"Jen, wala ba akong meeting?"
"Wala po Ms. pero may kumakalat na tsismis ngayon Ms. Ellah. "
"Tungkol saan?" napakunot ang kanyang noo.
"Ms. ayoko po sanang manggaling sa akin pero Ms. ang sabi-sabi may, may relasyon daw kayo ng bodyguard niyo. "
Napatayo ang dalaga.
"Hindi lang 'yon, may kumakalat ding isumbong kayo sa Chairman para mapatalsik sa pwesto. "
Wala pa mang nangyayari pero ang balita ay meron na?
"Sinong nagpakalat niyan!"
"Hindi ko po alam Ms."
"Magpatawag ka ng meeting sa lahat Jen, ngayon na!"
"Yes Ms."
Kung sino man ang naninira sa kanya tiyak na may lihim itong galit at matagal naman na niyang kilala kung sino ang mga 'yon!
Matapos maayos ng sekretarya ang utos niya ay dumeretso siya sa conference room.
Nang makita niya ang mga taong naroon ay hindi niya mapigilan ang kanyang galit at hinanakit.
"Good morning Ms." bati ng lahat.
Pumunta siya sa gitna at nagsalita.

"Good morning, kaya ko kayo ipinatawag lahat ay para malaman ninyo na ang reject nating gabundok ay paubos na. At ngayon, nababawi na ang ating kalahating milyong lugi!"
"Ms. hindi pa naman nalugi 'yon dahil hindi naman natin itinapon." Ang ang nagsabi noon ay pangalawa sa may pinakamataas na posisyon.
"Hinarap niya ito. " Hindi nga itinapon pero wala rin kayong ginawa. Mr. Go, ikaw ang Presidente bakit hindi mo man lang ito naisip? "
Hindi na ito kumibo.
Tinitigan niya ang bawat isa.
"Hindi ba kayo natutuwang magagamit pa ang inaakala nating patapon na?"
Umugong ang bulungan.
"Natutuwa kami Ms. Ellah. "
"Kung gano' n, bakit wala man lang isa sa inyo ang nakaisip ng ganoong paraan?"
Natahimik ang lahat.
"Mr. Javier ikaw ang nasa marketing department bakit hindi mo naisip ang ganitong paraan?"
"Naisip na rin Ms. kaya lang natatakot akong baka mas malugi tayo kapag sinubukan nating ihalo sa high class. "
"Pero hindi 'yon ang nangyari, tingnan niyo ngayon, napapakinabangan natin. "
Katahimikan.
"Iyong pagbaba ng three percent ng presyo sa ating purchasing, bakit hindi niyo naisip 'yon? Na pwede pa pa lang ibaba ng hanggang three percent ang presyo."
Walang nangahas magsalita.
"Ngayon tatanungin ko kayo, hindi ba kayo natutuwa na hanggang ngayon ang ginagamit nating presyo ay three percent?"
Muling umugong ang bulungan.
"Natutuwa kami Ms."
"Nakuha natin ang FDS na matagal na nating pinapangarap hindi ba kayo natutuwa?"
Nagkatinginan ang lahat.
"N-natutuwa kami Ms."
"Hindi tayo na reject ng BMG plant at sa halip, tumagal pa ang kontrata natin sa kanila alam niyo kung bakit? Iyon ay dahil sa nakuha nating three percent kaya nakapagsupply agad tayo."
Walang nagsalita at lahat nakatingin sa kanya.
"Kung hindi bumaba ng three percent ang presyo ng produkto, hindi tayo makakapag supply sa kanila. Sa palagay niyo ba nasa atin pa ang BMG hanggang ngayon?
Alalahanin niyo, tumaas ng twelve percent ang presyo ng GMC kaya tayo nagipit. Pero bumaba ng three percent."
Nilibot niya ang tingin sa lahat.
"Marami tayong sinusuplayan hindi lang BMG plant kaya tayo nagkukulang.
Kilala ninyo ang GMC ang produkto nila ang kailangan ng BMG plant kaya tayo nakikipag-agawan.
At isa tayo sa nakakuha sa kanila. Hindi ba kayo natutuwang ang BMG plant na siyang pinakamalaking planta sa lugar natin ay nasa atin pa rin?"
"Bakit ba niya ito sinasabi ngayon?"
"Oo nga, ano ba ang ibig niyang palabasin?"
Narinig niya ang usapan ng nasa harapan na malapit sa kanya.
"Marahil nagtataka kayo kung bakit ko sinasabi ang lahat ng naabot natin hindi ba?"
Walang nangahas magsalita.
"Hindi ko kayo pinabayaan sa kabiguan man o tagumpay. Lagi niyo akong kasama pero, may mga tao pa ring nagtangka akong alisin sa pwesto!"
Umugong ang bulungan.
"Alam niyo na kung sino kayo. Ang hiling ko lang sabihin niyo ng derekta sa akin ang mga galit niyo at hinanakit."
Katahimikan.
"Ladies and gentlemen, gusto kong malaman ninyo na sa kabila ng tagumpay nating makuha ang three percent at mapakinabagan ang reject ay hindi ako ang nag-iisang nag-isip niyan. "
"Kung gano'n may tumulong sa inyo?"
"Tama! At ang taong 'yon ay ang siyang nilalait at sinisiraan ninyo!"
Walang nangahas magsalita.
"Kung walang nakaisip ng ganoong paraan sa ating mismong nasa loob ng kumpanya bakit ang taga labas ay nakaisip?
Ngayon sabihin niyo kapag naging opisyal ba siya sa kumpanyang ito ay igagalang na ninyo ang taong tumulong sa akin?"
Walang nagsalita.
"Isa nga lang siyang gwardya pero mas marami pa siyang alam kaysa sa inyong mga opisyal ng kumpanya. Ngayon sabihin niyo ano ang karapatan ninyo para siraan ang taong naging dahilan ng ating tagumpay? "
Muli ay katahimikan.
"Makinig kayong lahat! Walang sino man sa inyo ang maririnig kong maninira sa taong 'yon dahil hindi ako mahihiyang tanggalin kayo sa inyong posisyon! Maliwanag!" sigaw na ng dalaga.
Walang nangahas magsalita.
"This meeting is adjourned!" aniya at naunang lumabas.
Walang imik na sumunod ang kanyang sekretarya.
Ngunit sumabay ang Presidente.
"Ms. Iyong tungkol sa reject na produkto, inaamin kong wala akong maisip na paraan para doon, natatakot kasi akong mas malugi pa tayo kapag ginalaw ko 'yon.
Isa pa parang iligal kasi na hahaluan ng reject ang matinong produkto tapos ililihim sa planta, kapag nabuko tayo mas malaking problema 'yon. "
Sandali siyang natahimik dahil may punto rin naman ito.
Naisip niya kung si Gian ang kausap nito ano kaya ang sasabihin ni Gian?
" Mr. Go, hindi natin sinabi na hinaluan ng reject pero hindi rin natin sinabi na first class ang produkto, kumbaga hinayaan lang natin na isipin nilang walang nagbago sa dinideliver natin. Wala naman silang reklamo iyon naman ang mahalaga hindi ba?"
"Yes Ms. ang mahalaga napakinabangan pa ang reject na sana."
"Para sa kumpanya ang ginawa ko Mr. Go."
"Oo, iyon ang mahalaga, sige Ms. salamat sa sinabi mo kanina."
"Sige."
Bahagya itong yumuko bago siya iniwan.
Binalingan niya ang sekretarya.
"Jen, sumobra ba ako?"
"Hindi po Ms. dapat lang sa kanila na maturuan ng leksyon. "
"Hindi ko alam na sinisiraan na pala kami ng taga rito, imagine taga kumpanya mismo ang nanira sa akin!"
"Pasensiya na Ms. kung ngayon ko lang po sinabi. "
"It's okay. "
Huminga siya ng malalim.
Isang hamak na gwardya nga lang ang binata pero hindi siya makakapayag na tapak-tapakan ito ng kung sinu-sino!
Pagkatapos ng trabaho ay hindi agad siya umuwi.
Dinala siya ni Gian sa tabing dagat nang sinabi niyang gusto niyang magpahangin.
Pagdating sa naturang lugar ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin. Naaamoy niya rin ang amoy-dagat na talaga namang nagpagaan sa pakiramdam niya.
Umupo siya sa buhangin hindi alintana na marumihan siya.
"Ms. isapin mo ang coat ko, baka madumihan ang damit mo, " ani Gian at nilagay sa buhangin ang coat nito.
"Salamat."
Huminga ng malalim ang dalaga habang nakatingin sa mapayapang dagat.
"Nakahanda kang madumihan ang damit mo alang-alang sa akin. Huwag kang mag-alala kahit gaano ka karumi pagsisikapan kong linisin ka."
"Ha?" napakunot ang noo ng binata.
Nilingon niya ito at tinitigan sa mga mata.
"Nakahanda akong linisin ka gaano ka man karumi, pangako."
"Ms. Ellah, may nangyari ba?"
Tumabi ito sa kanya.
"Hindi ka na aalis hindi ba? Ipangako mong hindi mo na ako iiwan uli kahit anong mangyari. Pangako na ipagtatanggol kita kahit sino pa ang mang-aapi sa'yo. "
"Hindi kita naiintindihan. "
Mili siyang huminga ng malalim.
"Malala na ang kumakalat na balitang may relasyon daw tayo, natatakot akong makarating kay lolo ang balitang 'yon.
Tiyak na magkakagulo kung sakali man. "
"Hindi mangyayari 'yon at kung sakali man, hindi kita iiwan, makakaasa kang lagi akong nasa likuran mo. "
"Salamat. "
Kinabig siya ng binata pasandal sa balikat nito.
"Kung nabibigatan ka na, sumandal ka lang sa balikat na ito, dahil ang balikat na 'yan ang siyang aalalay at gagabay sa'yo."
Sumandal ang dalaga sa balikat ng binata, at ipinikit ang mga mata.
"Darating ang panahon, baka tatanggalin nila ako sa posisyon."
"Huwg kang pumayag, tandaan mo Ms. Ellah hindi mo narating ang posisyong 'yan dahil sa koneksyon mo bilang apo. Nandiyan ka dahil pinaghirapan mo 'yan at tandaan mo walang ibang nararapat sa pwestong 'yan kundi ikaw lang. "
Tama si Gian, kanila ang kumpanya at walang ibang magmamay-ari no' n kundi sila.
Kapwa tahimik ang dalawa habang nakatingin sa dagat.
Ang tanging maririnig ay ang pagaspas ng maliliit na alon sa dagat na naghahatid ng kapayapaan ng kanyang nararamdaman.
"Kanina, napag-usapan namin ang tungkol sa reject na produkto at sinabi sa akin ng Presidente na parang mali ang ginawa nating paglilihim sa planta nang haluan natin ng reject ang produkto.
Medyo nagipit ako nang sinabi niyang hindi natin sinabi ang totoo, sa palagay mo ano ang dapat isagot sa sinabi niya? "
" Sinabi niya 'yon? "
" Oo, may punto rin naman siya."
"Anong sagot mo?"
"Sinabi kong hindi naman natin sinabing first class pa rin ang diniliver natin pero hindi rin natin ipinaalam na hinaluan natin 'yon, kumbaga as is lang siya kasi wala namang naging problema."
"Tama naman ang sinagot mo."
"Kung ikaw 'yon anong isasagot mo?"
"Sinabi niyang parang iligal ang ginawa natin, hindi naman iligal 'yon kasi wala naman tayong nilabag na batas.
Ang iligal,' yong may patakaran pero sinuway mo.
May batas ang pagmimina pero hindi kasali ang ginawa natin.
Bukod doon, naglilihim tayo dahil hindi naman na dapat ipaalam pa sa planta, maliban na lang kung nagtanong sila at hindi natin sinabi ang totoo at nagsinungaling tayo, iyon ang mali.
Kung sakaling tatanungin tayo dapat nating ipaalam sa kanila ang totoo, kung iiwan nila tayo kahit na pumasa ang produkto sa ginawa natin maghanap tayo ng iba at siguradong may tatanggap. Ang mahalaga hindi nasayang ang pinaghirapan. "
Napangiti ang dalaga.
Hindi niya naisip ang mga sinabi ni Gian.
Mas napatanag siya ngayon dahil sa paliwanag ng binata.
" Ang galing naman, sana parehas tayo ng pag-iisip. "
" Mas magaling ka dahil ikaw ang namumuno sa isang napakalaking kumpanya."
Napabuntong hininga ang dalaga nabalik na naman sila sa pinproblema niya.
"Kung sakaling makarating man kay don Jaime, wala kang dapat ikatakot dahil hindi totoong may relasyon tayo.
Iginalang ko ang desisyon mong dapat walang mamagitan sa atin kundi amo at tauhan lang at dahil doon, kaya mong tingnan ang lolo mo ng walang alinlangan. "
Napatingin siya rito.
"Paano kung balingan ka ni lolo?"
"Huwag kang mag-alala dahil hanggat hinahawakan mo ako, alam kong ligtas ako at makakaasa kang hindi kita bibitawan. "
"Salamat Gian, salamat sa pang-unawa. "
"Patawarin mo ako."
"Ha? Bakit?"
"Kasi dahil sa ginawa ko binabatikos ka nila. Kung hindi ko 'yon ginawa hindi mangyayari ang ganito."
"Kung hindi mo ' yon ginawa, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na kalabanin ang kalaban."
"Magpakatatag ka Ms. Ellah, kaya mo 'yan, alalahanin mo ikaw ang apo. Ikaw ang higit na pinagkakatiwalaan."
Huminga ng malalim ang dalaga.
Tumiim sa kanyang isipan ang mga sinabi ng binata.
Alam niyang kaya niyang harapin ang kahit sino dahil nasa likuran niya ito.
Aaminin niyang ang binata ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para harapin ang anumang pagsubok.
At nakahanda siyang makipaglaban anuman ang kahihinatnan!
---
Magkaharap sina Gian at don Jaime ngayon sa loob ng tahanan nito.
"Don Jaime, hawak ko na ang mga ebidensiyang magpapatunay na may kinalaman si congressman Dela vega sa mga anumalya dito sa ating lugar sir. "
"Magaling Gian. "
Salamat kay Vince na nakahandang tumulong sa kanya anumang oras.
Ibinigay niya sa matanda ang dokumento ng walang pag-alinlangan.
"Kalakip ho niyan ay mga kuhang larawan at mga papeles na magdidiin kay congressman. "
Tinitingnan ng matanda ang mga ibinigay niya.
"Maaasahan ka talaga Gian, bilang ganti, tanggapin mo ito. "
Inilagay ng matanda ang isang makapal na puting sobre sa lamesa.
"Hindi na ho kailangan don Jaime, sapat na ho sa akin ang ibinibigay niyo bilang sweldo ko. "
"Hindi hijo, iba ang trabaho mo sa apo ko iba rin sa akin, kaya sige na tanggapin mo dahil kung hindi magagalit ako sa'yo!
Para ko na ring niyurakan ang totoong trabaho mo kung kukunin ko ito ng libre, isipin mo na lang 'yan ay professional fee. "
"Ang totoo ho niyan, ang kasamahan ko ang pinagawa ko tumulong lang po ako sa kanya don Jaime."
"Walang problema, paghatian niyo ang binigay ko bilang pasasalamat."
Kinuha ng binata ang sobre at ibibigay niya kay Vince lahat.
"Maraming salamat ho don Jaime. "
"Siya nga pala, kumusta naman ang apo ko, wala ka bang nakikitang hindi magandang nangyayari?
Hindi ba siya nahihirapan?"
Hindi siya nakasagot.
"Alam kong marami ang naghihintay lang na pumalpak ang apo ko, kaya naman iniingatan ko siya ng husto.
Pero malihim 'yang si Ellah, hindi siya nagsasalita tungkol sa mga problema sa kumpanya kaya inaasahan kong ikaw ay may sasabihin at hindi maglilihim."
Nararamdaman ng binata na iniipit siya ng matanda.
Hindi nagsasalita si Ellah dahil ayaw nitong mag-alala ang agwelo kaya siya ngayon ang inuusisa.
Napabuntong-hininga si Gian.
"Gian hijo, merong hindi magandang nangyayari hindi ba?"
"Hindi ho maiiwasan na marami ang maiinggit sa inyong apo don Jaime, lalo pa't babae siya pero panlalaki ang trabaho. Pero kinakaya naman ho ni Ms. Ellah, at hindi ko ho siya pinababayaan."
"Salamat naman kung gano'n. "
"Huwag niyong masyadong alalahanin ang inyong apo don Jaime dahil matapang siya at may paninindigan."
"Sa mga sinabi mo kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
Gian hijo, umaasa akong hindi mo pababayaan ang nag-iisa kong apo. "
"Makakaasa ho kayo don Jaime. "
"Maraming salamat sa'yo Gian. "
Palihim na tinitigan ng binata ang don.
Sa kanya ipinagkakatiwala ang nag-iisa nitong apo pero hindi naman siya gusto nito para sa apo nito.
Ang saklap!
---
Kinabukasan.
Tulog pa si Ellah nang tumunog ang cellphone niya.
Ang kanyang sekretarya ang tumawag.
Bumangon siya at inayos ang sarili.
" Yes Jen? "
"Ms. Ellah good morning."
"Good morning napatawag ka?"
"Ms. Nagsidatingan ang mga direktor at nagpapatawag po ng meeting."
Kumabog ang kanyang dibdib.
"Bakit daw?"
"Tungkol po sa nangyari kahapon Ms."
Napabuga ng hangin ang dalaga.
"Prepare the documents I need Jen, please."
"Yes Ms."
Tuwing katapusan ng buwan ay nagbibigay siya ng report sa mga opisyal ng kumpanya.
At alam niyang hindi palalagpasin ng mga opisyal ang nangyari kaya expect ed na niya ito gano'n pa man hindi pa rin maiwasang kabahan siya.
Habang naglalakad ang dalaga papasok sa opisina ay ramdam agad niya ang napakataas na tensyon sa loob, gano'n pa man itinaas niya ang kanyang noo at walang dapat ikahiya. Gaya ng sabi ng kanyang gwardya karapat-dapat siya sa kumpanya dahil pinaghirapan niya at hindi lang dahil sa namana.
Lahat ng madadaanan ng dalaga ay napakatahimik at hindi na gaya ng dati na binabati siya. Dahil ngayon, sa bawat madadaanan niya ay yumuyuko ang lahat habang dumidistansya!
Gaya pa rin ng dati nasa kanyang likuran si Gian na walang imik.
Nasa loob sila ng elevator nang hawakan ng binata ang kanyang isang balikat.
"Kaya mo 'yan Ms. Ellah, lagi mong tandaan ikaw ang may-ari ng kumpanya."
"Maraming salamat."
Napabuntong hininga ang dalaga.
Ngayon ang meeting ng mga board of directors at ipinapatawag siya.
Kung dati natutuwa siyang makikita ang mga ito ngayon ay hindi na.
Pumasok sila sa opisina at agad silang sinalubong ng sekretarya.
"Ms. nasa loob na po ang mga Directors. "
"Ang mga kailangang kong papeles handa na ba?"
"Yes Ms."
Pumasok siya sa private office, hindi na sumunod si Gian pero si Jen ang sumunod sa kanya.
Umupo siya at hinarap ang mga papeles.
"Ms. hindi po kayo pwedeng magtagal at naghihintay sila. "
"Hayaan mo sila Jen, mas mahalaga ang mga pipirmahan ko para sa araw na ito."
Aniya habang mabilis na pumipirma sa mga dokumento.
"Sige po, Ms."
Iniwan siya ng sekretarya.
Mas mahalaga ang trabaho kaysa batikos ng walang katuturan! Sa loob-loob ng dalaga.
Ilang sandali pa tumayo na siya.
"Jen, tapos ko ng pirmahan ang mga reports, paki distribute na lang ha. "
"Yes Ms."
"Aalis na ako. "
"Ms. Ellah, palagi po kaming nakasuporta sa inyo. At lubos kaming humahanga sa inyong katatagan. Kaya huwag kayong magpapatalo, tandaan niyo po, umaasa sa inyo ang mahigit isang libong empleyado. "
May punto si Jen kaya ang panghahawakan niya ay ang libo-libong empleyado nila.
" Salamat Jen, nagkaroon ako ng lakas ng loob."
"Salamat din po Ms. Ellah."
Inihatid siya ni Gian hanggang sa pinto ng conference room.
"Kapag binato ka ng matitinding tanong. Magpakatooo ka lang at sumang-ayon. Tandaan mo, walang katotohanan ang mga paratang nila."
Tumango siya at nagpakatatag dahil sa sinabi nito.
Anuman ang kahihinatnan umaasa siyang magiging maayos pa rin ang kumpanya dahil dito umaasa ang libo-libong empleyado nila.
Napabuga ng hangin ang dalaga bago pinihit ang pinto at pumasok.