Episode 16 The Promise

2026 Words
Anim na araw ang makalipas. Isang araw na lang ang itatagal niya sa pagsisintemyento. At ang huling araw na 'yon ay ngayon! Ito ang desisyon niyang hindi na pinag- iisipan. Wala na siyang ibang pagkakataon kundi ngayon lang. Kapag pinalagpas pa niya, wala ng ibang tsansa! Huminga siya ng malalim. Nasa loob siya ng basement para mapag-aralan ang sitwasyon, agad siyang napansin ng tatlong lalaking naka palibot sa asul na kotse. Naglalakad siya habang nakayuko. Nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanya. Alam niyang naghihinala na sa kanyang mga kilos ang mga ito. May kinuha siya sa bulsa. "Men! Alert! " bulong ng isa pero sapat para marinig niya. Agad hinawakan ng tatlo ang kanilang mga baril. Lintek! Ayos pala itong ipinalit ni don Jaime sa akin. Pero hindi itinuloy ang pagbunot nang makitang cellphone ang hawak niya. Ngayon alam na niya kung sino ang leader. Dumaan siya sa gilid, di kalayuan sa mga ito. Pero nakasunod pa rin ang tingin ng tatlo. Naglakad siya ng walang lingon-likod. Malayo na siya pero alam niyang nakasunod pa rin ang tingin ng mga ito. Paano niya nalaman? Binuksan niya ang front camera ng cellphone at siyang ginawang salamin sa tatlong lalaki sa kanyang likuran. Sinadya niyang magpakita para may malaman pero hindi niya akalaing magaling palang kumilatis ng tao ang tatlong pangit na ito. Dere-deretso siyang lumabas. Mahirap pala ang mag suicide! Hindi siya pwedeng kumuha ng back-up dahil naka leave siya. At higit sa lahat siya ang aatake! Ayaw din niyang may iba pang madadamay sa suicidal attempt niya. Kung pwede lang sanang lumapit sa dalaga pag bumaba na ito. Ang kaso baka dulo ng baril ng mga pangit na gwardya ang sasalubong sa kanya! Naalala niya ang sinabi ni don Jaime. "Punyeta ka Gian! Hindi ka pala nagpaalam sa apo ko ng umalis ka! Ginagago mo ba ang apo ko? Simula ngayon hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya!" Kung pwede lang sanang lapitan ito na para bang wala siyang nagawang kasalanan ayos na sana. Tiyak niyang hindi siya kakausapin nito kahit magmakaawa pa siya. Hindi na rin siya pwedeng pumasok sa opisina. Kaya walang ibang paraan kundi ito lang! Kapag pumalpak pa siya rito, mahihiya na siyang magpakita sa dalaga. Kalahating oras ang kanyang pinalipas. Inalis lang niya ang tensyon sa mga ito. Muli siyang bumalik, pero ngayon hindi na siya dumaan sa harapan kundi sa likuran. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang baril sa magkabilang kamay. Pakubli-kubli siya sa sasakyang naroon. Malapit na siya nang biglang napalingon ang leader agad itong bumunot ng baril pero naunahan niyang tutukan. Sabay niyang tinutukan ang dalawa habang ang isa ay nakatalikod kagaya ng isa pa. "Not so fast " wika niya habang unti-unting humarap ang mga ito. Pinagpapalit-palit niya ang pag tutok sa tatlo. Lumingon ang leader at hinarap siya. " Walang kikilos " malamig niyang pagbabanta. Nakatingin ang lahat sa kanya. " Itapon niyo ang baril niyo!" Dahan-dahang kumilos ang mga ito. " Huwag kayong magkakamali, dahil magkakaubusan tayo dito!" Sinunod siya ng tatlo. " Itaas ang kamay!" Itinaas ng tatlo ang mga kamay. "Talikod! " Tumalikod ang tatlo. " Lakad!" Sumunod ang mga ito. Habang siya ay nasa likuran at nakatutok ang mga baril dito. "Sumunod lang kayo walang masamang mangyayari sa inyo " Nakita niyang bukas ang bodega. Kapa sinuswerte ka nga naman! Sa loob-loob ng binata. "Deretso sa bodega " Nang makarating na sila ay initsahan niya ng pantali at pantakip sa kamay at bibig ang dalawa. "Itali niyo ang mga sarili niyo, tatlong minuto ang ibibigay ko sa inyo. Ikaw! Itali mo siya ng mahigpit! At takpan ang bibig niya!" matigas niyang utos sa isa mga ito. Nagtinginan ang dalawa. " Hurry up!" singhal niya. Kumilos ang isa at itinali ang mga kamay ng kasama sa likuran at isinunod na tinakpan ang bibig ng kasamahan. Nang makita niyang tapos na ito. Inilipat niya ang pagtutok sa leader ng mga ito. "Ikaw! Itali mo siya at takpan ang bibig!" Hindi ito kumilos. Ibinaba niya ang isang kamay na may hawak na baril na nakatutok sa isa pa. "Do it! " Lumapit siya at tinutukan ito sa sintido. " NOW!" Mabilis kumilos ang leader. Saglit lang nakatali na ang dalawa. Ngayon isa na lang ang problema niya. Isinuksok niya sa likuran ang isang baril at isa na lang ang hawak niya. Mahigpit na hinawakan niya ng dalawang kamay ang baril at itinutok sa huli. "Akin na ang susi ng kotse. " Hindi ito umimik at hindi rin kumilos. Matigas talaga ang leader. Nilapitan niya ito at idinikit niya ang dulo ng baril sa noo ng lalaki. "Ibigay mo na!" ikinasa niya ang baril. Sinunod ang utos niya. "S-sino ka ba?" Hindi siya umimik at kinuha ang susi na ibinigay nito. Bahagya siyang lumayo. Pinindot niya at umilaw ang asul na kotse. "Ngayon, itali mo ang sarili mo!" utos niya at initsahan ito ng pantali. Hindi ito sumunod. "You have two options, one itali ang sarili mo or two, pasasabugin ko ang bao mo!" Idinikit niya ang dulo ng baril sa likuran ng ulo nito. Sinunod ng lalaki ang utos niya. "Bilisan mo!" Saglit lang tapos na ito. Siya na mismo ang nagtakip ng bibig nito. Pumuwesto siya sa likuran ng tatlo. Tiningnan niya ang orasan. Malapit ng mag-alas singko kaya hindi magtatagal lalabas na ang kanyang target. "Pasok! " Walang sumunod. Tinadyakan niya ang isa kaya natumba. " Mmmmpppp!"angal nito. Pumasok ang dalawa. Saka naman papalabas ang isang lalaki mula sa loob ng bodega. " Putcha! Gian! " nanlalaki ang mga mata nito. " Back off!" Itinaas nito ang mga kamay at bumalik sa loob. Agad niyang isinara ang pinto at kinandado nang nasa loob na ang apat. Kapag minamalas ka nga naman! Agad siyang pumasok sa loob ng kotse. Ilang sandali pa, nakita niyang naglalakad ang dalaga papunta sa sasakyan. Nang makarating ito sa kotse agad namang binuksan 'yon at umupo, pagkatapos ay sinulyapan siya. "Bakit mukha na naman ng lalaking 'yon ang nakikita ko? Hallucination na ba ito?" Naiiling ang dalaga at ikinabit ang seatbelt. Kumunot ang noo niya. "Bert, umuwi na tayo at nanlalata ako, teka nga nasaan na 'yong dalawa mong kasama?" Mabilis niyang pinaandar ang kotse at nagmaneho palabas ng basement. "Sandali nga, iiwan mo ba ang mga... " Muli siyang tiningnan ng dalaga. "s**t! Ano ba namang klaseng mata ito! Lagi na lang mukha niya ang nakikita ko! Kainis naman!" kinusot-kusot nito ang mga mata at muling humarap sa kanya. Muntik na siyang matawa sa ikinikilos ng dalaga. Nagsalita siya. "Kamusta ka na?" malamig niyang tanong. --- Napanganga si Ellah habang nanlalaki ang mga mata. "s**t! Gian! Ikaw ba 'yan? Ikaw ba talaga 'yan!" lumayo siya habang sumisigaw ng pagtatanong. "Pumayat ka, maputla pa, " malamig nitong tugon. "Ihinto mo ang kotse! Ngayon na!" "Sa palagay mo ba susundin kita?" Mabilis na hinalungkat niya ang bag at kinuha ang cellphone, hihingi siya ng tulong! Pero biglang inagaw ng binata ang hawak niya. "Akin na 'yan!" singhal niya. Hindi ito umimik, habang itinutok ang mga mata sa daan. Ipinikit niya ang mga mata. Anim na araw na tuwid na hindi sila nagkita pero ngayon, pumayat ang binata at naging halimaw sa tingin niya. Nakasumbrero kasi ito ng itim at naka leather jacket ng itim din kaya hindi niya nakilala. "A-anong ginagawa mo dito?" "Dinadalaw ka" Humagkis ang tingin niya dito. "Umalis ka ng hindi nagpapaalam tapos bigla kang babalik na parang walang nangyari?" Muli hindi umimik ang binata. "Ano pa ba ang kailangan mo?" Huminga ito ng malalim. "Sabihin mo, bakit mo ako iniiwasan?" "Huh! Late naman yata masyado ang tanong mo? Ikaw nga biglang nang-iwan!" Hindi umimik ang binata. Nang bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding sakit. "Ahhhhh...shit!" sapo niya ang tiyan. "Bakit?" "M-masakit ang tiyan ko. " "Damn it! Hindi ka na naman ba kumain!" tumaas ang boses nito. Tinitigan niya ito ng matalim. "Ano bang pakialam mo? Wala naman hindi ba? Umalis ka nga ng hindi nagpapaalam tapos ngayon heto ka at magtatanong? Baka naman naligaw ka lang!" Nagtagis ang bagang ng binata. "Ahhhh... s**t talaga!" sigaw na niya. Napasandal ang dalaga sa headrest. Inihinto nito ang kotse. Tumabi si Gian, ayaw man niya pero wala siyang lakas para pigilan ito. "f**k! Namumutla ka na! Dadalhin kita sa hospital!" "NO!" mariing tutol niya. Napahigit ng malalim na paghinga ang binata. "Magpapakamatay ka ba ha Ellah!" Kinabig nito ang kanyang ulo at isinandal sa dibdib nito. "Don't worry I'm here, I'll protect you. Promise, hindi kita pababayaan!" bulong nito at hinalik-halikan ang gilid ng ulo niya. "Hindi ka na dapat nagpakita pa, kinakalimutan na kita, " nanghihinang wika ng dalaga. "Kung talagang umiiwas ka at kinakalimutan mo lahat ng pinagsamahan natin, huwag mo namang parusahan ang sarili mo. Hayaan mong ako na lang. Tutal sanay na akong masaktan." Niyakap siya ng binata ng isang braso nito. "I'm sorry, " nakapikit na wika niya. "Bakit ka humihingi ng tawad ito ang gusto mo 'di ba?" Wala na itong nakuhang sagot mula sa kanya dahil nagdilim ang kanyang paningin. --- Nagising ang dalaga, at unti-unti niyang inilibot ang paningin. Puro puti ang nakikita niya at may nakayuko sa kanyang tabi na isang lalaki sa tingin niya natutulog ito. Naalala niyang nagkita sila ni Gian kaya ito nandito ngayon. Talaga palang dinala siya nito sa ospital. Iniangat niya ang isang kamay para haplusin ang buhok ng binata nang may nakita siyang nakakabit na dextrose sa kanyang kamay! "s**t!" naimura niya. Nagising si Gian. "Gising ka na? Kamusta? Okay ka na ba?" Hinawakan nito ng mahigpit ang isang kamay niya. "Dinala mo talaga ako rito? Ayoko ng tinutusukan ng karayom lalo na pag may dextrose!" singhal niya sa binata. "I'm sorry pero ito lang ang alam kong paraan." Muli siyang nahiga, frustrated ang dalaga. "Si lolo, kailangan ko siyang matawagan. " "Parating na siya. " Huminga siya ng malalim. "Tatawagin ko ang doktor." Hindi siya umimik. Lumabas ang binata. Maya-maya ay may kasama na itong doktor. "Sa labas lang ako, " paalam nito. Kinausap siya ng doktor pero ang tanging naintindihan niya ay muntik na siyang magkaroon ng peptic ulcer. Ito na pala ang resulta ng kanyang pagpapabaya. Naiiyak siya. Pumasok si Gian, pinahid niya ang mga luha at tumalikod. "Anong sabi ng doktor?" "Saan ka galing?" "Diyan lang sa labas, gusto mo ng kumain?" May dala itong pagkain na naka pack. Umiling siya. Inilapag ni Gian ang dala sa lamesita. Hinawakan nito ang kamay niya, pero pinalis niya. "Anong ginawa mo sa mga bodyguard ko?" "Wala, iniwan ko lang sa basement ninyo." Tiningnan niya ito. "Sa palagay mo ba, matutuwa si lolo kapag nalaman ang ginawa mo sa kanila?" Huminga ito ng malalim at tinitigan siya. "I don't give a damn! Ang mahalaga nadala kita dito. Dahil ang mga tanga mong gwardya walang alam sa nangyayari sa'yo!" Hindi siya umimik. Bumangon siya at umupo sa kama. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang tabi. Saka mabilis na tinawagan ang head security. Sinabihan niya itong huwag ng ipaalam sa kanyang lolo ang nangyari. Noon una ay hindi ito makapaniwala pero naipaliwanag niya rin ng malinaw. Matapos makipag-usap ay napag-alaman niyang kinulong sa bodega ang mga ito. Ibinaba niya ang cellphone matapos ang usapan. "O tapos na ang problema mo, siguro naman quits na tayo. " Napatanga ang binata. "Salamat, buti hindi pa nakapagsumbong sa lolo mo. " "Wala na akong utang na loob kaya makakaalis ka na, " malamig na wika ng dalaga. Napaupo ito sa tabi niya. "Don't do this. " Hinawakan ni Gian ang kamay niya. "Please" dugtong nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi maikakaila ang nagsusumamong tingin nito. Huminga siya ng malalim at iniwas ng dalaga ang tingin. "Galit ako sa'yo, kinasusuklaman kita! Iniwan mo ako nang hindi ka man lang nagpapaalam. Sinabi ko na noon pa, ayoko ng biglaan ang pagkawala mo, pero sinadya mo talagang gawin!" "I'm sorry, pero kung magpapaalam pa ako sa'yo baka hindi ko na magawang iwan ka. Ginawa ko lang ang bagay na gusto mong mangyari." Hindi ito kumibo. "Hindi na kita kayang iwasan pa, kaya kung pwede lang ikaw na lang ang umiwas, nakikiusap ako Gian, ikaw na lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD