you!" bulyaw na niya. "This meeting is over, " mariing wika ng binata bago naglapag ng pera sa, mesa saka tumayo at umalis. Agad din siyang sumunod dito. Magkasunod silang lumabas. "Sandali lang! Niloloko mo ba ako?" "At bakit ko naman gagawin?" "S-so ikaw talaga ang biktima?" Hindi ito umimik. "Look, can we talk about this somewhere else?" "No!" Pumara ito ng taxi at sumakay, alerto siya kaya sumakay din. "What are you doing?" irritable nitong tanong. "I'm going with you. " "No way!" mabilis lumabas ang binata. Agad din siyang bumaba. Nagsimula itong maglakad nang makaalis ang taxi. Sumunod siya. "I can't believe this!" komento niya. "You must. " Naiiling siya habang nakasunod dito. "Pero papaano nangyari at kailan 'yon?" Hindi umimik ang binata at mabilis na humakbang na halatang iniiwasan siya. "Hey! Pwede bang bagalan mo ang lakad mo?" "Sino bang may sabing sumunod ka?" suplado nitong wika. "Gusto kong malaman ang detalye. " "Hindi ko alam na imbestigador ka na pala ngayon. " "Bukod pa roon spy din ako, satisfied?" Naiiling na mas binilisan ng binata ang paglalakad. "Hoy! Hintayin mo ako!" Pero animo wala itong narinig. 'Bwesit talaga ang lalaking ito!' Hinubad niya ang sandalyas at naglakad ng nakapaa sa malamig na semento. Buti na lang hapon na kaya hindi na masyadong mainit. Lumingon si Gian, napahinto siya. "Balak mo na naman ba akong batuhin ng sandal ngayon?" "Says who?" binilisan niya ang lakad para makaabot dito. "What are you doing!" nanlalaki ang mga mata nito. "Naglalakad papunta sa'yo!" Binalikan siya ng binata. Kaya halos lakad-takbo ang kanyang ginawa nang may maramdaman siyang tumusok sa kanyang paa. "Ah, s**t!" Tiningnan niya ang nakatusok, bubog ng bote. "f**k!" malakas na mura ni Gian at tumakbo palapit sa kanya. Inangat nito ang kanyang paa, kaya awtomatiko siyang napahawak sa balikat nito. "Bakit ba kasi naglakad ka ng naka paa? Anong katangahan ba 'yang pumasok sa utak mo?" "Nakakainis ka na! Ikaw ang dahilan nito! " May kinuha ito sa bulsa ng suot na pantalong maong. "Kaya mo bang maglakad?" tanong nito habang tinatalian ng puting panyo nito ang kanyang sugat. "Yes" Nakikita niyang nababahiran ng pulang mantsa ang puting panyo pero hindi ito nagdalawang isip na itali sa paa niya. "Saan ba ang kotse mo?" "Nandoon sa parking lot ng coffee shop." "Damn it! Ang layo no'n!" "Ikaw kasi!" Natigil ang pagsisigawan nila nang tinitigan siya ng binata sa mga mata. "Mamili ka, maglalakad ka o kakargahin kita?" "Ha?" umilap ang mga mata niya. Bigla tuloy siyang kinabahan. 'Hindi ako magpapakarga sa lalaking ito!' "Maglalakad ako. " Kinuha ng binata ang dalawang sandalyas niya sa mga kamay at inilagay sa kanyang mga paa. Kaya muli na naman siyang napahawak sa balikat nito. Sa totoo lang, patindi ng patindi ang nararamdaman niyang kaba. Halos hindi na niya iniinda ang hapdi ng sugat niya. "Let's go. " Inilagay ng binata ang isang kamay niya sa balikat nito para alalayan siya. Nagsimula silang maglakad. Walang imik na naglalakad sila habang nakaakbay siya. Naramdaman niya ang init ng balat ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit parang napakasarap sa pakiramdam ang ginagawa nito sa kanya. Muli lang namang nagdikit ang mga balat nila. Dati mas malala pa nga ang ginagawa nito sa kanya. "Damn it!" Napaigtad siya ang magmura ito. "Ha?" Sinundan niya ang tinitingnan ni Gian. Dumudugo ang paa niya! Walang sabi-sabing bigla siya nitong binuhat. "Hoy! Ano ba? Ibaba mo ako!" Nagwala siya. "Huwag kang malikot kundi, ihuhulog kita." Natahimik ang dalaga. Nag-umpisa itong maglakad habang karga siya. Hindi siya makapaniwalang ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanyang katawan, ang isa sa kanyang likod at ang isa ay sa kanyang balakang. Kinarga siya na parang mga bagong kasal papunta sa kwarto. Sa kaso niya papunta sa kotse. "Kumapit ka sa leeg ko para mabalanse ka. " Walang imik na dahan-dahan niyang sinunod ang inutos nito. 'Shocks! Napakabango naman!' Subalit hindi lang pagkapit ang kanyang ginawa dahil marami na ang napapatingin sa kanila. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ni Gian sa sobrang hiya sa mga nakakakita pero wala itong pakialam na animo hindi siya kinakarga! Nararamdaman niya rin ang pintig ng puso ni Gian. Mabilis 'yon na parang hindi normal. 'Parang…gaya sa akin?' Kung mabilis ang t***k ng puso nito dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin siya. Gano'n din ba ang nararamdaman niya? Bigla siyang umiling. "Stay still, nahihirapan ako. " "S-sorry. " Ilang sandali pa, huminto na sila. Bakit kaya? Ano kaya ang problema? Hindi kaya nabibigatan na talaga ito sa kanya? Baka nahihiya lang na ibaba siya? O baka naman nagagalit na kaya… "Wala ka bang balak kumalas? Baka masanay ka?" "Ha?" Saka lang niya napansin na nakarating na pala sila sa parking lot at ngayon ay kaharap na nito ang kotse niya. Shit! Mabilis siyang kumalas at ibinaba siya nito. "Where's the key?" "I can manage. " "Your company, but not in driving your car. Let me," matigas nitong utos at tila may kung ano rito at sumunod siya. Nahihiyang ibinigay niya ang susi dito. Binuksan ng binata ang pinto at inalalayan siya papasok. Umikot ito sa driver side at nagmaneho. Nasa daan na sila pero wala siyang ideya kung saan sila pupunta. "Sandali lang, saan tayo pupunta?" "Sa hospital. " Naalarma siya. Ayaw na niya ng karayom! "Oh no, s**t you can't do that!" Pero hindi ito umimik. "Gian I am serious, ayoko sa hospital!" Napalingon sa kanya ang binata. "What?" tanong niya. Hindi ito umimik. Saka niya napagtanto na tinawag niya ito sa pangalan. Bigla niyang nakalimutan ang ka pormalan nila. "Mr. Villareal do you hear me?" "Will you shut your mouth Ms. Lopez?" "What?" "I'm doing a favor so please shut up!" "Pero ayoko nga sa hospital!" Bigla itong nagpreno kaya nagulat siya. "s**t!" Lumabas ang binata at nagpunta sa isang botika. "Salamat naman, sa botika lang, tinakot pa ako ng kumag. " Ilang sandali pa nakabalik na ito na may dalang isang supot. Nang makapasok ito sa loob ng kotse, hinawakan ng binata ang paa niyang may sugat. "A-ano bang ginagawa mo?" "Obviously ginagamot ano pa ba?" Naiirita na talaga siya sa ugali ng lalaking ito! "I can do it on my own!" singhal niya. "Fine, gamutin mo!" binitiwan ni Gian ang paa niya. Yumuko siya at tinanggal ang panyong nakatali dito. Shit! Pagkatapos ay binuksan niya ang alcohol at ibinuhos sa sugat. "Ahhhhhh!!!!!!!!!! s**t ang hapdi ang hapdi!" sigaw niya habang winawagayway ang paa. "Huwag kang malikot. " Hinawakan nito ang paa niya at hinihipan. Sandaling natulala ang dalaga. Tila nakikiliti siya sa hangin na tumatama sa kanyang balat. Dati siya ang gumagamot sa sugat nito pero ngayon ito na ang gumagamot sa sugat niya. Bumabaliktad yata ang pagkakataon, dati ito ang sumusunod sa kanya ngayon siya na! Ni hindi niya namalayan na ito na pala uli ang gumagamot sa sugat niya. Hanggang sa narinig niya ang sinabi nito. "Okay na 'yan. " Nahihiya man pero ibinuka niya ang bibig. "S-salamat. " "Next time, don't do anything stupid. " Hindi na siya nakipag-away pa, sa araw na ito, siya na ang pinakatanga sa paningin nito! "Now, where do you want me to take you? Hindi pwede sa opisina mo, bawal ako doon, lalo na sa bahay niyo." "S-saan ba pwede? I need to rest. " "Hindi pwede sa bahay ko so I guess sa hotel na lang. " "What?" nanlalaki ang mga mata niya. "Sa -ho-tel." paglilinaw ng binata. "You can't do that?" "I can. " Muli nitong pinaandar ang sasakyan. "Hindi nga pwede. " "Then choose, hotel o hospital?" Natahimik siya. Kahit kailan talaga, bwesit ang hinayupak na antipatikong lalaking ito! Hindi pwede sa opisina dahil makikita ng lahat na iika-ika siyang maglalakad. Hindi rin pwede sa bahay nila dahil tiyak uusisain siya ng kanyang lolo at maging dahilan pa ng pagtatalo nila. "I am waiting." "Hotel" pikit-matang saad niya. Wala siyang ibang mapagpilian sa ngayon. Mas mabuti ng sa hotel kaysa sa hospital!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD