"WHAT ARE YOU DOING! " manghang tanong niya.
"I want to talk to you, " malamig nitong tugon.
"No! I'm late marami akong gagawin!"
"Kahit ten minutes lang. "
Hindi siya umimik.
Nakarating sila sa roof top.
Nauna ito at hindi siya sumunod.
Hinila siya ng binata sa braso.
Napatingin siya sa isang kamay nito, bigla kasi siyang nakaramdam na parang may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya.
Binitiwan siya ni Gian at hinarap.
"Tell me, napipilitan ka lang ba na kunin ako uli?"
Hindi siya umimik.
"Sabihin mo, kasi ayokong mananatiling malamig pa rin ang pakikitungo mo sa akin, ito ang dahilan kaya ako umalis pero ganito pa rin ba uli ang pagtrato mo?"
Tinignan niya sa mga mata ang binata at nabanaag niya ang sakit na nararamdaman nito.
Tumingin siya sa ibang dereksyon.
"Sinabi ko na hindi ba? Ibalik natin ang lahat sa dati. Kailangan bang maging close tayo? Pumayag ka sa kundisyon ko kaya ka naririto ngayon."
Nahimas ni Gian ang batok sabay talikod.
"Ang labo eh. "
"Alin?"
"Akala ko kasi. "
"Na ano?"
"Akala ko..." marahas itong napabuga ng hangin sabay iling "f**k!" hinampas ng isang kamay nito ang railing.
Napakislot ang dalaga.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Still ganon pa rin ang pakikitungo mo sa akin.
Wala ka pa ring respeto at hindi ako ginagalang bilang BOSS mo" idiniin niya ang pagbigkas sa salitang boss.
Hinarap siya nito.
"I don't give a damn kung respeto ang gusto mo! Fine! Ibibigay ko pero ang hindi ko matanggap ay ang pakikitungo mo sa akin na malamig pa sa yelo!"
Taas-noong hinarap niya ang binata.
"Mr. Villareal, you're not here to be my friend or whatever, you are here to be my bodyguard that is my only intention. You don't get it? Do you?"
Nagtagis ang mga bagang ng binata.
"Alright!" taas-kamay na wika nito. "f**k with your intentions!"
sabay talikod at naglakad ito pabalik ng elevator.
"Villareal!"
Hindi ito lumingon.
"Gian ano ba!" hinabol na niya ito.
Nasa loob na sila ng elevator.
Pinindot nito ang basement.
"Where do you think you're going?"
"Uuwi na!" tipid nitong sagot.
Naipikit niya ang mga mata.
"Pwede ba, kausapin mo ako ng matino!"
"Ikaw ang hindi matinong kausap. "
"Ano ba talaga ang gusto mo!"
Napupuno na talaga siya dito.
"You really want to know?"
Napalunok siya.
"I want to be your boyfriend, " deretsong tugon nito at napalunok siya.
Tumiim ang titig ng binata habang papalapit sa kanya.
Napaatras ang dalaga pero ilang hakbang lang wala na siyang maaatrasan.
Na korner siya nito sa loob ng elevator.
"Y-you're crazy."
"I know," bulong nito.
Naglapat ang kanilang mga katawan na ikinaigtad niya.
"What are you doing?" tinangka niyang umalis pero natigil nang dumampi ang labi nito sa kanyang batok.
"I miss you, " paos na usal ng binata at hindi niya napigilan ang sariling pumikit.
Aaminin niyang gustong-gusto niya ang pakiramdam na 'yon pero hindi pwede.
Shit!
Idinilat niya ang mga mata.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob para itulak ito subalit parang nawalan siya ng lakas ng maramdaman ang mainit nitong haplos sa kanyang braso paangat sa balikat.
Nagtagpo ang mga tingin nila at muli na naman niyang nabanaag ang hinanakit sa mga mata ni Gian. Subalit ang hinanakit na 'yon ay natatabunan ng matinding pag-ibig.
Huminto ang elevator at bumukas.
Doon siya natauhan.
Natauhan na ang lahat ng ito ay hindi para sa gaya niya.
Bahagya siyang lumayo.
"Enough of this."
"Ellah!"
Tuloy-tuloy siyang umalis at hindi na lumingon pa.
Masakit din para sa kanya na babalik sila sa dati pero walang ibang paraan para siya ay mapanatag.
Lahat gagawin niya para hindi mapahamak ang kumpanya!
---
Hindi nga nagkamali ang dalaga, dahil kahit saan siya pumunta, marami ang nagkukumpulan, naghihiwalay lang kapag nakita siya.
Pero sa likuran ng opisina kung saan ay parang may veranda, may dalawang babae ang narinig niyang nag-uusap.
Base sa itsura ng mga ito, halatang sekreto, kaya naman pasimply siyang kumubli sa gilid ng isang poste at matamang nakinig.
"Hindi ko alam kung nagsisinungaling ba 'yong warehouse incharge o hindi eh. Kasi naman isipin mo ha, ikinulong daw sila ni Gian at kinidnap si Ms. Ellah pero heto at kasama ni Ms. Ellah si Gian."
"Hindi siya nagsisinungaling kasama pa nga niya 'yong trio boys eh. Ang gulo lang kasi nga ang kumidnap ay siyang bodyguard. "
"May usapan dito, na nagkamabutihan daw 'yong dalawa ah. Napansin mo ba?"
"Oo, kasi lagi silang magkasama at tsaka ibang-iba ang trato ng GM sa Gian na 'yon. Parang may something' di ba?"
Napalunok ang dalaga sa narinig.
Gano'n na ba sila ni Gian?
"Ang sabihin mo, hindi makuntento, pati ba naman bodyguard papatulan? Diyos ko gwardya lang?"
Nagpanting ang tainga niya. Kaya niyang pakinggan ang panlalait sa kanya pero hindi kay Gian.
Naikuyom ni Ellah ang mga kamay.
Kung lalapitan niya ang mga ito at kalbuhin halatang nakikinig siya.
'Isip Ellah! Isip!'
Nang bigla siyang mapangiti.
Muli siyang bumalik sa opisina.
"Jen, papuntahin mo nga dito si Santos at Guevarra. "
"Iyong nasa Marketing Department po ba?"
"Tama, ngayon na!"
"Okay po. "
Sumandal siya sa swivel chair.
Kumukulo ang kanyang dugo sa dalawa dahil sa narinig.
Pagbintangan ba naman siyang play girl eh wala nga siyang boyfriend!
Maya-maya lang may kumatok.
"Come in!"
Pumasok ang dalawang impakta sa paningin niya.
"Good morning Ms." sabay na bati ng dalawa.
Hinarap niya ang mga ito.
"Sit down, " pormal niyang tugon.
Nakatingin ang dalawa kaya nagsalita na siya.
"I've seen the two of you at the back door for almost thirty minutes. What is your transaction out there?"
"M-Ms.?"
"Answer me!" singhal niya.
"N-nothing Ms."
"So, your just wasting your time am I right?"
"B-breaktime po 'yon. "
"Magaling! Kayo may break time ako nga wala! Break time is only for fifteen minutes; you should know that the fifteen minutes left was paid by this company for what? doing nothing?"
Walang nakaimik sa dalawa at yumuko ang mga ito.
"Every hour, minute and second that you are here inside this building your effort and time is not free! Therefore you should do your job and work hard. This company only chooses the best employees, unfortunately the two of you doesn't belong here!"
Lalong hindi nakaimik ang dalawa.
Tumayo siya.
"The next time you do this, I won't hesitate to fire both of you!"
"I-Im sorry Ms. hindi na po mauulit. "
"Sorry po Ms."
"You can go ladies!"
"Thank you Ms.!" sabay na wika ng dalawa bago tumalikod at umalis.
Muling umupo ang dalaga.
'Huh! Akala niyo ha!'
---
Tahimik ang amo ni Gian habang sila ay pauwi.
Iniisip niya ang mga nangyayari sa loob.
Malamang napansin din nito 'yon.
Halata talagang may kakaiba sa loob ng kumpanya.
Ilag ang mga tao sa kanilang dalawa tapos ay kung makatingin akala mo may ginagawa silang masama.
Pero wala siyang pruweba na sinisiraan sila kaya hindi siya gumawa ng kahit anong hakbang.
Naisip ng binata, mukhang napasama pa yata ang kanyang pagkabalik. Lumala ang issue na dapat ay wala sana kung wala siya.
Naiinis siyang isipin na hindi siya nakatulong at sa halip dagdag problema pa siya.
"I'm sorry Ms."
Napalingon si Ellah sa gawi niya.
"For what?"
"For being a stupid jerk. "
Hindi ito kumibo.
Huminga siya ng malalim.
"Dahil sa ginawa kong hindi pinag-iisipan, nadamay ka. Akala ko simpleng bagay lang 'yon pero hindi pala. "
"Goodness Gian! Simple ba 'yong dinukot mo ako? Kaya lang hindi naman 'yon ang issue. Pero hayaan mo na, mawawala din siguro 'yon."
"Sana nga. Salamat din dahil hindi ka nagagalit sa akin. "
"Wala na 'yon, kalimutan na natin. "
Ang inaakala niyang nagbunga ng maganda may malala palang kapalit!
At ang kapalit na 'yon ay ang reputasyon ng dalaga!
Napatiim-bagang si Gian, parang gusto niyang iuntog sa pader ang noo para matauhan!
---
Isang linggo ang mabilis na lumipas.
Isang linggo na rin siyang bodyguard ng dalaga.
At sa loob ng isang linggong 'yon ay hindi na malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Pero tinupad niya ang hiling nitong employer-employee relationship.
Kahit tauhan lang siya, ang mahalaga lagi niya itong nakakasama.
At sa loob ng isang linggo palala ng palala ang sitwasyon.
Kahit saan siya tumingin parang ang mga mata ng mga tao sa loob ng kumpanya ay may ibig sabihin.
Hindi lang niya maiintindihan kung ano 'yon.
Kung sinisiraan lang ba sila o may binabalak na?
Nakita niyang papasok sa restroom ang dalawang lalaki kaya sinundan niya ang mga ito.
Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang mga iyon sa nangyayari.
Pagpasok niya bumungad ang maraming cubicle at alam niyang nasa loob ang dalawa.
Naghintay siya sa labas.
"Alam mo pare, kumakalat ngayon na may relasyon 'yang si Ellah at ang gwardya niya. "
"Kaya siguro tahimik ang babaeng 'yon noong tinangka siyang dukutin ng gwardya, 'yon pala nagustuhan niya? "
"Pare, baka naman strategy lang no'ng gwardya para makabalik? Pwede rin na planado ng babae para ang lalaki ay ibalik. At higit sa lahat baka planado nilang dalawa? "
"Tama ka pare, akalain bang gwardya lang pala ang katapat niya? Kung alam ko lang nag gwardya na lang sana ako!"
"Baliw! Pare pagkakataon na nating makabawi! Huh! Ito na ang hinihintay natin, unti-unti natin siyang pababagsakin!"
"Ano kaya ang sasabihin ng Chairman kapag malamang ang ka relasyon ng kanyang apo ay isang hamak na gwardya lang?"
"Tiyak palalayasin siya sa kumpanya at tayo ang papalit!"
"Pare, matagal ng dapat ikaw ang kapalit ng matandang 'yon, sumingit lang ang apo niya. Babae pero ang lakas ng loob para hawakan tayo!"
"Wala namang alam bobo at walang utak!"
Nagpanting ang tainga ni Gian sa narinig.
Kaya niyang tanggapin ng maluwag kung siya lang ang lalaitin ng mga ito pero pagdating sa dalaga ibang usapan na.
Hinintay niyang makalabas ang dalawa.
"Paano pare, isumbong mo na 'yan kay don Jaime!"
"Tama ka pare. "
Ilang sandali pa bumukas ang pinto at lumabas ang dalawa nang bigla niyang sunggaban sa kwelyo ang isa at idiniin sa dingding.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Nanlilisik ang mga matang asik niya rito.
"I-ikaw!" gulat na gulat nitong tanong.
"Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo!"
"I-ikaw 'yong bodyguard niya hindi ba?" tanong ng isa.
"Kung mag-uusap kayo akala mo hindi niyo amo ang sinisiraan niyo!"
"Bitiwan mo siya!"
Hinawakan siya ng isa sa balikat. Pero malakas niya itong siniko sa dibdib at sinipa sa sikmura bumagsak ito sa sahig at napadaing habang hawak ang dibdib.
Binalingan niya ang idinidiin sa dingding.
"Ikaw, kilala ko ang mga tulad mo, maghahanap ka ng paraan para tuluyang mapabagsak ang iyong amo.
Hindi ka na nahiya, ang taong nagpapasweldo sa'yo ay balak mo palang tanggalin sa pwesto?"
"B-bitiwan mo ako!"
Nang makabangon ang isa ay muli siyang hinawakan sa balikat.
Muli niya itong sinipa kaya tumihaya.
"Aggghhh! f**k! "
Binalingan niya ang isa pa at dinuro ito sa mukha.
"Huwag na huwag mong siraan ang produkto at ipasa sa amo mo ang iyong kawalang -hiyaan! Kilala kita, umayos ka kung ayaw mong ngayon din mismo ay masipa ka sa trabaho!"
"Sino ka ba? Akala mo kung sino ka eh gwardya ka lang naman!"
Mas idiniin pa niya ito sa pader at halos sakalin na niya ito sa pamamagitan ng isang braso.
"Aggghhh!"
"Makinig kang mabuti Hudas! Sa oras na malaman kong nagsumbong ka kay don Jaime tungkol sa paninira mo sa apo niya, hindi ako mangingiming tahiin 'yang bibig mo!"
Nagitla ang naturang lalake.
Itinulak niya ito bago lumabas.
Hindi niya inakalang may mga tao palang kahit anong bait ay may itinatago pa ring kasamaan.
Na kahit anong pagsisikap mo ay meron at merong hindi nagkakagusto.
Dumeretso ang binata sa site pagkatapos ng nangyari.
Inabutan niyang abala ang Production Manager sa pagtingin sa mga papeles sa opisina nito.
Nilapitan niya ang opisyal.
Sa pagkakataong ito, hindi bilang gwardya kundi bilang totoong trabaho niya.
"Mr. Valdez."
Nilingon siya ng lalake at agad lumiwanag ang mukha nito.
"Ikaw pala Gian, napadalaw ka? Pinapunta ka ba rito ni Ms. Ellah?"
"Hindi, pagkatapos niyan pwede ba tayong mag-usap?"
Kumunot ang noo ng lalaki.
"Tungkol saan? Upo ka muna."
Umiling siya at nanatiling nakatayo.
"Tungkol sa produkto ninyo."
Kumunot ang noo nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung bibigyan mo ako ng pagkakataong kausapin ka ay ipapaliwanag ko."
Bagama't naguguluhan ay alam niyang papayag ang opisyal.
"Sandali na lang ito."
"Huwag mong hayaang masayang ang ginagawa mong kabutihan sir, huwag mong hayaang magagawa lang ng iba na tapakan ang iyong posisyon dahil lang sa mas makapangyarihan sila.
Tandaan ninyo, kayo ang inaasahan ni Ms. Ellah higit kanino man.
At nakikinig ang inyong amo sa lahat ng inyong hinaing. "
"Tama ka, nagpapasalamat talaga kami na mabait ang amo natin.
At dahil sa tulong mo nakuha namin ang supplier, at sa mababang presyo pa."
"Gusto ko lang ho na makatulong sa kumpanya gaya ninyo. Pero mas may magagawa pa tayo kapag pumayag kayo sa sasabihin ko."
"Ano 'yon?"
Huminga ng malalim ang binata.
"Kayo na rin ang nagsabi nagawa kong pababain ang presyo ng produkto.
Ngayon, gagawa tayo ng paraan para maputol ang kasamaan ng mga mas makapangyarihan."
"Sana Gian, kung may magagawa lang ako."
Tumiim ang tingin niya sa opisyal.
"Sir, may magagawa tayo, kung magtitiwala lang kayo."
Sa pagkakataong ito hinarap na siya ng kausap.
"Bakit mo nasasabi 'yan? Sino ka ba bukod sa pagiging gwardya ni Ms. Ellah?"
"Malalaman niyo kapag pumayag kayo sa plano ko."
"May tiwala ako sa' yo Gian dahil sa nagawa mo pero ngayon hindi kaya mapapahamak kami niyan?"
Umiling ang binata.
"Kung sakali, hindi ka ba handang magsakripisyo para sa kumpanya?
Sa laki ng naitulong mo sa pag-unlad ng negosyo sa tindi ng paghihirap mo, minsan hindi ka na umuuwi matapos lang ang trabaho.
Nagkakasakit ka na pero inuuna mo pa rin ang kumpanya.
At kahit iniisip ng iba na nagpapabango ka lang ng iyong pangalan hindi mo ininda 'yon at patuloy pa rin sa paggawa ng kabutihan, kaya walang duda na magagawa mo ang magsakripisyo sir."
Kumunot ang noo nito na may bahid pagtataka.
" Sandali lang, paano mo nalaman ang tungkol diyan? "
"Kapag papayag ka, sasabihin ko kung paano ko nalaman.
Isa sa magiging epekto nito,
ikaw ang magiging dahilan para kilalanin ng mas makapangyarihan ang inyong mababang posisyon."
"Paano ako makakatulong?"
"Sasabihin ko mamaya kapag natapos na kayo sa inyong ginagawa sir."
"Sige, malapit na ito, pag-uusapan natin 'yan."
Ngumiti si Gian pagtalikod niya.
Kasunod niyang pinuntahan ay ang supervisor na may kausap sa cellphone.
Sa harapan nito ay nakahilera ang sampung trak na nilalagyan ng produkto ng mga tauhan.
"Papatapos na ito, mamayang hapon makakapagdeliver na tayo sampung trak ulit.
Ano? Ikaw ang Marketing Manager responsibilidad mo 'yan! Kami rito taga handa lang! Alas singko tapos na ito!"
Tiningnan ni Gian ang suot na relo.
Alas tres ng hapon dalawang oras na lang.
Binalingan ng supervisor ang mga tauhang nagkakarga ng sako-sakong carbon.
"Kumpleto na ba ang walong trak?"
"Malapit na sir!"
"May dalawang trak pa tayo bilisan ninyo!"
"Opo!"
Muli nitong binalingan ang hawak na papel.
Nilapitan niya ang supervisor.
"Mukhang pagod ka na sir."
Lumingon ang lalaki sa gawi niya.
"O Gian, anong ginagawa mo rito?"
Tumingin siya sa mga trak na punong-puno ng produkto.
"Sigurado ka bang hindi 'yan papalpak?"
Sumama ang itsura nito.
"Ano?"
"Kahit anong paghihirap ninyong gumawa ng kabutihan kung hindi niyo kayang pigilan ang gumagawa ng masama ay madadamay pa rin kayo."
"Gumagawa ng masama? Anong ibig mong sabihin?"
Nilingon niya ang kausap.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang mga masasamang nangyayari hindi ba? Marahil wala kang alam dahil nasa mababang posisyon ka lang."
Inaasahan niya ang magiging reaksyon nito.
Alam niyang hindi ito magpapakababa sa sarili dahil mababa ang tingin nito sa kanya.
Napansin niya ang pagdilim ng anyo ng lalaki at bumadha ang galit dito.
"Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan gayong gwardya ka lang naman!" dinuro siya nito.
Hindi ininda ng binata ang narinig.
"Mababa pa rin ang posisyon mo kumpara sa iba."
"Ano! Mababang posisyon? Oo mababa pero sa akin nakasalalay ang produkto! Sa akin dadaan ang lahat!" Binalingan nito ang mga tauhan at pinagduduro.
"Hoy kayo diyan! Tapos na ba 'yan?"
"Opo sir!"
Tumahimik na ito kaya muli siyang nagsalita.
"Sa'yo nga dadaan, pero wala ka namang magagawa pagkatapos dumaan sa'yo."
"Ano!"
Tumalim ang tingin nito at hinarap siya.
"Sino ka ba ha? Gwardya ka lang ng amo namin! Kahit may relasyon kayo wala kang karapatang mangialam!"
Yumuko siya at kalmadong nagsalita.
"Bakit hindi mo masagot ang tanong Mr. Salazar?
May magagawa ka pa ba pagkatapos dumaan ng produkto sa'yo?"
"Anong pakialam mo ha?"
"Kung may magagawa ka madali sa'yo na sagutin ang tanong ko.
Ikaw ang nagpapakahirap sa trabaho habang wala ka namang magagawa kapag may nangyaring masama."
"Anong wala! Ako ang magdedesisyon pagdating sa produkto!" singhal nito.
Hinarap niya ito na kalmado pa rin.
"Kung gano'n bakit na reject kayo?"
Tumahimik ito at naghagilap ng sasabihin.
"Kasalanan 'yon ng iba hindi akin!"
"Wala ka pa ring nagawa.
Kung may magagawa ka bakit hindi mo napigilan ang paggawa nila ng masama?
Dumaan sa'yo ang produkto at ginawa mo ang lahat para sa kabutihan ng kumpanya pero, wala ka ng kontrol 'pag dumaan na sa'yo."
Umiiling ito at nararamdaman na niyang napunto niya ang kahinaan ng kausap.
" Umalis ka na hindi ka nakakatulong."
Pagkakataon na niya upang bumawi.
"Alam mo bang hinahangaan ko ang kabutihan mo Mr. Salazar?"
"Ano?" Kumunot ang noo nito. "Kanina nilalait mo ako ngayon sasabihin mo 'yan! "
"Hinahangaan kita dahil kahit mababa ang posisyon mo malaki ang iyong katungkulan.
Malaki ang naitutulong mo sa pag - unlad ng kumpanya.
Kung hindi dahil sa pagsisikap mong makakuha ng matinong produkto ay walang kikitain ang kumpanya ninyo.
Mr. Salazar, siguro hindi nakikita ng iba na sa'yo nakasalalay ang buhay ng negosyo, ginagawa mo ang lahat mapapabuti lang ito at dahil doon hinahangaan kita.
Gano'n pa man limitado ang iyong kakayahan."
Yumuko ang kausap.
Alam niyang na korner na niya ito.
"Tama, limitado lang pero masaya ako sa trabaho ko dahil marangal ito."
"Mr. Salazar, ayaw mo bang isa ka sa makatulong sa pag-ayos ng pagtakbo ng kumpanya?"
"Ano?"
"Kapag ginawa mo 'yon hindi na matatapakan ang iyong katungkulan. Titingalian ka ng mas mataas pa ang posisyon sa' yo kahit pa, nasa mababang posisyon ka lang."
"Malabo 'yan, ang nasa mababang posisyon ay susunod lang sa mas nakakataas."
"Huwag mong limitahan ang kakayahan mo dahil lang sa taga sunod ka.
Alam mong ikaw ay gumagawa ng tama. Ikaw na rin ang nagsabi sa' yo nakasalalay ang produkto bakit hindi mo 'yon kayang ipakita sa iba? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susunod tayo sa opisyal dahil lang sa mas mataas sila.
Gamitin mo ang iyong karapatan sa mabuting paraan."
Muli itong tumingin sa kanya sa pagkakataong ito alam niyang nakuha na niya ang atensyon nito .
"Paano?"
Lihim na napangiti si Gian.
Sinadya niyang sa ganoong paraan kausapin ang supervisor dahil alam niya ang kahinaan nito.
Matapang ito sa mababa lang dito, pero takot sa makapangyarihan dahil iniisip nito ang mababang katungkulan.
Ginipit niya lang ito para ipagmalaki ang posisyon nang sa gano'n makukuha niya ang kalooban nito.
Ngayong nakuha na niya ang tiwala ng dalawa mas makakagawa na siya ng paraan para matulungan ang dalaga.
Alam niyang hindi niya ito misyon gano'n pa man nakahanda siyang ilantad ang totoong trabaho para lang maprotektahan ang amo.