Episode 24 The Dilemma

2185 Words
Sinundan ni Gian ang lalaking kabababa lang ng kotse nito. At hiniklas niya sa kwelyo ng damit. "Ikaw ba ang may gawa? " "S-sino ka! " gulat na gulat nitong tanong. "Kilala mo ako! Sinabihan na kita pero hindi ka pa rin nagtino!" "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" "Don't play games with me! Sino ang nagbigay ng larawan kay don Jaime?" Umatras siya at tinutukan ito ng baril sa ulo. "S-sandali lang, hindi ako ang may gawa noon Gian, maniwala ka, " nakataas ng kamay ng lalaki. Lumapit siya ng isang hakbang. "Gian, maniwala ka hindi ako!" "Kung gano'n sino ang gumawa?" " H-hindi ko alam. " "Sino!" Ikinasa niya ang baril at muling itinutok sa noo nito. Nanlalamig ang lalaki. "Maniwala ka hindi ko talaga alam!" Lumuhod ito sa kanyang harapan. "You are lying! Sino!" Ipinutok niya ang baril sa gilid ng lalaki. " S-si Javier!" Hindi na siya nagulat. Kinumpirma lang niya. Ito ang lalaking idiniin niya noon sa restroom kasama ng isa pa. At ang mga ito ay tauhan ng taong binanggit nito. Ibinaba niya ang baril. "Bakit mo 'to ginagawa? Hindi ba amo mo si Javier? Sa ginagawa mo tinatraydor mo siya. If I am not mistaken ikaw ang magsusumbong kay don Jaime sa mga paratang tungkol sa amin ni Ms. Ellah at ikaw din ang papalit sa kanya. " Umilap ang mga mata nito. " Hindi ba dapat ang manager ang magsasabi ng gano'n? Assistant ka lang. Naguluhan tuloy ako sa'yo kung kakampi ka ba niya o kalaban. Alin ka doon?" Hindi nakakibo ang lalaki. "Let me put it this way, kung kakampi ka ako ang kalaban mo, kung kalaban ka may alas ako laban sa'yo. " Napalunok ang kaharap. "Ngayon sabihin mo bakit mo ito ginagawa?" Hindi pa rin ito kumibo. Alam niyang hindi ito magsasalita dahil ang tingin nito sa kanya ay kalaban. Pinaputukan niya ito malapit sa paa. " BAKIT!" "L-lahat ng utos niya ako ang gumagawa. Taga utos lang siya, ang dapat na credit na para sa akin sa kanya napupunta. At galit ako sa mga demonyong tulad niya. Ako ang nagpapakahirap ng lahat pero siya ang umaani ng pinaghihirapan ko. " Ngayon alam na niya ang dahilan. " Ngayon sabihin mo ang totoo. Sino ang nagpadala ng mga larawan namin ni Ms. Ellah kay don Jaime?" "Sinabi ko na si Javier. " " Hindi kaya ipinasa mo lang ang kasalanan mo sa kanya?" "Hindi ako gagawa ng gano'ng bagay lang. " " At ano ang kaya mong gawin?" Hindi ito umimik. " Mamili ka ng kakalabanin alalahanin mo marami akong hawak na alas laban sa'yo, " malamig niyang wika dito. Tinalikuran niya ang lalaki. Kahit ano gagawin niya matiyak lang niya ang kaligtasan ng dalaga. Tumunog ang kanyang cellphone. "Vince pare. " "Gian pare, kilala na ang hitman na nagtangka sa'yo hinahanap na sa ngayon." "Salamat pare. " "Salute sir!" "Carry on, " tugon ng binata. Napabuga siya ng hangin. Dami naman yata niyang problema ngayon? Pinagtangkaan ang buhay niya, pinaratangan siya at higit sa lahat may alam na si don Jaime tungkol sa nangyayari! Napabuntong hininga ang binata. Ngayon kilala na niya kung sino ang may pakana mas dapat doble ang gagawin niyang pag-iingat sa kanyang amo. Hindi baleng patong-patong ang problema niya ang importante ligtas ang dalaga. Meron din naman siyang natuklasan. May traydor pala na nagtatraydor din sa amo nito. Magaling mag-isip, 'pag nakuha nila pareho ang gusto, ilalaglag nito ang amo sa harapan mismo ni don Jaime! --- Hindi makatulog ang dalaga dahil sa gumugulo sa kanya kaya nagpasya siyang bumaba. Kakausapin niya uli ang kanyang lolo. Inabutan niya itong nanonood ng balita. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib. "Lolo, may gusto lang po akong itanong. " " Ano 'yon? " tanong nito na hindi lumilingon sa kanya. "Saan niyo nalaman ang balitang may relasyon kami ni Gian? " Hindi nakaimik ang matanda. " I am sure hindi galing sa kanya. " "Hindi na mahalaga ang ganoong bagay. " " Paano niyo po nalaman. Hindi po kayo maniniwala agad sa sabi-sabi lang kaya tiyak meron kayong basehan. " "Huwag na natin pag-usapan ang ganyang bagay. " " Mahalaga po sa akin na malaman, dahil kung wala kayong basehan wala ring basehan ang pag papaalis niyo sa bodyguard ko," mariin niyang tugon. Tinitigan siya ni don Jaime, sa pagkakataong ito lumaban siya ng titigan. Siya ang nasa katwiran ngayon. May inilapag ang kanyang lolo na mga larawan. " Iyan ang basehan ko. " Nanlalaki ang kanyang mga mata sa nakita. Mga larawan nila ni Gian na kung titingnan parang meron talagang kakaiba sa kanila. Ang mga titig nito at ang mga tingin niya rito! Kung gano'n tiyak niyang nakita na rin ito ni Gian. "That is not true lolo, kinuhanan lang kami ng mga reporters noon sa isang restaurant. Sinong nagbigay nito sa inyo? " Muli siyang pinagmasdan ng don. Hindi kumibo si don Jaime, alam niyang pinag-aaralan siya nito. "Lolo, sasabihin niyo ang totoo sa akin dahil kung hindi, iisipin kong wala na kayong tiwala sa apo niyo. Ano pa ang silbi ko sa kumpanya, kung ibang tao ang pinagkakatiwalaan niyo? " Huminga ng malalim ang don. " Si Javier ang gumawa niyan. May tiwala ako sa'yo kaya huwag mo akong bibiguin. " Napakurap ang dalaga. Sinasabi na nga ba niya! "Makakaasa po kayo lolo. Susundin ko ang gusto ninyo! " "Magaling apo, gagawa ako ng paraan para mapatalsik ang Javier na 'yan! " Ngayong alam na niya kung sino ang kalaban napanatag siya. "Layuan mo si Gian wala siyang mabuting maidudulot sa'yo. Hanggat magkasama kayo palagi kang mapapahamak." Napayuko ang dalaga. "Huwag kang makialam sa kung ano ang gagawin ko sa kanya." Umangat ang kanyang tingin. "Pero lolo please huwag niyo naman siyang saktan wala siyang kasalanan!" "Hindi ko gagawin 'yon kung magtino siya, at hanggat hindi ka mangingialam hindi siya masasaktan," mariing wika ng don. Naipikit niya ang mga mata at pinigilan ang pagluha. Ngayon malinaw na nga na wala ng pag-asang mahahawakan niya pa ang binata! Malinaw na tuluyan na itong mawawala sa kanya. Kailangan niyang tanggapin dahil siya mismo ang nagdesisyon na bitiwan ito! --- Maaga pa lang kinabukasan ay naghanda na si Gian para sunduin ang amo. Sumakay siya ng taxi papunta ng mansyon. Bago lang kasi siya nagpaalam sa kotseng ginamit niya noong pinagtangkaan siya, wala pang panibagong issue. Nang dumating sila agad siyang nagbayad sa taxi at bumaba. Pero nagulat siya nang bigla siyang harangan ng mga gwardya ng mansyon. "Sir, pasensiya na pero hanggang dito lang kayo. " "Ano? Niloloko niyo ba ako? Ako ang bodyguard ni Ms. Ellah!" hindi makapaniwalang tanong ng binata. "Utos ni don Jaime, hindi ka na raw papapasukin." "Ano!" Nabaghan siya sa narinig. "Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap!" "Pasensiya na sir pero hindi pwede ang mabuti pa umalis ka na!" bahagya siyang itinulak ng isa. Nagpanting ang pandinig niya! At muntik ng magdilim ang kanyang paningin. Itinulak niya ang humaharang sabay lapit sa gate. "Don Jaime! Don Jaime! Kausapin niyo ako ano bang nagawa kong kasalanan? Don Jaime lumabas kayo diyan!" sigaw na ng binata. "Ilayo niyo 'yan!" utos ng head security. Hinawakan siya ng dalawang lalaki pero nagpumiglas siya kaya nabitiwan siya ng mga ito. "Ano ba! Don Jaime! Kausapin niyo ako ng pormal hindi ganito!" sumisigaw pa rin ang binata. "Wala siya diyan, umalis si don Jaime." "Don Jaime! Ginagago niyo ba ako? Kayo ang nagpabalik sa akin!" "Makakaalis kana at 'wag ka ng babalik!" Hinarap siya ng head security. "Ilabas 'yan!" Hinawakan uli siya ng dalawa. "Bitiwan niyo ako!" Nagngangalit ang mga bagang na umalis ang binata. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa isang iglap wala na ang lahat? Habang lulan ng taxi ay panay ang tawag niya sa dalaga. Pero hindi ito sumasagot hanggang sa hindi na ito makontak. Tinawagan niya ang telepono ng kumpanya. "This is MEDC good morning how may I help you? " sagot ng babae sa kabilang linya. " Yes please may I speak to Ms. Ellah Lopez? " " Who's on the line sir, please ?" Huminga siya ng malalim. "Gian Villareal. " "A moment sir, I'll connect you to Ms. Ellah's office. " Pigil-hininga ang binata habang naghihintay. Ilang sandali pa muling may nagsalita sa kabilang linya at gano'n na lang ang kanyang tuwa. "Sir, I am sorry to tell you this but Ms. Ellah is in the meeting right now. " Tila nawalan ng pag-asa ang binata Huminga siya ng malalim matapos magpasalamat sa babae. "s**t! Manong, sa MEDC tayo!" "Yes sir!" Habang nasa biyahe ay matalim ang kanyang tingin sa dinadaanan habang matamang nag-iisip. 'Walang pwedeng gumawa sa akin ng ganito! Hindi ako makakapayag! Trinato ko sila bilang tao kaya hindi pwedeng tratuhin nila akong hayop!' Nang makarating ng opisina ay agad siyang nagbayad at lumabas ng taxi tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob deretso sa opisina ng dalaga. Pero hindi pa man siya nakakapasok ay biglang may humarang na! "Pasensiya na ho sir, pero hanggang dito na lang kayo. " "Sino ba kayo?" "Kami ang bagong bodyguard ni Ms. Ellah. " Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang narinig! "Ms. Ellah, lumabas ka diyan!" kinakalabog niya ang babasaging pinto. "Huwag kayong mag eskandalo dito, lumabas na kayo!" Hinawakan siya ng apat na lalaki at pinapaalis subalit hindi siya nagpatinag. "Ms. Ellah ano ba? Alam kong nandiyan ka lumabas ka at kausapin mo ako! Lumabas ka diyan!" sigaw na niya. "Ilabas 'yan!" "Ms. Ellah! Alam kong naririnig mo ako pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako ng maayos!" "Bitiwan niyo ako!" Malaks niyang hinablot ang braso. Wala pa ring lumalabas kaya nagpasya siyang sa basement maghintay. Muli niya itong tinawagan pero hindi pa rin ito nakokontak. "Hindi niyo 'to pwedeng gawin sa akin ni don Jaime lalong lalo kana Ellah!" galit na bulong ni Gian. Maghihintay siya gaano man katagal lumabas ang dalaga. Lumipas ang dalawang oras at nakita niya itong pababa kasama ng apat na gwardya. Nabuhayan siya ng loob at mabilis na lumapit dito. "Ms. Ellah, ano ba ang nangyayari?" Tinangka niya itong hawakan pero mabilis siyang pinigilan ng isa sa mga bodyguard nito. "Ms. Ellah, kausapin mo ako, magpaliwanag kayo!" nakikiusap na siya dito. Pero animo walang narinig ang dalaga at tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng kotse. "Ms. Ellah, huwag mo namang gawin sa akin 'to! Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Papalabas na ang sasakyan pero hinahabol pa rin niya ito. "Ms. Ellah! Ms. Lopez! Ellah Lopez! Bakit mo ako ginaganito!" Pero tanging siya na lang ang nakakarinig sa kanyang mga sigaw. Nanghihinang napaluhod ang binata. Ganito na lang ba magtatapos ang lahat? Ang lahat ng paghihirap niya at pagsisikap ay mawawala na? --- Pinipigilan ng dalaga ang mga luhang kanina pa nais malaglag mula sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang magtrabaho ng maayos sa kabila ng kanyang nasaksihan. Kitang-kita niya kung paano magmamakaawa ang binata habang pilit siyang nilalapitan! Pinilit niya lang din kumain mag-isa kanina dahil sa takot na ma ospital ulit. At ngayon pinilit niya ang sarili na magtrabaho at balewalain ang nangyari. Para ito sa kaligtasan ng taong pinagkukunan niya ng lakas at tibay ng kalooban. Ayaw niyang darating ang araw na ng dahil sa kanya magdurusa si Gian. Hindi niya kayang tanggapin ang gano'n. "Jen, may, may meeting ba ako?" "Wala po sa ngayon Ms. Ellah. " Hindi siya umimik. "Ms. Ellah naaawa po ako kay sir Gian." Hindi siya sumagot dahilan at tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha sa harapan ng kanyang sekretarya. Pinunasan niya ng dalawang kamay ang mga pisngi. "M-magtrabaho na tayo Jen. " "Ms. Ellah sa tingin ko po hindi niyo kaya, baka magkamali lang po kayo. " "Hindi! Wala ito, huwag mo na lang akong pansinin, " matigas niyang wika. "Okay po, Ms. Ellah 'yong purchasing request po ay pinabibilisan ng Purchasing department. " "Nasaan na?" "Iyan pong hawak niyo Ms. Ellah. " Binasa niya ito at agad pinirmahan. "Alin pa?" "Ms. lahat po 'yan minamadali ng bawat departamento, kasi raw po sabi ng assistant manager ng marketing department kapag hindi na approved ay posibleng ma cancel ang transaction. " "Akin na!" mabilis niyang binasa at pinirmahan. "Ms. hindi po kayo diyan dapat pumirma, sa approve po dapat, ang napirmahan niyo ay ang sa release. " "s**t! Paano 'yan?" Bigla siyang nataranta. "Sasabihin ko pong magpapagawa ng panibagong request. " "Sige bilisan mo!" "Opo!" umalis ang sekretarya. Halos hindi na niya binabasa ang mga papeles at basta na lang pumipirma. "Ms. sandali lang daw po at gagawa sila ng bago. " Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagpirma. "M-Ms. Ellah, hindi naman sa kinukwestyon ko kayo, pero Ms. talaga bang aaprobahan niyo 'yong budget para sa buying? Napakalaki ho niyan Ms? mahigit dalawang milyon po 'yan! Hindi ba dapat ay uusisain niyo muna kung bakit ganyan kalaki?" "s**t! s**t!" napatayo ang dalaga. Tila maiiyak na siya sa nangyayari. Masakit na makitang nasasaktan si Gian pero kapag nakipag-ayos siya, ang kumpanya ang magigiba! Hindi na niya napigilan ang sarili at ang paglipad ng kanyang kamay ay patungo sa mga papeles na nasa kanyang mesa. "s**t! Bullshit! Bullshit silang lahat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD