Episode 5 The Cap

2820 Words
Taas ang noo ni Ellah habang naglalakad papasok sa kanyang opisina kasunod niya si Gian at lahat ng madadaanan ay binabati sila. "Good morning Ms. Ellah!" Deretso ang kanyang tingin habang may kausap siya sa cellphone. Ang kanyang gwardya ang sumagot at bumati na rin sa mga empleyado. Siya naman ay naiinis na sa kausap. "What do you mean reject Mr. Guevara?" "Ms. Lopez, I'm sorry to say pero ang pinadeliver mo rito ay hindi man lang umapoy dahil puno ng lupa ang coal." "What?" "I have to go Ms. Lopez, I'm sorry," pinatay nito ang linya. Kausap niya ang Manager ng planta na pinagdadalhan nila ng produkto at sinabi nitong na reject ang sampung truck na pinadeliver niya. Kung susumahin lagpas kalahating milyon ang halaga noon. Bigla siyang nanghina pagdating sa opisina at sinalubong siya ng sekretarya. "Ms. May problema po tayong..." "Jen, papuntahin mo dito ang Production Manager."  "Yes Ms." Paglabas nito ay dumako ang tingin niya sa kanyang gwardiya. "Mr. Villareal, you can go," utos niya at umupo na. Tahimik namang umalis ang kanyang personal bodyguard/ driver. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa tiyak na lugi. Ilang sandali pa dumating ang pinatawag niya. Tumayo siya at agad nag-init ang kanyang dugo nang makita ang lalaki.  "Ms. I'm sorry hindi ko po na..."   "Mr. Valdez, alam mo ba kung magkano ang nalugi ngayon dahil sa kapabayaan mo? Seven hundred thousand!" "Pero Ms. hindi..." "And that amount is worth for your separation pay!" Nataranta ang empleyado. "Sandali lang Ms.  Huwag namang ganito, hindi ito makatarungan!" "Yes Mr. Valdez! Hindi makatarungan! Now I'll ask you, can you bring back the lost?" Hindi ito nakasagot. "H-hindi pero paiimbestigahan ko ang nangyari may nag..." "You don't have the right to investigate because as of this moment you are FIRED!" "Sandali lang Ms.! Ni hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag! I can file a case against you!" Kumuyom ang kanyang kamay dahil sa pagpipigil  ng galit sa kaharap. May karapatan nga naman itong magreklamo kahit pa gustong-gusto na niyang tadyakan palabas. "Alright! Explain!" Singhal na niya. " Paanong nangyaring hindi mo alam na hinaluan ng lupa ang produkto? Ano ka nagtatarabaho nang nakapikit?!" "Kasi Ms. nagkaroon po ng emergency sa amin kaya pinabantay ko muna sa Supervisor kaya wala akong alam dito." "Is that a valid reason Mr. Valdez?" Sasagot pa sana ito pero binara niya. " Nang dahil sa emergency mo nalugi tayo ng kulang isang milyon! What if sumabog ang tunnel iyan lang ba ang sasabihin mo? May emergency sa inyo kaya nawalan ako ng negosyo? Nawalan ng trabaho ang libo-libong manggagawa dahil lang may emergency sa inyo!" "M-Ms. Pasensiya na..." "Mababayaran ba ng pasensiya mo ang nalugi ha!" Sa galit ay nahampas niya ang mesa. "P-pero..." namilipit ang lalaki at yumuko. "You can go Mr. Valdez, don't worry may separation kang matatanggap mula sa apat na taong pagtatrabaho mo." "Ms. Maawa na po kayo sa akin, parang-awa niyo na po!" Kulang na lang lumuhod ang empleyado sa kanyang harapan pero nagmatigas siya. Paano kung sa sunod hindi lang ganito ang kapalpakan? "I'm sorry Mr. Valdez but I don't give second chances." Pinindot niya ang intercom na direkta sa dalawang gwardya mula sa labas ng kanyang opisina. "Ilabas niyo si Mr. Valdez dito." Naalarma ang lalaki at nanlalaki ang mga mata sa takot. "Ms. Ellah! Patawad po..." Pumasok ang dalawang gwardya at hinawakan sa magkabilang braso ang Manager. "You're done explaining Mr. Valdez, now you are fired!" Ipinatawag niya ang Supervisor. "Mr. Santos, anong nangyari at hindi mo alam ang ginawa ng tauhan mo?" "Ms. Ellah, sa totoo lang po, malinis ang trabaho ko, sinusuri kong mabuti 'yan bago ideliver kaya nagulat ako at na reject, ngayon lang 'to eh. Pero parang alam ko na kung sino ang may pakana nito. Wala na kasing makakagawa pa ng ganito na hindi mataas ang posisyon." "What do you mean?" "Ms. Hindi po ako sigurado pero tingin ko ang manager lang ang makakagawa ng ganito at hindi pinadaan sa akin ang inspection." "Inalis ko na siya, pero hindi ako titigil hanggat walang nanagot sa nangyari. Pansamantala ikaw muna ang ipapalit ko habang wala pang bagong aplikante." "Ha? Pero Ms. hindi ba dapat ako talaga ang kapalit?" "Hindi ako sigurado sa papalit sa'yo bilang Supervisor Mr. Santos, ikaw lang kasi ang pinagkatiwalaan ko pagdating doon. But anyway, pag-iisipan ko ang tungkol diyan." "Thank you Ms. Ellah!" ---  Awtomatikong lumaganap ang balitang napatalsik ang Production Manager. Ipinalit ang supervisor. Ngunit hindi kumbinsido si Gian dahil malakas ang kutob niyang isa sa mga ito ang may pakana. Kaya nang ipinatawag ito sa isang conference meeting ay pinasok niya ang opisina nito at nilagyan ng spy cam recorder ang gilid ng cabinet nito. Ganoon din sa opisina ng dating manager. 'Lalabas din ang totoo' sa isip niya bago lumabas. Kahit hindi humingi ng tulong sa kanya ang amo ay tinulungan niya pa rin ito. Nakikita niyang pagod na ang amo pero nagpakatatag ito para sa kumpanya at para sa mga empleyado. Nagtatrabaho ito sa working days at sa week end ay nakikipag date kagaya ngayon. Pero dahil maaga pa ay nag-aya itong kumain kaya nagmeryenda muna sila sa isang restaurant. Habang magkasama sila ay hindi siya bumanggit ng kahit anong tungkol sa trabaho. Matapos kumain ay nag-aya rin itong manood ng sine dahil may dalawang oras pa sila. Siyempre pumayag siya. Horror ang pinili nito. Magkatabi sila habang nanonood. Napailing siya dahil ang mga ginagawa nila ay para lang sa magkasintahan. Magkatabi sila habang nanonood. Magkatabi lang. Minsan napapahiyaw ito kapag suspense ang eksena at napapakapit sa braso niya. Napatingin siya rito pero tutok ito sa screen siya naman ay tutok ang tingin dito. "Ay!" Mas humigpit pa ang pagkakakapit nito sa kanyang braso. Pasimple naman siyang umusog palapit para mas magkadikit pa ang mga balat nila. Takot na takot ang amo samantalang siya ay natutuwa. Nakanganga ang bibig nito samantalang siya nakangisi. "My God!" sa gulat nito nagtago na ng mukha sa dibdib niya. Doon na siya nakaramdam ng pagkabog ng dibdib. Amoy na amoy niya ang pabangong gamit nito at damang-dama niya ang init ng katawan nito. Unti-unti niyang iniangat niya ang isang kamay at iniakbay sa balikat nito. Inaasahan niyang papalag pero hindi man lang ito natinag at tutok ang paningin sa screen. Sa totoo lang wala siyang maintindihan sa pelikula dahil nakukuha nito ang atensiyon niya. Ngayon hindi na braso niya ang nilalamukos nito kundi ang dibdib na niya. Kahit may suot siyang damit tumatagos ang init ng palad nito sa kanyang balat. Mataman niyang pinagmasdan ang katabing tutok ang tingin sa screen. 'Huwag ka na lang makipag date Ellah, dito na lang tayo ako na lang ang samahan mo.' Pero hindi niya masabi ang hinanaing at hindi rin nito maririnig 'yon. Pero gaya ng pelikula natapos ang date nila. Kaya pasimply niyang inalis ang braso sa balikat nito. "Grabe ang ganda naman!" anito habang tumatayo. Ngumiti lang siya at tumayo na. Ayaw niya pa sanang umalis pero kailangan. "Sorry nga pala kanina ah, nagusot tuloy ang damit mo." "Wala 'yon, at least nag-enjoy ka naman." "Ay oo naman 'no! Super ang ganda talaga gusto ko tuloy ulitin." Napatingin siya dito. "Talaga ulitin natin?" "Sira!" sabay tawa "May date pa ako." Oo nga pala may kakatagpuin pa itong ibang lalaki. Natahimik siya. Siksikan ang mga tao at nauuna ito kaysa sa kanya. "Halika na bilis!" Napaigtad siya nang hawakan nito ang kamay niya. Kakaiba ang sensasyon na dulot ng palad nito kaya hinawakan niya rin ang kamay nito. Parang ayaw na niyang bitiwan ang kamay na 'yon pero kailangan. Kusa itong bumitaw nang makarating na sila sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng front seat at pumasok ito saka niya isinara pagkatapos ay umikot sa kabila at nagmaneho na. Nasa byahe na sila nang magsalita siya. "Gusto mo ba talagang makipagdate?" "Hindi, nakakapagod lang pero wala akong magagawa gusto ni lolo eh." "Huwag ka na lang kaya tumuloy?" Umiling ito "Hindi pwede, magagalit si lolo." "Kailangan ba siya ang mamimili ng kakatagpuin mo?" Tipid itong ngumiti, pero dama niya ang kalungkutan sa tingin na 'yon. Ganoon palagi ang routine ng amo niya. Trabaho at date. Pakikipagkita sa kahit sinong lalaki. Patungo sila ng amo sa venue na isang restaurant habang may kausap ang amo sa cellphone. "Yes, Mr. Ramirez, I'll be there in thirty minutes." Umigting ang bagang niya sa narinig. "Mr. Villareal pakibilisan please," anang dalaga habang nakatingin sa cellphone. Bigla silang tumirik sa gitna ng daan. Madilim at halos walang dumadaang sasakyan. "Anong nangyari?" Lumabas siya at tiningnan ang gulong. "Ms. flat po yata?" "Ha? Paano 'yan mali-late na ako!" anito sabay baba at nagpalinga-linga sa kalsada. Natataranta ang itsura ng kanyang amo samantalang siya ay kalmado lang. Napatingin sa kanya ang dalaga. "Teka nga, bakit parang masyado ka namang relax diyan? Hanapan mo ako ng taxi!" "Ha?" "Taxi! Mali-late na ako!" Umigting ang kanyang panga pero pumunta siya sa kalsada para pumara ng taxi. Napapangiti siya dahil wala namang dumadaan kaya ang ginawa niya ay nakatayo lang doon. "Bakit wala namang masakyan dito?" reklamo ng amo. HIndi siya umimik. "Ewan ko ba bakit kaya wala?" "Nakangiti ka pa yata diyan?" "Ha?" Pumormal ang mukha niya. "This is your fault!"  Hindi na lang siya umimik. May dumaang taxi. "Hayan bilis parahin mo!" Ginawa naman niya pero dahil hindi talaga siya nag effort ay dumaan lang ang taxi. "Hoy! Taxi!" tawag ni Ellah doon sabay kamay. "Puno yata Ms.?" Lumipas ang kalahating oras at nasa kalsada pa rin sila. Naiinip na at hindi na maitsura ang kanyang kasama sa tindi ng inis at siya naman ay kalmado lang. Napansin niyang inilabas nito ang cellphone na tila may tinatawagan. Malamang tinatawagan nito ang ka date sana. Parang alam na niya ang sasabihin ng amo. 'Pasensiya na Mr. Ramirez, pero na flat ang kotse at na stuck kami sa highway' "Hello, Mang Ernie!" Bigla siyang napalingon sa dalaga. "Sunduin mo ako dito sa...what are you doing?" Mabilis kasi niyang naagaw ang cellphone dito. Tinawagan kasi nito ang isa pang driver ng mga ito at yari siya pag nagkataon. "Maayos naman pala Ms. hindi pala flat, akala ko lang pala 'yon!"  "ANO?!" -- "Hija, ayusin mo ang pakikipagharap sa anak ni congressman ha? Alam mo na malapit na ang election, para naman walang masabi si Congressman," ani Don Jaime habang palabas siya ng mansyon para makipag date na naman. Tumango lang siya at hinalikan ang matanda bilang paalam. "Gian, 'yang apo ko ha alagaan mo," dagdag pa nito. "Yes, sir." Habang daan ay tahimik lang sila ni Gian. Nagmamaneho ito at siya naman ay nakatingin sa cellphone. Tinitingnan niya ang email sa cellphone kung meron na bang development sa imbestigasyong pinagawa niya. Pansamantala kasing ipinalit niya ang supervisor na si Mr. Santos sa posisyon ng Manager habang nagpapaiimbestiga pa siya. "Ms. anak ng congressman ang kakatagpuin niyo ngayon?" tanong ni Gian. "Yes," tipid niyang sagot. "Ms. pwede ba tayong mag-usap tungkol sa trabaho?" "Not now Mr. Villareal." Dinig niya ang malalim nitong paghinga. "Kahit na tungkol sa kaso ng dating manager na pinatalsik mo?" Dahil sa sinabi nito ay nakuha ang atensiyon niya. "What do you mean?" "May lead ka na ba kung sino ang may pakana?" "Oo, meron na, pero wala pa lang akong nakukuhang ebidensiya. Isa pa hindi pa rin ako sigurado kung sino talaga sa sobrang dami nila." "Wala kayong katibayan? Gusto mong bigyan kita ng ebidensiya?" Kumunot ang noo niya dahil kung anu-ano ang pinagsasabi ng kanyang gwardya. "Anong sinasabi mong ebidensiya?" "Kaya kitang bigyan ngayon." "Ha?" "Pero kailangan munang tumigil tayo kahit sa isang coffesshop man lang." "No, no, bukas na lang." "Bakit Ms. Ellah, hindi ka ba masyadong interesado kung sino ang dahilan sa pagkalugi niyo ng kulang isang milyon?" Natahimik siya. "Kanina ko lang nakuha ang katibayan na 'yan ayaw mo bang malaman ngayon?" "Fine, nasaan na?" Tumigil muna sila sa isang coffee shop at saka nito ibinigay ang isang maliit na envelope. Agad niyang binuksan kaya tumambad sa kanya ang isang USB. "Ano 'to?" "Ebidensiya." "Paano ko naman magagamit 'to eh wala naman akong..." "I have it on my phone gusto mong marinig?" Napakurap siya at kinabahan. "Sige" Ilang sandali pa naririnig na niya ang isang boses ng lalaki. "Congratulations sir! Napakagaling niyo talaga! Sinong bang mag-aakala na kayo rin ang may pakana!" "Siyempre, hindi nila iisiping ako dahil ako ang nagsumbong." "Pero bakit hindi kayo nadamay sir eh kayo ang supervisor?" "Natural dahil sinabi kong ang may pakana ay ang manager at damay lang ako. Sinabi kong ginawa ko ng matino ang trabaho ko pero sinira ng mismong manager ng hindi ko nalalaman." Nagkatinginan sila ni Gian. Hindi niya inakalang ang pinagkakatiwalaan niya ay ang siya pa lang traydor. Nagpupuyos sa galit si Ellah. Muntik na niyang nakalimutang may date pa pala siya. "Umuwi na tayo," matigas niyang wika at nauna ng lumabas. Pero tumawag ang kanyang lolo habang pauwi na sila. "Lolo, may dapat kayong malaman tungkol sa kumpanya..." "Bukas na 'yan, unahin mo ang pakikipagkita sa anak ni Congressman, kanina pa siya doon..." "Pero lolo hindi..." "Huwag mo akong suwayin Ellah! Kahit ngayon lang ang importante ay magkita kayo ngayon na!" Wala siyang nagawa. Natuloy ang date. Mabigat ang mga paang humahakbang si Ellah papasok sa VIP room na inireseba para sa kanila. Masamang-masama ang loob niya sa kanyang agwelo dahil hindi nito maintindihan ang kanyang sitwasyon. Dinatnan niya ang lalaking nakamaong na pantalon at leather jacket at nakasapatos din, parang si Gian na ganito rin manamit. Anak ito ng congressman. May kausap ito sa cellphone habang nakatalikod. "This is bullshit! Kalahating oras na siyang late! Akala mo kung sino! Kung hindi siya sisipot sana ipinaalam niya kay don Jaime. Nagmumukha akong tanga dito! Masyadong nagpapaimportante! Papunta na dito? Ibig sabihin nandito na siya sa loob? Ngayon niyo lang nakita? O sige baka nga parating na siya, hihintayin ko na lang" ibinaba nito ang cellphone at humarap. Nasalo nito ang matalim niyang tingin. "f**k!" sobra ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siya. "Masyado pala akong nagpapaimportante?" "Look I mean, kanina ka pa ba?" "Ngayon lang pero narinig ko lahat ng panlalait mo, ngayon pinagsisihan kong tumuloy pa sa date na ito." "I'm sorry, nadala lang ako." Hinawakan siya nito sa balikat. "Don't you dare touch me!" sabay sampal ng malakas sa mukha nito at muling lumabas kahit hindi pa man nakakaupo. "Where are you going?" Hindi siya nagsalita at binilisan ang lakad. "Hindi ka aalis dito, pinaghintay mo ako ng matagal tapos aalis ka ng ganon-ganon lang?" hinawakan siya ng mahigpit sa braso. "Aray nasasaktan ako!" Muli siyang hinila papasok. Naghahanap siya ng mahingan ng tulong pero walang dumadaan sa hallway papasok sa VIP room. "Aray ano ba! Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan ka kung hindi ka sasama ng maayos!" sinumulan siyang kaladkarin nito pero nanlaban siya at nanipa. "Matigas ka ha!" buong lakas na hinila siya at ibinalya. Tumama ang dalaga sa pader ng hallway. "Aw... s**t!" daing ng dalaga. "O ano? Aggghhh!" Nadapa ito sa kanyang harapan nang bigla itong matumba. "f**k! Sino 'yon?" Nakita nila ang lalaking nakatakip ang mukha ng sumbrero. Laking tuwa ng dalaga. "Ikaw pala ang nanadyak sa akin hayop!" sinuntok nito si Gian pero mabilis nakailag ang binata. Hinubad ng binata ang sumbrero at siyang ginamit sa panghahampas sa mukha ng lalaki, papalit-palit sa buong mukha nito. "Ah f**k! f**k!" panay ang ilag nito, pero mabilis ang isang kamay ni Gian kaya natatamaan ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang bigla itong bumunot ng baril at itinutok sa binata. Iglap na hinawakan ni Gian ang baril at pinaghiwa-hiwalay, saglit lang pira-piraso ang baril sa harapan nito, ni hindi ito nakaporma. Ang bala ay itinago ni Gian. Ang anak ng congressman ay parang natuklaw ng ahas. Nang makabawi ito ay talagang nanugod na, pero sinalo nito ang malakas na sipa ng binata. "f**k!" malayo ang niliparan nito. Nilapitan ito ng binata, niluhuran ang sikmura at hinawakan ang batok at pinisil. Saglit lang wala na itong malay. "Let's go Ms.!" hila siya ni Gian sa braso at mabilis na tumakbo papalabas ng restaurant. Takot na takot siya habang nakasunod dito. Nasa basement na sila nang biglang may magsalita. "Saan kayo pupunta?" Nagkalat ang mga lalaki at nakakatiyak siyang kasamahan ito ng lalaking nasa loob. Biglang bumunot ng baril ang isa at pinaputukan sila! "s**t!" malakas na hinila siya ng binata at mabilis na kumubli sa gilid ng isang malaking poste. Nakapagtago na sila pero pinapaputukan pa rin sila ng mga ito. Napatakip siya ng tainga. "Oh my God!" "Ms. kahit anong mangyari 'wag kang aalis dito naiintindihan mo?" mahinang bulong ni Gian. Tanging tango lang ang naisagot niya. Bumunot ito ng baril. Hinawakan ni Gian ang isang braso niya, akmang aalis na sila nang bigla itong tinadyakan mula sa likuran. Nadapa ang binata, nabitiwan nito ang baril at tumilapon sa malayo. Nalaglag ang sumbrero ni Gian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD