Episode 17 The Unintentional

1804 Words
Bumuntong-hininga ang binata. "Hindi ko 'yan maipapangako, pasensiya na." Hindi siya umimik. "Bakit hindi ka na naman kumain?" malumanay na nitong tanong. "Wala akong gana, " wika niya at humiga, inalalayan siya ng binata. "Bakit?" Siya naman ang hindi kumibo. "Nasasaktan ka ba?" Tahimik pa rin siya. "Bakit ka nasasaktan eh ikaw ang may gusto nito 'di ba?" "Hindi ko alam. " Naguguluhan na siya sa nangyayari. Ayaw niya itong makita pero nang makita niya ay ayaw na niyang mawala ito. "Sabihin mo nga, kaya mo ba ako iniiwasan dahil may gusto ka na sa akin?" "Bakit mo ako mahal Gian?" walang emosyong tanong ng dalaga. Hindi ito umimik at tumingin sa kawalan. "Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" Napatingin ito sa kanya. "Lahat sa'yo, ikaw na buo, buong pagkatao mo!" Natahimik ang dalaga. Niyakap siya ng binata. Pero hindi siya gumanti, hinayaan lang niyang yakapin siya nito. "Hindi tama ang ginawa mo, " kumalas siya sa yakap nito. Huminga ito ng malalim. "Tama ka. " Tumingin ito sa kawalan. "Kung ang ibigin ka ay isang krimen isa nga akong salarin." Napailing siya. Hindi siya makapaniwalang may magmamahal sa kanya ng ganito ka tindi. Pakiramdam niya tuloy mas malalim pa ang pagmamahal nito sa kanya kaysa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili. Oh God! Ito na ba ang lalaking para sa akin? Hindi ba ako nagkakamali lang? Paano ko ba masisiguro na totoo nga ang pag-ibig niya? Mahirap tantiyahin ang damdamin, dahil hindi ito gaya ng sakit madaling makita at alam agad ang pwedeng ipanlunas. Wala pa kasing doktor ng mga emosyon. Dahil kung meron pa, siya ang unang magpapakunsulta!  --- Nanlaki ang mga mata ng binata. Bigla siyang kinabahan. "Sandali lang, paano pag naabutan ng lolo mo na wala dito ang bodyguards mo?" "Oh s**t!" Napabangon ang dalaga at mabilis na kinuha ang cellphone. "Bert, pumunta kayo dito sa ospital ngayon na bago pa kayo maunahan ni lolo!" matigas na utos ng dalaga at sinabi ang kumpletong address na kinaroroonan nila. Ibinaba nito ang cellphone. Hiningi niya ang numero ng leader at kinausap ito. Lumabas siya sandali. "Sino 'to?" yamot na bungad nito. "Ako ang gumulpi sa inyo kanina, " sagot niya. "Aba't ikaw pala 'to gago!" Awtomatikong umahon ang galit niya. "Tarantado baka gusto mong magulpi ulit!" Hindi na ito nakaimik. Kaya sinabi na niya ang pakay. "Kaanu-ano ka ba ni Ms. Ellah? Nobyo ka ba niya?" Aba't tsismoso pa ito? "Hindi, kaibigan niya ako. " "Paano nagkaroon ng kaibigan si Ms. Ellah ng gaya mo?" Napatanga siya sa sinabi nito. Ilang sandali pa muli siyang bumalik sa loob. "Ano bang sinabi mo?" tanong ni Ellah pagpasok niya. "Ah 'yon ba wala pinabili ko lang ng pagkain." " Delikado ang ginawa mo kanina, paano kung nabaril ka ng mga bodyguards ko? " Lihim siyang napangiti. Ramdam niya ang pag-alala nito sa kanyang sitwasyon. " They can't do that, dahil magaling ako. " "s**t Gian! Huwag mong ipagmayabang sa akin ang ginawa mo dahil hindi ka na nag-iisip! Paano kung ikaw naman ang nakabaril sa kanila?" " I'm sorry, desperado lang ako na makita ka. " Huminga ng malalim ang dalaga. Tinitigan siya nito. "Pumangit ka na, humumpak ang pisngi mo at haggard ang itsura " Tinitigan niya rin ito. " Pumayat ka, namumutla pa. Pero maganda ka pa rin. " Yumuko ang dalaga at hindi na umimik pa. " I'm still in love with you, " pag-amin niya. Kung naiba lang siguro, malamang kinilig na. Pero hindi ganon' si Ellah. "Inaantok ako, " tanging sabi nito. Hinalikan niya ito sa noo. " Matulog ka lang, " aniya bago lumabas. Nagpahangin lang siya at nag-isip-isip. Pagbalik niya nadatnan niyang naroon na si Don Jaime at kausap ang ang dalaga. Kumatok siya ng tatlong beses kahit bukas ang pinto. Nakuha niya ang atensyon ng dalawa. "Magandang gabi ho don Jaime. " Binalingan siya ng matanda at hinablot ang kwelyo ng kanyang damit. "Maganda ba ang gabi?" mariin nitong tanong. Hindi siya umimik at yumuko. Binitiwan siya ni don Jaime. Nakahinga siya ng maluwag. "Galit ako sa ginawa mo sa apo ko!" Muli ay hindi siya kumibo mas mabuti ng manahimik para iwas gulo. "Paano kayo nagkita?" Saka pa lang niya iniangat ang mukha. Si Ellah ay hindi nakaimik. Ito na 'yong dahilan kaya siya nag-isip tiyak kasing magtatanong ito. "Nagkasalubong ho kami sa isang restaurant, " sinulyapan niya ang dalaga bago muling ibinalik ang tingin kay Don Jaime. "Tinangka ko ho siyang kausapin, pero bigla hong nahilo ang apo niyo kaya dinala ko dito, " mahabang salaysay niya. " Totoo ba 'yan? Hindi kaya gumagawa ka na naman ng kwento gaya ng ginawa mong pang-uuto sa akin?" Nagkatinginan sila ng dalaga. "T-totoo po ang sinabi niya lolo, " salo ni Ellah. "Nasaan na pala 'yong mga bodyguard mo?" Nagkatinginan sila ni Ellah. "Ah, namili ho ng pagkain sir, " sagot niya. Ilang sandali pa dumating ang tatlong gwardya. "Magandang gabi ho don Jaime. Ms. Ellah, " bati ni Bert. "Saan kayo galing?" "B-bumili ho ng pagkain sir, " sabay tingin sa kanya. Ito ang dahilan kaya kinausap niya ang leader ang bumili ng pagkain para pagdating ni Don Jaime may maidadahilan sila. Hindi nito mahalata na halos sabay lang ang pagdating ng mga ito. Inilapag ng lalaki ang hawak na basket. Ngayong nandito na ang tatlong gwardya kailangan na niyang umalis. " Don Jaime, pasensiya na ho at maraming salamat. Ms. Ellah, magpagaling kayo. Magpapaalam na po ako, " anang binata. "Makakaalis ka na," anang don. Nagtagpo ang mga tingin nila ng dalaga. Tipid silang ngumiti sa isa't-isa. Sinulyapan siya ni don Jaime. " Sir, goodnight ho, alis na ako. " " Kanina ka pa nagpapaalam" masungit na sagot ng don. Natawa siya, sabay pa simpleng ngiti sa dalaga. Napangiti naman ito. Nakalabas na siya nang humabol si Bert. "Sandali lang! Iiwan mo kami sa ere ng nangangapa ganon ba? Ang kapal din pala ng apog mo ano?" "Watch your words stupid bastard!" "Ano? Aalis ka para hindi madamay kapag sinabon kami ni don Jaime ganon ba! Eh ikaw ang may kasalanan nito eh!" Tumalim ang titig niya dito. "Kasalanan niyo dahil hindi niyo binantayang mabuti ang amo niyo!" "Huh! Ibang klase ka! Ikaw na nga ang kumidnap kami pa ang may kasalanan!" dinuro siya nito. "Paano kung totoo akong kidnapper? Ganon' lang ba ang kaya niyo? Sa palagay niyo ba maipagtatanggol niyo siya?" Itiniklop ni Bert ang hintuturo. Lumapit siya at idiniin ito sa pader ng hospital. "Sa susunod, maging alerto kayo, ipinagkatiwala ni don Jaime ang kanyang nag-iisang apo sa mga kamay niyo. Ipakita niyo namang dapat kayong mapagkatiwalaan. " "S-sino ka ba?" "Ako... ang pinalitan niyo!" Napalunok ang lalaki. Inayos niya ang kwelyo nito. "Bantayan niyo siyang mabuti. Dahil sa oras na mapahamak siya, uubusin ko pati kahuli-hulihang lahi mo!" Binitiwan niya ito at lumayo. "Ang yabang mo!" sigaw nito. "Alam ko! Huwag mo ng ipagsigawan, " sagot niya nang nakatalikod. Alam niyang nagngingitngit ang lalaki sa kanyang likuran. Ngayon gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa nalaman. May pag-asa siya, sa dalaga! --- Kagaya ng napag-usapan bumalik ang binata sa trabaho pagkatapos ng isang linggo. "Good morning sir!" sabay saludo sa head nila. "Villareal! Welcome back!" masayang bati ng kanyang head. Sumaludo din ito. Nag-usap sila tungkol sa trabaho. "Isang malaking sindikato ang sangkot dito kaya gusto kong ikaw ang humawak nito. Nasa folder na ito ang iba pang detalye sa human trafficking syndicate. " Ibinigay nito sa kanya at tinanggap niya, pero hindi binasa. "Sir, may sasabihin po sana ako. " "What is it?" Huminga siya ng malalim. "Ang totoo po sir, hindi sana muna ako tatanggap ng assignment. Para kasing hindi maganda ang nangyari sa akin sir." "What do you mean?" kumunot ang noo nito. Paano ba niya sasabihin? "Ah, ganito ho 'yon sir, sa previous job ko, nabugbog po ako, medyo masakit ang tama sa likuran ko. Hanggang ngayon, nag papa check-up pa rin ako sir." "Ganon ba? Humina ka na ba Villareal?" "Hindi naman sa gano' nsir, kaya lang hindi pa ako tuluyang nakaka recover. " Huminga ito ng malalim. "Okay, para sa kalusugan ng isang gaya mo. Hindi ko itataya ng walang kasiguruhan. Villareal you're a big asset in this company." Nakahinga siya ng maluwag. "Thank you sir. " Nakahinga siya ng maluwag at nagpaalam dito. Dumeretso siya sa kanyang opisina. Binati siya ng mga kasamahan. "Welcome back sir Gian!" "Good morning sir. " Tango at ngiti lang ang isinagot niya sa mga bumabati. Pumasok siya sa kanyang opisina. Ilang sandali pa pumasok din si Vince kahit hindi kumakatok. "Good morning sir!" sumaludo pa ito. "Good morning, " sinagot niya ang saludo nito. Umupo ito at sinabi niya ang dahilan ng pagtanggi sa trabaho. "So, paano tambay muna ang grupo?" "Hindi naman, pwede pa rin kayong magtrabaho kahit hindi ako kasali. " "Huwag na, mga simpleng trabaho lang muna ang gagawin ko. Ayokong magtrabaho ng wala ka. " Bahagya siyang natawa. "So, what's your plan?" Tiningnan niya ito derekta sa mata. "Pare, gusto kong bumalik sa mga Lopez. " "Hoooahhh!" nanlalaki na ang mga mata nito napatayo pa. "Joke ba 'yan?" "No, I'm serious. " "At bakit daw? Don't tell me dahil na naman sa pag-ibig?" Umiling siya. "I tried to abduct her. " Laglag sa upuan ang kaibigan! "What!" "Pare, nakuha ko siya eh. " Mas nanlaki ang mga mata nito. "I-ibig mong sabihin n-nakuha mo ang..." "Napakarumi talaga ng utak mo! Linisin mo nga 'yan!" bulyaw niya. Umupo ito uli. "Linawin mo kasi. " "Nagtagumpay ako, nadukot ko siya mula sa mga stupid bodyguards niya." "K-kailan 'yon nangyari?" "Kahapon" "Tang ina pare! Hindi ka ba kinasuhan!" Umiling siya. "Mahabang kwento, pero in the end, nagpasalamat si Ellah. " Umiling-iling ang kaibigan. "Nakuha ko na, iniisip mong bumalik para kung sakali man, hindi talaga siya makikidnap kung ikaw ang magbabantay tama ba ako?" "Exactly. " "Wow! As in wow! Bodyguard na lang pala ang role mo pare? Paano naman kami?" "Ikaw ang papalit sa akin, " derektang sagot niya. Napatanga ang kaibigan. "Vince pare, matagal na tayong magkasama pero palagi ka na lang pangalawa sa akin, gusto ko namang ikaw ang mangunguna. Gusto kong makita ang galing mo kapag ikaw na ang humawak sa grupo. " Umiling-iling ito. "Inaamin ko, gusto kong maging leader pero hindi sa paraang gusto mo. Ayaw kitang palitan, hindi ko 'yon magagawa." "Listen, kahit temporary lang, ako mismo ang mag sasabi sa head natin. For the mean time na hindi ako kasali sa grupo. " Hindi ito umimik. "Ano? Payag ka ba?" "Pansamantala lang hindi ba?" "Oo, pangako. " Huminga ito ng malalim. "Sige, tatanggapin ko. " "Good!" "Sa isang kundisyon. " "Ano 'yon?" Tumingin ito sa kanya. "Hayaan nating si boss mismo ang magsasabi sa akin. " "Okay, nakuha ko ang punto mo. Sige payag ako. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD