Halos wala sa sarili si Gian nang makauwi sa kanyang tirahan.
Tinungga niya ang alak habang nakatingin sa kawalan.
Pagkatapos ng pagdukot niya sa taong nagtangkang pumatay sa kanya, napanatag ang kanyang kalooban subalit ngayon, mas malala pala ang kapalit.
Akala niya may pag-asa siya sa dalaga pero wala pala talaga!
Napapailing na muli niyang tinungga ang bote at nilagok ng tuloy-tuloy.
Sa pagkakataong ito, hindi niya gagambalain ang nag-iisang kaibigan.
Nahihiya na siyang malaman nito ang kanyang pagkabigo na naman.
Hindi na niya ipinaalam ang panibagong sakit na idinulot sa kanya ng dalaga.
Nanlalatang humiga siya sa kama at
ipinikit ang mga mata.
Sa tindi ng pagod, sakit at hinanakit ay mabilis siyang nakatulog.
Kinabukasan.
Tunog ng cellphone ang nagpagising sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi niya at sinagot ang tawag.
"Greg?"
"Good morning sir, ipinapaalam ko lang po na hanggang ngayon hindi pa rin umaamin ang master mind. Baka kapag pumunta kayo dito, aamin na. "
"Pilitin niyo. "
"Sir, may problema tayo, may nakakapansin ng nawawala na siya. "
"What? Akala ko ba malinaw na nag leave siya?"
"Yes sir, pero hindi pa rin siya nagsasalita at hinahanap na siya ng pamilya niya. Panay ang tawag sa cellphone nito at baka anumang sandali ay ipahanap na nila sa mga pulis. "
"f**k!"
Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.
Kinalma niya ang sarili.
Hindi pwedeng malaman ng kumpanya na na nasa kanya ang isa sa tauhan ng mga ito. Paaaminin lang niya ito at pakakawalan.
"I'm coming. "
"Thank you sir, salute!"
"Carry on, " sagot niya.
Nawala na ito sa kabilang linya.
Nagmamadaling naligo ang binata at nagbihis.
Wala siyang inaksayang panahon.
Ilang araw na kasi niyang hindi inaasikaso ang sarili.
Nilinis niya ng husto ang kanyang bibig na amoy alak.
Tapos na siyang maligo at nakaharap na sa salamin, pero kahit sino ang makakakita mahahalatang namumula ang kanyang mga mata at namamaga pa!
"s**t! Pesteng pag-ibig naman 'to!"
Kinalma niya ang sarili at isinuot ang sunglasses.
Nasa labas siya ng bahay at naghihintay ng taxi.
"f*****g that damn car!" mura na naman niya.
Hanggang ngayon kasi wala pa rin siyang kotse.
Malamang naghihirap na ang kumpanya nila dahil sa kanya!
Ilang sandali pa may dumaang taxi agad niyang pinara at sumakay.
Agad niyang sinabi ang address ng pupuntahan.
Tahimik sila sa biyahe.
Okupado ang kanyang isipan ngayon.
Pero kakalimutan muna niya ang sariling damdamin, may mas dapat siyang unahin!
Malapit na siyang makarating kaya ipinahinto na ng binata, agad siyang nagbayad.
"Salamat. "
Bumaba siya.
Ilang minuto din siyang naglakad. Hanggang sa nakarating siya.
Sinalubong siya ni Greg.
"Good morning sir!"
Tinugon niya ang saludo nito at ibinaba ang kamay.
Magkasama silang bumaba sa Under Ground.
"Sinong kasama mo?"
"Ako lang po sa ngayon. "
Bago siya pumasok sa isang kwarto, nilingon niya ito.
"Iwan mo na kami. "
"S-sir, huwag niyo pong ilagay ang batas sa inyong kamay. " Nabanaag niya ang pangamba sa anyo ng tauhan.
"Sinong may sabing gagawin ko 'yon?"
"P-pero kasi…"
"I'll teach him a good lesson that he will never forget until his dying day, " malamig niyang tugon.
Kahit papaano nakahinga ito ng maluwag.
Pero nanatili itong nakatayo.
"Do it now!"
"Sir, yes sir! Salute!" sumaludo ito sa kanya.
Sumaludo rin siya dito.
Pagkuwan ay itinulak niya ang pinto at pumasok sa loob.
Tumiim ang tingin niya sa lalaking nakaposas ang mga kamay sa likuran maging ang katawan at mga paa.
Nakaupo ito sa isang upuang bakal.
Naglakad siya palapit sa lalaki.
Kaya inangat nito ang mukha at nagtagpo ang kanilang mga paningin.
"Putang ina!" malakas nitong mura.
Walang imik na lumapit siya.
"Are you mad for I am still alive? Or are you mad because you are here in front of me?" kalmante niyang tanong.
"Putang ina 'wag kang lumapit!"
Hindi na siya nagsasalita.
Inilabas niya ang isang bagay na nakatago sa kanyang isang kamay.
"Alam mo kung ano 'to hindi ba?"
Nanlalaki ang mga mata ng lalaki daig pa ang nakakita ng multo at white lady!
Papalapit siya panay ang pagwawala nito para makawala.
"Huwag! Huwag s**t! Maawa ka!"
"Maawa? Uso pala sa'yo ang salitang 'yan? Hindi ka nga naawa noong ipapatay mo ako. Oh, I remember sinabi mo nga pala noon na hindi ka gagawa ng mga simpleng bagay gaya ng pagkuha ng mga larawan at ibigay sa iba. Ngayon alam ko na ang kaya mong gawin!"
Palapit siya dito ng husto.
"Huwag maawa ka Gian! Please huwag!"
"Stay still man!" matigas niyang utos at isinagawa ang balak.
Isinaksak niya ang syringe sa braso ng naturang lalaki na naglalaman ng sodium pentothal. Sa lakas ng epekto ng gamot sigurado siyang hindi siya mabibigo.
"f**k!" sighal ng lalaki.
Lumayo siya ng magtagumpay sa ginawa.
Pinagmasdan niya ang lalaking nakaupo habang nakalupaypay ang ulo.
Umupo din siya sa gilid at kinalikot ang cellphone.
Walang pwedeng makakaligtas sa kanya lalo na at nasa mga kamay na niya!
Ilang sandali ang makalipas tumayo ang binata.
"Kumusta ka na?"
Inangat ng lalaki ang paningin at kitang-kita ang tila panlalata nito maging ang mga mata ay namumungay
Lumapit siya.
"Ano nga uli ang pangalan mo? Rey Galvez tama?"
"O-oo. "
"Nagtatrabaho sa MEDC tama?"
"Tama. "
Kinuhanan niya ito ng personal na impormasyon ng pamilya nito. Iyon naman talaga ang matinding kahinaan ng mga tao, ang pamilya nila.
"Hindi alam ni Javier ang ginagawa mo hindi ba?"
"Hindi"
Huminga siya ng malalim.
"Ipinapapatay mo ba ako?"
"Oo"
"Noong August 30?"
"Oo"
"Ang dahilan ba ay dahil iniimbestigahan kita?"
"Oo"
"That's all I want to know. "
Lumapit siya sa cellphone at kinalikot ito.
Muli siyang bumalik.
Tinawagan niya ang isa pang kasama.
"May kasama ka na ba?"
"Yes sir. "
"Bumaba kayo rito. "
"Yes sir. "
Maya-maya lang bumaba na ang dalawa.
"Ibalik niyo na siya sa selda. Hayaan muna natin siya. He's not in normal condition."
"Yes sir. "
Papalabas siya nang humabol si Greg.
"Sir, ano po ang ginawa ninyo sa kanya?"
"Truth serum. "
Napatango-tango ang lalaki.
Binalikan ng dalawa ang lalaki.
"Ikaw, sabihin mo nga, pangit ba siya?"
Tumingin ang lalaki sa itinuro.
"Oo"
Humagalpak ng tawa si Greg.
"Hindi ka nga nagsisinungaling! "
"Gago ka talaga, " asik ng isa.
"Tama na 'yan, " saway niya.
"Yes sir!" sabay na sagot ng dalawa.
---
Napansin ng dalaga na tinitigan siya ng kanyang sekretarya.
Makalipas ang tatlong araw ay unti-unti ng bumalik sa normal ang kanyang buhay sa kabila ng lungkot at hinanakit ay pilit siyang magpakatatag alang-alang sa kumpanya.
"Yes Jen?"
"Ahm, Ms. okay lang ho ba kayo?"
"Yes. "
Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga papeles.
"O-okay po. "
"Tuluyan ko na siyang iniwan kaya hindi na siya makakabalik pa bilang bodyguard ko. "
"Ang mahalaga po Ms. naipaliwanag ninyo ang inyong side. Atleast gumaan po ang inyong pakiramdam. "
"Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. "
"Mabuti po at tinanggap niya ng maluwag. "
Inangat niya ang tingin.
"I don't think so Jen. Iniwan ko siyang nakaluhod habang nakayuko. "
Napaatras ang sekretarya.
"M-Ms. nagawa niyo ho 'yon?"
manghang tanong nito.
"Yes, " muli niyang ibinalik ang tingin sa papeles.
"Wow! Nakakahanga po ang tapang ninyo. Kung ako siguro 'yon hindi ko kaya. "
"Kaya ko Jen, para sa kumpanya at para kay lolo. "
"Nakakabilib po kayo. "
Tumango lang siya bilang tugon.
Napailing ang sekretarya.
"Dalhin mo na 'tong report paglabas mo. "
"Yes Ms."
Tumayo ang sekretarya bit-bit ang binigay niya.
"Ms. hindi ho ba tapos na ang leave ni Mr. Galvez?"
"Oo, bakit?"
"Hindi pa rin po siya pumapasok."
"Abusado talaga ang taga marketing department. Anong sabi ni Mr. Javier?"
"Wala naman po, sinubukan daw nilang kontakin pero out of reach daw lagi. Hinahanap na nila."
"Hayaan muna natin baka gusto pang mag extend."
"Sige po. "
Lumabas na ang sekretarya.
Kumukulo ang dugo niya sa tuwing maiisip na ang taong naging dahilan ng paghiwalay nila ng landas ni Gian ay nandirito pa rin sa kanilang kumpanya!
Hindi naman niya pwedeng derektang tanggalin dahil walang matibay na basehan.
Hindi maganda sa kanyang reputasyon na natanggal ito dahil sa paninira sa kanya.
Malalaman ng buong taga kumpanya at pag-uusapan siya!
Ang masama kapag nagsumbong pa ito sa medya lalo lang siyang mapapahiya.
Dudumugin na naman siya ng mamamahayag at uulanin ng katakot-takot na tanong!
Ikinuyom niya ang isang kamay.
"Javier…Javier…Javier!" kasabay ng paghampas niya ng kuyom na kamay sa mesa.
Sumandal ang dalaga sa swivel chair.
Sa tuwing maiisip niya ang ginawa ni Gian parang kinakain siya ng kunsensiya.
Talaga bang nakakahanga ang ginawa niya sa binata?
Nakakahanga bang iwan niya itong umaasa habang nakaluhod at nakayuko?
Humugot siya ng malalim na paghinga.
Pero sabihin pang iniwan na niya si Gian, hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon nila sa bahay.
Malamang dahil na rin sa kanya, na halos hindi na kumikibo.
Wala siyang gana makipag-usap kahit kanino lalo na sa lolo niya.
Ito kasi ang dahilan kaya nawala ng tuluyan sa kanya si Gian.
Kung wala sanang naging basehan ang kanyang lolo wala sana siyang issue.
Kilala niya ang kanyang lolo.
Oo may tiwala ito sa kanya, pero ang pagdududa ay hindi na mawawala pa!
---
Muling binalikan ni Gian ang kanilang bihag kinabukasan.
At ngayon ay muli silang nagkaharap.
"Kumusta Galvez?"
Hindi ito umiimik pero nakatingin sa kanya.
"Tapos na pala ang leave mo at hinahanap ka na sa kumpanya. Sa ngayon, tapos na rin ako sa'yo at ipapadala na kita sa presinto."
"Hayop ka Villareal!"
"Mas hayop ka Galvez, pasalamat ka hindi kita pinapapatay. "
Hindi ito umimik pero matalim ang titig sa kanya.
"Alalahanin mo marami akong hawak na alas laban sa'yo."
"Demonyo ka hayop ka!" Lumapit ito at mahigpit na humawak sa bakal na selda.
"Gawin mo ang sinabi ko. Hawak ko ang buong pamilya mo."
"Hayop!"
"Do it! If you don't want to visit the funeral every week!"
Natigagal ang kausap.
"Just remember I've got all the information I need from you. "
"Wala kang kasing sama Villareal!"
"Sinabi ko na, mamili ka ng kakalabanin mo."
Hindi ito umimik.
"Makakaalis ka na rito. Ang batas na ang bahala sa'yo.
Just make sure to keep your mouth shut, or else every word you say against me... you will pay."
Ipinakita niya ang isang larawan kung saan naroon ang buong pamilya nito na nakuha niya sa larawang nasa cellphone ng bihag.
"Nasa mga kamay ko ang pamilya mo."
Nagwala ang lalaki!
"Papatayin kita hayop ka! Papatayin kita!"
"What makes you think I will give you a second chance?"
"Hayop! Demonyo!"
Mas lumapit siya at ipinakita ang larawan dito.
"For Pete's sake do not let our path cross again or else..." hinampas niya ang rehas. " YOU WILL PAY THE PRICE!"
Nagsukatan sila ng tingin. Inaarok niya ang kalooban ng kanyang kalaban.
---
Napatayo ang dalaga sa nalaman.
"What did you say?"
"Ms. Nasa presinto si Mr. Galvez! " paliwanag ng marketing manager.
Natulala ang dalaga.
"You have to do something."
"Sandali nga, ano bang nangyari at nasa presinto siya?"
"Iyan ang dapat nating alamin Ms. kilala ko si Galvez, hindi 'yon huhulihin kung hindi mabigat ang kasalanan."
Sandali siyang natahimik ano ba ang dapat niyang gawin?
Kung nandito lang sana si Gian…
Ah hindi! Hindi na niya ito dapat isipin pa.
"Ms. kapag nalaman ng medya na nakulong ang isa nating kasamahan tiyak ma eeskandalo tayo. Kaya gumawa ka ng paraan para muli siyang makabalik dito."
Humagkis ang tingin niya sa kaharap.
"Why should I?"
"Ha?"
"Kung may kasalanan siya then be it. I'll fire him immediately."
Tumalim ang titig nito sa kanya.
"Ganyan ka ba ka walang awa sa mga tauhan mo?"
Hindi siya umimik.
Tama lang na makita niyang natataranta ang kaharap niya dahil sa nangyayari.
Masyado itong inosente na parang walang kasalanan!
Umupo siya at sumandal sa kanyang swivel chair.
"You can go Mr. Javier. Relax and do your job." Derektang utos niya.
Tumayo ang lalaki at ang tingin nito sa kanya ay animo papatay na.
"You don't know anything! Ang dati mong bodyguard ang may pakana ng lahat!"
Kumunot ang kanyang noo at tumawa.
"Who?"
"Don't play innocent Ms. Lopez sino pa ba ang kayang gumawa ng ganito sa mga dati mong bodyguard?"
Kumabog ang kanyang dibdib subalit pinanatili niya ang pagiging kalmado.
"Ano naman ang kinalaman niya?"
"See it for yourself !" Humakbang ito patungong pintuan.
"Baka naman sinadya niyo itong gawin dalawa? Kagaya noong insidenteng kidnapping. "
Ngayon mas baliw talaga ito kaysa sa kanya.
Napakislot ang dalaga ng pabalibag nitong isinara ang pinto.
Hindi man niya aminin, pero talagang nagugulo ang utak niya nang maintindihan ang sinabi ng lalaki.
May kinalaman si Gian.
Ito ang dahilan kaya nakulong ang tauhan niya!
Dinampot niya ang cellphone at tinawagan ang binata.
Pero hindi nito sinasagot.
Nag text siya rito.
Answer it! Ikaw daw ang dahilan kaya nakulong ang tauhan ko!
Ilang sandali pa, tumunog ang kanyang cellphone.
May tumatawag , walang iba kundi si Gian.
Sandaling tinitigan niya ang cellphone.
Aaminin niyang kinakabahan siya sa hindi malamang kadahilanan pero isa sa mga 'yon na tiyak niya ay dahil muli niya itong makakausap.
Nawala ang tawag. Nakatanggap siya ng mensahe.
Gian:
Answer it, Lady!
Napalunok siya at muling nagtext.
Fine, call again!
Naghintay siya ng tawag mula dito, pero walang nangyari.
Pinalipas niya ang ilang sandali.
Hindi siya makapaniwalang gagawa ng paraan ang binata para muli niyang mapansin.
Ang akala niya mananahimik na ito at mawawala na ng tuluyan pero hindi!
May ginawa na naman itong bagong kalokohan!
Tiningnan niya ang cellphone.
"s**t that man!"
Galit na hinawakan niya ang cellphone.
'Ano 'to maghihintay ba ako sa tawag niya hanggang sa manigas ako?'