Ang bigat ng kanyang nararamdaman dahil wala na ang taong kaisa-isa niyang inaasahan. Maiisip pa lang niyang mag-isa niyang haharapin ang lahat ay nawawalan na siya ng lakas ng loob.
Humulagpos ang natitira niyang pasensiya at pinagtatapon ang mga papeles sa mesa.
Napaatras ang sekretarya.
"Bakit nila ginagawa sa akin ang ganito? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit kahit walang kinalaman ay nadadamay!"
"Tama na po Ms. Ellah. "
"Mga hayop silang lahat!" patuloy niyang sigaw.
"Ms. tama na po, baka may makakita sa inyo sa ganyang kalagayan. Natatakot po akong may makakaalam at baka gamitin na naman ng inyong kalaban. "
"Pakiramdam ko wala akong silbi sa kumpanyang ito. "
"Hindi po 'yan totoo Ms. Ellah, marami po ang umaasa sa inyo. "
"Puro sila umaasa hindi ba nila alam na hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya! Mababaliw na ako!"
"Ms. kaya niyo po 'yan, magpakatatag po kayo. "
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
"G-ginagawa ko naman ang lahat ah? Ano pa ba ang kulang? Bakit hindi sila nakukuntento? Hanggang kailan ko ba papatunayan ang sarili ko?"
Nangilid na ang kanyang mga luha pero pinipigilan niya ang umiyak. Hindi dapat makita ng kanyang tauhan ang kanyang kahinaan dahil umaasa ang mga ito sa kanya.
"Wala po kayong dapat patunayan Ms. Ellah dahil kayo po ang nagmamay-ari ng kumpanya. At naniniwala kaming hindi sila magtatagumpay sa pagpapabagsak sa inyo. Kaya magpakatatag po kayo Ms. Hindi namin kayo iiwan. Makakaasa po kayong susuportahan namin kayo kahit anong mangyari. "
Ang bigat-bigat na ng kanyang nararamdaman at parang bibigay na siya.
Naninikip ang kanyang dibdib at
tumulo ang luha.
Kinabig siya ng sekretarya at niyakap.
Tuluyan na siyang napaiyak.
"Lumaban po kayo, marami po ang umaasa sa inyo. Kapag bumigay po kayo marami ang mabibigo kaya pakiusap Ms. Ellah tatagan niyo ang sarili niyo. " Hinahagod nito ang kanyang likod.
Panay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Iiyak niyo lang po ang sakit na nararamdaman ninyo nandito po ako Ms. nakahandang makinig at dumamay sa inyo."
Niyakap niya ang babae dahil pakiramdam niya nanghihina siya at kailangan ng makakapitan.
Pero kailangan niyang magpapakatatag.
Hindi niya dapat kalimutan na sumang-ayon siya sa gustong mangyari ng kanyang lolo kaya kung meron mang dapat sisihin sa nangyayari walang iba kundi ang kanyang sarili!
---
Tumawag si Vince kay Gian na agad niyang sinagot.
"Pare, nahuli na ang hitman pero ayaw magsalita. Pumunta ka rito sa U.G."
"Salamat pare, papunta na ako diyan!"
Nang makarating siya agad siyang sinaluduhan ng mga miyembro.
Tinugon niya ang saludo ng mga ito.
"Nasaan siya?"
"Nasa loob. "
Naglakad silang tatlo papasok.
Bumungad sa kanyang paningin ang isang lalaking nakatali ang mga kamay sa likuran at maging ang katawan ay nakatali din sa isang upuang kahoy at nakayuko ito.
Halos punit na ang damit nito at maraming pasa sa mukha bukod pa sa nanginginig ito sa basa.
Inangat nito ang tingin marahil ay naramdaman sila.
Napamulagat ang mga mata nito nang mag-abot ang mga tingin nila pero saglit lang agad ding yumuko.
Lumapit siya rito.
"Magsalita ka na. "
Hindi ito kumibo.
Sinenyasan niya ang isang kasama.
Hinawakan nito ang isang plastic na supot at inilagay sa ulo ng lalaki at tinakpan ng mahigpit saka kinuryente.
"Hmmmmppppp!" nagpupumiglas ito pero walang magawa.
Nang malapit na itong mawalan ng hangin ay nagsalita siya.
"Stop, " malamig niyang utos.
Tinanggal ng kasamahan ang supot sa ulo nito.
"Now, talk. "
"Anong gusto mong sabihin ko?" halos bulong na lang nito kaya lumapit siya.
"Sino- ang- nag-utos- sa'yo?" may diin ang bawat katagang bigkas niya.
Nananatiling tikom ang bibig ng lalaki.
"Give me a pistol Greg, " utos niya sa isang kasama.
Agad itong tumalima, saglit lang nasa mga kamay na niya.
Tinanggal niya ang mga bala nito at nagtira ng isa. Saka inayos at pinaikot.
Itinaas niya ang hawak na baril at lumapit sa lalaki.
Tinignan nilang lahat ang hawak niya.
"Kapag hindi ito pumutok ma swerte ka."
Nanginig ang lalaki habang nakatitig sa baril.
"I am sure if the bullet inside is in the right position it will blow your head, " kalmante niyang paliwanag.
Halos mamutla ang lalaki nang itutok niya sa noo nito ang baril.
"Now, talk. "
Umilap ang mga tingin nito na para bang naghahanap ng paraan paano makakatakas sa kamatayang naghihintay.
"Three..., two…"
Mariin nitong ipinikit ang mga mata. Halos tinakasan na ng kulay ang mukha nito.
"One!" kinalabit niya ang trigger at ipinutok.
Pero nakahinga ito ng maluwag dahil walang bala na tumama sa noo nito.
Lumapit siya at bahagyang yumuko at sinalubong ang tingin nito.
"Natatakot ka ba sa taong nag-utos sa'yo?" halos bulong ng binata malapit sa tainga nito.
Nanatiling tikom ang bibig ng lalaki.
Umatras siya at muling itinutok ang baril dito.
Napatuwid ito ng upo.
"Magsalita ka!" matigas niyang utos.
Lumipas ang sampung segundo, ipinutok niya muli ang baril.
Nakapikit na ang lalaki.
Pero hindi pa rin sumabog ang ulo nito.
Lumapit siya at ipinantay ang mga mukha nila.
Tikom pa rin ang bibig nito.
"Kanino ka ba dapat matakot, sa taong nag-utos sa'yo? O sa akin na hawak ang buhay mo?"
Napalunok ang lalaki.
"Alalahanin mo malapit ng dumating sa tamang posisyon ang nag-iisang bala sa kalagyan niya."
Yumuko ang kausap.
"Hindi ka gano'n ka importante para buhayin. Kahit hindi ka magsasalita malalaman ko pa rin naman kaya magdesisyon ka, papatayin kita ng tikom ang bibig o magsasalita ka?"
"Papatayin mo rin naman ako hindi ba?" tinitigan siya ng matalim ng naturang lalaki.
"Depende sa sasabihin mo. "
Napalunok ito. Nararamdaman niyang malapit na itong kumanta.
Pero dalawampung segundo ang lumipas tahimik pa rin ang lalaki.
Umatras siya at muli itong tinutukan ng baril sa noo.
Sa pagkakataong ito, paubos na ang kanyang pasensiya.
"Magsalita ka na!" sigaw niya rito.
Napakislot ang lalaki.
"Huwag mong hintaying maubos ang pasensiya ko!"
Inilapag niya ang hawak na baril, at inilabas ang isa pang baril at ikinasa, puno ito ng bala.
Namutla ang lalaki sa nakita.
"Talk!" sabay putok sa gilid nito.
Umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa buong kapaligiran ng gabi.
"f**k!" naimura ng lalaki.
"Now!" isa pang putok sa kabilang gilid nito.
Nakita nilang may nalaglag mula sa mga mata ng lalaki.
Mga luhang dumaloy sa pisngi nito.
Nauubusan na siya ng pasensiya kaya ngayon sa noo na nito nakatutok ang baril na hawak niya.
" Magsalita ka!"
Lumapit siya rito ng isa pang hakbang. Sapat lang para makita nito ang baril na hawak niya.
"Bibilang ako ng tatlo. Kaya magsalita ka na. Tatlo…"
Nakita nitong hinawakan na niya ang trigger.
"Dalawa…" unti-unti na niyang kinalabit.
"Is…"
"Si Galvez!" malakas nitong wika.
Saglit na nagulat ang binata.
Nagtagis ang mga bagang niya at tumalim ang tingin.
"Kayo na ang bahala dito, " aniya at nagmamadaling lumabas.
"Sandali lang pare, delikado ang desisyon mo, " habol ni Vince.
"Wala akong pakialam!" bulyaw niya rito.
"Sir, huwag mo sanang ilagay ang batas sa iyong mga kamay. "
Napalingon siya rito.
"Alam ko ang nararamdaman mo, pero sana huwag kang gumawa ng isang bagay na hindi naaayon sa ating tungkulin. "
Hindi siya nakinig at tuloy-tuloy na lumabas.
Naaawa siya sa kanyang amo. Napakaraming traydor sa ilalim ng pamamahala nito!
Isa lang ang nasa utak ng binata.
Ang traydor ay walang lugar sa mundo niya!
---
Nakaupo ang dalaga sa kanyang swivel chair sa loob ng opisina.
Pero, nakaupo lang talaga siya at malayo ang tingin.
Ilang araw na siyang wala sa sarili at parang hindi niya kayang magtrabaho ng maayos.
"Ms. okay lang po ba kayo?"
Hindi pa rin natinag ang dalaga.
"Ms. Ellah!"
Napakislot ang dalaga at napatingin sa bumulyaw.
"What?" iritadong asik niya sa sekretarya.
"Pasensiya na po, pero marami na po tayong pending na mga reports at transactions Ms."
Huminga siya ng malalim, sumandal sa swivel chair at ipinikit ang mga mata.
"Ms. Ellah, hindi na po ba kami mahalaga sa inyo? Wala na po bang halaga sa inyo ang kumpanya?
Ms. hindi po kayo 'yan. Ang kilala kong amo namin ay matapang at matatag!"
Napakurap ang dalaga. Marahil tama ito. Noon pa man ang mundo niya ay umikot na sa kumpanya.
Kaya bakit siya nagkaganito?
Hindi ba walang lalaki na makakahadlang sa kanya? Nakalimutan na ba niya ang isang libong empleyado?
Karapat-dapat na ba si Gian para ipagpalit sa kanyang pinanindigan?
Napatingin siya sa sekretarya.
"Jen, please tell me, ano ba ang dapat kong gawin? Parang ayoko ng pumasok pa. Wala akong gana sa lahat. "
"Harapin niyo po ang problema, huwag niyo pong takbuhan dahil hindi rin po kayo matatahimik."
"Hindi ko kaya. "
"Tutulungan ko po kayo Ms. hindi pa huli ang lahat, makakaya niyo pang kausapin si sir Gian.
Naniniwala akong pakikinggan niya kayo, ipaliwanag ninyo ang mga nangyayari Ms. Ellah. "
"Hindi 'yon gano'n kadali, nangako ako kay lolo at dapat kong tuparin ang pangako ko. "
"Pero Ms. kayo po ang mas nahihirapan dahil sa pangako niyo. Wala pong masamang harapin ninyo ang problema, maaayos man o hindi atleast hinarap niyo.
Sa ganoong paraan lang kayo matatahimik Ms. at hindi na bubulabugin ng inyong konsensiya."
Bumuntong-hininga ang dalaga.
"Ms. pakiusap harapin niyo po at kausapin si sir Gian. Sa huling pagkakataon.
Wala pong masamang idudulot ang pakikipagharap niyo kung mananatili kayong kakapit sa inyong pangako. "
Tinitigan niya ang babae, nilimi ang mga sinabi nito. Bandang huli ay nagdesisyon siya.
"Tama ka Jen, kakausapin ko si Gian, sasabihin ko ang lahat at magpapaliwanag ako, alam kong pakikinggan niya ako. "
Napangiti si Jen.
"Ako na ho ang bahala sa mga bodyguard ninyo Ms. Ellah. "
"Salamat Jen, salamat. "
Mabilis siyang nag-ayos. Halos liparin niya ang basement makarating lang agad.
Inabutan niya ang kanyang apat na bodyguard na nakatayo palibot sa kotse.
"Kayong lahat, pumunta kayo sa sekretarya ko. "
"Pero walang maiiwan sa inyo Ms. Ellah, " sagot ng leader.
"Kailangan ninyong matuto sa mga rules and regulations bilang bodyguard ko. Naghihintay siya sa inyo. "
Walang kumilos.
Tumiim ang titig niya sa apat na gwardya.
"Inuutusan ko kayo!" may diin sa kanyang bawat pagbigkas ng mga katagang iyon.
Agad na tumalima ang apat at mabilis siyang pumasok sa kotse at ilang sandali pa tinatahak na niya ang palabas ng syudad.
Tinawagan niya ang binata. Pero tumutunog lang ito at hindi sinasagot.
Pangalawang tawag, pangatlo, pang-apat, panglima.
Pero wala pa rin.
Nag text siya rito.
Please answer it.
Ilang sandali pa nakatanggap siya ng mensahe mula rito.
Gian:
I am busy
Muli niya itong tinawagan.
Hinintay niyang sagutin nito.
"What?" malamig nitong tanong pero halos tumalon siya sa tuwa.
"G-Gian, can we talk?"
"Say what you want, I'll give you ten seconds now" walang emosyon sa tinig ng binata.
"What?"
"Nine…"
"Ang kapal mo naman!"
"Eight…"
"Wow!"
"Seven…"
"Ibang klase ka!"
"Six…"
"Akala mo kung sino ka ah!"
"Five…"
"Ano bang ginagawa mo!"
"Four…"
"Hoy Villareal!"
"Three…"
Marahas siyang bumuntong hininga.
"Two…"
"Walang hiya!"
"One!"
"Magkitatayosadagatngayonna" mabilis niyang turan.
Sandaling hindi ito sumagot.
"Fine, I'll be there in twenty minutes, don't be late!" malamig nitong banta.
"T-thanks, " tugon niya.
Nawala na ito sa kabilang linya.
"Ang antipatikong hinayupak ako pa ang nagpasalamat?"
Binilangan pa siya at pinagbantaan.
Pero sisiguraduhin niyang wala pang dalawampung minuto ay nandoon siya!
Galit siya, pero nangingibabaw ang kanyang saya!
Kwalipikado na siyang bansagang baliw, may sayad, sira-ulo at iba pa.
Pero wala siyang pakialam, ang mahalaga makikipagkita sa kanya si Gian!