Nakapalibot ang lahat ng mga naroon sa isang malaking mesa at talagang hinihintay siya.
"Good morning ladies and gentlemen, sorry if I'm late. "
Hindi pa man siya nakakaupo nang tanungin ng isa.
"Is that a manager's habbit Ms. Lopez? Lagi ka na lang nalilate kapag ganitong may meeting."
"It's better to be late, kesa hindi nakapunta. "
"Then why are you late Ms. Lopez?"
"I am not here to be interrogated by you director Han. But I will tell you, I am late because I have so much work to be done."
Hindi ito nakasagot.
Itinaas niya ang noo " I do my responsibility first above anything!"
Natahimik ang lahat kaya naman umupo siya sa harapan.
Alam niyang nandito siya para batikusin ng mga ito. Nagmistula siyang usa na handang lapain ng mga leon.
Kahit balutin pa siya ng kahihiyan hindi siya aalis sa kanyang dapat uupuan.
Nararapat lang na ang may-ari ng kumpanya ang uupo sa harap at siya 'yon.
"Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa income for the last six months."
Lahat sila napatingin sa harap kung saan naroon ang power point presentation.
Tumayo ang head ng mga direktor.
"Nakasaad dito na umabot tayo ng mahigit thirty million for the last six months noon na pinamamahalaan ng dating manager, pero ngayon ay hindi man lang tayo nakapangalahati. Noon malaki man ang expenses natin ay kumita pa rin tayo ng mahigit twenty million pero ngayong buwan, kung ibabawas mo lahat ng expenses ang kikitain natin ay wala pang fifteen million."
Tinanggal ang dating Manager noon dahil natuklasan nilang ang pera ng kumpanya ang mini mina sa halip na produkto.
Dahil doon napilitan silang mangutang sa bangko kapalit sa perang nawala.
Bukod pa sa utang nila noon sa naturang bangko bilang pandagdag sa puhunan.
"Malinaw na merong malaking perang nawawala, Ms. Lopez maaari mo ba itong ipapaliwanag?" isa sa mga direktor ang nagtanong.
Napalunok ang dalaga.
"Five months ago ay na lugi tayo ng mahigit half million pero ngayon ay unti-unti na nating nababawi. "
"Pero hindi sapat para mawalan ng ganoon kalaking kita, ganyan ka ba mamamahala sa kumpanya?" wika naman ng isa pa.
"May mga naririnig kaming balitang may relasyon daw kayo ng bodyguard mo? Hindi kaya ito ang dahilan kaya naaapektuhan ang 'yong pamamahala?"
Umugong ang bulungan.
"Ano ba ang pakinabang ng isang gwardya?"
"Hindi na ba siya nag-iisip ngayon?"
Nagsalita ang head.
"Tinagurian ka ngayong" Kidnapped Me!" Ms. Lopez, hindi mo ba alam na malaki ang epekto nito sa kumpanya? Uulanin tayo ng batikos dahil sa pinagagawa mo. Ipinapahiya mo ang kumpanya! "
Napatayo siya.
Pagdating kay Gian ay iba na ang usapan.
"Hindi totoo 'yan! Wala kaming relasyon ng bodyguard ko! Totoong kinidnap niya ako pero hindi totoong nagpakidnap ako! At hindi totoong nakakaapekto ito sa pamamahala ko sa kumpanya!"
"Kung gano' nmagpaliwanag ka!"
Marahas na huminga ng malalim ang dalaga.
Sinasabi na nga ba
niya at masasangkot dito si Gian!
"Noong nakaraang anim na buwan malaki ang kita pero hindi naman nagbabayad ng utang.
Ngayon maliit man ang kita, 'yon ay dahil nagbabayad tayo ng utang sa bangko. Sa ngayon ang utang natin ay nasa mga thirty million na lang instead of fifty million. "
Natahimik ang lahat at nakatitig sa kanya.
"Nandito ang mga dokumentong nagpapatunay kung saan napupunta ang kita!" Itinaas niya ang isang kamay na may bitbit na mga papeles.
"Ms. Lopez, paano mo nabayaran ang twenty million na pagkakautang sa loob lang ng anim na buwan?" tanong ng isa pa.
"Ladies and gentlemen, dapat ko pa bang ipapaliwanag ng husto kung paano tayo nakabayad?
Hindi ba ang importante ay nakabayad tayo?"
"Pero nakakapagtakang nakabayad tayo ng ganyang kalaking halaga sa loob lang ilang buwan?" sinundan ng tanong ng isa pa.
"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makatipid ng husto. Ang pangunahing expenses natin ay ginawa kong kalahati at higit sa lahat ang administrative cost!
Tinanggal ko lahat ng may kinalaman sa dating Manager na napakalaki ng mga sahod gayong hindi naman kailangan ang serbisyo araw-araw.
Wala ng gumagamit ng kuryente pagdating ng alas singko, walang palaging nag-oovertime, hindi na palaging lumalabas ang staff tuwing may achievements, pati office supplies ay tinipid ko.
Lahat ng pwedeng tipirin ay hindi ko pinalampas. At sa ganoong paraan nakatipid tayo ng mahigit tatlong milyon sa loob ng isang buwan! Iyon ang dahilan kaya nakabayad tayo ng utang. "
Nagtinginan ang lahat.
"Bilang general manager, responsibilidad ko ang patakbuhin ng maayos ang kumpanya. Pero hindi lang dahil sa posisyon kaya ako nagtatrabaho ng husto, iyon ay dahil mahal ko ang kumpanyang siyang naging puhunan ng dugo at pawis ni don Jaime. Makakaasa kayong hinding-hindi ko pababayaan ang kumpanya!"
Katahimikan.
Nagbubulungan na lang ang mga ito at wala na siyang naiintindihan.
Kaya nagpasya siyang umupo.
Kahit papaano nabawasan ang kanyang kaba at takot. Kung nandito lang sana ang kanyang lolo tiyak hindi niya dadanasin ang ganito.
Nagpatuloy ang meeting pero halos wala na siyang naiintindihan.
Masyadong okupado ang kanyang utak sa nangyari parang ngayon pa lang nag rereact ang kanyang katawan.
Hanggang sa narinig niyang nagsalita ang head.
"Ladies and gentlemen, this meeting is adjourned! Good day!"
Naglabasan ang lahat, at nakataas-noo siya habang naglalakad palabas. Wala siyang masamang ginagawa kaya wala siyang dapat ikahiya!
"Magaling ang ginawa mo Ms. Lopez, napapahanga mo kami. "
Sinabayan siya ng isa sa mga direktor.
"Salamat direktor Chen."
Mabilis siyang bumalik sa opisina.
Sinalubong siya ni Jen.
"Kumusta po Ms. nahirapan po ba kayo?"
Nanginginig ang mga tuhod na umupo siya.
"Hindi naman, tubig please Jen. "
Mabilis itong tumalima at agad siyang binigyan ng tubig.
"Heto po Ms."
Mabilis niyang nilagok ang isang basong tubig, kaya kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.
"Si Gian nasaan?"
"Nasa ibaba po Ms."
Napabuntong-hininga ang dalaga at tinawagan ang binata.
"Kumusta Ms.? Lunch time na po," sagot nito.
Naririnig niya ang mga ingay sa background nito.
"Sige lang, kumain ka na ba?"
"Yes. Dito sa cafeteria ikaw kumain ka na ba?"
"Kakain pa lang."
"Gusto mo sasabayan kita?"
"Hindi, huwag na, pero salamat."
"Naiintindihan ko. Huwag mo ng isipin ang nangyari basta kumain ka lang at magpakabusog, anuman ang narinig nila mula sa'yo sigurado akong mapapanatag sila."
Napangiti siya. "Thank you Gian."
"You're always welcome Ms. Ellah, kain na."
Humugot ng malallim na paghinga ang dalaga.
Hindi niya akalain na masasangkot siya sa ganitong issue.
Alam niyang ginagamit lang si Gian pero ang totoo, balak talaga siyang ibaksak ng mga ito!
---
Papauwi na sila kasama si Gian nang banggitin niya ang tungkol sa nangyaring meeting.
"Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil nasagot ko ang mga batikos nila at mga tanong.
Halos lahat sila doon ay nagtanong sa akin. Pakiramdam ko wala akong kakampi kahit isa! Para akong daga na pumasok sa lungga ng mga pusa. "
"Pero walang nakalapit sa'yo hindi ba? Hindi ka nila kayang pabagsakin sa ganyang paraan lang Ms. Ellah. "
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
" Dapat mong bantayan ay ang mga tauhan mo, hindi lahat mapagkakatiwalaan, naghihintay lang sila ng pagkakataon para tanggalin ka at palitan. "
"Alam ko 'yon, kaya nga ingat na ingat ako sa bawat kilos ko, lahat limitado lahat dapat kalkulado, sa sitwasyon ko bawal ang magkamali. Kaya minsan nahihirapan na rin ako kung papaano hahawakan ang kumpanya."
"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang mga taong gustong manakit sa'yo. Palagi kitang poprotektahan at iingatan."
"Salamat Gian, salamat."
Sabay pa silang bumuntong-hininga.
"Dinner muna tayo?" aya niya sa gwardya.
"Saan?"
Sinabi ng dalaga kung saan sila pupunta.
"Pero Ms. hindi ba't napakamahal ng restaurant na 'yon?"
"Hindi ba sabi ko, pakakainin kita ng masarap natural mahal. Akong bahala, bale bayad ko na lang 'yon sa mga nagawa mong tulong. "
"Nakakahiya naman sa'yo. "
"Ano ka ba? Minsan lang ako magyaya kaya huwag mong tanggihan. Simpleng hapunan lang naman bilang pasasalamat sa'yo.
Kung mag-iisip ka ng dinner date, next time na lang 'yong ikaw ang magbabayad. "
Natawa ang binata at pinuntahan nila ang sinasabi niya.
"Oh, we're here, " masiglang wika ni Ellah.
Binuksan nito ang pintuan ng kotse at inalalayan siyang lumabas.
Umatras ito ng tatlong hakbang para paunahin siya.
"Not this time Gian, sumabay ka sa akin. " Ikinawit ng dalaga ang isang braso sa braso ng binata at nagsimula silang maglakad paakyat sa isang malaking Bangka.
---
Napapalunok ang binata sa mga nakikita. Dinala kasi siya ng dalaga sa isang floating restaurant kung saan puro mayayaman lang ang may kayang pumunta.
Ilang sandali pa, umandar na ang malaking Bangka at pumalaot sa gitna ng dagat.
At dahil gabi na, nagkikislapan ang mga nagagandahang ilaw nito sa loob.
Tanaw ang naglalakihang gusali sa 'di kalayuan sa harapan.
"You like it?"
Na patingin siya sa amo. Nakangiti ito at totoong masaya.
Ngumiti siya at tumango.
Nang huminto ang Bangka ay dinala siya ng dalaga sa isang VIP room kung saan silang dalawa lang ang naroroon.
Ilang beses niya ring naihatid sa isang VIP room ang amo para sa pakikipagkita nito sa ibat-ibang lalaki, pero ngayon nakapasok siya ng VIP room dahil siya ang inihatid ng amo at isipin pa lang niya na ito ang kanyang kasama ay parang hindi na siya makahinga sa sobrang saya!
"Nagustuhan mo ba?" nakangiti nitong tanong.
"Y-yes, sobra, ang ganda pala!"
"Kumain na tayo, nagugutom na talaga ako. "
"Sige"
Inalalayan niya itong maupo bago siya umupo sa harap nito.
Ilang sandali pa nagsidatingan ang tatlong waiter na may dala-dalang pagkain.
Hindi pa man nabubuksan ang mga natatakpang pagkain ay parang kumakalam na ang kanyang sikmura.
"Thank you, " anang dalaga.
Binuksan ng mga ito ang mga pagkain at talaga namang napapalunok si Gian, dahil ang lahat ay puro sea foods ang inihahain sa kanyang harapan.
"Ano pang hinihintay mo? Lantakan na natin' to!" aya ni Ellah.
Nagsimulang kumain ang dalaga ng nakakamay.
"Sarap nito!" kumain na rin siya.
Malalaking mga alimango at sugpo ang kanilang nilalantakan pero gano'n pa man, hindi niya nakakalimutang himayan ang dalaga para hindi ito mahihirapan.
"Ano ka ba, kaya ko na 'to, kumain ka na lang. "
"Matigas eh, baka mahirapan ka. "
"Okay lang ako, ikaw ang kumain ng kumain diyan dahil ang lahat ng ito ay para sa'yo. "
"Kung gano' n, kumain na tayo!"
Masayang kumakain ang dalawa.
Nagtatawanan pa sila habang pinupuna ang bawat isa.
"Hayan pa oh, lalaki ang kaharap mo tapos ganyan ka kakain. Mag papakapino ka naman. "
"Walang lalaki sa akin 'pag gutom ako. "
"Lahat ba sila wala kang nararamdaman? I mean 'yong parang nagugustuhan?"
"Wala, " derekta nitong sagot.
Ewan ba niya, pero tuwang-tuwa siya kahit napakaikli lang naman ng sagot nito.
"O, kumain ka pa, 'wag ako ang tingnan mo, nakakailang. "
"Akala ko ba hindi ka naaapektuhan?"
"Kanina 'yon gutom ako, pero ngayon busog na ako, nararamdaman ko na. "
"Sira ka talaga!" natatawang napapailing siya.
Binuksan niya ang wine at sinalinan ang dalawang kopita.
Ibinigay niya ang isa sa dalaga.
"Cheers?" itinaas ni Ellah ang hawak na kopita.
"Cheers!"
Nagpingkian ang mga kopita nila at sabay ininom ang alak.
Maya-maya lang tumayo na ang dalaga. Tumayo rin siya.
Pumunta ito sa bintana at pinanood ang tubig.
"Kahit papaano, natanggal ang stress ko, sarap ng pagkain. "
"Hmm, kunwari ka pang ako ang pakainin 'yon pala pantanggal stress mo 'yon?"
"Hahaha, parang may tama ka!"
Hinampas siya nito ng braso.
Hinuli niya ang kamay na 'yon.
"Kung sakali bang malalaman ng lolo mo ang mga balitang 'yon, ano ang gagawin mo? Itutulak mo ba ako palayo?"
"Hindi ko 'yon gagawin, sa'yo ako kumukuha ng lakas eh. Ipagtatanggol kita at hindi ko hahayaang kahit sino ay dudumihan ang pagkatao mo, hindi ko 'yon palalampasin kahit pa 'yon ay si lolo."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.
"Maraming salamat sa'yo Ms. Ellah. "
"Para sa'yo Gian nakahanda akong gawin para hindi ka nila masaktan. "
"Why are you doing this? "
" Pinoprotektahan mo ako, kaya dapat protektahan ko rin ang nag poprotekta sa akin. "
Akala niya may ibang ibig sabihin ang mga ginagawa nito sa kanya. Wala pala.
Bumabawi lang ba ito? O ayaw lang magkautang na loob?
Binitiwan niya ito.
"Wala kang dapat ipag-alala Ms. Obligasyon kong protektahan ka. Isa pa bayad ang serbisyo ko sa'yo. Hindi mo ako responsibilidad. "
"Don't get me wrong Gian, ginagawa ko 'to para sa kapakanan ng kumpanya. "
Huminga ng malalim ang binata. Hindi siya umimik.
Walang ibang mahalaga dito kundi ang kumpanya. Magandang kaugalian pero hindi siya natutuwa.
' Magkatulad talaga sila ni don Jaime, ang kumpanya ang inuuna.'
Tahimik sila habang pinapanood ang bangka na pabalik sa daungan.
Pinangmasdan niya ang marahang pagtangay ng hangin sa buhok ng amo at hindi niya maiiwasang ngumiti habang hinahawi nito ang buhok na tumatakip sa magandang mukha nito.
Ilang sandali pa, huminto ang Bangka at isa-isang naglabasan ang mga nasa loob.
Palabas na sila nang tumunog ang cellphone niya.
Ang kanilang head ang tumatawag.
"Ms. Sagutin ko lang 'to. "
"Sige, mauuna na ako, "
anang dalaga saka lumabas.
Tumango siya at sinagot ang tawag.
"Good evening sir. "
"Villareal totoo bang nagkakaproblema ang kumpanya ni don Jaime?"
Napailing siya mabilis talaga kumalat ang hindi magandang balita.
"Hindi naman po masyado sir. "
"Ang mabuti pa siguro itigil mo na 'yan at bumalik ka dito para hindi ka madamay baka masangkot tayo sa gulo nila. "
Napatiim bagang siya at naglakad palabas.
"Hindi ko po magagawa 'yan sir, pasensiya na. "
Ibinaba niya ang cellphone pero hindi pinatay.
"Gian? Gian!"
Saka siya may napansin sa' di kalayuan.
Tinanong niya ang isa sa mga staff ng restaurant.
"Bakit may mga reporters?"
"Si Ms. Lopez po ang pinag kakaguluhan nila."
"ANO!"