Episode 18 The Purpose

1863 Words
Wala sa mood si don Jaime at alam agad 'yon ng dalaga. "Ellah, mag-usap nga tayo. " Kinabahan siya, kapag ganito na ang tono ng kanyang lolo tiyak na merong problema. "Bakit po lolo?" "Sabihin mo ang totoong nangyari kung bakit nasa hospital ka. " Napalunok ang dalaga. "Huwag kang magsinungaling kagaya ng mga bodyguards mo!" "A-ang totoo po lolo..." Hindi niya masabi-sabi ang kasunod. "Tell it straight!" "Gian abducted me. " Napamulagat ang mga mata ni don Jaime. "Punyeta! Sinasabi ko na nga ba wala talagang gagawing matino ang hayop na 'yon!" dumagundong sa buong mansyon ang tinig ng don. " I just realize paano kung totoo pong kidnapper ang kumuha sa akin lolo? Naisip kong hindi pala ako kayang ipagtanggol ng tatlong robot na 'yon." "Hindi sila ang pinag-uusapan natin dito kundi ang hayop na 'yon!" "That's my point lolo, naisip kong ibalik si Gian para maging bodyguard ko" "Ano?! Nahihibang ka na ba! Sinubukan ka na ngang dukutin, pagkakatiwalaan mo pa siya uli!" "Isipin niyo po, kung sakaling nakidnap talaga ako, hindi niyo ba papalitan ang tatlong 'yon? Lolo, nasubukan na po sila, at hindi nila ako na protektahan. " "Kahit na! Kukuha ako ng iba! Pagkatapos niyang umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo at inuto ako, kukunin natin siya uli? Nasaan ba ang utak mo!" Napayuko ang dalaga. "Alin po ba ang mas mahalaga sa inyo? Ang pride niyo ba? o ako?" Napatingin ang don sa kanya pero hindi nakapagsalita. "Kung ang inyong pride ang mahalaga, fine! Titiisin ko ang tatlong robot na 'yon. Pero huwag kayong magsisisi kung sakaling may totoong dudukot sa akin. " Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang matanda. "Pag-iisipan ko ang sinabi mo. " Lihim siyang napangiti. "May itatanong lang po ako, sino ang nagsabi sa inyo?" "Mahalaga pa ba 'yon?" "Ofcourse lolo!" "Tatanggalin mo ba siya? Dahil nagsasabi siya ng totoo?" "Hindi po lolo, gusto ko siyang pasalamatan." Napalingon ang don sa kanya. "Malaki ang pasasalamat ko dahil may nagsabi sa inyo ng totoo, natakot po kasi ako, pero bilib ako sa kanya dahil matapang siya. " Huminga ito ng malalim. "Tauhan siya ng marketing manager. Pero si Javier mismo ang nagsabi sa akin. " "Paanong nalaman niya lolo?" "Dahil pang-apat siya sa nakulong sa bodega!" Napanganga ang dalaga. "Kung gusto mo pa ng paliwanag itanong mo sa magaling mong bodyguard!" anito sabay alis. Dumeretso siya sa kwarto at nagbihis ng pampaligo. "Ang walang hiya! Hindi sinabing apat pala ang ipinakulong niya!" Idinayal niya ang numero ng binata. Saglit lang agad nang may sumagot sa kabilang linya. "Mr. Villareal! Bakit hindi mo sinabi ang totoo na apat pala ang nasa bodega! I can't believe you're such a stupid jerk!" "Hoy Ms.! Be careful of your language! Akala mo kung sino ka ah?" Kinabahan ang dalaga. "Who's this? " "Gian's girlfriend!" Parang biglang binuhusan ng tubig ang dalaga. "Are you still there?" Nakikinig na lang siya. "Put it down!" boses ng lalaki ang kanyang naulinigan. Pinakinggan niyang mabuti ang usapan. "Hey Gian, you're here!" "I said put it down! Bakit mo pinakialaman ang phone ko?" "Oh, sorry, I'm very much curious. I saw the picture in your contact, a girl beside you sleeping peacefully. Isa ba siya sa mga babae mo?" Ang walang hiya! "Damn it Hailey! Get out!" "Fine, pero ang pinaka ipinagtataka ko, boss ang nakapangalan sa contact mo. Are you f*****g your boss?" "Go to hell lady!" galit na galit na sigaw nito. Ini off niya ang tawag. Napakabulgar magsalita ng babae. Tapos nobya ng gago na 'yon? Gago pala talaga siya eh! Nagpupuyos ang kalooban na nagpunta siya sa pool. Saglit lang ito na ang tumatawag. "Go to hell Gian!" galit na sigaw niya kahit hindi sinagot ang tawag nito. Pero hindi na talaga ito tumigil sa katatawag. Inis na sinagot niya. "What is it Mr. Villareal!" "I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Ah s**t! may iba kasing sumagot." "Is it true?" "Ang alin?" "That b***h is your girlfriend?" "Ofcourse not! Hindi ko..." "Totoo bang picture ko PICTURE nating dalawa ang nasa screen ng phone mo?" "O-oo pero..." "Bullshit Gian! Anong picture 'yan?  Pinahiya mo ako!" galit na galit na sigaw ng dalaga. "Damn! Nasaan ka ba? Pupuntahan kita diyan!" "No!" "Listen, hindi tayo nagkakaintindihan, wala akong intensyon na ipahiya ka o anu pa man. Ginawa ko 'yon para lagi ko 'yong nakikita kapag..." "s**t! Ano pa man ang sasabihin mo, napahiya ako!" "Ellah please, mag-usap tayo. " "No!" "Pupunta ako sa mansyon kapag hindi mo ako kinausap. Alam mong hindi ako nagbibiro. " "s**t ka! Sabihin mo ang gusto mong sabihin!" galit na sigaw na naman niya. "I love you. " "f**k!" bwelta niya. "I'm still in love with you. " "Bullshit!" "Mahal kita. " "Ginagago mo ba talaga ako ha!" Halos sumabog na siya at balak na niyang ibato ang hawak na cellphone. "Kung wala kang matinong sasabihin pwes ako meron!" sigaw na naman niya. "Ano 'yon?" "Apat pala ang ikinulong mo sa bodega at ngayon nagsumbong ang pang-apat kaya nalaman ni lolo. Ngayon, ako ang naiipit sa ginawa mo! Natitiyak ko na bukas ako ang bukam-bibig ng lahat ng empleyado, kundi ka ba naman tanga! Sana sinabi mong apat sila!" "I-I'm sorry. " "Sa tuwing magkakasala ka, laging 'yan na lang ang naririnig ko. Wala ka na bang gagawing matino ha!" "I have an idea. " "At ano 'yon?" "Kunin mo ako uli. " "What do you mean?" "Bilang bodyguard mo. " "That's absurd!" "That's the best option. " "Maybe, kanina, pero pagkatapos ng nalaman ko nagbago ang isip ko!" "Okay, nagbago ang isip mo pero, makakaya mo bang mag-isa ang panghuhusga nila? Let me give an example. May dinukot bang natuwa at nagpasalamat? Ikaw lang 'yon. Second, may nadukot bang lumalabas na connivance ng abductor? Ang mga bodyguards mo hindi mo hinayaang makapagsumbong sa iba. Third, ikaw ang biktima pero sa halip na matakot ka, pinagtakpan mo ang taong dumukot sa'yo." "s**t!" "Kung kaya mong harapin ang mga issue na 'yan then hindi kita pipilitin." Napabuga siya ng hangin. "Fine! Pag-iisipan ko. " "Bilisan mo, I'll give you ten seconds. " "b***h Gian! Akala mo may time bomb kung mag-utos ka!" Natawa ito sa kabilang linya. Naiinis talaga siya kapag ito na ang kausap niya! Hindi lang siya basta na pe-pressure. Naaalog ang utak niya! --- Napakasaya ng binata. Dahil muli nga naman siyang nakabalik sa piling ng dalaga. Bilang bodyguard nga lang nito. Naalala niya ang pinag-usapan nila ng kanyang head. "Villareal, gusto kang ibalik ni don Jaime bilang bodyguard uli ng apo niya. Tinatanggap mo ba?" Hindi siya nagpahalata pero parang gusto niyang sabihing I do! "Bakit daw po sir?" kunwaring tanong niya. "Hiniling daw ng apo." Huminga siya ng malalim. "Okay sir, tinatanggap ko. " Napatayo ang head. "Villareal, akala ko ba may iniinda ka? Malusog ka na yata ngayon?" "Sir, hindi naman po masyadong mahirap at delikado ang trabaho. " "Alam ko, kaya lang, gusto mo bang maging bodyguard na lang?" "I'm sorry sir, pero hanggat may masakit sa likuran ko, hindi po muna ako tatanggap ng mabigat na assignment. " Napabuntong-hininga ang head. "Mukhang kailangan ko ng bigyan ng break ang alalay mo. " Namilog ang kanyang mga mata. "That's great sir!" Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. "Kakaiba ka Villareal!" "Sir, natutuwa lang ho ako, pasensiya na. " "Ikaw na nga ang papalitan, natutuwa ka pa, " naiiling ang head nila. "I-I'm sorry sir. " "But it's just temporary, pag galing mo ikaw na ulit ang team leader." "Thank you sir. " "So hindi mo ba tatanggihan si Mr. Lopez?" "Kaya po ba natin siyang tanggihan?" ibinalik niya ang tanong. "Fine, bumalik ka na uli doon. " " Thank you sir! " " Malaki ang utang na loob ko sa don na 'yon dahil sa kanya buhay pa ang special asset ng kumpanya. At ikaw ang tinutukoy ko. " Naalala niya rin ang sinabi ni don Jaime. "Ingatan mong mabuti ang apo ko Villareal! Ikaw na kumidnap sa kanya noon, ikaw din ang magbabantay sa kanya ngayon. Kaya umaasa akong hindi mo ako bibiguin kagaya ng nagawa noong tatlo na hindi nila na protektahan ang apo ko. " " Salamat po sa pagtitiwala don Jaime. Humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko noon. " " Sa totoo lang tutol akong ikaw pa dahil sa ginawa mo. Pero pinili ka ng apo ko kaya magtitiwala pa rin ako sa'yo." "Patawarin niyo po sana ako sir. " "Wala na ' yon, ang importante ay ngayon. " "Makakaasa po kayong iingatan ko ang inyong nag-iisang apo don Jaime. " "You look so happy Mr. Villareal?" putol ng dalaga sa pag-iisip niya. "Oh, is it obvious?" "Very, much!" Huminga siya ng malalim. "Ikaw ba hindi?" "Alalahanin mo may atraso ka pa sa akin. " Bahagya siyang natawa. "Ang sarap pala sa pakiramdam 'yong makabalik sa piling mo. " "What!" napalingon ito. "Sa piling mo, bilang bodyguard, " paglilinaw niya. "Mr. Villareal, naalala mo pa ba ang usapan natin noon?" "Alin doon? 'yong nagpasalamat ka sa pagdukot ko sa'yo?" "Nananadya ka ba talaga?" "Hey, relax, you're so hot. " "Ano!" "Wala, " depensa niya. "Sinabi ko noon, na ibabalik natin ang dati. Kung saan ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. " "Naalala ko. " "Ngayon, gusto kong ngayon na 'yon mag-uumpisa. Ilagay mo ang sarili mo sa lugar kung saan ka nararapat." --- Bunaba ang dalaga na nang nakataas –noo at tikom ang bibig. Nakasunod sa kanya ang kanyang bodyguard tatlong hakbang ang distansya. "Good morning Ms. Ellah, " halos sabay na bati ng mga naroon. Hindi siya umimik. "Gian, you're back!" "Welcome back sir!" "Long time no see Gian!" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang mga empleyado. "Listen, everyone from now on, Mr. Villareal is my new bodyguard, again!"  tumalikod na siya at muling naglakad. "Wow! Ang galing naman!" "Pero sandali sayang 'yong trio boys 'di ba?" "Okay lang, atleast nakabalik ang poging si Gian!" Walang lingon-likod na dumeretso siya sa elevator. Sumunod ang binata. Pero nang bumukas 'yon napakaraming tao sa loob. Saglit siyang nag-isip. Kung sasabay ba siya o hindi muna? Pero ang una ang kanyang ginawa, sumunod ang binata. "Good morning Ms. Ellah, " Hindi siya umimik. "Good morning Gian. " Tumango lang ang binata. Sa totoo lang nagsiksikan na sila pero sumiksik pa rin ito sa likuran niya! Ang kumag bakit hindi na lang pumuwesto sa gilid? Hindi tuloy siya kumportable paano nga nasasagi niya ang braso nito at ang likod niya ay nakalapat sa dibdib nito! Tuloy gusto niyang magsisi kung bakit nakisiksik pa siya. Sarap lang sipain ng hinayupak! Pero kasi gusto niyang makita kung sino ang manghuhusga sa kanya. Gusto niya ring ipakita na hindi siya apektado. Nakarating sila ng second floor at lahat ng naroon ay lumabas. "Bye Ms. Ellah, Gian, " halos na sabay na wika ng mga ito. Pero nanatiling hindi siya umiimik. Ngayon silang dalawa na lang. Lumayo siya at pumunta sa harap. Pero nanatiling nasa gilid ang binata. Nakita niyang nakasandig pa ito habang nakayuko. Malapit na sila sa third floor nang biglang pinindot nito ang fifth floor. Nanlaki ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD