Episode 23 The Truth

1977 Words
Naiinis na pinatay ni Ellah ang cellphone. Kanina pa siya tumatawag sa gwardya pero hindi man lang sinasagot. "I cancel ba ang tawag ng boss niya? Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Take note! Dalawang beses pa! " Inilagay niya ang cellphone sa lamesita. Kukumustahin lang naman sana niya kung nakauwi ito ng maayos at bukas agahan ang pagpunta sa bahay nila pero sa kasamaang palad hindi man lang sinagot ang kanyang tawag. Huminga ng malalim ang dalaga. Naiisip na naman niya ang nangyari sa meeting at sa bangka. Mabuti na lang nandoon si Gian. Hanggang ngayon wala pa rin siyang patunay sa kanyang hinala kung sino ang may kagagawan. Lumabas siya ng kwarto at susubukan niyang kausapin ang kanyang lolo. Subok lang makikita naman niya ang reaksyon ng don sa kanyang ibubungad na unang salita. Pero nadatnan niyang may kausap ito sa cellphone at seryoso ang mukha habang nakaupo sa terrace. "Anong ibig mong sabihin? Punyeta! Pakitaan mo ako ng ebidensiya sa oras na nagsisinungaling ka o niloloko mo ako siguraduhin mong hindi ko na makikita ang pagmumukha mo! Dalhin mo dito bukas! " Imbes na umatras mas lalong idinikit ng dalaga ang sarili sa isang poste para mas malinaw na marinig ang usapan. Nakikita niyang galit na galit ang kanyang lolo at anong ebidensiya ang tinutukoy nito? Kumabog ang dibdib niya sa naisip. 'Hindi kaya ebidensiya kung ano ang pinagagawa ng kalaban? Kung gano'n may alam ang kanyang lolo sa nangyayari! " Hindi lang pala ito nagsasalita pero marami itong alam. Pagkakataon na niya para sabihin dito ang totoo. Nang wala na itong kausap nagsimula siyang maglakad palapit, pero bigla din siyang umatras. 'Stupid ka talaga Ellah! Anong sasabihin niya kapag nagpakita ka? Iisipin niyang nakikinig ka sa usapan! Dis oras na ng gabi anong ginagawa mo sa terrace nang mag-isa?' Kastigo ng dalaga sa kanyang sarili. Napabuntong-hininga si Ellah. Nagpasya siyang bumalik sa kwarto at nahiga. Bukas na lang niya sasabihin ang lahat. Baka nga bigla pa silang magtulungan ng kanyang lolo sa problema ng kumpanya. Atleast hindi na siya mag-iisa. Hindi na lang ang bodyguard niya na ngayon ay tulog na ang kanyang kakausapin tungkol sa problema! --- Papasok sa mansyon ng mga Lopez ang kotse ng binata. Kahit na nanganib siya kagabi kailangan niya pa ring magtrabaho para sa kanyang amo. Naalala niya ang sinabi ng kanyang head noong sinabi ni Vince ang nangyaring tangkang pagpatay sa kanya. "No one can touch our best asset! Men! Search the area, and bring me evidences! Do not disappoint me! " utos ng head sa kanyang kasamahan. Agad sinunod ng mga ito ang utos. Binalingan siya ng kanilang head. " You didn't tell me Villareal?" "I'm sorry sir. " " It's okay I understand, but next time tell me. " "Yes sir. " Huminga siya ng malalim. Hindi siya humingi ng tulong sa kadahilanang wala siyang assignment para sa gobyerno. "Kumusta ang likod mo? " Sandaling na blangko ang binata. " Ah sir, malapit na pong gumaling ng tuluyan. " "Good! Anyway, I just don't need your ability using your strength. All I really need is your brain. You can still work for me even if you can't walk as long as you can talk. " Nangingiting napapailing ang binata. " Thank you sir. " Nasa loob na siya ng tahanan ng mga Lopez at sinalubong siya ni don Jaime ng matalim na titig habang siya ay papalapit. Kinabahan ang binata sa nakikitang galit na nakabadha sa mukha ng matanda. Hindi ito pangkaraniwan kaya napapalunok siya sa kaba. " Good morning sir. " "MR. VILLAREAL! Ano ang ibig sabihin nito?" Initsa ng don ang mga kuhang larawan nila ng dalaga. Muntik na siya mapatayo habang napapalunok. "Wala hong ibig sabihin 'yan don Jaime, kumakain lang ho kami ni Ms. Ellah sa isang restaurant dahil na tension siya. " Tinitigan siya ng don. "May makakapagpatunay na kumain lang talaga roon si Ms. Ellah at sinamahan ko lang ang apo ninyo." Ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari kagabi habang magkasama sila ng dalaga sa isang floating restaurant. "Natitiyak kong ang mga hayop na 'yon ang gumawa sa apo ko magbabayad sila ng malaki!" "Ngayon kayo higit na kailangan ng inyong apo don Jaime. Nahihirapan na ho siya." "Anong ibig mong sabihin?" Napatingin ito sa kanya. Huminga ng malalim ang binata. "Kaninang umaga ho, binatikos ng mga direktor si Ms. Ellah at maayos naman siyang nakasagot. Kaya lang noong kumakain na kami may mga reporter na dumating at inulan ng tanong ang inyong apo. Pero wala pong kasalanan si Ms. Ellah kaya wala po kayong dapat ikabahala." "Mga gago talaga ang mga direktor na 'yon! Wala namang ginagawa kundi ang maghintay ng kita ng kumpanya!" galit na galit na sigaw ng matanda. Katahimikan. Muling ibinaling ng don ang tingin sa mga larawan. Muli namang kinabahan si Gian. " Kung wala silang basehan, bakit kayong dalawa ang ginawaan nila ng paratang? Hiniya nila ang apo ko sa pamamagitan mo," malamig nitong wika nang hindi nakatingin sa kanya. Hindi siya nakaimik at ibinaling sa ibang dereksyon ang paningin. " Sabihin mo, may gusto ba ang apo ko sa'yo?" "Wala ho sir," tiningnan niya ang don. Sa pagkakataong ito, tiningnan siya ni don Jaime. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Kung gano'n tatanungin kita uli, ikaw, may gusto ka ba sa kanya?" Kumabog ang dibdib niya. Ibinaling niya sa ibang dereksyon ang paningin. Napalunok ang binata. Hindi pa panahon para umamin siya. "Mr. Villareal, may pagtingin ka ba kay Ellah?" Yumuko ang binata. Hindi pa panahon pero ayaw na niyang magsinungaling. Mabigat na sa kanyang dibdib ang patuloy na pagtanggi gayong iba ang sinisigaw ng kanyang damdamin. "Tinatanong kita Villareal! May pagtingin ka ba sa apo ko! " May diin ang bawat pagbigkas ng don. "Patawarin niyo ho ako don Jaime, " unti-unting lumuhod ang binata sa harapan ng don habang nakayuko. "Sinasabi ko na nga ba! Hindi ba't malinaw kong sinabi na hindi kita gusto para sa apo ko! Pero matigas ang ulo mo!" Hindi siya umimik habang nakayuko at nakaluhod pa rin. "Tumayo ka diyan! Hindi ko kailangan ang pagmamakaawa mo! Akala ko malinaw sa 'yo ang mga napag-usapan natin?" Tumayo ang binata at muling naupo. "Don Jaime, hindi ko na iniisip na magustuhan ako ng inyong apo. Ako lang ho ang may gusto sa kanya. Wala ho kayong dapat ipag-alala. " "Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban dahil sa'yo!" "Patawarin niyo po ako sir." Matagal na katahimikan ang namagitan sa dalawang lalaki. Nakayuko ang binata habang pinagsalikop ang mga daliri. Hindi niya mawari ang nararamdaman sa tindi ng kaba. Ito na ba ang katapusan niya? "Ngayong alam ko na may pagtingin ka sa apo ko, umaasa akong kakalimutan mo siya habang maaga pa. Tandaan mo gaano man kalaki ang naitutulong mo sa amin, hindi 'yon sapat para bumagay ka sa apo ko. Naiintindihan mo?" Hindi kumibo ang binata. Naiintindihan niya ang sinabi nito pero hindi niya kayang lumayo sa dalaga. Sinubukan na niya noon pero nabigo siya. Dumating si Ellah sa kanilang kinaroroonan. Nakabihis na ito para sa pagpasok sa opisina. "Lolo? What's going on here?" Tumayo siya at tumingin sa matanda. "Aalis na ho ako don Jaime," wika ng binata na sumulyap lang sa dalaga at yumuko, sinundan siya nito ng tingin. "Gian wait! " Hindi niya ito nilingon, hindi niya gagawin dahil kapag ginawa niya baka magmakaawa siya kay don Jaime na pagbigyan ang pag-ibig niya. At ang bagay na iyon ang hinding-hindi niya dapat gawin! --- Nang makaalis na ang binata ay agad kinompronta ni Ellah ang agwelo. "Lolo, ano bang nangyari?" Tiningnan siya ng don. "Bakit inililihim mo ang mga problema ng kumpanya? Tandaan mo ako pa rin ang Chairman. Nararapat lang na mag report ka pa rin sa akin. " Napayuko ang dalaga. "Sorry po, ayoko lang dagdagan ang inyong suliranin lolo. Kaya ko pa naman eh." Huminga ng malalim ang matanda. "Sinabi sa akin ni Gian ang nangyari tungkol sa meeting, si direktor Han ba ang nagbatikos sa'yo?" Huminga ng malalim si Ellah. "Hindi lang siya lolo, lahat sila. " "Mga walang hiya! Hintayin lang nila ang pag galing ko!" " Umaasa po ako. " "Sabihin mo, alam mo bang may gusto sa'yo ang Gian na 'yon?" Hindi nakaimik ang dalaga nagsimula siyang kabahan. "Sagutin mo ako. " "O-opo lolo, matagal na niyang sinabing may pagtingin ho siya sa akin pero wala po kaming relasyon. " "Ikaw ba ay gano' n din?" Muli hindi nakaimik ang dalaga. "Ellah, ikaw ba ay may gusto sa 'yong bodyguard?" tumigas ang tono ng don. Umiling ang dalaga. "Wala po lolo, hinahangaan ko siya pero hindi sapat para magkagusto ako. " "Bukas ay papupuntahin ko dito ang hotelier na anak ng kaibigan ko. Anong masasabi mo sa kanya?" Napatiim bagang ang dalaga. Oo at wala silang relasyon ni Gian pero hindi ibig sabihin ay haharap na siya sa iba. "Lolo, wala akong panahon sa mga ganyan. Nasa mahirap po akong sitwasyon ngayon para isingit pa ang ganyang bagay." "Kapag nagkasundo kayo ng anak ng kaibigan ko, makakalimutan ng mga kalaban mo ang pagpapatalsik sa'yo. " "Hindi po 'yan ang solusyon. May nobyo man ako o wala nakakatiyak akong naghihintay lang sila ng pagkakataon." "Aaminin ko, natatakot akong magkagusto ka sa bodyguard mo kaya ko ito ginagawa. Hindi mahirap magustuhan ang mga tulad ni Gian. Dahil kahit ako gusto ko siya, pero bilang bodyguard mo lang. " "Huwag po kayong mag-alala, kaya kong kontrolin ang damdamin ko, pero 'wag niyo sanang ipilit ang naiisip ninyo lolo dahil hindi ko siya gusto." "Hindi mo ako naiintindihan, kung talagang wala kang pagtingin sa Gian na 'yon, matatanggap mo kung sakaling tatanggalin ko siya at palitan." Nanlaki ang mga mata ng dalaga saka mabilis na umiling. "Ayaw ko ng makita ang Gian na 'yon kaya bukas na bukas din ay papalitan ko ang mga bodyguards mo." "Hindi ako makakapayag!" sigaw na ng dalaga. "Baka nakalimutan niyo pinabalik lang natin siya!" "Hanggat hindi siya napapaalis sa tabi mo, mananatili kang manganganib sa'yong posisyon! Akala mo ba hindi ko alam, ang mga kalaban mo ay ginagamit siya laban sa'yo! Oo wala siyang ginagawang masama pero dahil sa kanya nadadamay ka! Bukod pa roon inamin niya sa akin na gusto ka niya at wala siyang karapatang magkagusto sa'yo alam mo 'yon! " Hindi nakaimik ang dalaga. Alam niyang gusto siya ni Gian pero iginagalang nito anuman ang desisyon niya at dahil doon mas lalong lumalim ang pagtingin niya rito "Ngayon kung talagang ipipilit mo 'yang gusto mo nagpapatunay lang na nagsisinungaling ka na!" Hindi siya nakaimik. "Huwag mong subukang suwayin ako Ellah, dahil kapag pinilit mo 'yang gusto mo ikaw ang papatay sa akin!" Natigagal ang dalaga. Tumakbo siya papasok sa kwarto at pinipigilan ang pag-iyak. Gaano ba kalaki ang epekto ni Gian sa kanyang lolo at nagawa nitong sabihin ang bagay na 'yon sa kanya? Tinawagan niya ang binata pero hindi ito sumasagot. "Gian please, sagutin mo!" muli na naman niya itong tinawagan. "Gian ano ba! Gusto kitang makausap ngayon!" pero hindi ito sumasagot hanggang sa hindi na ito makontak. Nanghihinang nahiga ang dalaga. Ngayon alam na ng kanyang lolo ang pagtingin ni Gian sa kanya. Ngayon niya mas dapat magpakatatag alang-alang kay Gian! "Gian I'm sorry. " Naiiyak na hinaplos niya ang swan na puti. "Kailangan kong gawin 'to para protektahan ka, I'm sorry Gian! I'm sorry. " Dumapa siya sa kama at pinahid ang mga luha. Ipinkit niya ang mga mata. Kailangan na niyang gumawa ng desisyon habang kaya pa niyang kontrolin ang sariling nararamdaman! Kailangan niyang pag-aralan kung paanong wala ito sa buhay niya. Kailangan niyang mamili ngayon kung sino ang mas matimbang sa kanya ang kanyang lolo ba o si Gian? Kapag pinili niya ang kanyang lolo, maililigtas niya ang kumpanya pati na rin ang binata. Pero kapag si Gian ang pinili niya, lahat ng meron siya ay mawawala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD